loading
Home/ All /CHAINED (Tagalog)/Chapter 5

Chapter 5

Author: Blu Berry
"publish date: " 2020-08-01 14:15:51

MAAGA akong pinatawag ni Lance sa kanyang opisina. Simula ngayon kailangan ko ng sanayin ang sarili na mag-first name basis kagaya ng sabi niya. Ako na rin ang nautosang magdala ng agahan niya.

Pagpasok ko may sinusulat siya pero nang makita ako agad niya itong tinigil.

Nilapag ko sa lamesita kaharap ng sofa ang pagkain tulad ng aking nakasanayan.

"Basahin mo ito. Mga rules natin 'yan sa ating napagkasunduan." Sabay bigay niya ng papel sa akin.

Pinasadahan ko ito ng tingin. Ayos naman sa akin ang mga naunang rules.

#3. Public Display of Affiction is a must.

"Parang ang unfair naman yata nitong #3 Sir," reklamo ko.

"Why? Paano natin sila mapapaniwala na girlfriend kita kung hindi natin ipapakita?" sagot niya. "Don't worry, hindi ako mapagsamantala. Wala naman akong gagawin na hindi mo gusto." Parang nakaka-green minded ang huling sinabi niya.

Marami pa ang nakasulat doon. Bawal makipagrelasyon sa iba kung hindi pa tapos ang pagpapanggap. Bawal mag-entertain ng manliligaw. Iwasan munang magkagusto sa iba at dapat mag-focus muna sa relasyon natin. Mga rules na inimbento niyang pabor sa kanya lahat.

Buti na lang at hindi na muna ako nagreklamo kung saang parte ng lintik niyang rules ang para sa akin. Nandoon pala sa ibaba. Obligado siyang bayaran ako. Ibigay kung ano ang hingin kong kapalit. Hindi na niya ako guguluhin kung matapos na ang usapan namin. At higit sa lahat walang dapat makaalam na pagpapanggap lang itong ginagawa namin.

"Sir, dito po sa pinaka-last na walang dapat makaalam na may usapan tayong ganito, paano 'yon 'di ba mga kapartido niyo ang nag-suggest nito? So ibig sabihin alam na nila?" nagtataka kong tanong.

"Don't worry. Sinabi nga nila sakin 'yan, but inamin ko sa kanila na hindi pagpapanggap ito dahil I've fallen in love with you. Sinabi ko sa kanila na unang kita ko pa lang sayo doon sa palaisdaan, espesyal ka na. I already fall for you, really really hard," mataman niya akong tininingnan habang sinasabi 'yon. Pati mga mata niya madadala ka sa mga titig. Magaling na talaga siya sa ganito. Madali talaga niyang maloloko ang tao. Sa hitsura pa lang niyang walang kapintasan, sa tindig at porma niya, marami na talaga siyang maloloko.

Mahina akong napatango. Mukhang pinaghandaan at pinagplanohan niya talaga ang pagpapanggap na ito. Mukhang seryoso talaga siyang manalo sa halalan susunod na taon.

May inabot din siyang picture sa akin. Magandang building 'yon na may maraming mga silid.

"That is St. Clare's Academy. Principal ang Tita ko riyan at isa rin sa mga board ng school. Exclusive school yan ng mga maykayang pamilya . With dormitory. Tinanong ko ang mga kapatid mo if ayos lang ba sa kanila 'yan. They both agreed. Hindi sila pababayaan diyan."

"Pero nasaan po ang eskwelahang ito?" tanong ko ulit.

"Florence, Italy. In Europe. May mga pinoy rin naman diyan. Weekends they are free to use phones or computers. So pwede ka nilang tawagan during Saturdays and Sundays. Pwede kayong magkamustahan. Twice a month pumupunta silang bayan kasi nasa countryside 'yang paaralan. Of course food and toiletries are provided na ng school. At ang transportation nila provided din ng school at may kasama silang mga madre or teachers depende sa dami nila para mabantayan. The most important thing is matuturuan silang maging independent."

Nakikinig lang ako sa lahat ng mga sinasabi niya. At sabi niya ayos lang ang mga kapatid ko dito. Ibig sabihin nagkausap na sila? Kailan?

"Kailan niyo po sila nakausap?" tanong ko ulit.

"Kaninang umaga. Pinuntahan ko sila sa bahay ninyo. Dumaan ako doon galing sa palaisdaan. Base sa nakita ko bagay na bagay ang paaralang ganito sa mga kapatid mo because they are responsible. Para mas ma-develop pa ang mga skills at talents nila. Sabrina, they have huge dreams. At alam kong kayang-kaya nilang abutin 'yon kasi matatalino sila. Sayang kung malilimitahan ang kanilang edukasyon dahil kailangan nilang manatili rito. This is there chance, I want you to grab them not for yourself pero para sa kanila."

May punto siya doon. Alam kong pangarap nilang makapag-aral sa ganito. Ngayong abot-kamay na nila hindi ko sila pipigilan. Pero hindi biro ang layo ng eskwelahang 'yon.

"Also to hide everything from them Sabrina," dagdag na naman niya. "Alam ko na pag-uusapan ka ng mga tao once na ipa-public na ang relasyon natin. Hindi nila maiintindihan ang lahat-lahat. At base sa kanilang edad dapat priority nila ang pag-aaral at pagbuo ng mga pangarap. Hindi nila dapat problemahin ang buhay ng mga matatanda." Tama na naman siya. Kung hindi pakitang tao at hindi pamumulitika ang layunin ni Sir maniniwala talaga ako. Ang galing niya talagang magpa-ikot ng tao.

Wala akong naisip na sabihin.

"Pumayag na sila Sabrina. Ikaw na lang ang hindi. If you could just see there faces. Noong pinakita ko ang picture na 'yan priceless ang reaction nila. Sana ikaw rin magiging masaya para sa kanila."

Hindi pa rin ako nagsalita. Kahit kailan hindi kami nagkalayong magkapatid ngayon pa lang kung sakaling papayag ako sa gusto nila. Kung hindi ako papayag parang ako naman ang magiging kontrabida at hadlang sa pagtupad ng kanilang pangarap.

Napakamakasarili ko naman kung ang pangarap nila ay abot-kamay na pero ako naman ang aayaw. Sumasakit ang aking ulo. Ang dami-dami kong tanong. Mga paano, bakit, kailan.

"If your worried dahil sa pera ako na ang bahala doon. May tig-iisang ATM sila. Para kung may kailangan ay mabibili nila," hindi pa rin siya tapos sa pagkumbinsi sa akin.

"Kung gusto mo pa talagang kausapin ang mga kapatid mo ipapasundo ko sila mamaya after school. Dito na kayo mag-usap."

"Sige po, Sir," sabi ko sa mahinang tinig. Kung ang mga kapatid ko ang makikiusap sa akin mamaya tungkol dito wala na akong magagawa kung hindi ang payagan sila.

Alas-singko ng hapon dumating ang mga kapatid ko. Pinatawag ako sa opisina ni Sir Lance at pagpasok ko nandoon na sila.

Nagmano sila sa akin at humalik sa pisngi. Mami-miss ko ang mga kapatid ko sigurado ako dun.

"Ate, payagan mo na kami." Si Kikoy ang unang nangkulit sa'kin.

"Ate promise mag-aaral kaming mabuti," dugtong naman ni Sam.

"Hindi ka iiyak kung malalayo ka sa akin Kikoy?" tanong ko sa bunso namin.

"Malaki na ako Ate. Kaya ko na ang sarili ko. Saka nandoon naman si Ate Sam. Tatawag naman po kami sa iyo," sagot na man ng kapatid ko.

Napangiti ako habang tinitingnan sila. Siguro normal talaga ito. Hindi habangbuhay mananatili silang bata na aalagaan ko. Ngayon may sarili na silang pangarap na gustong tuparin. Nagdidesisyon na sila para sa kanilang sarili.

Tiningnan ko sila at huminga ng malalim sabay ng pagpakawala ng mapait na ngiti.

Araw na ngayon ng pag-alis ng mga kapatid ko papuntang Italy. May pinadala pa talagang tao ang eskwelahan para sunduin ang mga kapatid ko.

Tatawag ang eskwelahan sa akin oras na makarating sila doon.

Iba talaga ang nagagawa ng pera. May tatawagan ka lang, kakausapin saglit, tapos ayos na. Kung pangkaraniwang tao siguro, taon ang aabotin bago makaalis.

Naputol ang aking pag-iisip nang pumasok si Lance na may kasamang magandang babae.

"Miss Ella this is Sabrina, girlfriend ko. Sab, si Miss Ella at agiging teacher mo siya," pinakilala niya kami sa isat isa.

"Hi. Nice to meet you."Sabay lahad sa akin ng kamay ni Miss Ella. Ngumiti naman ako sa kanya.

" Like I said magiging teacher mo siya Sab."

"Teacher sa anong subject?" tanong ko kay Lance.

"Pupunta siya dito once a week. Depende kung kailan ka matututo. Mga basic lang naman to enhance yourself. Para mas maging confident ka." Nahihirapan si Lance magpaliwanag.

"I'm here para tulungan kang i-prepare ang sarili mo na humarap sa maraming tao. I mean looking at you right now pwede ka ng sumali sa Binibining Pilipinas pero alam ko may mas igaganda ka pa, iyong tipong pwede ng koronahan bilang Miss Universe," nakangiting sabi ni Miss Ella.

Parang sobrang gaan niya kausap. Parang ang bait-bait niya at sobrang approachable.

"So maiwan ko na kayo dito. Kung may kailangan kayo mag-utos ka lang sa mga katulong Sab. Lalabas lang ako at mag-iikot sa hacienda," paalam sa amin ni Lance. Akala ko diri-diretso na itong lumabas pero nilapitan pa talaga ako at hinalikan sa noo bago umalis. Hindi agad ako nakagalaw. Naalala ko ang rules niyang PDA. Muntik ko na makalimutan na may iba pala kaming kasama kaya kunwari ang sweet naming dalawa.

"Hindi ko alam na ganoon pala ka-sweet si Sir Lance. Kung titingnan mo kasi parang hindi siya iyong tipong bin-boyfriend kasi sobrang strikto kahit gwapo. May tinatago rin palang sweetness sa katawan," nanunuksong sabi in Miss Ella.

Kahit alam kong hindi totoo iyon pero pinamulahan ako ng mukha.

"Kailangang galingan ko talaga sa pagturo sayo Ma'am. Kung ganyan ba naman kagwapo ang babakuran mong boyfriend marami talagang aali-aligid diyan. Kahit maganda at sexy ka Ma'am pero hindi natin alam and level ng landi ng iba riyan."

Natatawa ako kay Miss Ella. Mukhang magkakasundo kami.

"Sabrina or Sab na lang. 'Wag mo na akong i-Ma'am," sabi ko sa kanya.

"Hindi na ako magtataka kung bakit na inlove sa'yo si Sir. 'Di lang kayo maganda, sobrang bait pa," puri niya sa akin. Parang totoong-totoo ang sinasabi niyang love.

"Una nating gagawin ang paraan ng paglalakad. Siyempre kung ang isang Lance Natividad ang kasama mo sa mga event lilingunin talaga kayo at papansinin. So dapat hindi ka maiilang. Just be yourself, be confident, kasi the more na magpa-panic ka, the more na mawawala ka sa galaw mo. Iyon na ang dahilan ng tapilok, mako-conscious ka sa suot mo, ang pangit na tingnan dahil aligaga ka na." Nagsimula na siyang mag-demo sa akin.

Madali na man daw akong turuan kasi madali akong natututo.

Ang hindi ko ini-expect ay ang magsusuot ako ng high heels na sandals at sapatos at maglalakad sa loob ng opisina ni Lance. Doon naubos ang energy ko at ang sakit pa ng paa ko pati talampakan.

Kaya kinagabihan pagkatapos kong tumulong na magligpit sa kusina, hindi na kinaya ng mga paa ko. Umupo muna ako sa isang upoan sa dining area. Hinilot ko ang binti ko at talampakan.

Ganoon ang eksenang na abotan ni Lance.

"High heels?" tanong niya sabay tingin sa nananakit kong binti.

"Oo, iyon ang pinagpraktisan ko kanina."

Nagulat ako sa ginawa niya. Umupo siya sa harap ko at pinatong ang aking binti sa kanyang tuhod at minasahe ito. Babawiin ko na sana ang aking paa pero hindi niya ako hinayaan. Nasa ganoong ayos kami nang makita nila Joan. Natigilan sila at buong pagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Lance.

Nilingon sila ni Lance at pagkatapos tumayo na siya mula sa pagkakaluhod sa harapan ko.

"You better go to sleep." At hinalikan ako sa pisngi. "Good night Sab, sleep well." Bago tuluyang umalis.

Sobrang init ng pakiramdam ko at siguro ay sobrang pula ng aking mukha.

"Hoy! Ano 'yon?!" si Joan na sobrang nagulat.

"May pa-good night pa kayo ha," nang-aakusa ang boses ni Kate.

"At bakit may kiss sa noo? Sabrina, may dapat ba kaming malaman?" si Nina na hindi inaalis ang tingin sa akin.

Pero ang sabi ni Sir dapat walang makaalam na nagpapanggap kami.

Kaya pala ganoon ang ginawa niya dahil alam siguro niyang may makakakita. Kaya unti

-unti na niyang pinapakita ang aming kunwaring relasyon.

Kung may ibang tao man na unang makaalam na may espesyal kami na relasyondapat itong mga kasama namin sa bahay.

Kung mabanggit man sa labas o 'di kaya'y ibang tao na ang dapat makakita hindi na kami mahihirapan sa pagpapaliwanag.

Mas maraming may makaalam ng maaga, mas mabuti.

"Sabrina? Ano na? May dapat ba kaming malaman? May relasyon ba kayo ni Sir?" tanong ulit ni Joan.

Sa hitsura pa lang nila alam kung hindi nila ako titigilan.

Kukulitin talaga nila ako. Kaya kailangang galingan ko rin kasi si Sir Lance kina-career na ang pekeng relasyong ito.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

CHAINED (Tagalog)   EPILOGUE

MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p

CHAINED (Tagalog)   Chapter 37

Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 36

HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 35

PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan

CHAINED (Tagalog)   Chapter 34

KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 33

DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a

CHAINED (Tagalog)   Chapter 17

PAGKATAPOS ng pag-uusap namin ni Brenna hindi ko na siya nakitang bumalik sa mansiyon.

CHAINED (Tagalog)   Chapter 16

SIMULA noong Linggo, nasanay na si Lance na isinasama ako sa kanyang mga lakad.Tuwing naglilibot sa hacienda nasa tabi niya ako palagi.Wala naman akong ibang ginagawa bukod sa pananatili sa kanyang lik

CHAINED (Tagalog)   Chapter 15

Nagpapasalamat ako dahil ilang araw na ring hindi nagpapakita si Brenna sa mansiyon.May mga pagkakataong umaalis si Lance

CHAINED (Tagalog)   Chapter 14

NAGSISISI ako sa inasta nang nasa manggahan kami. Napapanggap lang kami kaya wala akong karapatang masaktan o magalit kung may ibang babae mang lalapitan o kakaibiganin si Lance. Masyado lang talaga akong nag-assu

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy