Wird geladen
Startseite/ ALLE /Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)/Chapter 10 - Bed Fight

Chapter 10 - Bed Fight

VraielLajj
"Veröffentlichungsdatum: " 30.07.2020 10:00:15

Dahil sa kapokpokan ni Theon, naingganyo siya nito nang magsimula itong magtipa ng gitara at kinantahan siya sa labas kung saan sila kumain. Maraming babae agad ang nakuhang atensyon pero sa kaniya lang nakatitig si Theon at malandi pa siyang kinikindatan. Kilig na kilig siya sa ginawa nito. Ang gwapo talaga ng hinayupak na ito kaso malandi lang.

Alas-dyes ng gabi nang magpasiya siyang matulog. Nawala ang antok niya dahil sa boses ng binata, ang sarap sa teynga at nakakainlove sobra. Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan, baka kung ano pa ang makita niya. Hindi pa siya handa sa gano'n bagay at baka pagtsitsinelasin niya ang mga ito. Nakapatay ang ilaw pero dahil sa lampshade, nakita niyang mahimbing na ang mga ito sa pagtulog.

Ay shuta! Saan siya tutulog? Siya dapat sa kama at ito dapat ang nasa sahig. Nag-ikot siya ng tingin, walang extrang comforter at bedsheet. Kung bababa naman siya para humingi sa bedding section, nakakapagod na. Tatlo lang ang kaniyang pagpipilian;

Una; sa tabi ng higad na future sister in law niya. Eww! Iniisip pa lang niya iyon, nasusuka na siya lalo na't nakayakap pa talaga ito sa kuya niya. Walang forever, maghihiwalay ang mga ito. 

Pangalawa; sa tabi ni Azael na feeling gwapo.

Pangatlo; sa gitna ng mga ito at paghiwalayin sa higaan sabay tulak sa sahig. 

Napangisi siya sa huling naisip. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito sa malapitan. Nag-iisip kung paano ihihiwalay ang kamay ng babae na kapit ng kapit. May lindol 'te?

“Don't think about it, Mara. You can sleep next to me.” 

Nagulat siya sa biglang pagsasalita ni Azael. Napabagsak siya ng balikat at walang magawa kundi ang humiga sa tabi nito. Malaki ang kama kaya may distansya pa rin naman siya rito. Sana hindi malikot ang mga ito sa higaan at hindi maghihilik dahil naku lang! Mabilis siyang tumalikod paharap sa dingding at ipinikit ang mga mata. 


Nagising siyang maganda ang mood. Ang sarap ng kaniyang tulog. Sa panaginip niya, hinampas niya ang mukha ni higad. Pagkatapos, sinipa raw niya si Azael sa balakang. Nagpagulong-gulong din daw siya sa garden of roses habang kumakanta. Ang ganda-ganda raw ng kaniyang boses at lahat napatulala pati mga bubuyog pumalakpak sa kaniya.

“Hello everyone!” bungad niya sa lahat nang  nag-almusal sila. Nagising siya kanina na wala na ang dalawang kasama sa higaan.

“Buti naman at nakatulog ka ng maayos?” maarteng wika ng jowa ng kuya niya.

Pero dahil plastic siya sa lahat nang plastic, ngumiti siya, “Oo naman, ikaw ba hindi?” 

Wala ng space kundi sa tabi ng haliparot kaya napilitan siyang umupo ro'n. Inabot niya ang tubig at akmang iinum nang magsalita ito. 

"How can I sleep kung ang ginawa mo lang naman ay pinaghahampas ako at pinagsisipa si Azael at nagpagulong-gulong ka sa kama? Duh!" 

Bigla niyang naibuga ang nasa bibig. “What?!” 

“Oh my God!” 

Opps! Sa mukha nito niya naibuga ang tubig na nasa kaniyang bibig. Napangisi siya sa isip pero agad din nag-puppy eyes kamo sinsero siya. Duh! Higad. 

“Ay napagkamalan kong lababo! Sorry sis,” 
lihim siyang nag-ikot ng mga mata at natawa. 

“The hell! Argh! I'm outta here.”Mabilis itong tumayo at galit na nag-walk out. 

Napasunod naman ang kaniyang tingin dito at doon niya hindi mapigilan matawa. Natawa rin ang ilan sa mga kasamahan niya pero hindi si Azael. Matalim siya nitong tinitigan na parang leletsunin anuman oras. 

“Look what you've done Mara.”

“What? Hindi ko naman sinasadya, eh.” 

“Say sorry to her. Sumusobra ka na. Hindi kami nakatulog sa'yo kagabi sa sobrang kalikutan mo.” 

Napakagat siya ng labi. Hindi naman niya sinasadya iyon, ah. Kasalanan ba niya kung mukhang lababo ang mukha ng jowa nito? Nagtaas siya ng kilay at inirapan ang kapatid. 

“Gutom na ako,” Hindi niya ito pinansin at inuna niya ang pagkain nang umagang iyon. Napailing-iling ito at biglang tumayo. Sinundan nito ang babae. 

Papasok pa lang siya ng room nila nang makita niya si Azael at Yve na magkayakap. Umiiyak ang babae sa dibdib ng kaniyang kapatid. Agad umasim ang kaniyang panlasa sa nakita. Babaklasin kaya niya ang kamay nito? 

“I guess your sis don't like me,” humihikbing saad nito. 

“Of course she likes you. We just need more time. She's childish and inconsiderate brat sometimes, but she's nice.” 

Childish?!

Inconsiderate brat?!

That's it. Hindi na sila bati ulit ng gagong ito. Lilipat siya ng silid mamayang gabi kay Theon! Childish pala, ha? Naghintay muna siya nang ilang minuto bago kumatok at pumasok na parang wala lang. Nakangiti pa siya at walang sabing hinaklit ang travelling bag niya at tumakbo papunta sa room ni Theon.

“Hey-hey baby, baka mapatay na ako ng kuya mo,” nababahalang saad nito.

Nag-ikot siya ng mata, “Ayuko ro'n hindi kami magkakasundo ng nobya niya. Dito na ako. Ako sa kama at ikaw sa lapag.” 

Bigla itong napakunot ng noo at bumunghalit din ng tawa sa huli. “Lupit mo. Silid ko 'to tapos ako pa hihiga sa lapag? Ikaw mahiga sa lapag o kung gusto mo hati tayo sa kama ko.” 

Matagal siya nag-isip bago sumangayon. Keysa naman doon siya sa silid ng kapatid niya, “Okay, basta huwag ka lang malikot.” 

Halos mamatay ito sa kakatawa sa sinabi niya at pinaalala ulit ang nangyari kanina sa restaurant. Inirapan niya ang binata at nagpasyang maligo sa umagang iyon. Pupunta raw sila sa Bumud-ok Falls kaya bago niya isasabak ang kaniyang ganda, dapat ready na siya.

Nasa top load siya ng jeep na sinasakyan nila paakyat sa bundok. Para siyang timang na sigaw nang sigaw sa sobrang saya. This is life! Parang gusto niyang itulak ang jowa ng kuya niya sa bangin sa subrang saya niya.

Kung gaano siya kasaya sa ibabaw ng jeep, gano'n naman kabilis nawala ang saya niya sa sobrang pagod nang maglakad na sila papunta sa talon. Hindi siya sanay sa napakahabang lakaran. Buti na lang at nandiyan lagi si Theon na inaaalalayan siya lagi. Ang sweet talaga ng pokpok na ito. Pero sa tuwing napapalingun siya kay Azael, ang talim ng tingin nito sa kaniya. Iniirapan naman niya ito pabalik.

Narating nila ang nasabing falls at subrang saya niya. Maliban sa napakaganda ng paligid, sobrang lamig pa ng hangin at tubig. Kaniya-kaniyang hubaran agad ang mga kasama niyang babae sa mga suot nito at nag two piece. Habang ang mga lalaki naman ay naghubad ng pang-itaas na damit at kitang kita niya ang mga abs ng bawat isa. Nag-ikot siya ng mata. Mas bet niya ang abs ni Azael. 

“Oh my! It's too cold!” 

Hiyaw ng mga kasamahan niya. Nagdadalawang isip siya kung maliligo ba siya o hindi o mauupo na lang sa tabi. Kumuha muna siya ng picture sa buong paligid bago nagpasiyang maligo. Sa ilalim ng kaniyang short at tshirt ay two piece. Walang sabi niyang hinubad ang pang-itaas nang biglang batuhin siya ni Azael ng jacket nito at biglang nilapitan.

“Subukan mong hubarin 'yan pangitaas mo at ngayon din agad ay uuwi ka ng Maynila,” seryusong saad nito na halos nagpipigil na sa galit pero hindi lang pinapahalata sa paligid.

“Ku——” 

“Enough. No buts brat! Maliligo ka o hindi, much better na hindi. Dito ka lang.” 

Napanguso siya at hindi sumagot. Nagsitalikuran na ang mga ito at nagtungo na sa falls. Iniwan siya. Inis na inis at gigil na gigil siyang umupo sa batuhan. Sana mawalan ito ng balanse! 

“Amaraaaaaa!” 

Napatayo siya at biglang tumakbo papalayo. Nagkatotoo nga ang kaniyang sinabi.
Wala siyang magawa kundi ang panoorin na lang ang mga ito sa malayo pero hindi niya masyadong nakikita dahil may malaking batong nakaharang. Ang tanging ginawa na lang niya ay kumuha ng larawan. Nakakainis! Subrang killjoy nito! Bakit pa kasi hindi siya ang mas matanda at ito ang nakakabatang kapatid!

Saka hindi naman pangit ang katawan niya, ah. Desi siya pero alam niyang sexy siya at malaki naman ang boobs niya. Argh! She hates it! Kay Theon talaga siya makikitulog mamaya.

Möchten Sie wissen, wie es weitergeht?
Weiterlesen
Vorheriges Kapitel
Nächstes Kapitel

Buch teilen mit

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Aktuellstes Kapitel

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Special Chapter

"Theon!" masayang tumakbo si Amara para yakapin ang lalaki nang biglang humarang si Azael na nakasimangot ang mukha. "Back off, asshole." Humarang ito sa gitna at ito mismo ang yumakap sa kaniya ng mahigpit at biglang binelatan si Theon. "Ang damot mo, ah! She's my wife way back then." "EX WIFE." pag-emphasised ni Azael at nakahawak na sa kaniyang beywang. Nakasimangot pa rin ito at halatang ayaw lang siyang palapitin sa lalaki kahit may asawa na rin si Theon. "So? Kung hindi ko siya pinakawalan sa tingin mo magiging sa'yo siya?" Napairap na lang siya sa hangin at pumagitna sa dalawang lalaki na nagbabangayan. Nasa isang simbahan sila para umattend sa christening ng anak ni Doc. Hudson at Abhaya. Subrang cute ng triplets ng mga ito at subrang tuwa niya dahil kinuha silang ninang at ninong. It's been a 3 years pero wala yatang planong bigyan siya ng anak ng

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Final Chapter 50 - Kanta

Napapatitig si Amara sa napakagwapong lalaki na simula nung bata pa siya ay crush na crush niya na ngayon ay nakaupo sa kaniyang tabi habang hawak ang kaniyang kamay sa ilalim ng mesa at kausap ang kaniyang mga magulang at kapatid. Nasa loob sila nang isang mamahaling restaurant kasama ang magulang ni Azaela at kapatid nitong si Celestine. "Until now hindi pa rin ako makapaniwala that you two are inlove since then. God! Nakakalito pero I'm happy for the both of you and to Amara, mommy mo ulit ako and this time tuhanan na." Nakangiting siwalat ng mommy nila ni Azael. Nagpapahid ito ng luha at inakbayan agad ito ng daddy nila. "My, 'wag kang umiyak pumapangit ka." Pagbibiro niya at iningusan ang ina nang pinandilatan siya nito ng mata. Naka-plaster pa rin ang kaniyang kamay at paa kaya ang kasal nila ay mangyayari pagnaka-recover na ang kaniyang katawan at makapaglakad na siya. While Penelope and her parents was now behind

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 49 - Spongebob Square Pants

Hindi niya magawang kumilos basta ang alam lang niya ay nanginginig siya at gusto niyang pumatay ng tao. Putangina! "Papakasalan mo ang anak ko or kasama kang mamamatay sa babaeng iyan?" Isang kasa ng baril ang narinig niya pero hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakatingin sa babaeng wala ng buhay na nakahiga. Kitang kita sa mukha nito ang matinding paghihirap na sinapit and that makes him mad. Tangina lang subrang sakit! "Sumagot ka!" malakas ang boses nito pero wala pa rin reaksyon na makikita sa kaniya. Nanginginig ang kaniyang kamay na hinaplos ang pisngi ni Amara at marahan hinawi ang buhok nito. Marahang nagsipatakan ang kaniyang mga luha at niyakap ito ng mahigpit. Sunod-sunod sa pagsipatakan ang kaniyang mga luha at hindi na iyon tumigil. Napahagulhul siya habang yakap-yakap ang katawan nito. Kung naging alisto lang ba siya kanina baka hind na ito nangyari. Kung sana naging mabilis siya sa paghabol sa mg

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 48 - Baby Shark Dududu

Ang lawak ng ngiti ni Azael habang papalabas ng silid ni Amara. Kanina pa niya pinipigilan ang kaniyang kilig at nung hindi niya mapigilan, parang timang siyang napasuntok sa may pader pero agad din napaaray. Ano ba! Nakakabakla talaga pero kinikilig siya na parang lalaking napansin ng crush niyang maganda. "Azael kalma ka lang, gwapo tayo at dapat chill-chill lang para cool tingnan." pakiusap niya sa sarili habang ang ngiti niya ay hindi mapuknat sa kaniyang hitsura. Pasimple siyang umubo at inayos ang sarili. Nakakadiri siya kung kiligin. Hooh! Kasumpa-sumpa! Matutulog na daw ang prinsesa niya kaya siya, matutulog na din pero sana dalawin siya ng antok nito. Baka hindi na siya makatulog nito sa subrang taas ng kilig hormones ng kaniyang katawan. Tumatawa siyang humiga sa sofa ng sala. Kumuha lang siya ng kumot sa kabilang silid at unan. Doon lang siya sa sofa matutulog sa gabing iyon. Ang nangyari, buong magdamag siyan

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 47 - Thank You Lord!

Busy sa pagkakalikot ng cellphone si Azael sa sala at naglalaro ng Candy Crush nang maramdaman niyang nagising si Amara based na rin sa pangalang tinawag nito. Theon! Bakit nga ba hindi niya binalian ito ng buto kanina at inilibing sa buhangin ang hayop na 'yun?! Hindi niya pinansin ang pagtawag nito, nanatili siyang naglaro sa kaniyang cellphone ng Candy Crush Saga. Level 10 na siya at kailangan niyang mag-match ng candies pero agad din niyang binagsak sa sofa at humugot ng hangin bago nagpasyang pumasok sa silid kung nasaan ang babae. Nagulat ito nang makita siya at hindi agad nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa kaniya at kitang-kita niya ang malungkot na kislap ng mga mata nito. "A-azael..." Lumapit siya rito at walang ngiting tumango. Seryuso lang siyang nakatingin. "Tayo lang dalawa rito and if you asked me kung nasaan, hindi ko rin alam. All I know is iniwan ka

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 46 - Theon Gwapo

Masakit ang ulo ni Azael nang magising siya kinabukasan. Mataas na ang sikat ng araw at doon lang niya naisip na naparami ang kaniyang inum. Natampal niya ang kaniyang noo at dali-daling pumasok sa loob. Kailangan niya ng bumalik sa daungan at hindi pa niya nakakalimutan ang plano niyang dukutin ang lalaki na mas hamak na gwapo naman siya. Malabo lang ang mata ni Amara. Habang pabalik siya sa daungan, maraming plano ang pumasok sa utak niya. Mga estrahiya, tips at survival. Eksaktong pababa na siya sa kaniyang yacht nang may tumutok sa kaniya ng dekalidad na baril. Agad kumilos ang kaniyang kamay at nakipag-agawan. Nagsuntukan at basagan pa sila ng mukha nang maramdaman niyang may tumama sa kaniyang leeg. Napahawak siya kung saan siya tinamaan at ilang segundo lang ay namigat ang talukap ng kaniyang mga mata. "Damn! Pinahirapan tayo ng lokong 'to." "Good. Now he's asleep. Let's bring him."

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 21 - Tagaytay

Deritsang humiga si Amara sa napakalambot na kama sa hotel na iyon. Hindi niya na nakuhang magpalit ng damit dahil sa subrang pagod at kasiyahan nang gabing ito. Ilang sandali pa ay mabilis siyang nakatulog pero agad din naalimpungatan nang may humaplos sa kaniyang pisngi. Gusto niyang magalit sa

Zuletzt aktualisiert : 17.03.2026

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 20 - 18th

Nag-ikot nang tingin si Amara sa bagong paligid na nakikita ng kaniyang mga mata. Australia it is! Dito sa lugar na ito siya magtatapos ng senior high at magpapatuloy ng kolehiyo. "You sure okay ka lang talaga dito? Wala na ako na laging magluluto ng paborito mong pagkain, wa

Zuletzt aktualisiert : 17.03.2026

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 19 - Distance

Simula nang araw na iyon, nagbago ang tingin ni Amara sa kapatid na lalaki. Pakiramdam niya lumiliit ang mansiyon at lahat ng pwedeng gawin ay ginawa niya para makaiwas dito. Mahirap para sa kaniya dahil since bata sila, kapatid at crush lang tingin niya dito, wala na siyang ibang hinangad pa dah

Zuletzt aktualisiert : 17.03.2026

Dominant Series 3: Ignite (Tagalog)   Chapter 18 - I Love You

Sa subrang sakit ng ulo niya, hindi siya umabot sa kaniyang kama pagkarating niya ng mansiyon. Bumagsak siya sa carpet ng kaniyang silid at doon na nawalan ng malay. Nagising siya kinagabihan at nasa malambot niyang kama at nakakumot.Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang kaniyan

Zuletzt aktualisiert : 17.03.2026
Weitere Kapitel
Buch herunterladen
GoodNovel

Buch kostenlos herunterladen

Download
Suchen
Bibliothek
Stöbern
RomantikAlternativgeschichteUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+
Kurzgeschichten
LiebeskummerGeheimnisModerne StadtApokalypse-Überleb1enshort-Science-FictionLiebesroman0
ErstellenVorteile für Autor:innenWettbewerb
Beliebte Genres
RomantikAlternativgeschichteUrbanWerwolfMafiaSystem
Kontaktieren uns
Über unsHilfe & VorschlägeGeschäft
Ressourcen
Apps herunterladenVorteile für Autor:innenInhaltsrichtlinieTop-SuchanfragenFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Folge uns
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Nutzungsbedingungen|Datenschutz