loading
Home/ Lahat /Assassinating Psychology/CHAPTER NINE

CHAPTER NINE

Author: LabingAnimNaTinta
"Petsa ng paglalathala: " 2020-07-31 18:25:59



// "Will you accept everyone's secret even though they lied to you?" \\

___

THIS DAY IS DEFINITELY WEIRD-- NO, EINVER IS WEIRD. Yan ang nasa isip ni September habang lumilipas ang hapon. Masyadong weirdo dahil bukod sa hindi tumitingin si Einver sa kaniya ay halatang ilag ito. Parang bumalik sa kung ano sila noon makalipas ang dalawang buwan. Sa kung saan co-worker lang ang tingin nito sa kaniya at wala ng iba.

Nakakapagtataka man pero hindi niya maiwasang malungkot. Hindi niya alam na ganito pala kalaki ang epekto nito sa kaniya. Masyadong nasasaktan ang damdamin niya sa ginagawa ng binata.

Nakasanayan na niyang makasama ito at ganun na lang ang lungkot niya sa biglaang paglayo nito. Naisip niya, maayos naman sila noong nakaraang araw. Niyakap pa nga siya nito kaya nakapagtataka talaga ito ngayon.

"Dra. Sobejana." she stilled when she heard it. Dra. Sobejana? Babalik na naman ba tayo sa umpisa, Einver?

Mas lalo siyang nakaramdam ng bigat sa puso. She sigh and force a smile.

"Yes?"

"Ms. Regulacion already sent an email to me. Ang sabi niya'y pumayag daw yung Hannah na komonsulta sa'yo. Na-set ko na ang schedule nila. It's Monday 5:20 P.M. then Friday 6:20 P.M., ayos lang ba? Babalik sila dito next week, Lunes para makapagsimula na." mahabang lintanya nito ngunit ang mga mata'y nasa ipod na kaharap.

She nod. "Okay, thanks." tumalikod na ito kaya agad siyang naalarma.

"Einver.." tumigil ito't muling humarap sa kaniya.

"Bakit?" Tanong nito. Hindi naman siya makasagot. Napako ang tingin niya sa mga mata nito. Although his face shows nothing.. his eyes. Nakikita niyang may mga emosyon dito at alam niyang pilit nitong tinatago. Pagkalito, pag-aalinlangan, at kaba. Halo-halong emosyon ang nasa mga nito.

"Sobejana?" Napakurap siya. Hindi niya namalayang tumagal ang titig niya dito. She force a smile. Mahina siyang umiling.

"Wala. Nakalimutan ko yung sasabihin ko." saad niya at mahina pang tumawa ngunit tinignan lang siya nito. Pagkatapos ay tumalikod saka bumalik na sa sariling upuan.

Napasimangot siya. Ano bang problema nun?

___

M

ALAPIT NA ANG out nito at hanggang ngayon ay hindi parin siya pinapansin. Mas lalong sumimangot ang mukha niya.

"Tsk! Kung ayaw niyang pansinin ako edi hindi ko rin siya papansinin. Bahala siya." iritang bulong niya sa sarili at dire-diretsong lumabas ng opisina kahit narinig niya ang pagtawag nito.

"September!"

Hindi niya ito pinansin at pumunta na lang sa opisina ni Dr. Salvador.

Pagdating niya'y tuloy tuloy lang siya sa pagpasok at umupo sa visitor's chair.

"Nakaka-inis talaga ang lalaking yun! Ano bang--" napasinghap siya. Naputol ang sasabihin niya ng makita ang kaibigang doktor.

Naka-topless lang ang doktor at nakatingin din sa kaniya. Katulad niya'y gulat na gulat din ang mukha nito. Mukhang hindi inaasahang papasok na lang siya bigla.

Seconds pass at doon lang pumasok sa isipan niya ang sitwasyon nila. Agad namula ang mukha niya at tumili ng malakas.

She shout like a crazy woman until she feels Israel's hands cover her mouth for her to shut up. Nakalapit na pala ito at pilit siyang pinatatahimik.

"September, don't--"

"The hell are you two doing?!" Sabay silang napalingon sa nagsalita at nakita si Einver. Nasa may pintuan ito't gulat na gulat ang nasa mukha habang nakatingin sa kanila.

Napatingin naman siya kay Israel at doon lang niya napansing malapit talaga sila sa isa't isa. Naka-topless parin ito at nakatakip parin ang isang kamay sa bibig niya.

Agad siyang lumayo dito. Tumayo siya at lumapit kay Einver.

"A-Ano hwag kang mag-isip ng kung ano ano ha! Mali yung iniisip--"

"Let's go." putol nito at mabilis siyang hinila paalis. Sumilip naman ang doktor na kaibigan at ngumiti sa kaniya.

"Sorry, Sept!" Sigaw nito at bago pa siya makapagsalita ay naputol ang sasabihin niya sana ng maramdamang bumaba ang kamay ng lalaking humihila sa kaniya.

Kung kanina'y hawak siya nito sa wrist, ngayon naman ay nasa kamay na niya talaga. Nakahawak ito ng mahigpit sa kaniya.

"Einver.." tawag pansin niya pero hindi siya nito pinansin hanggang sa nakabalik na sila ng opisina. Hila parin siya nito papasok. Sinarado nito ang pintuan at iginaya siya sa isang upuan.

"Einver--"

"Be my girlfriend."

Napakurap siya. "H-Ha?" Girlfriend..?

"Be my girlfriend, September." muling saad nito habang nakatingin sa mga mata niya.

She gasp. "Einver! Ano bang sinasabi mo?!" Gulat niyang saad. Girlfriend? Ano bang iniisip nito at biglang nagkaganito?

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at tumabi sa kaniya ng upo at mahina siyang napaigtad ng maramdaman ang kamay nito na humawak sa kamay niya.

"Just say yes, September." Saad nito. Napalayo siya dito at napapantastikuhang tinignan niya ito.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong niya. "At! Hindi kita bibigyan ng sagot diyan kapag hindi mo ako binigyan ng matinong sagot!" Babala niya.

Napasandal naman ito sa sofa.

"Kailangan ba ng rason?" Walang gana nitong saad. Napatango siya at sumandal rin sa sofa.

"Oo naman. Relationship ang gusto mong pasukan, Ein. Talagang kailangan ko ng rason kung bakit mo biglang nasabi yan." napabuga siya ng isang marahas na hininga. "Alam mo, magulo ka eh. Kanina lang hindi mo'ko pinapansin tapos ngayon niyayaya mo'kong maging girlfriend? Ano bang nangyaya--"

She stilled. Naputol ang sasabihin niya ng maramdamang sumandal ito sa kaniya.

"Einver.."

"I like you, September." unti-unting napaawang ang labi niya. Naramdaman niya muli ang kamay nitong humawak sa kamay niya at pinaglalaruan ito.

"I like you. Sapat na ba yung dahilan kung bakit gusto kong maging girlfriend kita?" Tanong nito. Hindi siya makasagot. Nanatiling nakaawang ang mga labi niya at tulala.

Mukhang naramdaman naman nito ang pagkagulat niya kaya umalis ito sa pagkakasandal sa kaniya ngunit nanatili paring nakahawak sa kamay niya.

"September.." napahinga siya ng malalim.

"A-Ahm--"

"Can you? September, please. I want you to be my girlfriend." muling hiling nito sa kaniya. Napatingin naman siya sa mga mata nito at napatitig.

Halo-halong emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito. May kaba, may pagkabahala.. at sinsero. Mukhang seryoso talaga ito sa sinasabi ngayon.

"Einver.." Hindi siya nakahanap ng isasagot dito. Nanatili siyang tahimik sa nagdaang minuto kaya napansin niya ang pagkawalan ng pag-asa nito. Unti-unting nawawala ang emosyon sa mga mata nito at paunti-unti na ring bumibitaw sa mga kamay niya.

"I see.." mahinang saad nito ng tuluyan ng nakalayo sa kaniya.

"Pasensiya na kung nagpumilit pa ako." paghingi nito ng paumanhin. Lumayo ito ng upo at muling sumandal sa sofa. Nakapikit ang mga mata nito kaya napatitig siya dito.

'I like you. Sapat na ba yung dahilan kung bakit gusto kong maging girlfriend kita?'

Napabuntong hininga siya at medyo lumapit dito. Humiga siya sa hita nito kaya nakita niyang natigilan ang binata.

Inilagay naman siya ang braso sa mga mata at nagsalita.

"Einver?"

"Hmm?"

"Paano ba maging isang girlfriend sa isang tao?" Naramdaman niyang napatigil ito.

"Bakit mo naman tinatanong?"

"W-Well, the real is I'm NBSB. No Boyfriend Since Birth ika nga nila so ahm, hindi ko talaga alam kung paano ba maging isang ganiyan." nahihiya niyang pag-amin dito.

"Really? Bakit naman wala?" Tanong nito and she chose not to answer.

Natahimik naman sila hanggang sa naramdaman na niya ang kamay nitong humahaplos sa buhok niya.

"Will it be fine if I say yes to you Einver?" Tanong niya.

"I honestly don't know too. Nagkaroon naman ako ng karelasyon noon pero iba naman ang sitwasyon na'tin ngayon.. kaya hindi ko alam." Saad nito.

"Pero wala na namang masama diba? Kung susubukan na'tin?" Tanong niya. Tumigil ito sa paghaplos ng buhok niya kaya unti-unti naman siyang inalis ang  braso sa mga mata niya. Tumitig siya dito.

"Can we try if we'll work out, Einver?" Tanong niya habang direktang nakatingin sa mga mata nito. Nakita niya kung paano umawang ang mga labi nito na para bang nagulat sa sinabi niya.

"September.." she just smile at him. Ilang segundo pa itong nakatitig sa kaniya hanggang sa napangiti na rin ito ng tuluyan.

"Salamat.." nakita niyang nag-alangan ito.

"Ahm, c-can I hug you?" Mas lalo siyang napangiti dito kaya dali-dali siyang bumangon ay niyakap ito ng mahigpit.

Nakahiga parin ang ibaba niya habang ang hanggang bewang pataas niya'y nakayakap sa binata.

"Ayos lang naman diba?" Tanong niya. Tumango ito at humigpit ang yakap sa kaniya.

"Natatakot ka?"

She feel silent. Natural naman siguro ang matakot lalo na't first time pa nga nyang pumasok sa isang relasyon, diba?

"I've seen enough, Ein. For the past year, may mga naging pasyente akong nagkakaroon ng depression. Karamihan sa kanila nagiging ganun dahil sa pagpasok nila sa isang relasyon. Ang sabi nila'y binuhos nila ang lahat para sa kapareha ngunit nauuwi lang sa wala. Masyado silang nahulog sa isang patibong at hindi na naka-ahon." sumubsob siya sa may leeg nito.

"Masyado silang nasaktan at humantong sila sa ganoong sitwasyon, Ein. Natatakot akong maging katulad nila.." napapikit siya.

"Natatakot akong masaktan kapag nahulog ang puso ko sa'yo."  mahinang bulong niya dito.

Muli silang natahimik ngunit maya-maya pa'y naramdaman niya ang maingat na paghalik nito sa sentido niya.

"Hindi naman mangyayari yun kapag naging maingat tayo diba?" Sagot nito. Tumango siya.

"Let's trust each other, September. We'll work this out together."

___

AWKWARD. Halos kalahating oras na ang makalipas at hindi niya alam kung ano ang dapat ikilos. Marami siyang tanong sa sarili na alam niyang bago lang para sa kaniya.

Pumasok sa isang relasyon? Malayong malayo yan sa kung ano ang nasa isip niya.

Ano nga ba ang dapat niyang gawin? Nakakakaba naman.

"September.."

Sana pala pumasok ako noon sa isang relasyon kahit isang subok lang para malaman ko kung anong dapat gawin? Napahinga siya ng malalim.

"September, are you okay?"

"N-No.." nausal niya ng wala sa sarili. Mas lumapit ito sa kaniya't agad siyang tinanong.

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong nito at bakas sa mukha ang pag-alala.

"Naguguluhan ako." pag-aamin niya. Kumunot ang noo nito.

"Bakit?"

"H-Hindi ko alam kung anong gagawin." napasimangot siya.

"Hey, Einver. Ang sabi mo kanina may naka-relasyon ka na? Anong.." nag-alangan siya sandali pero tinuloy parin. Huminga siya ng malalim.

"A-Anong ginagawa ng naging girlfriend mo noon para sa'yo?" Tanong niya. Ilang sandaling natahimik naman ito kaya hindi niya maiwasang kabahan.

"Bakit? Hindi ko ba dapat itanong? Dapat bang iba yung gagawin ko? Ahm, ano naman?" Sunod sunod niyang tanong dito. He smile at her. Nagulat na lang siya ng mas lumapit pa ito't humalik sa noo niya.

"Stay calm, September." he softly said.

"You don't need to know about my past relationships. Just be with me and be yourself. It's fine, September. It's okay.." pagpapakalma nito sa kaniya.

"Talaga?" Umaasang tanong niya.

"Yes, of course." napabuntong hininga naman siya.

"Salamat naman kung ganun." She chuckle. "I panicked."

"Halika." tinayo siya nito at niyakap. Naiilang na yumakap siya pabalik.

"You look tense. Why? Hindi naman bago sa atin ang magkayakap diba?" Tanong nito. Mahina siyang tumango at napatawa ng mahina.

"Hindi nga.." pagkatapos ay niyakap na niya ito ng mahigpit.

Natahimik naman silang dalawa hanggang sa naramdaman niya ulit ang paghalik nito sa noo niya.

She feels relieved. Wala naman talaga sigurong masama kung sa paglipas ng ilang taon ay may papapasukin na ako sa puso ko, diba?

___

EVERYTHING WILL BE ALRIGHT. Paulit-ulit na pumasok sa isipan ni Einver ang mga katagang yan. Dapat nga na ganiyan ang mangyari dahil kung hindi, hindi niya na alam ang gagawin.. para proktektahan ito.

"Napapayag mo na?" Nababahalang na tanong ni Dr. Salvador sa kaniya. Tumango naman siya.

"Oo." tipid niyang sagot. Napabuga naman ito ng hangin.

"Mabuti naman. Kailangan siyang mabantayan ng mas mahigpit. Mahirap na't may mangyayari na naman." napatango naman siya dun at muling napatingin sa mga larawan na nasa harapan.

Iba't ibang mga larawan tungkol sa kaso noon. DEATH OF TEN. Mga larawan sa kung saan nandoon ang mga naunang biktima. The first victim to the 12th. Kinuha niya ang panghuling litrato ay nakita ang numerong 13. May mga dugo na nakapalibot dito.

Na para bang nagpapahayag na ng sunod na bibiktimahin.

Si September, para sa kaniya talaga ang mga litratong yun. Nakasulat doon na para sa dalaga ang mga litrato at dahil nga siya ang assistant nito ay dumadaan muna sa kaniya ang mga padala. Nagkataon namang nabuksan niya iyon sa pagkaka-akalang para sa kaniya.

He grith his teeth in annoyance and anger.

Sisisguraduhin niyang mapro-protektahan niya ang doktora sa abot ng makakaya.

"Siya nga pala, paano mo napapayag si Sept na maging girlfriend mo?" Biglang tanong nito sa kaniya.

"Sinabi kong gusto ko siya." Parang wala lang niyang saad. Narinig niya ang pagsinghap nito.

"What?! Sana sinabi mo na lang na maglalaro kayo o ano basta hwag lang yan!" Histerikal nitong saad. Kumunot ang noo niya.

"Bakit naman?"

"Sa tingin mo ba hindi siya masasaktan kapag nalaman niyang hindi mo naman siya gusto? Even though you did that to protect her, that doesn't change the fact that you lied, Einver." Hindi naman siya makasagot.

"Tsk!" Ismid nito. "Sana pala ako na lang yung nagyaya sa kaniya na maging--"

"No." putol niya. "Nangyari na kaya tumahimik ka na lang. I don't care if she'll hate me after this but this is for her protection. Kailangan'to para sa kaniya." Saad niya't lumabas na ng opisina ng doktor.

Bumalik siya sa opisina nila at nakita ang doktora. Naka-upo ito sa sofa. Lumapit naman siya't tumabi dito. Sumandal siya sa doktora at napahinga ng malalim.

"September.."

"Hmm?"

"You'll not be angry with me, right?" Mahinang tanong niya.

"Bakit naman?"

"Wala lang. Magagalit ka ba kapag may ginawa akong masama?" Tanong niya.

"It's depends on the situation, Ein. But you know, I'm a psychologist. Alam ko kung ano ang dapat gawin kapag may nangyari ngang ganun. I don't let any emotions drawn myself and let it decide for me. Masama yun, diba? Kasi natatabunan nito ang dapat mong gawin. Parang nawawala ka sa katinuan." Saad nito. Tahimik siyang tumango.

Sandali silang nilamon ng katahimikan.

"Einver?"

"Hmm?"

"Ikaw ba? Magagalit ka ba.. o lalayo ka ba kapag nalaman mo kung ano ang sekreto ko?" Mahinang sabi nito ngunit dinig naman niya. He stiff.

"What.. do you mean?"

"Kinakabahan ka? Kung sakali lang naman, Ein. Na may nalaman kang sekreto tungkol sa'kin. Magagalit ka ba dahil hindi ko sinabi sa'yo ng mas maaga?" Tanong nito.

"Hindi ko alam ang isasagot sa'yo, Sept. Hangga't hindi ko siguro nalalaman kung anong sekreto yan, hindi ko malalaman kung ano ang mararamdaman ko. Maaaring magalit nga o hindi naman. Hindi ko alam." Sagot niya. Muli silang natahimik.

Sekreto? Marami siyang tinatago tungkol sa kaniya. Lalong lalo na sa pagkatao niya. Marami pang walang may alam kung sino siya. Walang nakaka-alam maliban sa mga taong alam niyang pinagtataguan niya.

Hindi lang pala ako ang ay may tinatago, marami pang tao ang may sekreto na pilit tinatago.. at pilit kinakalimutan.

***

Yassy💫 || Ika-LabingAnimNaTinta☕

Gustong malaman kung ano ang mangyayari?
Patuloy ang Pagbabasa
Nakaraang Kabanata
Sunod na kabanata

Ibahagi ang nobela sa

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Pinakabagong kabanata

Assassinating Psychology   SPECIAL CHAPTER

 | SPECIAL CHAPTER | // "Be the Queen to the King." \\ ___ "I now hereby declared as the new King, Einver Cruz McNamara of Zeus Organization. May you have a peaceful reign in your time as a King." the King announced and after that, everyone shouted in glee as they clap their hands to congratulate the newest King.Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya lalo na nang lumingon ito sa direksyon niya at nagtama ang mga mata nila.Another year had passed and everyone finally coped up from the happenings in the past. Naging mahirap lalo na kung paano tanggapon ng lahat ang isang katulad niya

Assassinating Psychology   EPILOGUE

 | EPILOGUE | // "Still, an ending needs to solve everything." \\ ___"HYPNOTISM is actually a kind of psychological therapy but one of the most complicated methods of meditation. It includes highly concentration and determination to be able on succeeding doing this." panimula ni Dr. Kyle, a Hypnotist-- sa harap nila.Nasa isang conference room sila ngayon at nagmemeeting about sa bagong method na susubukan nila para sa mga pasyente niya. All of them in the room are Psychologist in McNamara Hospital. Completo silang lahat.. maliban sa isang tao.Ipinilig naman kaagad ni Einver ang ulo nang sumagli sa isipan niya ng taong yun at napagp

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART FOUR ]

 | CHAOS BATTLE | // "Climax doesn't end in one chapter so as the story. It'll just continue until death decides to end it." \\ ___ "Israel.." mahina niyang tawag sa pangalan nito. Hindi parin siya makahuma lalo na nang masaksihan niya ang ginawa nito. The Isreal that she knew would never do that. Aside from his profession as a Doctor, alam niyang may mabuting kalooban ang binata kaya naman laking gulat na niya lang nang makita ang ginawa nito. What he did earlier was not Israel anymore. Naging ibang tao ito at hindi niya maatim na makita ito."Tsk! My guts was right about him. He really has something, eh?" nap

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART THREE ]

 | ENEMY | // "The most unfortunate about having a companion, is having a friend who can also be your greatest enemy." \\ ___ "KAMUSTA, ATE?"Napaawang ang mga labi niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Hawak hawak nito ang baril na kailan ma'y hindi niya maisip na magagawa iyon nitong hawakan ang ganoong kadelikadong bagay. Halata pang nabibigatan ito dahil dalawang kamay ang hawak pero hindi parin nun mababawasan ang kabang nararamdaman niya. Bahagya muli siyang napaatras."M-Macky?"Humakbang naman ito palapit kaya

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART TWO ]

 | FEELINGS | // "Like in the weather. Sun might be the battles and the rain might be the breathing but the thing is, rain can only lasted for a few hours or minutes and again, Sun will begin showing so you have to face the battles again." \\ ___"ANONG GINAGAWA na'tin dito?" takang tanong ni September sa kasama.Nasa isang malawak na harden silang dalawa. Papalubog na ang araw pero kitang kita parin nilang dalawa ang mga iba't ibang klase ng mga bulaklak na nakapalibot sa kanila. Everything seems unreal. Parang nasa lugar sila ng imahinasyon at talagang napakaganda ng paligid."We're away from everyone, September. I think we both nee

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY FOUR [ PART ONE ]

 | CLOSURE | // "Starting a new chapter will help to reach the ending of the story." \\ ___A MORNING CAME after night, slowly she opened her eyes and found herself in an unfamiliar room. Her forehead wrinkled at that sight. She didn't know where she is."Hmm.." she lowly groaned and massage her temple slowly to ease the ache on her head. Nagtataka rin siya kung nakadapa siyang nakahiga at doon niya lang nalaman ang dahilan nang maramdaman ang kirot dito."A-Ahh.." daing niya sa sakit. Aakma na sana siyang susubok na bumangon nang mapatigil nang makita si Einver sa harapan. Nakahiga ito sa couch at nakaharap din sa kaniya."Ein.." natu

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY ONE [ PART THREE ]

 | THIRD PAGE | // "Can you control those fears who always defeated you?" \\

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY ONE [ PART TWO ]

 | SECOND PAGE | // "You'll be safe and sound, someday." \\

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY ONE [ PART ONE ]

 | FIRST PAGE | // "Stories can either complete the puzzle or broke you more into pieces." \\

Assassinating Psychology   CHAPTER TWENTY

 | CLOSE TO OPEN THE PAIN | // "Will the other's pain can subside your pain?" \\

Higit pang Kabanata
I-download ang Libro
GoodNovel

Libreng I-download ang libro sa App

Download
Maghanap
Library
Maghanap
RomancefeiyHistoryUrbanMafiaSystemFantasyLGBTQ+arNoldMM Romancegenre22-菲语genre26-Pilipinoipinogenre27-请勿使用菲语genre28-Pilipinoipino
Maikling Kwento
KalangitanPagka-misteryo at panghihinalaMakabagong lungsodPag-survive sa katapusan ng mundoPelikulang aksyonPelikula ng agham-piksyonPelikulang romansaDugong na karahasanpag-asapangarapkaligayahanKapayapaanPagkakaibiganMatalinoMasayaMarahasMaamoMalakas红安Madugong pagpatayPagpatayKasaysayan ng digmaanPangarap na pakikipagsapalaranAgham-piksyonIstasyon ng tren
GumawaWriter BenefitCONTEST
Popular na Genre
RomancefeiyHistoryUrbanMafiaSystemFantasy
Makipag-Ugnayan
Tungkol sa AminHelp & SuggestionBusiness
Mapagkukunan
Download AppsWriter BenefitContent PolicyKeywordsMga Hot na PaghahanapMga Review ng AklatFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Komunidad
Facebook Group
Sundan Kami
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy