loading
Home/ All /CHAINED (Tagalog)/Chapter 9

Chapter 9

Author: Blu Berry
"publish date: " 2020-08-01 14:22:51

SA mansiyon lang nanatili si Lance buong araw. Hindi siya nag-ikot sa hacienda. Si Owen na isa sa pinagkakatiwalaang tauhan ang inutusan niyang maglibot muna.

Galing sa pagligo sa pool nasa opisina lamang siya at abala sa iba't ibang mga papeles.

Pati ako kinulong niya sa opisina. Habang abala siya sa mga sinusulat nandito lang ako sa sofa at nagbabasa ng librong kinuha ko sa bookshelf para may mapagkaabalahan.

Hindi ko rin naman naintindihan kung ano ang binabasa ko dahil nakikiramdam lang ako sa paligid. Nakikiramdam sa taong kasama ko rito sa loob.

Biglang tumunog ang cellphone niya dahil sa isang mensahe.

Hindi niya kaagad iyon binasa at naghintay pa ng ilang sandali.

"Sab, paki-open naman ng message," ilang sandali lang inutusan niya ako.

Wala akong nagawa kung hindi kunin ang phone niya.

Himala at walang password o 'di kaya'y pattern.

"Mula kay Marie. Ang sabi invited ka ngayong darating na Sabado sa opening ng pinakabagong health center ng bayan natin at sa gabi naman isa ka sa mga judges ng kokoronahang Mutya ng San Jose."

Tiningnan ko ulit ang phone niya baka may mabasa pa akong ibang importanteng text. Mga unsave numbers na ang nandoon pero hindi ako naglakas-loob na buksan pa ang mga 'yon.

"We will go. Together." Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Ikaw lang naman ang invited. Sabi dito sa text," pagdadahilan ko.

"Well, I am inviting you. Pati sa coronation night dapat nandoon ka." Saka pa lang ako tiningnan.

Hindi naman ako makaayaw. Hindi pwede. Kaya nga nandito ako para may madala siya sa ganitong mga event. Para mapuri ng mga tao na kahit yayamanin ang angkan niya hindi naman imposibleng magkagusto siya sa isang kagaya ko.

Hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Mabuti na lang talaga at wala na rito ang mga kapatid ko. Kung ano mang mga panghuhusga at masasakit na mga salita ang ibato sa akin pwede ko na lang sarilihin lahat. Hindi na sila madadamay at masasaktan.

Ito na 'yong sinasabi ni Miss Ella na kailangang paghandaan ko ang mga ganitong event.

Baka magsusuot na naman ako ng high heels nito. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang ginawang pagmamasahe niyw sa binti ko nang nag-praktis kami ni Miss Ella kung paano maglakad ng nakatakong.

Biglang uminit ang aking mukha.

"Dapat walang masyadong balat na nakikita ang isuot mo."

Kailan nga ba niya ako nakita na nagsuot na labas pati kaluluwa? Hindi ko naman hilig ang ganoon. Opening lang naman ng health center ang event dapat ba talagang naka-gown? T-shirt, pantalon at sneakers okay na naman siguro.

"Huwag kang mag-alala Sir, babalutin ko po ang sarili. Baka po mag-raincoat ako para wala talagang makita," saka ko na-realize kung ano ang pinagsasasabi nang mag-angat siya ng tingin at nagtagpo ang mga kilay.

"Ang ibig ko po sabihin hindi po ako magsusuot ng sexy. Hindi ko po hilig 'yon," bawi ko kaagad bago pa magbago ang mood niya.

"Good. Ayaw ko rin na pagpiyestahan ka ng ibang tao. Kahit hanggang tingin lang sila, but still, pwede ka pa ring mabastos."

Parang ayaw kong maniwala na sa kanya nanggaling 'yon. Akala naman niya bibinta sa akin 'yang ganyan. Ano bang pinagkaiba nila? Lalaki rin naman siya.

Sa hitsura niya? Nek-nek niya kung maniniwala akong wala siyang minanyak dati. Pati nga siguro ngayon may pinagnanasaan siya.

Pakialam ko naman kung meron? Nagpapanggap lang naman kami. Ano mang pangangailangan niya pwede naman niyang hanapin sa iba.

Mabuti na lang pagdating ng hapon isinama ako ni Cindy sa palengke.

May makikita na rin akong ibang tanawin bukod sa mansion, opisina, at gwapong mukha ni Lance.

Gwapo? Saan ba nanggaling iyon at bigla kong naisip.

"Manong, hintayin mo na lang kami rito sa kanto. Huwag mo na kaming samahan sa loob ng palengke," sabi ko sa may edad nadriver na naghatid sa amin.

"Sige Sab, dito na lang ako," sagot ng driver. Ayokong tinatawag nila akong ma'am,señorita o 'di kaya'y Miss.

Ang ibang trabahador nagsasabi na dapat ma'am daw dahil kasintahan ako ng amo nila. Kaya tinatama ko na kaagad. Si Lance lang ang amo nila, siya lang ang mayaman, hindi ako. Kung anong meron kay Lance hindi ako kasali.

May dahilan kaya nandidito ako ngayon sa buhay niya. Darating din ang araw na kailangan ko na ring umalis.

Pagkababa pa lang namin ng sasakyan, nagsilingonan kaagad ang mga tao. Ang iba ay tumitigil pa sa kanilang mga ginagawa para masulyapan kami.

Hindi ko alam kung para saan ang mga tingin nila. Masaya ba para sa akin? Naiinggit? Nagagalit? Nanghihinayang?Nagtataka?

Hinawakan na ni Cindy ang kamay ko at hinila na ako papasok sa loob mismo ng palengke. Kailangan naming bumili ng isda, sunod ang karne at mga gulay.

"Akala ko hindi na tatapak 'yan dito sa palengke. Alam mo na, mayaman na kasi pinulot ni Sir Lance Natividad. Buti hindi pa ganoon kaarte,"

narinig kong sabi ng isang tinderang nadaanan namin.

Pinili ko na lang na hindi siya pansinin. Mapapaaway lang ako.

Marami ng tao sa loob lalo n'at marami na ang maghahanda ng hapunan maya-maya lang.

May ibang nagulat pagkakita sa akin na bumibili ng isda.

Binilisan na lang namin ang kilos dahil unti-unti na kaming nakakakuha ng atensiyon ni Cindy. Ganoon na siguro talaga ako kasikat ang girlfriend ng isang Natividad.

Hanggang natapos kami sa pamamalengke nandoon pa rin ang tingin sa akin ng mga tao.

Pabalik na kami ng sasakyan ng kinalabit ako ni Cindy.

"Naalala mo ba Sab? Dati pagkatapos nating tumulong sa ilang mga tindera diyan tayo dumideritso?" Turo niya sa pansitang nasa kabilang kalsada.

Bahagya akong napangiti. Naalala ko ang araw na iyon. Mga batang gusgusin pa kami. Sampung peso bawat order. Makakain lang kami ng isang order ayos na sa amin.

"Bili tayo?" Niyaya ko siya at pumayag naman kaagad.

Pagdating namin doon walang bakanteng upoan. Oras kasi ng meryenda kaya maraming tao.

"Hindi ba si Sabrina 'yan? Ang nababalitang karelasyon ni Mr. Natividad?" tanong ng isang lalaking kumakain.

"Hindi nga mayaman pero makinis naman. Maganda rin. Kaya 'di na nakakapagtaka kung bakit nadali ang mayamang haciendero," sagot ng lalaking kausap nito.

"Huwag mo na lang silang pansinin. Kasi inggit lang 'yan. Mamamatay na lang sila hindi nila mahahawakan kahit isang hibla ng buhok mo. Takot lang nila sa Lance mo," bulong ni Cindy.

Alam ko naman kung anong iniisip nila. Dahil mayaman si Lance kaya pinatulan ko kaagad. Kung magiging totohanan man ang relasyon namin hindi naman siguro ako ganoon kadaling papayag kung sakaling liligawan niya ako.

Pero dahil iba ang sitwasyon namin, hahayaan ko na lang ang ibang tao kung anong magiging husga nila sa akin.

"Ikaw pala Cindy, anong sa'yo?" tanong ni Aling Bebang na may ari ng pansiterya.

Iwan kung kilala pa ba niya ako. Sigurado naman akong nakita niya ako.

"Pa-order po ng pansit Ate, dalawa," sagot ni Cindy.

Saka pa lang ako tiningnan ni Aling Bebang.

"Ay ikaw pala 'yan Sabrina! Kay gandang bata talaga nito. Muntik na kitang hindi nakilala. Mas gumanda ka pa ngayon," puri sa akin ni Aling Bebang. Dati pa talaga niya akong pinupuri ng ganito palibhasa'y walang anak na babae.

"Naalala mo ba ang anak kong si Carlo? Iyong laging tinutukso ko sayo na sana mapangasawa mo?" tanong niya agad sa akin.

"Opo. Nasaan na po siya?" masayang tanong ko din.

"Kakababa pa lang noong isang araw sa barko." Mababakas ang sobrang saya sa kanyang mukha.

"Talaga po? Natupad din ang pangarap niyang maging seaman. Buti at nakauwi na," sabat naman ni Cindy.

"Iririto ko nga sana sayo ulit Sabrina. May maipagmamalaki na sana siya sa'yo. Kaso naunahan na pala kami. Balitang-balita kasi na ikaw ang masuwerteng babaeng minahal ni Lance Natividad. Sayang talaga," puno ng panghihinayang niyang sabi.

"Sigurado po akong hindi mahihirapan si Carlo na makakita ng mabait at magandang mapapangasawa. Gwapo at mabait naman po siya," bawi ko sa pagkadismaya niya.

"Kung mag-aasawa lang din si Carlo ko ng mabait, ikaw na sana. Alam mo naman dati pa talaga ikaw na ang gusto ko para sa anak ko. Alam kong maaalagaan mo talaga siya. Alam ko rin na mapagkakatiwalaan ka. Ang ibang mga babae diyan puro paganda lang ang alam kaya kapag nasa malayo ang asawa hayun at nagkakasala," naiiling na saad niya.

"Ako po Ate Bebang, single and very ready to mingle. Mamahalin ko po si Carlo to the moon and back," singit ni Cindy na halatang hindi na makapaghintay sa pansit.

"Ilang order nga ang sa inyo? Kaso wala pa talaga kayong mauupoan eh," sabi naman ng ale na naghahanap ng pwede naming puwestohan.

"Take out na lang po namin ate," si Cindy na halatang nainis kasi 'di pinansin ang offer niya kay Aling Bebang.

Napagpasyahan namin na sa mansyion na kainin ang pansit. Kaya pagdating namin plato kaagad ang unang kinuha ni Cindy at nilagay ang pansit.

Amoy pa lang alam mong masarap na.

Halos hindi tuloy kami nagsasalita habang kumakain. Kasabay namin sina Joan, Kate at Nina.

Nabilaukan bigla si Joan at agad itong inabotan ng tubig ni Kate.

Sabay naman kaming napalingon sa may pintoan dahil hindi inalis ni Joan ang mata niya doon.

Pati yata ako mabibilaukan din dahil nakatayo doon si Lance.

"Kain po tayo Sir," yaya ni Nina.

Si Cindy naman ay nagmamadaling nilunok ang pansit na nginunguya.

"I'll have some." At dahan-dahang naglakad papasok ng kusina.

Akala ko kukuha siya ng sarili niyang plato pero dumiritso siya sa akin at kinuha ang tinidor na ginamit ko at sa aking plato mismo kumuha ng pansit at sinubo 'yon.

Nagkatinginan kaming lima.

Inipit pa talaga ni Kate ang labi niya dahil sa pinipigilang matinis na sigaw.

Naramdaman ko rin ang bahagyang pagtama ng paa ni Cindy sa aking tuhod sa ilalim ng mesa.

"It taste good," sabi niya pagkatapos lunukin ang kinain. Hindi man lang pinuputol ang aming mga tingin.

Hindi ako nakasagot. Wala rin naman akong maisip na isagot.

"But I think your lips is more delicious. Most delicious actually," dugtong niya. Mas hindi ako nakaimik sa sinabi niya ngayon. Nabibingi na ba ako?

Dahan-dahan niyang binalik ang tinidor sa aking plato at umalis na.

Bahagya pang naglandas ang kanyang palad sa aking balikat nang inalis niya ito mula sa pagkakatukod sa likod ng aking silya.

"Gosh! Grabe! Iyong titig niya sa iyo, Sab, parang wala ng bukas," komento ni Joan nang mahimasmasn sa presensiya ni Lance.

Parang hindi man lang nabilaukan kani-kanina lang.

"Diyos ko!! Kung ako tinitigan ng ganoon tapos sing-gwapo pa ni Sir, mahihimatay na yata ako sa kilig!!!!" si Nina naman ngayon na sobra rin ang maging realsiyon.

Napaikot na lang ako ng mata.

Sinasabi lang nila 'yan dahil wala silang alam sa totoong nangyayari.

Bumalik na kami sa aming pagkain pero ako uminom lang ng tubig. Ngayon ko lang yata naramdaman ang kaba na dala ni Lance pagpasok dito sa kusina kanina.

Hindi na siguro ako masasanay sa kanya.

Ngayon ko lang din naalala ang sinabi niyang mas masarap daw ang labi ko? Mas maganda pa nga yata ang kanya niya kasi natural na pinkish. Daig pa ang naka-lip tint.

Pagkatapos ng hapunan tumulong ako sa iba pang gawain.

Aabalahin ko na lang sarili ko kaysa naman pipilitin ko na naman ang sariling matulog.

"Si Lance ba Sabrina hindi pa rin bumabalik?" biglang tanong sa akin ni Manang Meldred.

Hindi ko rin naman alam na umalis siya. Ang huling pagkikita namin kanina pa,l habang kumakain ng pansit.

Umiling ako bilang tugon.

"May pinuntahan pa siguro 'yon," sabi n Manang.

Pinuntahan? Saan? Sinong kasama? Bakit hindi ko alam? Sunod-sunod na tanong ko sa sarili.

Kahit paakyat na ako sa hagdan marami pa rin akong tanong. Tanong na dapat isarili ko na lang.

May narinig akong ingay mula sa kwarto ni Lance. Pero wala naman siya rito.

Nagpasya na lang akong puntahan ang kwarto niya para tingnan kung saan nanggaling ang ingay na 'yon.

Wala naman akong ibang naririnig na ingay maliban kanina na paakyat ng hagdan.

Pinihit ko ang door knob at bukas iyon o baka nakalimutang i-lock.

Pumasok na lang ako. Madilim ang buong kwarto dahil walang ilaw na nakabukas maliban sa lampshade pero hindi pa rin sapat ang liwanag nito. May iilang liwanag din mula sa labas na tumatagos sa salaming bintana.

Nakita kung nakabukas ang isang bintana at nililipad ng hangin ang makakapal na kurtina nito. Ito siguro ang lumilikha ng ingay.

Pagkatapos kong maisara ang bintana lalabas na sana ako pero may nakita akong picture frame na nasa sahig.

Ito siguro ang nahulog kanina nang pumasok ang hangin mula sa nakabukas na bintana.

Tiningnan ko ang itaas na bahagi ng kabinet. Parang doon ito nakalagay dahil may iba ring mga larawan doon.

May iilang bubog pa na nagkalat sa sahig kaya pinulot ko na ang frame.

Nahihirapan akong tingnan ang picture dahil madilim ang kwarto at nabasag pa ang salamin.

May tatlong tao sa picture. Isang magandang babae, gwapong lalaki at cute na batang lalaki.

May kamukha ang bata. Kung hindi ako nagkakamali si Lance ito noong bata pa.

Ang dalawa niyang kasama sa picture mga magulang ba niya?

Pilit kong inaaninag ang mga mukha nito.

"What are you doing here?" biglang may nagsalita sa likuran ko malapit sa pinto.

Sa gulat nabitawan ko ang picture frame at mas lalo pa itong nabasag.

Nakakatakot ang dalawang pares ng mga mata na nakatingin sa akin.

Nagkakagulo ang laman ng utak ko.

Hindi ko alam kong ano ang unang sasabihin.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

CHAINED (Tagalog)   EPILOGUE

MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p

CHAINED (Tagalog)   Chapter 37

Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 36

HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 35

PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan

CHAINED (Tagalog)   Chapter 34

KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 33

DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a

CHAINED (Tagalog)   Chapter 21

ANO ang dapat kong isagot tungkol sa pag-alok niya ng kasal? Nakapagtataka lang dahil naisip pa niya ang tungko

CHAINED (Tagalog)   Chapter 20

NAGISING ako at napansing hindi pamilyar ang kamang aking hinihigaan.Parang mas lumaki at iba ang amoy ng

CHAINED (Tagalog)   Chapter 19

ILANG araw na akong nakatatanggap ng mga bulaklak mula kay Lance. Madalas may kasama itong mga chocolates at st

CHAINED (Tagalog)   Chapter 18

WALA kaming kibuan ni Lance habang tinatahak ang daan pauwi ng mansiyon. Hindi pa rin lubusang natatanggap ng a

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy