loading
Home/ All /Ending Scene/Chapter 1

Chapter 1

Author: Margaretzzzz
"publish date: " 2020-09-04 21:15:07

My loves

"Angela!" sigaw ng kaibigan kong si Tin Tin na tumatakbo patungo sakin. Na akala mo malayo ako sakanya, nasa kabilag poste lang naman siya ng corridor.

Lunch time na namin at wala akong balak na kumain, sanay na ako na hindi na kain ng lunch. Kaya pupunta nalang ako do'n sa tambayan ko para mag-aral. Ayaw ko naman sa room mag-aral madaming panira.

"Bakit? at tumakbo ka pa talaga pwede namang lumakad nalang ang lapit mo lang sakin." pagtataray ko sakanya agad at napairap naman siya.

"Duh! excited lang ako kausapin ka, narining ko 'yong mga sinasabi sayo ni Jay kanina grabe kinilig ako!" kinikilig niyang sabi may pahampas pa sa balikat ko. Hinawakan ko 'yong balikat ko dahil sa sakit ng pagkaka-hampas niya!

"Kailangan manghampas?" sakrastiko kong sabi.

"Kinikilig ako alam mo ba yun!" kinikilig na naman niyang sabi sabay hampas uli, sa pagkakataong ito hinampas ko siya ng mas malakas. Hindi pwedeng siya lang ang hahampas dapat ako din.

"Aray naman mas malakas ata yung iyo ah!" reklamo niya.

"Siyempre nakadalawa ka na kaya dapat ang ganti doble!"

"Oo na nga!" pagpayag niya. "Balik tayo dun sa topic natin kanina, ano yun siya yung lumapit sayo?" tanong niya napairap naman ako.

Hindi ako lalapit sa lalaking 'yon feeling ko kasi pag lumapit ako maiisue ako mahilig pa naman sa issue yung mga tao ngayon. 'Yong paglapit pa nga lang ni Jay kanina sakin paniguradong may issue na. Paano pag ako 'yong lumapit baka hindi lang issue matanggap ko baka mabash pa ako lalo na at ako 'yong president ng klase namin. Siguro paglalapit ako sakanya dahil 'yon sa groupings or what.

"Wala niyaya lang ako mag lunch," simpleng sabi ko. "Siyempre hindi ako pumayag iisue na naman 'yan." dahilan ko pa dahil paniguradong itatanong niya kung bakit hindi ako pumayag.

"Ano ba yan dapat wala ka ng pakialam sa mga issue na mga ganyan toxic lang yan." pagdadahilan naman niya. Baluktot talaga paniniwala ng isang 'to.

"Sira ka ba? Tao din ako nasasaktan syempre pag naissue ako hindi na mawawala masaktan ako,"

"Opo, opo kayo na po panalo madam," pagsuko niya.

"Palibhasa pag may naiissue sayo tuwang tuwa ka pa,"

"Sadya, kung yun ang ikakasaya nila, gusto nila sabayan ko pa sila sa trip nila!" pagmamalaki niya. Sira talaga ulo ng isang 'to maling mali ih.

"Luka luka ka talaga bahala ka na diyan," Sabi ko at nilagpasan na siya. Wala talaga minsan na kwenta kausap 'yon.

Nilagpasan ko na siya para makapunta na ako sa tambayan ko. Mahigit isang oras at kalahati ang lunch time namin kaya panigurado madami akong mababasa na article.

Pagdating ko sa may puno kung saan madalas akong tumambay, may mga nakatambay na ibang baseball player at naglalaro sa tabi ng field naman ang iba.

Kaya no choice ako na sa room nalang mag-aral sana naman walang gumulo sakin dun. Gusto ko pa naman na mapag-isa pero hindi mangyayari ngayong araw. Ugh!

Sa library nalang pala, may library nga pala ba't ko ba kasi kinalimutan. Ang init kasi sa library yaman-yaman ng school na 'to ayaw ipa-aircon.

Naglakas na ako patungo sa library ng makasalubong ko sila Jay at ang barkada niya. Agad naman ko tumabi sa daan para iwasan, pero nagkamali ako pumunta direksyon ko si Jay at...

"Angela my loves!" Malambing niyang sabi. Na alam kong trip na naman nila 'yon. Pagkasabi niya ay nilagpasan na nila ako. Nanlamig ako sa narinig ko, ugh! Lagi niyang ginawa 'yon trip na trip talaga nila ako.

Dahil sa pagtitrip nila alam ko sa sarili ko na unti-unti na ako nahuhulog sakanya. Umaasa talaga ako ako na totoo 'yung mga sinasabi niya. Hindi naman masamang umasa diba? Wag lang susobra ng hindi masakit.

Binilisan ko na ang paglalakad ko para makarating na ako sa library. Pagdating ko ay masydo madami ng tao kaya naghanap ako ng pwesto na malayo sa iba.

Nakakita ako ng table at upuan do'n sa may dulo kaya dun na ako uupo. Uupo na sana ako ng biglang may naglagay ng libro sa lamesa. nag angat ako ng tingin at nakita kong si Jay ito. Kakasalubong ko lang dito kanina ah 'bat andito na agad? Ambilis naman niya.

"Ako nauna ah!" reklamo ko sakanya pero nakatingin lang siya at nakangiti sakin. Problema nito? Sinapak ko siya ng magising, lutang ata.

"Aray!" reklamo niya "Ang sakit ah!"

"Ako nauna dito maghanap na ka nalang ng iba," sabi ko.

"Bakit pa maghahanap ng iba kung andyan ka naman," sabi niya habang may nakakalokong ngiti. Ugh! dumadali na naman siya.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Ending Scene   Epilogue

Epilogue Nakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok. Napayuko ako sa sakit. "Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag

Ending Scene   Final Chapter

Final Chapter Pababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito. Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.

Ending Scene   Chapter 35

Home Naiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok. Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?

Ending Scene   Chapter 34

Endearment Kanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman. Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw. Lumayo kami sakani

Ending Scene   Chapter 33

Answer He's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong. We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da

Ending Scene   Chapter 32

Discount Nakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin. Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays. Binili

Ending Scene   Chapter 27

Birthday

Ending Scene   Chapter 26

Distant

Ending Scene   Chapter 25

Goodbye

Ending Scene   Chapter 24

Letter Nagis

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy