loading
Home/ All /Assassinating Psychology/CHAPTER TEN

CHAPTER TEN

Author: LabingAnimNaTinta
"publish date: " 2020-07-31 18:26:19



// "Will you still stay, when you found out their secrets that full of darkness?" \\

___

"GOOD MORNING, EINVER!" Masiglang pagbati ni September nang makapasok siya sa loob ng opisina at nakita niya ang binatang naka-upo lang sa upuan nito. Mukhang malalim pa ang iniisip nito't hindi siya napansin kung hindi pa siya nagsalita.

Umangat ang tingin nito at may munting ngiti ang kumawala sa labi nito. Tumayo naman ito at bahagya pa siyang nagitla ng humalik ito sa pisngi niya.

"Hi. Good morning too." bati nito. Ilang siyang ngumiti na napansin nito.

"Hindi ka pa ba nasasanay sa ginagawa ko? It's been 2 weeks, September." may halong maliit na tawa nito. Sumimangot siya.

"Tsk! Sorry po. Hindi naman kasi ako kagaya mo na nakaranas na ng ganiyan!" Simangot niya at tinalikuran ito.

"September.." kaagad nitong habol at niyakap siya sa likuran.

"I'm just kidding around, Month." Saad nito. Mas lalo siyang napasimangot ng marinig ang tawag nito sa kaniya.

"Tsk! Don't call me month! I'm not a month!" Asar niyang saad at pumalag sa yakap nito. Pumunta siya sa swivel chair at tinignan ng masama ang kasintahang halata mong aliw na aliw sa kaniya.

"But your name is a month, September." Pang-aasar pa nito kaya inirapan niya na lang ito at hindi na pinansin.

"September." Walang reaksyon. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito at itinuon na lang ang pansin sa folder.

"September Sobejana." tawag nito sa buong pangalan niya ngunit nanatili siyang matigas at hindi parin ito pinansin. Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at naramdaman niya ang paglapit nito.

"Month.." muling nagsalubong ang kilay niya sa narinig. Asar siyang tumingin dito.

"Einver--" she stilled. Napatulala na lang siya ng maramdamang humalik ito sa noo niya.

"E-Ein.." naiilang niyang iniwas ang tingin. Inikot naman nito ang upuan niya kaya napaharap siya dito. Lumuhod ito sa harapan niya at naglalambing na yumakap ito sa bewang niya.

"Sorry. Please don't be mad at me." paghingi nito ng tawad sa kaniya. Bakas sa boses nito ang pagsisisi sa ginawang kalokohan kaya napabuntong hininga na lang siya.

"Einver.."

"I can't help myself. I want to tease you, Sept. You're too cute when you're pissed." dugtong nito.

She pout a bit. "Pinaglololoko mo ako eh. Ang sama mo!" Nakanguso niyang saad. Tumingin naman ito sa kaniya at ngumiti ito.

Saglit siyang napatulala. Hindi pa siya masyadong nasasanay sa pabago-bago nitong ugali. Minsan ay sinusungitan siya pero pagkaraan ng ilang segondo ay Todo naman ang ngiti at lambing nito sa kaniya. She know it's normal. Natural na masungit ito at alam niyang dahil girlfriend siya nito kaya ito nagiging malambing at ngumingiti ng matamis. Ang kaso ay hindi pa siya masyadong nasasanay. Kapag ngumingiti ito sa kaniya'y hindi niya maiwasang mailang at kabahan. Kinakabahan siya dahil sa nararamdaman niya. Bumibilis na naman kasi ang tibok ng puso niya sa malamang dahilan. Alam niya kung ano ang ibig sabihin nun.. at natatakot siya sa kahihinatnan ng nararamdaman niya.

Masyado kasi silang naging mabilis. Oo nga't mahigit apat na buwan na silang magkakilala ngunit hindi niya pa ito kilala ng lubusan. Wala siyang masyadong alam tungkol dito.. ngunit inaamin niya. Wala rin namang alam ang kasintahan tungkol sa kaniya.

"September.." napakurap siya.

"Yes?" Kumunot ang noo nito. "You're passing out. May problema ba?" Tanong nito. Mahina siyang umiling.

"Wala naman." sagot niya at tipid itong nginitian.

Umangat naman ang kamay niya at mahinang ginulo ang buhok nito.

"Sige na, Ein. Balik ka na dun." Saad niya. Tumango naman ito at umalis na sa harapan niya.

__

I

T'S ALREADY 7:35 P.M. nang lumapit sa kaniya si Einver.

"I'll just buy our dinner, Sept. Dito ka lang ha?" Saad nito. Tumango naman siya.

"I'll be fast." Mabilis nitong hinalikan ang noo niya bago umalis ng opisina. Siya nama'y napangiti na lang at muling itinuon ang pansin sa tina-trabaho.

8:30. One hour has pass at hindi parin bumabalik si Einver. Nakakapagtataka ngunit pilit niyang binabalewala iyon sa pag-aakalang may dinaanan pa ito.

"Gutom na'ko." bulong niya sa sarili at napabusangot.

"Bakit ang tagal niya?" She sigh. Tumayo siya sa kinauupuan at naglakad paalis sa opisina. Pupunta na lamang siya sa cafeteria para--

Napatigil siya sa paglakad ng biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang isang di kilalang lalaki.

Kaagad siyang napaatras ng mapansin ang ngisi sa mukha nito.

"A-Ahm, anong kailangan mo?" Saad niya at pilit tinatago ang kabang nararamdaman. Pasimple siyang napaatras.

"Ang katawan mo sana, Doc. Mukhang maganda paglaruan yan." ngisi nito at nakita pa niya kung paano siya pinasadhan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Muli siyang napaatras. "A-Ahm, I'm sorry but--HMMP" napasinghap siya ng lumapit ito at mabilis na tinakpan ang bibig niya gamit ang isang panyo.

"HMMP!" Nagpumilit siyang pumiglas dito ngunit unti-unti na siyang nakaramdam ng matinding hilo.

Mas lalo namang lumawak ang ngisi ng kaharap ng mapansing nawawalan na siya ng malay.

"E-Einver.." yun ang huling salita niya bago tuluyang nawalan ng malay.

___

KUMUNOT ANG NOO NI EINVER nang makapasok siya sa loob ng opisina. Wala dito ang doktora.

"Saan siya nagpunta?" Tanong niya sa sarili at inilibot ang tingin sa opisina. Lumapit siya sa lamesa nito at inilapag ang pagkain nila.

Pumunta naman siya sa bawat kwarto ngunit wala parin ang doktora dito.

"F*ck!" Mura niya. Nagsisimula na siyang makaramdam ng kaba. Sinubukan naman niyang tawagan ito ngunit muli na lang siyang napamura ng makitang nasa drawer ang cellphone nito.

Patakbo siyang lumabas ng opisina at di-diretso sana sa opisina ni Israel ng makarinig siya ng isang tili.

Hindi niya alam kung bakit pero dali-dali siyang tumakbo papunta doon. Muli na namang may tumili kaya mas binilisan niya ang pagtakbo hanggang sa makarating siya sa comfort room ng mga babae.

Humahangos na pumasok siya doon at nakita niya ang doktora. May nakapatong dito na lalaki at halatang pilit nitong hinahawakan ang doktora. Ang suot naman nito ay bukas na ang tatlong butones ng polong suot. Wala na rin ang lab coat na suot suot nito kanina.

He grtith his teeth. Dali-dali siyang lumapit doon at malakas na hinila palayo ang lalaki. Pagkatapos ay malakas niya itong sinapak na kaagad ikinatumba nito.

"F*ck!" Mura niya at muling sinugod ang lalaki. Rinig niya ang munting hikbi ng doktora kaya mas umusbong ang galit na nararamdaman niya.

Hindi lang siya galit dahil sa mapangahas na lalaki kundi sa sarili niya. Nakalimutan niyang nanganganib pala ang buhay nito. Masyadong siyang na-distract sa mga bagay-bagay at nakalimutan niya ito.

Nang mapansing nanghihina na ang lalaki ay lumapit siya sa doktora na tahimik na umiiyak sa gilid.

"September.." mahinang tawag niya dito at hinawakan ito sa balikat ngunit bigla nitong winaklis ang kamay niya at lumayo.

"D-Don't.." mahinang saad nito at nanginginig pa. Mukhang wala ito sa sarili at nanghihina na pero pilit paring lumalaban.

His heart twitch at that sight. Nasasaktan at naaawa siya para dito.

"September.." muling tawag niya at nilapitan ito ngunit parang batang takot na takot itong lumayo at sumiksik sa gilid.

"N-No.."

"September, calm down. It's me. It's Einver." tawag niya dito at humawak sa kamay ng dalaga. Hindi naman ito nakinig at patuloy paring lumalayo. Kaya naman maingat niya itong hinapit at niyakap ng mahigpit.

"NO!" Sigaw nito at pumiglas ngunit hinigpitan niya ang hawak nito.

"September.." bulong niya. Hinawakan niya ang mukha nito at mahinang hinaplos.

"Einver, September. It's me, Month. Calm down. Shhh.." pagpatahan niya. Natigilan naman ito. Mukhang narinig na siya nito ng tuluyan.

"E-Einver?" Tanong nito. Tumango siya at bahagyang ngumiti.

"Yes. Einver, September. Your boyfriend, okay?" Saad niya. Sa sinabi niya'y mas lalong umagos ang mga luha nito at tuluyan ng humagulhol.

"E-Einver!" Yumakap ito pabalik sa kaniya kaya napagpasyahan niya na ring alalayan ito patayo.

"Shhh.. tahan na." bulong niya at hinaplos ang buhok nito.

"Anong nangyari?!" Napalingon naman siya sa may pinto at nakita si Dr. Salvador na humahangos pa. He sigh and look at the culprit. He glare at him.

"Ikaw na ang bahala sa kaniya. Papahingahin ko muna siya." Saad niya at inalalayan ito paalis.

"Sige. Take care of her." bilin nito bago nilapitan ang may kasalanan.

Siya nama'y dumiretso pabalik sa opisina at inalalayan ito papuntang kwarto. Inihiga niya ito sa kama at pinunasan ang mga luha nito.

"September.." tawag niya. Humikbi ito.

"B-Bakit kasi.." nanginginig parin ito. "B-Bakit kasi ang tagal mong bumalik?" Bulong nito sa kaniya. Natigilan siya.

"B-Bakit kasi ang tagal mong bumalik, E-Ein?" Muli nitong saad at umiyak na naman. Siya nama'y napabuntong hininga.

"I'm sorry.." paghingi niya ng tawad ngunit para itong walang narinig at paulit-ulit siyang tinatanong kung bakit ang tagal niyang bumalik kanina.

"I'm sorry.." ulit niya makalipas ang ilang minuto. Nakatulog na ang doktora habang tinatanong parin siya.

Muli siyang napabuntong hininga at tumayo na. Lumabas siya ng kwarto at umupo sa sofa. Napa-isip siya.

Kailangan niya ng magdesisyon ngayon. Kailangan na niyang pag-isipan kung babalik na ba siya ngayon. He groaned. Hindi pa niya kayang bumalik sa kung saan talaga siya nararapat ngunit kung hindi naman ay baka maulit sa dalaga ang nangyari kanina.

Kailangan niya itong proktektahan sa abot ng makakaya dahil alam niyang lalabas ang tinatago niyang ugali kapag may nangyari rito. Hindi niya alam ang mangyayari ngunit kung wala siyang gagawin.. manganganib na naman ito. Mapapahamak na naman ang kasintahan.

He sigh. Mukhang wala na siyang pagpipilian.

___

MAGKAHALONG GULAT AT GALAK ang namutawi sa mga mukha ng mga taong nakakasalubong niya habang papunta siya sa opisina na pupuntahan.

Sa wakas, makalipas ang isang taong pag-alis ay nakabalik na rin siya.

ZEUS ORGANIZATION, ito ang lugar na kung saan niya pilit tinatakasan. Ang lugar kung saan may naka-atang sa kaniyang responsibilidad na tinakasan niya isang taon nang makalipas.

Pasimple siyang napangiwi. Paniguradong pipilitin na naman siya ng mga nakatataas na pumasok sa responsibilidad na iyon lalo na ngayong bumalik na siya at may kailangan pa.

Ngunit wala na siyang pagpipilian. Ito ang ginusto niya. Gagawin niya ito para sa doktora at para sa hustisya ng mga nabiktima.

Ilang sandali ay narating na niya ang main office at walang pag-alinlangan itong binuksan. Pagpasok niya ay bumungad dito ang apat na taong naging mahalaga na rin sa kaniya.

Lumapit siya dito. Walang gulat sa mga mukha nito. Mukhang inaasahan na ang pagdating niya. Nang makalapit ay agad niyang sinabi ang pakay niya.

"I need some back-ups." seryosong sambit niya. Napangisi ang dalawang kasama.

"Back-ups? Anong nangyari at sa makalipas na isang taon ay bumalik ka na rin dito, Einver?" Mataray na tanong ni Chille sa kaniya. Nakataas pa ang kilay nito kaya hindi niya maiwasang mapangisi. Alam na alam niya kung bakit ganun ang trato nito sa kaniya ngayon.. halatang nagtatampo.

"May kailangan akong proktektahan na tao at gusto kong mas pag-igihan iyon kung pagbibigyan niyo ako sa kahilingan ko." Sagot niya. Umirap ito at hindi sumagot samantalang narinig niya naman ang munting tawa ng pinakabata sa kanila.

"Why? Naging mahina ka na ba, KUYA?" Nang-uuyam na pang-aasar sa kaniya ng nakababata niyang kapatid. Si Chester.

"I'm not. Kailangan ko lang makasigurong nasa maayos siya." seryoso niyang sagot. Tumayo naman ang isa pa at lumapit sa kaniya bago siya inakbayan.

"Son, is this all about that doctor? Dra. September Sobejana?" Tanong nito ngunit halata naman sa boses ang pang-aasar.

Napangiwi siya sa tono ng boses ng ama. JL McNamara, his father's name.

"Yeah.."

"Hmm. I heard she's your girlfriend, Einver." Saad naman ng isang tinig kaya napalingon siya dito.

"Mom.." ngumiti naman ito at patakbong pumunta sa kaniya bago yumakap ng mahigpit. Dixen Cruz McNamara, his mother's name.

"I missed you!" Saad nito. Napangiti naman siya at niyakap ito pabalik hanggang sa naramdaman niya na lang ang pagyakap sa kaniya ng tatlong pares ng mga bisig. Mas lalo siyang napangiti. He came back.. to his family.

___

NAGING SERYOSO naman ang awra ng lahat matapos niyang ipaliwanag ang lahat ng nangyayari sa hospital.

"Tsk! Masyado ata tayong naging busy sa organisasyon at hindi ko napansin ang kasong ito sa McNamara Hospital." napa-iling ang kaniyang ama.

"Hwag kang mag-alala, Einver. Gagawan ko yun ng paraan lalo na't nakasalalay din dito ang pangalan ng hospital na'tin." Saad naman ng kaniyang ina.

He sigh. Palihim siyang napangiwi. He really hates the fact that his working in their OWN HOSPITAL.

Einver Cruz McNamara, his full name. Pinilit niyang itago ang buo niyang pangalan para kung sa gayun ay walang special treatment na mangyari sa kaniya sa loob ng hospital. Ayaw niya sa ganoong atensyon at alam niyang magiging iba ang trato sa kaniya ng doktora kapag nalaman nito ang buong pagkatao niya.

Chester Cruz McNamara smirk. Napansin nito ang naging reaksyon niya. Siya nama'y napa-iling. Labing anim taong gulang pa lamang ang nakababata niyang kapatid ngunit kung maka-asta ito'y ka-edad niya lang.

"I just need some back-ups to protect her. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay nandun ako kagaya ng nangyari kanina." Saad niya.

Pagkatapos makitang tulog na ang doktora ay agad niyang inihabilin sa doktor ang doktora para bantayan muna ito. Dumiretso kaagad siya dito and it's already 9:36 P.M. Babalik din siya sa hospital pagkatapos nito para muling kamustahin ang kasintahan.

"Okay. Mag-aasign ako. Pupuntahan ka na lang siguro ni Nana kapag naayos ko na." he nod. Bumukas naman ang pintuan kaya napalingon sila doon. Pumasok dito ang isang babaeng halos natabunan na yata ng buhok ang buong mata. Walang ekspresyon ang mukha nito at halatang walang gana. Dire-diretso lang ito sa pagpasok at huminto lang sa tapat nila. Bahagya itong yumuko.

"Good evening." malamig nitong bati. Lahat naman sila'y agad na ngumiti dito.

Minsaki Dela Cruz, ang kauna-unahang naging Reyna ng organisasyon sa loob lamang ng dalawang buwan. Labing dalawang taong gulang pa lamang ito ng mapadpad sa kanila. Unang kita pa lamang nila dito ay agad silang nakaramdam ng lakas dito. Halatang may kakayahan para sumali sa organisasyon at hindi nga sila nagkamali. Pagkalipas lang ng isanv taong training nito at pagkatapos isabak sa isang importanteng misyon ay dineklara agad itong Reyna ng organisasyon.

Masyadong maliksi at matalino ito kaya hindi na sila nagsayang pa ng panahon upang humanap ng iba.

"Sakki." tawag ni Chester at dali-daling lumapit sa Reyna. Aakmang yayakap ito ngunit mabilis na umiwas ang babae.

"I hate those things, Chester." malamig nitong sabi. Napangiti siya. Dahil malapit na ito sa kaniya'y kaagad niyang inabot ang ulo nito at ginulo ang buhok.

"Hi, Sakki." bati niya ngunit hindi ito tumingin sa kaniya. Nagkibit balikat siya. Mabuti na rin iyon. Hanggang ngayon ay hindi parin sila sanay sa mga mata nito.

Masyadong madilim at bahagya pang nakakatakot kaya hangga't maaari ay iniiwasan nilang magkasalubong ito.

"You're girlfriend's name is September Sobejana, right?" Biglang tanong ng nakakatanda niyang kapatid, Chille Amaya Cruz McNamara.

Tumango siya. "Yes."

"That Psychologist?" Singit ni Sakki. Bahagya itong ngumisi. "Sixteen." Saad nito. Kumunot ang noo niya.

"Sixteen?" Tanong niya. Tumango ito. "September Sixteen Sobejana." Saad nito. Mas lalo siyang nagtaka.

"That's her full name." malamig nitong patuloy. Siya nama'y natigilan.

"You know her?" Tanong niya. Tumango na naman ito.

"She's my new assignment."

Sa sinabi nito'y napaawang ang labi niya sa gulat.

"The f*ck?!" Lumingon siya sa mga kasama at natigilan ng makitang seryoso ang mga mukha nito.

"What the hell is this?!" Hindi niya mapigilang mapatayo dahil sa kaguluhan.

Ang kapatid naman niya'y napangisi.

"I'm glad you're back, Einver. You came here together with that important information." ngisi nito.

"Important information?"

"You've found her. You found the Sweet Sixteen, Einver. Our important assignment for the Zeus."

***

Yassy💫 || Ika-LabingAnimNaTinta☕

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Assassinating Psychology   SPECIAL CHAPTER

 | SPECIAL CHAPTER | // "Be the Queen to the King." \\ ___ "I now hereby declared as the new King, Einver Cruz McNamara of Zeus Organization. May you have a peaceful reign in your time as a King." the King announced and after that, everyone shouted in glee as they clap their hands to congratulate the newest King.Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya lalo na nang lumingon ito sa direksyon niya at nagtama ang mga mata nila.Another year had passed and everyone finally coped up from the happenings in the past. Naging mahirap lalo na kung paano tanggapon ng lahat ang isang katulad niya

Assassinating Psychology   EPILOGUE

 | EPILOGUE | // "Still, an ending needs to solve everything." \\ ___"HYPNOTISM is actually a kind of psychological therapy but one of the most complicated methods of meditation. It includes highly concentration and determination to be able on succeeding doing this." panimula ni Dr. Kyle, a Hypnotist-- sa harap nila.Nasa isang conference room sila ngayon at nagmemeeting about sa bagong method na susubukan nila para sa mga pasyente niya. All of them in the room are Psychologist in McNamara Hospital. Completo silang lahat.. maliban sa isang tao.Ipinilig naman kaagad ni Einver ang ulo nang sumagli sa isipan niya ng taong yun at napagp

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART FOUR ]

 | CHAOS BATTLE | // "Climax doesn't end in one chapter so as the story. It'll just continue until death decides to end it." \\ ___ "Israel.." mahina niyang tawag sa pangalan nito. Hindi parin siya makahuma lalo na nang masaksihan niya ang ginawa nito. The Isreal that she knew would never do that. Aside from his profession as a Doctor, alam niyang may mabuting kalooban ang binata kaya naman laking gulat na niya lang nang makita ang ginawa nito. What he did earlier was not Israel anymore. Naging ibang tao ito at hindi niya maatim na makita ito."Tsk! My guts was right about him. He really has something, eh?" nap

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART THREE ]

 | ENEMY | // "The most unfortunate about having a companion, is having a friend who can also be your greatest enemy." \\ ___ "KAMUSTA, ATE?"Napaawang ang mga labi niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Hawak hawak nito ang baril na kailan ma'y hindi niya maisip na magagawa iyon nitong hawakan ang ganoong kadelikadong bagay. Halata pang nabibigatan ito dahil dalawang kamay ang hawak pero hindi parin nun mababawasan ang kabang nararamdaman niya. Bahagya muli siyang napaatras."M-Macky?"Humakbang naman ito palapit kaya

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART TWO ]

 | FEELINGS | // "Like in the weather. Sun might be the battles and the rain might be the breathing but the thing is, rain can only lasted for a few hours or minutes and again, Sun will begin showing so you have to face the battles again." \\ ___"ANONG GINAGAWA na'tin dito?" takang tanong ni September sa kasama.Nasa isang malawak na harden silang dalawa. Papalubog na ang araw pero kitang kita parin nilang dalawa ang mga iba't ibang klase ng mga bulaklak na nakapalibot sa kanila. Everything seems unreal. Parang nasa lugar sila ng imahinasyon at talagang napakaganda ng paligid."We're away from everyone, September. I think we both nee

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART ONE ]

 | CLOSURE | // "Starting a new chapter will help to reach the ending of the story." \\ ___A MORNING CAME after night, slowly she opened her eyes and found herself in an unfamiliar room. Her forehead wrinkled at that sight. She didn't know where she is."Hmm.." she lowly groaned and massage her temple slowly to ease the ache on her head. Nagtataka rin siya kung nakadapa siyang nakahiga at doon niya lang nalaman ang dahilan nang maramdaman ang kirot dito."A-Ahh.." daing niya sa sakit. Aakma na sana siyang susubok na bumangon nang mapatigil nang makita si Einver sa harapan. Nakahiga ito sa couch at nakaharap din sa kaniya."Ein.." natu

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY TWO [ PART TWO ]

 | ESCAPED | // "Who's truly lying?" \\

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY TWO [ PART ONE ]

| APOLOGY | // "Can a word sorry change everything?" \\ ___

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY ONE [ PART FIVE ]

 |FIFTH PAGE | // "If it means to live again, then live." \\

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY ONE [ PART FOUR ]

 | FOURTH PAGE | // "Acceptance is the hardest thing to do when you already had enough because of pain." \\

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy