Download the book for free
Chapter 3
Author: MargaretzzzzRice
Buong araw ay nag-asikaso lang ako ng mga costumer. Hindi naman ako napagod ng sobra dahil meron naman akong katulong na empleyado.
Ala singko na. Nag text si ate kaninang mga alas tres sabi ay baka daw mga ala singko na sila makapunta dito pero wala parin sila.
Nagtipa ako ng mensahe kay ate.
Ako:
Ate nasaan na kayo? May mga research paper pa akong gagawin gusto ko na umuwi.
Pagkasend ko no'n ay may tumambad na katawan sa harapan ko.
Iniangat ko ang aking ulo para makita kung sino 'yon. Namuo na naman ang inis ng makita kung sino 'yon
"Wala pa ba sila?" tanong niya.
Nagkibit balikat at tinalikutan siya. Inayos ko 'yong mga gamit ko baka papunta narin sila dito. Nag-aayos ako ng biglang higitin ni Jay ang braso ko, kaya napaharap ako sakanya kunot noo ko siyang tinitigan.
"Ano ba?!" angil ko sakanya.
"Tinatanong kita kaya wag mo akong tatalikuran!" sigaw niya sakin. Ang late reaksyon naman ng isang 'to. Inirapan ko siya sa inis ko.
"Obvious ba na nandito na sila? Kung andito na sila sana wala na ako dito tsaka nagkibit balikat naman ako a!" sigaw kong pabalik. Pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na ako ng shop kahit wala pa sila ate hindi ko na kayang makita pagmumukha ng kupal na 'yon.
Dumiretso ako sa Mang Inasal para kumain miss ko na kumain sa mga fast food, wala kasing malapit na mall or fast food sa school namin kaya tiis-tiis sa mga tinda ng canteen kahit na nakakaumay na.
Pumila na ako buti nalang unti lang ang tao ngayon kaya mabilis ang service nila.
Kumakain na ako ng biglang may nagtext sakin.
Ate Shane:
Andito na kami sa shop bakit wala ka dito at si Jay lang?
Ako:
Nandito lang ako sa Mang Inasal ginugutom kasi ako.
Ate Shane:
Sige. Wag masyadong madami ang kaining kanin masama sayo 'yun.
'Yon lang ang reply niya at nagoatuloy na ako sa pagkain masarap talaga dito dahil unli rice kaso nga bawal sakin ang masyadong madami dahil baka bigla na naman tumaas ang sugar ko at mahilo ako. Bata palang ako sakitin na ako. Kahit na gano'n ay kaya ko namang pigilan ang sarili ko sa bawal. Ngayon na nga lang uli ako kakain ng madami.
Tapos na ako sa pangatlo kong kanin pero andami pa nung ulam sayang naman. Tinaas ko 'yong kaliwang kamay ko at nakita naman agad ko ni kuyang rice man, nang biglang may pumigil dito na lumapit sakin. Tinignan ko yung pumigil at nakita kong si Jay. Napairap nalang ako sa kainisan ko nandito na naman siya!
Lumapit siya sakin at umupo sa kaharap kong upuan.
Tinitigan ko siya ng masama. Tuwang tuwa pa ata siya dahil nakangiti siya.
"Bakit mo ginawa yun? Di pa ako tapos kumain oh andami pang chicken!" gigil na sabi ko at tinuro ko yung plato kong may laman pang chicken.
"Sa pagkakaalam ko bawal ka sa madaming rice dahil sa sakit mo." mahinahon niyang sabi.
"At kelan ka pa nagkaroon ng pake sakin aber?" pagtataray ko.
"Wala akong pake sayo pinapunta lang nila ako dito para tignan ka!" madiin niyang sabi.
"Sana hindi ka nalang pumunta dito para natapos ko ang pagkain ko!" gigil kong sabi. Tinaas ko uli yung kaliwa kong kamay para tawagin si kuyang rice man na nakalapit agad sa table namin at nilagyan agad ng kanin yung plato ko. Walang nagawa si Jay dahil masyadong mabilis ang pangyayari.
"Sabing bawal sayo yan ih!" gigil niyang sabi at kinuha yung plato ko at yung kutsara at tinidor ko na hindi ko nagamit dahil nagkamay ako para mas masarap.
Wala na akong nagawa dahil nakuha niya na at kinakain niya na! Wow ang galing naman ng isang ito sarap sapakin.
"Tss. Bahala ka diyan!" sabi ko at tumayo para maghugas ng kamay.
Pagtapos ko maghugas ay kinuha ko na yung bag ko sa upuan uuwi na ako para makapag-aral na.
Tinignan ako ni Jay ng masama. Promblema nito?
"Problema mo?" sakrastiko kong sabi at inirapan sila.
"Where are you going?" tanong niya.
"Uuwi na, pake mo?" pagtataray ko at lumabas na ng fast food, ramdam kong may nakasunod sakin hindi na ako tumingin sa likod ko baka si Jay lang yun.
Pagdating ko labas patawid na sana ako para makapunta sa pinagparkingan ko ng biglang may humigit sa bag ko na nasa kamay ko sa sobrang gulat ko hindi ko na nahabol 'yong magnanakaw. Sayang din 'yung laman nung bag ko, ayos lang at least walang nangyari saking masama.
Bubuksan ko na sana 'yong pinto ng sasakyan ko ng may humigit sa kamay ko pagharap ko sa taong humigit sa kamay ko ang sama-sama ng tingin niya sakin ng tignan ko 'yung kamay ko na hawak niya lalo niya itong hinigpitan. Ano na naman bang trip neto?
"What?" tanong ko sakanya pero hindi pa din nawawala yung titig niyang masama. "Ano bang problema mo?bitawan mo nga ako!" sabi ko sabay hatak sa kamay ko.
"Wala akong problema! Ikaw ang problema!" deretsong sagot niya sakin. Ang sakit naman magsalita ng isang 'to.
"Wow ha ako pala yung problema! Ano bang ginawa ko sayo? Hanep ka din e pakipaliwanag nga!" pinapakulo niya lang yung dugo ko. Hindi na masama yung tingin niya sakin galit na!
"Ang hirap kasi sayo ang kulit-kulit mo kanina kumain ka ng madaming kanin alam mo namang bawal yun sayo! Tapos ngayon hindi ka tumitingin sa paligid mo nakuhanan ka pa ng bag! Sa susunod nga mag ingat ka!" galit na galit niyang sabi e pake niya ba sa buhay ko.
"Eh, ano naman sayo ngayon? Problema naman ako para sayo diba bakit hindi ka nalang lumayo? Taena dahil ako gustong gusto kong lumayo sayo alam mo ba yun?!" singhal ko sakanya kung galit siya galit din ako.
Sa totoo lang para kaming mag jowa na nag aaway dito sa parking.
"Bakit naman ako lalayo sayo?" nakatingin na siya sakin ng seryoso. Topak ata 'to e sakin pa tinanong!
"Diba sabi mo kanina ako ang problema? Kahiya naman sayo ayaw mo ata ng problema kaya lumayo ka nalang. Mas gugustuhin ko pa yun dahil ayaw ko sa isang katulad mo na babaero!" singhal ko sakanya.
Hindi niya ako madadala sa mga paganyan-ganyan niya alam ko namang trip lang nila akong magbabarkada malalakas mga topak nila e. Akala ba nila bibigay ako kay Jay? Nahulog ako oo pero hindi ako aamin hindi ko sila hahayaang manalo dito. Kung laro sakanila sasakyan ko sila kawawa naman.
"Anong sinasabi mong babaero? Nagseselos ka ba?" Lakas talaga ng tama ng isang 'to feelengero!
"Excuse me, bakit naman ako magseselos unang una hindi kita gusto okay? Bawas bawasan mo ang pagkain ng kream stick pati pagseselos nararating ng imahinasyon mo!" I smirked at him para maasar siya at pumasok na ako sa kotse ko.
Binuksan ko yung bintana para asarin ko.
"Bye, I hope to never see you again." kinindatan ko pa siya para lalong maasar. Akala niya siya lanv maalam mang asar pwes ako din.
Bago ko isara yung bintana may sinabi pa siya.
"What? Hey wait—" hindi ko na narinig yung sinasabi niya dahil sinarado ko na ang bintana at pinaandar na ang sasakyan ko
.
Habang nag dadrive ako iniisip ko 'yong sinabi niyang ako yung problema the hell why me? Anong problema ko sakanya? Pinapasakit niya lang ulo ko hindi ko talaga siya maintindihan. Kung 'yong pagkain ko ng madaming kanin at hindi pagtingin sa paligid ang pinagpuputok ng butchi niya e ano naman? Pake niya ba buhay ko naman 'to e hindi naman siya maapektuhan.
Lagi niya akong inaasar kaya bago sakin ang expression ng mukhang niyang galit. Hirap niya talagang basahin sa tingin niya palang kanina na galit na galit ang babaw ng dahilan kung yung pagkain ko at hindi pagtingin sa paligid. Para talaga kaming magjowa na nagaaway sa parking grrr nakakahiya kung nagkataon na madaming tao.
Pagdating ko sa bahay nakita ko si mama at papa na bihis na bihis. Nang makita agad ako ni mama lumapit agad ito sakin.
"Andyan ka na pala kumain ka na sa kusina may vegies dun good for your health," sabi ni mama nag beso ako sakanya.
"Yeah ma, san kayo pupunta pagabi na?" tanong ko imposible namang mag mamall lang sila dahil naka turtle neck silang dalawa ni papa at nakaboots pa.
"Hindi ko nga pala nakwento sayo kanina 'nak na pupunta kami ng mama mo sa Japan para magbakasyon alam mo na kailangan ng break sa business," sabi ni papa.
"Kaya mo naman dito mag isa diba? Mga two weeks lang naman kaming mawawala babalik din kami," sabi pa ni mama. What? Two weeks lang? Hanep din sila a iiwan nila ako dito mag isa.
Hindi kasi dito umuuwi si ate dahil may condo na siya simula pa lang ng mag college siya. Yung mga kasambahay naman namin dito ay hindi stay in dahil sabi nga ni mama kailangan din daw namin matuto sa mga gawaing bahay which is totoo pero hindi pa din ako maalam magluto.
Kaya ko naman sigurong mag isa pag gabi two weeks lang naman e.
"Hmm... ayos lang po sakin," Sabi ko at nag kiss na ako sa kanilang dalawa para makaakyat na ako sa kwarto ko. "Akyat na po ako inggat po kayo." I waved my hand to the both of them at tinungo na ang hagdan.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Ending Scene Epilogue
Epilogue Nakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok. Napayuko ako sa sakit. "Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag
Ending Scene Final Chapter
Final Chapter Pababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito. Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.
Ending Scene Chapter 35
Home Naiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok. Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?
Ending Scene Chapter 34
Endearment Kanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman. Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw. Lumayo kami sakani
Ending Scene Chapter 33
Answer He's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong. We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da
Ending Scene Chapter 32
Discount Nakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin. Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays. Binili
Ending Scene Chapter 31
Talk&n
Ending Scene Chapter 29
Disappoined
Ending Scene Chapter 28
Mrs. Marquez
