loading
Home/ All /Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)/Chapter 9 - Unknown Feelings

Chapter 9 - Unknown Feelings

Author: VraielLajj
"publish date: " 2020-07-30 09:59:27

Mabilis niyang tinulak si Azael at dumistansya. Masyado siyang nailang sa sitwasyon nila nang mga sandaling iyon. Isabay pa ang pag-unahan sa pagtibok ng puso niya, halos lumabas na ito sa kaniyang dibdib. 

"Ilalabas na kita." Akmang bubuhatin siya nito pero mabilis siyang umayaw.

“Kaya kong maglakad!” tugon niya at mabilis na humakbang. 

Pero ang totoo, ang sakit pa rin ng balakang niya. Ayaw lang niyang mapalapit ulit sa sariling kapatid dahil nag-iiba ang tahip ng dibdib niya at subrang weird iyon sa part niya. Pero dahil nasa kweba nga sila, nakaagapay pa rin si Azael sa kaniyang likuran lalo na at may paakyat at pababa sa loob ng kwebang iyon. Kahit itaboy niya ito nang paulit-ulit hindi pa rin ito nakikinig. Sinusungitan lang siya nito at kulang na lang ay irapan siya. 

“Ang tigas talaga ng ulo mo bata ka!” inis na pakli nito nang bahagya siyang madulas ulit. 

Napangisi siya pero agad din napanguso. Bata? Ano siya naka-diaper at dumedede pa? Suntukin niya ito sa tiyan, eh. 

Narating niya ang labas ng kweba na pagod na pagod. Ang taas ba naman ng inakyat nila pabalik sa entrace. Gusto niyang maglupasay ro'n dahil may hagdanan pa para tuluyan makalabas. Masakit na ang kaniyang tuhod. 

“Pagod ka na?” masungit na tanong nito. 

“Hindi ah. Maganda lang ako pero never mapapagod.” Inirapan niya ito at nagsimulang humakbang ulit. Anong akala nito, hindi niya kaya ang kaniyang sarili. Ba't ba andito pa itong kumag na ito at sunod nang sunod sa kaniya.

“Bumalik ka na ro'n at kaya ko na ang sarili ko rito. Maghihintay na lang ako sa sa loob ng sasakyan,” taboy niya. 

Tiningnan lang siya nito na parang hindi narinig at nauna nang maglakad sa kaniya. Tingnan mo, napakawalanghiya talaga ng kapatid niya! Magkapatid ba talaga sila? Bakit sobrang bait niya at demonyo ito? Hindi nga siya nito ningingitian. Mabibilang lang sa daliri ang mga okasyon na ngingiti ito sa kaniya. Buti pa sa ibang babae at mga kaibigan nito, ang lakas nitong mang-asar at tumawa. Samantalang sa kaniya, kailangan pa niyang mag-effort para mapansin ang kaniyang kakyutan.

Nauna na sa kaniya si Azael sa taas at pinagmamasdan lang siya nito sa ibaba ng hangdanan. Nakapamulsa ito at parang sinasabi sa kaniya, sige diyan ka lang at mamaya niyan sisigaw ka na naman ng kuya mong baliw ka. 

Napaismid siya. Kahit pagod na pagod siya, pinilit niyang ihakbang ang mga paang sobrang napagod na. Hindi siya sisigaw ng kuya dahil bubwesitin lang siya nito hanggang sa mapikon siya. Dito ito magaling eh, ang mamikon. Next time, bayagan na talaga niya ito. Bahala na kung hindi siya magkakaroon ng mga pamangkin. 

“Ano kaya pa?” 

“Oo naman! Anong tingin mo sa'kin, loser?” 

“Sinabi mo na,” kangising bwelta nito. 

Bwesit ka kuya! Gusto niyang isigaw ang nga katagang iyon pero kinalma niya ang kaniyang kagandahan. Ayaw niyang papangit dahil lang dito. Marami pa siyang pangarap at ayaw niyang masira lang iyon dahil sa bwesit na kapatid niya. 

Pagod na pagod siyang umupo sa likuran ng sasakyan. Imbes na mag-enjoy, sa sasakyan lang pala ang bagsak niya. Ang walanghiyang kapatid niya, bumalik sa kweba matapos siyang ihatid sa sasakyan, kesyo makikipagharutan ito malamang sa nobya nitong kinain ng kaplastikan ang katawan. Inis na hinarap niya ang camera at pinagtitingnan na lang ang mga larawan nakuha niya. 

Nakangisi siya na parang aso habang inisa-isa ang mga larawan lalo na nung huminto kay Herrence at Theon. Ang gagwapo talaga ng mga hayop na ito! Kung hindi lang siya pinalaki ng maayos ng magulang niya, baka kung ano na magawa niya sa mga ito. Natawa siya sa sariling kalokohan hanggang sa napawi iyon nang bumungad sa kaniya ang magkahawak kamay na Azael at linta nitong jowa. 

Ah yes, anong akala sa kweba? Park? Mall? Nasa labas ng bansa, gano'n lang? Kailangan todo kapit talaga. Takot maiwan? Kapag siya nainis talaga, aawayin niya ang bruhang ito.

Bigla siyang nawalan ng gana. Nagpasya na lang siyang matulog tutal matatagalan pa ang mga ito sa loob. Malay niya at baka mag-date pa ang mga ito at gawin check in... Jusko! Napa-sign of the cross siya at tahimik na nanalangin na sana'y nawa sumalangit ang mga kaluluwa ng mga ito. 

“Tired?” 

Inirapan niya si Azael nang magbalik na ang mga ito at tama-tamang nagising siya. Sino ba naman ang hindi magigising kung subrang landi at ingay ng mga babae. Hindi halatang excited? May nakita siguro sa kweba na ibang tanawin kaya hindi magkamayaw sa chika there and chika everywhere. 

“Ang ganda nung nakita ko. Oh my! Ang laki!” kinikilig na saad ng isa nilang kasamahan babae na hindi niya matandaan ang pangalan. 

“Anong malaki?” singit niya. 

“Ah... Iyong ano...” 

“Iyong?” gagad niya. 

“Bata ka pa,” natatawang sagot ni Theon. “Pero kung gusto mong malaman, sabihin mo lang sa'kin at willing na willing akong ipakita sa'yo mahal na binibini.” 

Isang malakas na batok ang nakuha nito sa kaniyang kuya. “One more Theon and I'll cut that fucking tongue of yours.” 



Agad siyang nag-dive sa malambot na kama kung saan sila nag-check in. Tiyak na mahaba-haba ang gabi niya nito. Sagada is lifer talaga! Sana ganito ang klima sa Manila pero sobrang labo mangyariang gusto niya. Maraming traveller tulad nila, iisa lang ibig sabihin non, nagkaubusan ng room sa mamahalin hotel na kanilang pinag-check in. Ang aarte naman kasi ng mga kasama niyang mga babae, ayaw sa mga transient hauz kesyo 'di bet ang room at place. Kaya ang ending, naubusan siya ng sariling room. 
Bawat couple ay may kinuhang sariling kwarto, alangan naman sasama siya kay Theon? 

“Amara baby, sa'kin ka na mag-stay,” nakangising wika ng malanding Theon. Kumindat-kindat pa ito at nag-shining shimmering splendid ang mga mata. 

Ilang beses siyang napakurap-kurap kung tatanggapin ba niya ang offer nito o matutulog siya sa labas. “Okay sige...” Kahit alam niyang hindot ang lalakong ito, may tiwala siya rito. Never pa itong nag-take advantage sa kaniya. 

“Joke lang Amara!” hilaw na humalakhak ito, “Gusto ko pa mabuhay ng mahaba.” 

Mabilis siyang napatingin sa gawi ng kaniyang kuya at gano'n na lang ang irap niya nang makitang tinitigan ito ni Azael at sumenyas na gigilitan ito sa leeg. 

“Sa silid ka namin.” Si Azael at tumalikod na kasunod ang nobya nito. 

“Wait, what?!” magkapanabay na reklamo nila ng jowa nito. 

“But honey...” mabilis na kumapit ang babaeng lintang plastik sa braso ng kapatid niya. 

“Ayuko nga!” Umirap siya at napahalukipkip. 

“That's final. Sumunod ka na sa'min Amara. I know you're tired.” 

Parang sasabog na bulkan siyang umayaw. 

“Okay. I have your bag anyways.” 

“Kuyaaaaa!” 

Bwesit na bwesit  siya at walang magawa kundi ang sumunod dito. Kitang kita pa niya ang masamang pag-irap sa kaniya ng babae. Napangisi tuloy siya at nakaisip ng masamang paraan. Huh! Ang kaninang ayaw na ayaw niyang makasama ang sariling kapatid sa loob ng isang silid ay nawala sa kaniyang utak, pepestihin niya ang mga ito. Kaya ang ending heto siya ngayon at nauna ng nag-dive sa kama. 

Lihim niyang inirapan ang babae na nakaingos at maarteng pumasok ng banyo. Malaki ang room at fully air conditioned iyon kahit sobrang lamig na sa Sagada. King size ang kama kaya okay na rin sa kaniya na siya sa kama at ang dalawa ay sa lapag. Napahagalpak siya ng tawa sa naisip. Sa sobrang lambot ng kama at lamig ng buong kwarto, hindi niya na namalayan na hinila na siya ng antok. 

Isang pitik sa ilong ang gumising sa kaniya. Nang magmulat siya ng mata, ang kaniyang kuya na naka-topless at naka-tuwalya. Deritsong bumaba ang kaniyang mata sa matipuno nitong katawan at napasigaw. 

“Ahhhh! Magdamit ka!” bigla niyang pinikit ang mga mata. Jusko! Subrang nakakailang lalo na at sila lang dalawa... Naglibut siya ng tingin, wala roon ang higad. 

“Get up. You're not allowed to sleep unless you fill your tummy first,” wika nito at bumalik ulit ng banyo. 

Nang makalabas na ito, nakasuot na ito ng sweatshirt at shorts. Bumata na naman ito tingnan sa edad nito. Napaingos siya. Matutulog muna siya saka hindi pa siya nagugutom. 

“Mara!” warning tone gamit nito. 

“Mara!” panggagaya niya at binalik ulit sa pagpikit ang mga mata. Kita nitong natutulog ang tao eh, disturbo. 

Napatili siya ng malakas nang hilain nito ang kaniyang paa. “Get up, now.” 

“Oo na! Oo na! Heto na nga, excited lang? Hindi makapaghintay?! Excited ka, excited? May birthday party at atat na atat kang kakain!” 

Nakita niya ang lihim nitong pagtawa pero agad din nagseryuso nang makita nitong hindi maipinta ang kaniyang hitsura sa subrang inis. Nauna itong lumabas at sinabi sa kaniyang hihintayin siya sa hallway. Binigyan lang din siya ng 20 minutes para mag-ayos. Dahil mabait siyang kapatid, sinunod niya ito. Naghintay nga si Azael sa kaniya tulad ng sinabi nito. Nakakunot nga lang ang noo. 

“5 minutes late, really?” 

“Sabi ko ba hinatayin mo ako? Hindi naman, ah!” iningusan niya ito at iniwan. 

Masakit sa ulo talaga ang nakakatandang kapatid niya. Bakit kasi pinasama ito? Pagkakaalam niya masyadong busy ang lalaking ito sa negosyo at company ng daddy nila kaya nakakapagtakang sumama ito ngayon. Kung alam lang niya na kasama ito, dapat hindi na siya sumama. Alam naman niyang hindi mai-enjoy ang gala niya pag nasa paligid ito.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Special Chapter

"Theon!" masayang tumakbo si Amara para yakapin ang lalaki nang biglang humarang si Azael na nakasimangot ang mukha. "Back off, asshole." Humarang ito sa gitna at ito mismo ang yumakap sa kaniya ng mahigpit at biglang binelatan si Theon. "Ang damot mo, ah! She's my wife way back then." "EX WIFE." pag-emphasised ni Azael at nakahawak na sa kaniyang beywang. Nakasimangot pa rin ito at halatang ayaw lang siyang palapitin sa lalaki kahit may asawa na rin si Theon. "So? Kung hindi ko siya pinakawalan sa tingin mo magiging sa'yo siya?" Napairap na lang siya sa hangin at pumagitna sa dalawang lalaki na nagbabangayan. Nasa isang simbahan sila para umattend sa christening ng anak ni Doc. Hudson at Abhaya. Subrang cute ng triplets ng mga ito at subrang tuwa niya dahil kinuha silang ninang at ninong. It's been a 3 years pero wala yatang planong bigyan siya ng anak ng

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Final Chapter 50 - Kanta

Napapatitig si Amara sa napakagwapong lalaki na simula nung bata pa siya ay crush na crush niya na ngayon ay nakaupo sa kaniyang tabi habang hawak ang kaniyang kamay sa ilalim ng mesa at kausap ang kaniyang mga magulang at kapatid. Nasa loob sila nang isang mamahaling restaurant kasama ang magulang ni Azaela at kapatid nitong si Celestine. "Until now hindi pa rin ako makapaniwala that you two are inlove since then. God! Nakakalito pero I'm happy for the both of you and to Amara, mommy mo ulit ako and this time tuhanan na." Nakangiting siwalat ng mommy nila ni Azael. Nagpapahid ito ng luha at inakbayan agad ito ng daddy nila. "My, 'wag kang umiyak pumapangit ka." Pagbibiro niya at iningusan ang ina nang pinandilatan siya nito ng mata. Naka-plaster pa rin ang kaniyang kamay at paa kaya ang kasal nila ay mangyayari pagnaka-recover na ang kaniyang katawan at makapaglakad na siya. While Penelope and her parents was now behind

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 49 - Spongebob Square Pants

Hindi niya magawang kumilos basta ang alam lang niya ay nanginginig siya at gusto niyang pumatay ng tao. Putangina! "Papakasalan mo ang anak ko or kasama kang mamamatay sa babaeng iyan?" Isang kasa ng baril ang narinig niya pero hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatingin sa babaeng wala ng buhay na nakahiga. Kitang kita sa mukha nito ang matinding paghihirap na sinapit and that makes him mad. Tangina lang subrang sakit! "Sumagot ka!" malakas ang boses nito pero wala pa rin reaksyon na makikita sa kaniya. Nanginginig ang kaniyang kamay na hinaplos ang pisngi ni Amara at marahan hinawi ang buhok nito. Marahang nagsipatakan ang kaniyang mga luha at niyakap ito ng mahigpit. Sunod-sunod sa pagsipatakan ang kaniyang mga luha at hindi na iyon tumigil. Napahagulhul siya habang yakap-yakap ang katawan nito. Kung naging alisto lang ba siya kanina baka hind na ito nangyari. Kung sana naging mabilis siya sa paghabol sa mg

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 48 - Baby Shark Dududu

Ang lawak ng ngiti ni Azael habang papalabas ng silid ni Amara. Kanina pa niya pinipigilan ang kaniyang kilig at nung hindi niya mapigilan, parang timang siyang napasuntok sa may pader pero agad din napaaray. Ano ba! Nakakabakla talaga pero kinikilig siya na parang lalaking napansin ng crush niyang maganda. "Azael kalma ka lang, gwapo tayo at dapat chill-chill lang para cool tingnan." pakiusap niya sa sarili habang ang ngiti niya ay hindi mapuknat sa kaniyang hitsura. Pasimple siyang umubo at inayos ang sarili. Nakakadiri siya kung kiligin. Hooh! Kasumpa-sumpa! Matutulog na daw ang prinsesa niya kaya siya, matutulog na din pero sana dalawin siya ng antok nito. Baka hindi na siya makatulog nito sa subrang taas ng kilig hormones ng kaniyang katawan. Tumatawa siyang humiga sa sofa ng sala. Kumuha lang siya ng kumot sa kabilang silid at unan. Doon lang siya sa sofa matutulog sa gabing iyon. Ang nangyari, buong magdamag siyan

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 47 - Thank You Lord!

Busy sa pagkakalikot ng cellphone si Azael sa sala at naglalaro ng Candy Crush nang maramdaman niyang nagising si Amara based na rin sa pangalang tinawag nito. Theon! Bakit nga ba hindi niya binalian ito ng buto kanina at inilibing sa buhangin ang hayop na 'yun?! Hindi niya pinansin ang pagtawag nito, nanatili siyang naglaro sa kaniyang cellphone ng Candy Crush Saga. Level 10 na siya at kailangan niyang mag-match ng candies pero agad din niyang binagsak sa sofa at humugot ng hangin bago nagpasyang pumasok sa silid kung nasaan ang babae. Nagulat ito nang makita siya at hindi agad nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa kaniya at kitang-kita niya ang malungkot na kislap ng mga mata nito. "A-azael..." Lumapit siya rito at walang ngiting tumango. Seryuso lang siyang nakatingin. "Tayo lang dalawa rito and if you asked me kung nasaan, hindi ko rin alam. All I know is iniwan ka

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 46 - Theon Gwapo

Masakit ang ulo ni Azael nang magising siya kinabukasan. Mataas na ang sikat ng araw at doon lang niya naisip na naparami ang kaniyang inum. Natampal niya ang kaniyang noo at dali-daling pumasok sa loob. Kailangan niya ng bumalik sa daungan at hindi pa niya nakakalimutan ang plano niyang dukutin ang lalaki na mas hamak na gwapo naman siya. Malabo lang ang mata ni Amara. Habang pabalik siya sa daungan, maraming plano ang pumasok sa utak niya. Mga estrahiya, tips at survival. Eksaktong pababa na siya sa kaniyang yacht nang may tumutok sa kaniya ng dekalidad na baril. Agad kumilos ang kaniyang kamay at nakipag-agawan. Nagsuntukan at basagan pa sila ng mukha nang maramdaman niyang may tumama sa kaniyang leeg. Napahawak siya kung saan siya tinamaan at ilang segundo lang ay namigat ang talukap ng kaniyang mga mata. "Damn! Pinahirapan tayo ng lokong 'to." "Good. Now he's asleep. Let's bring him."

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 45 - Atlantic Ocean

Nagising si Amara na maingay ang buong paligid at eksaktong pagmulat niya ng mata ay kaniyang ina ang namulatan niya kasama pa ang kapatid niyang si Berkham. Puno ng pag-alala ang mga mukha ng mga ito pero masaya siyang nakita na okay siya. Naglibot siya ng tingin, andun din

Last Updated : 2026-03-18

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 44 - Azael

Kinuha niya ang puting unan sa uluhan nito at nakasingising pinagmasdan muna ito sandali. Aww, mamaalam na ito sa mundo at wala ng haliparot na sisira sa pagmamahalan nila ng lalaki. Ito lang naman kasi ang problema, eh. Bakit kasi hindi ito namatay agad nung binangga niya? Sinigurad

Last Updated : 2026-03-18

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 43 - Penelope's Pov

Napaunat ng likod si Azael nang biglang bumagsak ang mug na iniinuman niya ng kape. Nasa kaniyang opisina siya at nagpipirma ng mga papeles na kailangan niyang matapos dahil sa kasusunod niya sa babae kaya ilang araw itong tambak sa kaniyang mesa. Napatingin siya sa nabasag na baso at napatitig d

Last Updated : 2026-03-18

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 42 - Death Threat

Malungkot na tumingin si Azael sa papatalikod na si Amara. Pagkatapos siya nitong yakapin, bumitaw agad ito at tumalikod. Wala itong iniwan kahit isang salita. Naiwan siyang maraming katanungan sa utak. Nagpasya na lang siyang manatili sa rooftop at magpalipas nang ilang oras para makapag-isip. H

Last Updated : 2026-03-18
More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy