Download the book for free
Chapter 2
Author: MargaretzzzzStare
"Ange!" sigaw sa pangalan ko sa labas ng aking kwarto.
"Ano?!" sigaw ko pabalik, alam kong si ate Shane lang ito ang nakakatanda kong kapatid.
Binuksan ko ang pintuan at tumambad sakin ang nakabusangot na mukha ng ate ko.
"Ano ba ate inaantok pa ako!" pagrereklamo ko sabay hikab.
"Wala kang pasok diba? Magbantay ka dun sa Clotting Shop ko. Aalis ako walang mag mamanage." mataray niyang sabi. Mag uutos na nga lang tatarayan pa ako.
"Eh di wag mong buksan," walang gana kong sabi. Kaya naman hinila ako ni ate papunta sa banyo.
"Magbabantay ka sa ayaw at sa gusto mo, kumilos ka na tanghali na!" sabi niya sabay hagis ng twalya at sinarado ang pinto ng banyo.
Hayst. Ang galing naman ng ate ko mag-utos. Lagi nalang ako ayaw mag hire ng madaming tauhan para sila yung uutusan.
Binilisan ko ng maligo dahil baka magalit na naman si ate. Masamang magalit si ate lalo na pag nagmanadali.
Pagakatapos kong maligo ay lumabas na ako ng banyo at nakita ko si ate na naghahanap ng damit sa closet ko.
"Ate, ako na pipili ng damit ko," sabi ko sabay kuha ng mga damit ko sa kamay niya.
"Mga luma na ‘yong damit mo kailangan mo na mag shopping," sabi niya, sus gusto niya lang ako bumili sa shop niya simula kasi nung nagbukas siya ng clotting shop ay hindi ako bumibili dun.
"May mga bagong labas na design you must try it." pagpapatuloy niya at hinahalwat pa din yung closet ko.
"Ate kung binibigyan mo ako edi matutuwa pa ako kesa yung pagbibili mo pa sakin yung mga tinda mong damit." pabiro kong sabi. Tinignan niya ako ng masama at sabay hampas sakin.
"Tse! Mag ayos ka na diyan at naghihintay na ata yung kasama mo magbantay sa shop," sabi niya
at sabay bigay sakin ng damit at nakita kong off shoulder at short 'yong inabot sakin. "'Yan ang suotin mo."
"Ano ate may kasama ako magbantay? Kaya ko naman mag isa may mga empleyado ka naman na tutulong sakin!" reklamo ko sakanya. Ayoko ng may kasama magbantay ayos na ako sa mga empleyado niya. Rinig ko ang naging buntong hininga ni ate.
"Bussiness student din yun kailangan niyang i-train katulad mo!" sabi ni ate.
"Babae naman siguro yan no?"
"Hindi, kapatid ni kuya Jaycee mo," sabi ni ate at lumabas na ng kwarto ko.
Kapatid ni Kuya Jaycee? Wala akong kilala na kapatid nun. Si kuya Jaycee kasi yung boyfriend ni ate, may lakad siguro sila. Babae naman siguro kapatid ni Kuya Jaycee 'no? Mas maganda pag babae para maging komportable agad ako. Para magkaroon uli ako ng bagong kaibigan.
Nagbihis na ako at sinuot ko nga 'yung damit na pinili ni ate. Naglagay ako ng kaunting make up hindi ako masyadong naglalagay ng make up pero nagyon magbabantay ako ng shop kailangan kong maging presentable. Wala akong choice eh. Bumaba na ako para makakain ng umagahan. Nakita ko si papa na mag isa kumakain. Binigyan ko ng mabilis na halik si papa sa pisnge niya.
"Good morning pa, asan po si mama at mag isa kayo kumakain?" tanong ko madalas kasi lagi silang sabay kumakain.
"Natutulog pa sa taas. Kumain ka na at magbabantay ka pa sa shop ng ate mo," sabi ni papa. Alam pala ni papa na ako magbabantay mg shop.
"Opo, alam niyo po pala ang tungkol doon?"
"Sinabi lang ng ate mo kagabi, sabi nga namin ng mama mo na kami nalang magbantay at baka may gawin ka ngayong araw, kaso sabi ng ate mo pumayag ka na daw na magbantay," paliwanag ni papa.
Tamo ngayon lang sinabi sakin ni ate! Dapat na sa kwarto lang ako ngayon kung sila mama at papa pinagbantay niya. Pag hindi ko na gustuhan 'yung kasama ko magbantay lagot siya sa akin.
Pagkatapos ko kumain ay dumiretso na ako sa shop ni ate dahil late na ata ako. Buti nalang may sarili na akong kotse kaya naging mabilis para sakin ang pag punta sa mall kung saan nandun ang shop ni ate.
Pagdating ko sa shop ay bukas na dahil andun na 'yung ibang niyang empleyado. Binati ako nung mga empleyado at nagsimula na ako mag supervise ng mga nangyayari sa loob ng shop. 'Yon lang naman gagawin ko dito, ewan ko ba kay ate kung ayaw niya ng walang mag supervise sa shop niya, kaya naman 'yon ng mga empleyado niya.
Dapat pag mag tatayo ka ng negosyo kailangan may pagkakatiwalaan ka na kahit isang tao.
Para pag minsan wala ka may mag aasikaso sa negosyo. Kabubukas palang kasi nitong shop ni ate kaya wala pa siyang pagkakatiwalaan na empleyado kaya sa ngayon ako muna pagbabantayin niya.
Naiintindihan ko naman kung bakit ako pinagbantay niya kaso hindi niya tinanong kung may gagawin ako sa araw na 'to. Charot lang.
Naupo muna ako sa may cashier. Wala pa naman masyadong nabili dahil kabubukas palang ng mall. Wala pa yung sinasabing kasama ko magbantay. Gusto ko ng makilala kung sino man 'yon. Kumuha nalang ako ng magazine para hindi ako masyadong ma bored.
"Good morning sir!" sabi nung isang empleyado, kaya napaangat ako ng tingin. Tumayo ako at nilapitan 'yong bagong pasok sa shop, dahil sa hindi inaasahang pagpunta niya dito.
"What are you doing here?" I asked quickly. I'm not expecting his pressence here. He probably buy a new clothes for his girls. FOR HIS GIRLS talaga alam ko namang madami 'yang kalandian.
He was staring at me. I don't know but the he stare at me, it was so different. It creeps me out.
"What are doing here too?" binalik niya lang din 'yong tanong ko sakanya.
"I'm in charge to take care of this shop for today. I answered your question, and now answer my question what are you doing here? Do you want new clothes for your girls?" walang pag aalinlangan kong sabi sakanya. Wala akong pake sakanya gusto ko lang talaga malaman kung bakit siyan andito. Baka matulungan ko pa siya sa mga bibilihin niya.
"Pinapunta ako ni kuya dito para magbantay ng shop pero andyan ka naman kaya mo na 'yan," sabi niya at mabilis na lumabas ng shop. WTF?
Habang nag-aasikaso ng mga costumer ay lutang ako dahil sa biglang presensya ni Jay.
Akala ko pa naman matino yung kasama ko mag bantay hindi pala. Napilitan lang siguro yung isang yun magbantay o kaya naman ay may lakad siya at naabala lang din siya ni kuya Jaycee.
Wala na akong pake basta ayos na ako dito na mag isa na magbantay basta hindi siya kasama baka mas lalong pumangit 'yong araw ko at baka hindi ko na makayanan at iwan siya dito.
Nung tanghalian ay tumawag si ate at tinanong kung dumating daw yung kasama ko. Sinabi ko dumating pero umalis. Sabi ni ate kung kaya ko daw mag isa. Syempre kaya ko, ako pa napakadali lang naman ng gagawin dito.
"Basta ako dito!" sabi ko sabay upo sa upuan. Dahil sa payat ako at medyo malaki yung monoblock meron pang space.
"Pwede naman tayong tabi," sabi niya at umupo at pinagsiksikan yung sarili niya sa space na natitira sa inuupuan ko. WTF?! Lakas na naman ng trip ng isang 'to.
"Ano ba! Bahala ka na nga diyan," sabi ko at tatayo na sana ako ng bigla niyang hilahin yung pulsuhan ko. Kaya napaupo uli ako sa pagkakataong ito sa hita na niya ako nakaupo.
"Hindi ka makakaalis hanggat hindi mo ako pinapakopya ng math," Sabi niya. WTF?! 'Yon lang pala may ganto pa siyaa lakas talaga ng trip. Walang tatalo sa JAY MARQUEZ na 'to.
"'Yon lang pala eh bitiwan mo na nga ako!" gigil na sabi ko. "Papakopyahin na kita bitawan mo muna ako!" sabi ko at binitawan na niya ako. Pagkabitaw niya ay tumakbo ako palabas ng library. Akala niya maiisihan niya ako. Mag-aral siya wag siyang aasa sa pangongopya.
Pumunta muna ako sa canteen para bumili ng tubig dahil hiningal ako sa pagtakbo ko. Tinignan ko 'yong relos ko at nakita kong 10 minutes nalang at simula na ng klase namin. Wala na tuloy akong na aral.
Pagkabili ko ay nag CR muna para hindi na ako lalabas pag nagkaklase na ang mga teacher.
Pagpsok ko ng CR may narinig ako na nag uusap ba dalawang babae.
"Alam mo ba kanina si Cess tinawag kanina ni Jay ng 'myloves' " Kinikilig na kwento nung babae. Sabi na nga ba hindi lang ako ang tinatawag niya ng myloves. Ugh! kinilig pa naman ako kanina.
Lahat naman ng mga gestures niya ay kinikilig ako hindi ko lang pinapahalata baka sabihin nag aassume ako na gusto din ako ni Jay pero minsan hindi ko na mapigilang mag assume dahil sa mga pinapakita niya.
Nasasaktan ako sa mga naririnig ko na may mga babae siyang nilalandi. Akala ko ako lang meron pa palang iba. Nawala sa isip ko na playboy nga pala ang aking iniibig.
Umalis na ako sa CR dahil hindi ko na kayang marinig ang sasabihin pa nila. Kahit na ganon lang ang sinabi no'ng babae nasaktan na agad ako ng sobra.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Ending Scene Epilogue
Epilogue Nakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok. Napayuko ako sa sakit. "Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag
Ending Scene Final Chapter
Final Chapter Pababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito. Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.
Ending Scene Chapter 35
Home Naiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok. Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?
Ending Scene Chapter 34
Endearment Kanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman. Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw. Lumayo kami sakani
Ending Scene Chapter 33
Answer He's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong. We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da
Ending Scene Chapter 32
Discount Nakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin. Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays. Binili
Ending Scene Chapter 31
Talk&n
Ending Scene Chapter 29
Disappoined
Ending Scene Chapter 28
Mrs. Marquez
