Download the book for free
Chapter 9
Author: MargaretzzzzSecretly
Nagising nalang ako ng may gumalaw sa kama, agad ko namang nakita si Jay na nakangiti sakin na nakaupo sa dulo ng kama.
Ang gwapo niyang tignan ngayon with his messy hair and muscle tees.
"Good morning!" bati niya sakin.
"Morning!" bati ko at nag unat na ng katawan. Umupo na ako sa kama at inayos ang buhok ko.
"Hindi ka ba nilalamig? At naka muscle tees ka lang?" Tanong ko.
"Nope. Sanay na ako mas madalas ako dito kesa sa Manila," Sabi naman niya. Tumayo siya sa pagkakaupo niya at inabot ang kamay ko para hilahin paalis sa kama. Nagpatinaod naman ako.
"Lets go na ready na breakfast." sabay hawak niya pa din ang kamay ko ng may maalala ako. Bumitaw ako sa hawak niya at tumakbo pababa sa kusina. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko hindi ko na iyon pinansin at dumiretso na sa hapag.
Seafoods!
"Hey! Becareful!" I don't mind what he's saying. Umupo na agad ako sa upuan at kumuha ng isang tempura at sinubo ito. Kumuha pa uli ako at ng pangatlo ko ng kuha ng tempura ay inagaw na sakin ni Jay ang kinakain ko.
"Konti-konti lang," sabi niya at sinubo ang kinuha niya saking tempura. Umupo na din siya katabing upuan ko. Sa tabi ko talaga pwede namang sa harap ko o sa kabisera.
Puro shrimp ang handa ngayon sa hapag at kaunting mga sea shells at isang crab.
Binuksan ni Jay ang crab gamit ang maliit na pambukas para duon. Nilagyan niya ang plato ko ng konti lang. Nang magtama ang mata namin ay tinignan ko siya ng masama.
"What?" May itinatagong ngiti sakanyang labi.
Sinamangutan ko siya.
"Bakit ang konti lang?" Tanong ko.
"Mataas carbohydrates nito bahal masyado sayo." Paliwanag niya.
Tinuloy ko nalang ang pagkain ko buti nalang at may pineapple juice.
Natapos na kaming kumain at balak na naming umuwi sa Manila kaya umakyat na kami sa taas para mag ayos ng sarili.
May pasok kami ngayon kaso hindi na kami abot sa mga klase namin. Kaya parehas kaming absent ngayon. Hihingi nalang ako ng notes kay Tin Tin masipag naman 'yon pumasok kaya paniguradong hindi 'yon absent.
Sinuot ko 'yong Adidas na black dress ni ate dito para bagay naman sa CDG Converse na suot ko simula pa kahapon. Hanggang taas lang ng tuhod ko 'yung dress ay fit na fit sa katawan ko at lalong nakita ang pagiging fair skin ko dahil sa kulay. Buti nalang puro bago ang mga undergarments ni ate dito.
Nag bun ako ng buhok para lalong bumagay sa suot ko. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay kinuha ko na ang Kate Spade ba mini bagpack ko na madaming laman dahil sa mga gamit ko kahapon sa school. Lumabas na ako ng kwarto at napatingin ako sa pinto ni Jay na kakabukas lang din.
Amoy ko na agad ang pabango niyang umaalingasaw sa bango. Ang fresh niyang tignan. Hindi ako makapaniwala dahil parehas kaming naka Adidas ngayon. Nakasuot kasi siya ngayon ng t-hirt ng Adidas na may signiture lines sa mga balikat at may logo sa kaliwang dibdib. Nakashort lang siya at sa paa naman ay naka Lacoste slide lang siya.
Nginitian niya agad ako pagkakita niya sakin. Nginitian ko naman siya pabalik.
"Luh ginaya mo ako a," pang-aasar na naman niya sakin. Wala atang kasawaan 'to sa pang-aasar sakin. Lumapit siya sakin at inakbayan ako. Hindi naman mabigat sakto lang.
"Hoy hindi a," sabi ko sakanya.
Pababa na kami ng hagdan at tinanggal ko na ang pagkaka-akbay niya sakin dahil baka magdagasa kami sa hagdan.
May kinuha siya sa sofa.
Isang boquet ng sunflower. Humarap siya sakin ng nakangiti at hawak ng dalawa niyang kamay ang boquet ng sunflower. Iniabot niya sakin ito at tinaggap ko naman.
"Para saan 'to?" Tanong ko sakanya kasi naninibago ako.
"I'm courting you," he said.
Gulat naman ako sa sinabi niya. May naisip ako para makapagkwento siya tungkol sa bagay na gusto ko. Lagot ka sakin ngayon akala mo makakaligtas ka.
"Pinayagan kita?" Mapang-asar na mukha ang pinakita ko sakanya. Tinaasan niya lang ako kilay.
"Hindi ko kailangan ng pagpayag mo. Basta liligawan kita," sabi niya at hinatak na niya ang isa kong kamay palabas ng bahay.
"Kapal mo din e noh? Hindi mo pa nga kinukwento kung pano ka umamin sa pamilya ko," sabi ko habang papasok na sa sasakyan niya. Pinagbukasan niya ako pinto at kinuha ang bag ko para ilagay sa likod.
"Oh? 'Yon lang pala gusto mo eh. I will tell you the whole story when we're already in Manila. For now just seat and relax while we're on our way okay?" He said. Sinarado na niya ang pinto ko at umikot na siya para makasakay na sa driver seat.
Napatango nalang ako sa sinabi niya.
Habang pauwi ng Manila ay tahimik lang kaming dalawa may paminsan-minsan akong tanong sakanya tungkol sa mga kunganu-ano lang ang maisipan ko. Katulad ng mga lugar tinanong ko kung ano ang mas malapit sa bahay nila kung ang Enchanted Kingdom ba o ang Sky Ranch at ang sagot niya ay parehas lang kasi wala naman daw masyadong traffic depende nalang daw kung weekends. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa dalawa na 'yan Disneyland sa Hongkong at Universal sa Japan palang ang napupuntahan ko na mga amusement park. Hindi ko pa natatry dito sa Pilipinas.
"Sa rest house ka ba lagi nag babakasyon?" Tanong ko naman.
"Hmm... hindi lang bakasyon minsan pag weekends nandon ako. If I want to refreash my mind from everything I would rather go there instead of having a night out with friends. I want to be alone everytime I'm upset," he said. Napatango ako sa sinabi niya.
"Upset? What makes you upset?"
"Everything. My friends. My own problems." he calmly said. Even though he is facing the driveway I see in his eyes na nakakaranas siya pagiging ganun.
Hindi ko akalain na may ganun pala siyang tinatago. Hindi mo kasi agad makikita sa masayahing mukha niya na may pinagdadaanan siya. Ang perpekto ng pamilya niya hindi pala sa lahat ng bagay perpekto ang isang tao. May mga klase kasi ng tao na masaya sa labas ng bahay pero pagdating sa pamilya hindi siya makaramdam ng saya ng pagmamahal 'yong mas nafefeel mo pa sa mga kaibigan 'yong pagmamahal at saya na dapat naman sa pamilya mo nararmdaman. Ang iba naman ay masaya sa pamilya pero malas sa kaibigan. Ganun talaga ang buhay madaya wala na tayong magagawa diyan.
"Friends? Why?"
"I just realize not all my friends are true. And I realize that I don't need a friend to make me happy and talk about my problems the fact that I have my family that I can my secrets or problems."
I nodded. He's smart he thinks that not everyone is not there in your ups and downs. May pagkakaparehas kami ng konti pagdating sa pagkakaroon ng kaibigan. Ayoko ng pag may sasabihin ako na problema kahit alam mo ng mali ka ipagdudukdukan na mali ka nga talaga kahit na alam mo na 'yong mali mo hindi ka pa din tatantanan sa pagpapa-ala-ala. May case din na sabihan mo ng problema na dapat ay sainyo lang ay nasabi na sa iba. Ayoko ng ganun gusto ko samin lang hindi na lalabas samin. Si Tin Tin lang ang pinakamatagal ko ng kaibigan proven and tested na. Na gain na niya ang trust ko.
"You're right," I said
Napatigil kami sa stoplight kaya sumulyap siya sakin.
"What do you mean?" Tanong niya.
"Hindi kasi agad ako nagtitiwala sa mga tao. As of now pamilya at si Tin Tin lang ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa mga sekreto at problema," sabi ko naman.
Nag vibrate ang cellphone ko dahil sa notification sa IG. Agad ko naman 'yong binuksan at si Cess ang nag direct message sakin.
"Pwde din namang ako," sabi niya. Kunot noo ko naman siyang tinignan dahil hindi ko naintindihan ang sinasabi niya.
"Pwedeng ano?" Kuryoso kong tanong. Hindi ko na naman siya gets slow na kung slow 'yon talaga ako.
"Pwede mong mapagsabihan ng sekreto at problema mo it will be safe to me you have nothing to worry" he said.
"Yeah, I will kapag nagkaproblema ako hindi kita kakalimutan I will keep you updated." Hindi pa ako sigurado kung mapapagkatiwalaan ba siya wala namang masama mag try diba? At hindi na din siya iba sakin dahil kapatid siya ni kuya Jaycee na parang kuya ko na din.
Kanina pa pala nakabukas ang direct message sakin ni Cess at ngayon ko lang nakita.
@itsmeprincessCayetano
He's really for you
At may screen shot na post ni Jay. Nandon ako sa picture kagabi siguro 'to nakahiga na ako sa kama at yakap-yakap ko ang unan halatang tulog na tulog na ako dito.
May naka-caption na "Sweet dreams beautiful." he really loves taking pictures.
Kinulbit ko naman si Jay na nagdadrive
"Ano 'to ha pinasok mo pala ako kagabi!" alam kong mali ang ginamit kong word, aasarin ko lang naman ang isang 'to.
"What? Pinasok? Anong pinasaok 'yan ha wala akong ginagawa sayong pinasok na sinasabi mo!" Gulat siyang kaya napatingin siya sakin at sakto naman nakaharap na sakanya ang phone ko at hindi na siya nahirapan. Saglit lang niya 'yon tinignan dahil nga nagdadrive siya.
Kita ko naman ang pag ngiti niya. Kinikilig ata.
"You really love taking pictures of me huh?" Pangalawang beses na niya 'to. And the pictures have a good quality kaya naman gandang-ganda ako sa picture na kinukuha niya.
"This is your second time na pinicturan mo ko ng hindi ko alam at pinost mo pa talaga," sabi ko uli.
"Na-uhh not just second time." He said and glance at me again. What? "By the way where did you get that you didn't even follow me on Instagram."
Nginisian ko naman siya. So, alam pala niyang hindi ko siya follow sa Instagram niya actually lahat ng socila media platform hindi ko siya follow pero follow niya ako. Ayokong ifollow siya kasi nga naiinis ako sa mga pang-aasar niya.
"I have a source," pagmamalaki ko sakanya. "Let me see your gallery please." I want to see my pictures on his gallery kung madami nga ba talaga.
"No. Tell me first who's your source and I'll let you barrow my phone." Hmm, that a good deal.
"Its Princess Cayetano," kita ko naman na natigilan siya. "Don't worry I Know that she's your fling."
"Wait she's my ex fling" he explained.
"Yeah I'm sorry my wrong, So? I can barrow your phone?" Nakangiti kong sabi sakanya. Kinuha niya ang maliit Fila na body bag sa gilid niya at iniabot sakin.
"Kunin mo diyan my password is 042220." binuksan ko naman agad at kinuha na ang phone niya. Habang tinatype ko ang password niya ay napagtanto ko na birthday ko pala iyon. Binalingan ko naman siya at ngiting-ngiti ang luko.
"Pati ba naman password relate pa din sakin. Oh! Pati wallpaper ako pa din hindi ka ba nagsasawa na puro ako nalang lagi." Pagbukas ko ng phone niya mukha ko agad ang tumambad sakin.
"Nah, I will not,"
"Gusto ko na tuloy marinig 'yang kwento mo at crush na crush mo ko matagal na." binuksan ko na ang gallery niya. Tumambad agad sakin ang mga stolen at candid shots ko mostly ay sa school ang setting.
He has a iPhone 11 na white kaya maganda ang quality ng camera madaling mag focus para ngang gumamit ng camera talaga.
"Stalker pala kita eh!" pang aasar ko sakanya. "My long lost stalker!" asar ko pa. Ang cute niyang asarin kasi namumula na 'yonf tenga niya kinikilig ba siguro 'to.
"Shut up. I'm not your stalker I really just love taking pictures of you secretly." Naramdaman ko namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Ending Scene Epilogue
Epilogue Nakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok. Napayuko ako sa sakit. "Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag
Ending Scene Final Chapter
Final Chapter Pababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito. Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.
Ending Scene Chapter 35
Home Naiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok. Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?
Ending Scene Chapter 34
Endearment Kanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman. Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw. Lumayo kami sakani
Ending Scene Chapter 33
Answer He's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong. We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da
Ending Scene Chapter 32
Discount Nakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin. Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays. Binili
Ending Scene Chapter 29
Disappoined
Ending Scene Chapter 28
Mrs. Marquez
Ending Scene Chapter 27
Birthday
