Descarga el libro gratis
CHAPTER EIGHT
Autor: LabingAnimNaTinta
// "There's a reason why people wants to look away when they're talking, it's because they're afraid that their eyes will tell the truth about the opposite of what they're saying." \\
___
Ngumiti din ito pabalik. "Nice to meet you too, Dra."
"Have a seat." sumunod naman ito at humarap sa kaniya. Mahinahon lang ang mukha nito kaya panatag siyang hindi masyadong matagal ang check-up nila. Kapag kasi mahinahon ang isang tao ay mas madali itong maka-usap kumpara sa iba.
"Now, Ms. Flore. Mind telling me what's the problem is." saad niya.
"Ahm, actually hindi talaga ako yung pasyente." she confess. She smile.
"Halata nga, Ms. Flore. I can see that you're a jolly person. Hindi bakas sa'yong may problema ka. Mukha ka namang maayos but I can see some concern in your eyes. What is it?" Nakita niyang napakurap ito sa mga sinabi niyang obserbasyon.
"Wow.." manghang saad nito at bahagya pang nakaawang ang labi.
She chuckle. "I'll take that a compliment. So, can we start now?" Tumango naman agad ito. Halata sa mukha nitong mukhang napanatag na. I see. Mabuti namang nawala na ang pagdududa sa mukha niya. Halatang nag-aalinlangan siya kanina.
"Ahm, I have a friend. Her name is Hannah. Ahm, hindi ako sure kung isa itong condition but I think it's weird. She's weird kaya napagdesisyunan kung pumunta para tanungin kayo." paunang paliwanag nito. She nod.
"Please continue.."
"Hannah is very concious of everything especially when it comes to cleaning. Dapat parating organisado ang lahat. Dapat malinis lahat. Konting dumi lang ang mapansin niya ay magagalit agad siya. Minsan nga hindi na niya binabalik ang suot na damit. She thinks it dirty. May mga pagkakataon din sa pinagtra-trabahuan namin sa opisina ay pinupuna niya ang lahat ng nandun kapag makalat. I mean, hindi naman talaga sobrang kalat. Busy kasi kami nun sa trabaho at wala na kaming oras para intindihin lahat ng yun pero siya, talagang napapansin yun. Sa cubicle niya, wala ka talagang makikitang kalat. Masaki ligaw na wrapper ata wala. Yung mga gamit niya pantay pantay lahat at nasa wastong lugar pa." Kwento nito.
"Hmm? Why do you think it's weird. Hindi ba't mas mabuti nga yun? Do you think she's just concern about the surroundings?" Tanong niya. Mahina itong nagkibit balikat.
"I don't know. Actually meron pa. Yung bag niya. Parating may dalang alcohol, wet wipes, tissue, santizer, pulbo, moisturizer, bimpo, at suklay. Yes, it looks normal pero meron pa. Nagdadala pa nga siya ng disposable gloves at malaking tela." kumunot ang noo niya.
"Malaking tela?" Tumango ito.
"Yes. Ginagamit niya yun pamatong sa upuan niya. Hindi siya directly umuupo sa upuan. Talagang tinatakpan niya ng tela ang upuan niya. Tinatanong ko nga minsan kung bakit at ang sabi lang niya, baka raw marumi yung upuan. Ayaw rin niyang nakikisalo. Nagdadala siya ng sariling gamit, tulad ng baso o kung ano ano pa. Maski ng ballpen paghiniram mo, hindi na niya tinatanggap pagsinasauli mo. Madumi na daw kasi." Simangot nito.
"Tungkol naman sa suot niya. Palagi niyang nakalong-sleeve. Minsan nga ay may mask pa. Sa paa naman ay ankled boots parati. Hindi niya sinusunod ang dress code ng opisina. Anak kasi siya ng dating may-ari kaya pinapayagan na lang siya."
"Isa pang makapagtataka ay every five minutes or less, I guess? Parati siyang pumupunta ng banyo para maghugas ng kamay lalo na pagkatapos niyang humawak ng kung ano-ano. Nagsa-sanitizer pa at naga-alcohol pa para daw walang maiiwang germs. Minsan nga'y hindi niya talaga iniiwan ang mga gamit niya sa pang-lilinis. Like her life depends on it. She's like.. an obsessed woman to her belongings." Mahabang kwento nito at tumingin sa kaniya.
"Do you find it weird, Dra.? May sakit po ba siya o talagang ganun lang siya? Nag-aalala kasi ako. In our office, mostly people don't want to be with her. Kesyo masyado daw maarte. Wala pa ngang nagiging boyfriend yun kasi ayaw niya. Paniguradong hahawak ito sa kaniya at ayaw niyang maging intimate. Masyado daw'ng kadiri at marumi." nag-aalalang kwento ulit nito. Bakas sa mukha at boses nito ang pag-aalala para sa kaibigang sinasabi. She sigh.
"Wala namang masama sa pagiging organisado. Normal sa isang tao na gustong maging malinis ang lahat.." panimula niya. Nakita niyang mukhang nakahinga ito ng maluwag ngunit nagpatuloy siya.
"But in her case.. I guess it's not." napatigil ito.
"W-What?"
"Obsessive Compulsive Disorder." Seryosong pahayag niya.
Mahina itong napasinghap. "S-So, ahm, she's not okay?" She nod.
"B-But what is the meaning of it?" Alalang tanong nito.
"Obsessive Compulsive Disorder or the OCD. It's a psychological conditon where in a person often do repetitive things. Like cleaning and washing." Panimulang paliwanag niya. Napansin kaagad niyang nakatuon ang buong atensyon ng kaharap sa kaniya. Halata sa mukha nitong gustong gustong matulungan ang sinasabing kaibigan kaya hindi niya maiwasang mapangiti ng palihim. She's a real friend of Hannah.
"OCD is another anxiety disorder, Ms. Flore. Kalimitang nangyayari ang kondisyong ito pagmay nangyari sa kaniya noon. I have a friend who has an OCD. Nakuha niya ang sakit na ito noong bata pa siya. Her family always scolding her. That she was dirty and she don't fit as a princess because she's not clean. As a child, talagang pumasok iyon sa isipan niya. Her family is wealthy kaya nakagawian niyang maglinis ng maglinis para maging isang prinsesa. At mukhang nadala niya iyon hanggang sa paglaki niya. Na-develop iyon at naging OCD. Ang sabi niya'y ayaw niyang tinatawag siyang marumi. I think she was traumatized. Hindi nawala sa pagkatao niya ang kaisipang hindi na siya magiging prinsesa ng pamilya niya kapag marumi siya." kwento niya.
"And based on your story of Hannah, I would recommend if you won't point out what she's doing. Ayaw kasi nitong pinupuna ang ginagawa dahil akala nila gusto mong maging marumi sila."
"May dalawa kasing elemento ng OCD. Obsession and Compulsion. Ang Obsession ay tungkol sa kung paano nagiging obsessed ang isang tao sa paglinis. Hindi ito naging habit but it became obsession. It's an involuntary action dahil kahit ayaw nila ay yun ang nasa isipan nila na kailangang gawin. They're being obsessed on cleaning."
"Ang Compulsion naman ay ito yung kung saan ang pasyente ay paulit-ulit na ginagawa ang isang bagay. Kung ang isang tao ay takot sa contamination ng germs ay talagang paulit-ulit siyang maglilinis. If a person need to wash and wash, hayaan mo. It's to reduce the obsessiveness of the person. Kailangan nilang gawin iyon kundi ay magkaka-anxiety sila. Mas lalo lang magiging malala ang sitwasyon." Napatango ito.
"Kaya pala pagpinipigilan ko siya ay kulang na lang nagwala siya."
"The person may think. 'What if I can't wash my hands? It'll be dirty. My hands will be full of germs'. Like that thoughts. Masama iyon para sa pasyente kaya hayaan mo."
"Another thing, OCD has different categories." Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagpapaliwanag.
"Checkers, it's when a person checked every details of all things. If the light is on, the oven, washing machines. Stuffs like that, Ms. Flore. They also touch certain things repeatedly. Next is Washers, the person repeatedly wash their hands as if it's always dirty. Sometimes, they used their elbows to open doors instead of their hands to remain it clean."
"Counters or Arrangers. This person usually counts their belongings. They have to repeat counting and counting and if they are not satisfied, they have to repeat it several times. Last was the Hoarders, this person have a habit of collecting things that usually people throw away." Paliwanag niya.
Tumango tango naman ang kaharap. "Hindi naman po ganun sa ibang categories si Hannah. Maybe the Washer and and Checker pero hindi ko napapansin yung Counters and Hoarders." Sagot nito.
"That's good, then."
"Then tell me, Dra. Ano pong kailangang gawin para sa kaibigan ko?" Muling tanong nito pagkalipas ng ilang segondo.
She sigh. "Treating OCD.." sandali siyang nag-isip.
"The best way to treat OCD is the Cognitive Behavioral Therapy. This therapy helps the patient think otherwise." Sagot niya.
"Anong gagawin?"
"For example, let Hannah touch a public door and refrain from washing. Maaaring magka-anxiety siya nun but kailangang ipakita sa kaniya na hindi niya kailangang maghugas ng kamay. Let her calm and relax a bit. Kailangan niyang maging kalmado para mawala ang anxiety niya at para hindi siya mag-iisip ng kung ano-ano. Being anxious will just subside through time. Kailangan lang talagang maging mahinahon ang taong yun para maka-isip din ng mahinahon."
"But.. if Hannah gives in and wash her hands. It only means that she didn't make it. Walang pagbabago sa kaniya." Sumilay sa mga mata nito ang lungkot at pagkabahala sa huli niyang sinabi.
"Kailangan niyang maging matatag at labanan ang ginagawa. Kung gusto niyang makawala sa condisyong ito ay kailangan niyang harapin ang lahat." Saad niya at bahagyang ngumiti.
"And please be with her. Kailangan niya ng karamay para dito." tumango naman ito at ngumiti rin.
"Salamat, Dra."
"It's nothing. Responsibilidad ko ito. Ang kailangan mo lang sigurong gawin ay papuntahin siya dito para mas lalo siyang ma-obserbahan. I need to know more about her condition, kung kailan pa niya nararanasan yun at kung bakit. Her story is a must. She need to do it for herself." Tumango ito.
"Sige. Kakausapin ko siya." tumayo na ito.
"Maraming salamat." tumayo rin siya at ngumiti dito.
"It's my pleasure. Thank you for trusting me, Ms. Flore." ngiti niya.
"It's fine. I have to go now, Dra." Paalam nito. Tumango siya at nagpaalam na dito.
Nang maka-alis ay umupo ulit siya sa upuan at napabuntong hininga. Napagod siya sa pagsasalita ng sunod sunod.
Sumandal siya sa swivel chair at pumikit. Ilang sandali pa ay naramdaman naman niyang may lumapit at mahinang tinapik ang balikat niya.
"Sept.." nagmulat siya ng mga mata.
"Einver.." tipid itong ngumiti.
"Kumain na tayo. It's already lunch." Saad nito. Tumango naman siya at tumayo na.
Nakita niyang aakma na sanang aalis ang kaibigan sa harapan ngunit naging mabilis ang kilos niya at yumakap dito.
She sigh when she's already in his arms. She feels good when she's with him. Magaan sa pakiramdam habang nasa bisig siya nito. Yakap yakap niya ito at tahimik lang sila habang ninanamnam niya ang sandali hanggang sa naramdaman niya ang pagbalik nito ng yakap.
Pumalibot sa kaniya ang mga braso nito sa bewang at naramdaman niya ang paghinga ito ng malalim.
"May problema ka ba?" Tanong niya. Umiling ito.
"No. Anyway, you're good earlier. You're very professional, Sept." Napangiti siya.
"I love my profession, Ein. Kaya ganito ako ka-pursigido na tulungan ang mga pasyente ko kasi nasisiyahan din ako sa ginagawa ko." paliwanag niya. He nod and let her go, gently.
"Let's eat?" Tanong nito at nakangiting tumango lang siya bilang sagot.
Lumabas naman sila at piniling pumunta sa malapit na kainan. Pagpasok nila ay marami-rami ang mga taong nandun. Pinili nila ang nasa may sulok.
"Umupo ka lang diyan. Ako ng bahalang kumuha." Saad ng kasama. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon at ng maka-alis ito ay hindi niya maiwasang mapangiti.
Malayong malayo ito sa kung ano sila noon. He was cold to her two months ago. Minsan lang ito magsalita at halatang masungit. Pero kahit ganun ay hinahayaan lang siya nitong yumakap kahit bakas na bakas sa mukha nito ang pagka-ilang sa tuwing ginagawa niya.
She's really a hugging monster. She can tell that. Para sa kaniya ay nasa mabuting kalagayan siya kapag may nayayakap siya. It's an addictive feeling. Sobrang gaan sa pakiramdam na may kayakap kaya gustong gusto niyang gawin yun parati. The feeling of having someone in her arms as that person hug her back, yun yung pakiramdam na parati niyang inaasam simula pagkabata pa lang.
She was all alone.. until now. Pero nagpapasalamat parin siya at hanggang ngayon ay nakakaya niyang mabuhay ng mag-isa. Ang kaibahan nga lang ngayon ay pakiramdam niya'y masasandalan na siya sa oras ng pangangailangan. Not like back then.. she was--
"September." Napaigtad siya at parang nabalik sa realidad ng marinig ang pagtawag sa kaniya. Tinignan niya ang kaharap at nakita si Einver na naka-upo na sa harapan niya. Nagtataka ang mga mata nito sa kaniya. Halatang naguguluhan kung bakit malalim ang iniisip niya. May mga pagkain na rin sa harapan nila.
"Ayos ka lang ba?" Tanong nito at bakas sa boses ang pag-aalala para sa kaniya. She smile.
"I'm fine, Einver. May iniisip lang." Saad niya. Bumuntong hininga ito.
"Is this all about the case?" Tanong nito na bahagyang nagpatigil sa kaniya.
"Ahm--"
"Do you have something in mind about the case?" Tanong nito. She sigh.
"I don't know. Wala parin akong kaide-ideya kung sino ang may gawa nito." malungkot niyang saad. Einver nod.
"Makakakuha din tayo ng impormasyon, Sept. Tiwala lang," pagpapagaan nito sa kaniya kaya napangiti siya.
"Salamat."
"Don't mention it. Hahanap ako ng paraan, okay?" Tumango siya at tumingin sa mga mata nito.
She stilled but compose herself. Her heart, it's beating fast.. again. Palaging nangyayari ito kapag nagtatagpo ang mga mata nila. She don't know the reason why her heart always react like that. Kapag naman kasi ibang tao ang nakakatagpong tingin niya ay hindi naman ganun ang reaksyon ng puso niya.
Hindi na nga lang niya pinagtutuonan ng pansin dahil alam niyang mas importante pa ang ibang bagay.
Aside from that.. alam niya. May nararamdaman siyang kakaiba sa mga mata nito. May iba dito. Parang isang emosyon na halatang tinatago nito.
"September?"
She blinked. "Yes?"
"Let's eat?" Tanong nito at bahagya pang nakakunot ang noo ng mapansing tinitignan niya ito. She smile and nod.
"Let's eat."
Kumain naman sila kaagad. While eating, she was thinking about him. She needs to know what is it. That kind of emotion.. bakit tinatago niya?
***
Yassy💫 || Ika-LabingAnimNaTinta☕
Compartir el libro a
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Último capítulo
Assassinating Psychology SPECIAL CHAPTER
 | SPECIAL CHAPTER | // "Be the Queen to the King." \\ ___ "I now hereby declared as the new King, Einver Cruz McNamara of Zeus Organization. May you have a peaceful reign in your time as a King." the King announced and after that, everyone shouted in glee as they clap their hands to congratulate the newest King.Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya lalo na nang lumingon ito sa direksyon niya at nagtama ang mga mata nila.Another year had passed and everyone finally coped up from the happenings in the past. Naging mahirap lalo na kung paano tanggapon ng lahat ang isang katulad niya
Assassinating Psychology EPILOGUE
 | EPILOGUE | // "Still, an ending needs to solve everything." \\ ___"HYPNOTISM is actually a kind of psychological therapy but one of the most complicated methods of meditation. It includes highly concentration and determination to be able on succeeding doing this." panimula ni Dr. Kyle, a Hypnotist-- sa harap nila.Nasa isang conference room sila ngayon at nagmemeeting about sa bagong method na susubukan nila para sa mga pasyente niya. All of them in the room are Psychologist in McNamara Hospital. Completo silang lahat.. maliban sa isang tao.Ipinilig naman kaagad ni Einver ang ulo nang sumagli sa isipan niya ng taong yun at napagp
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART FOUR ]
 | CHAOS BATTLE | // "Climax doesn't end in one chapter so as the story. It'll just continue until death decides to end it." \\ ___ "Israel.." mahina niyang tawag sa pangalan nito. Hindi parin siya makahuma lalo na nang masaksihan niya ang ginawa nito. The Isreal that she knew would never do that. Aside from his profession as a Doctor, alam niyang may mabuting kalooban ang binata kaya naman laking gulat na niya lang nang makita ang ginawa nito. What he did earlier was not Israel anymore. Naging ibang tao ito at hindi niya maatim na makita ito."Tsk! My guts was right about him. He really has something, eh?" nap
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART THREE ]
 | ENEMY | // "The most unfortunate about having a companion, is having a friend who can also be your greatest enemy." \\ ___ "KAMUSTA, ATE?"Napaawang ang mga labi niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Hawak hawak nito ang baril na kailan ma'y hindi niya maisip na magagawa iyon nitong hawakan ang ganoong kadelikadong bagay. Halata pang nabibigatan ito dahil dalawang kamay ang hawak pero hindi parin nun mababawasan ang kabang nararamdaman niya. Bahagya muli siyang napaatras."M-Macky?"Humakbang naman ito palapit kaya
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART TWO ]
 | FEELINGS | // "Like in the weather. Sun might be the battles and the rain might be the breathing but the thing is, rain can only lasted for a few hours or minutes and again, Sun will begin showing so you have to face the battles again." \\ ___"ANONG GINAGAWA na'tin dito?" takang tanong ni September sa kasama.Nasa isang malawak na harden silang dalawa. Papalubog na ang araw pero kitang kita parin nilang dalawa ang mga iba't ibang klase ng mga bulaklak na nakapalibot sa kanila. Everything seems unreal. Parang nasa lugar sila ng imahinasyon at talagang napakaganda ng paligid."We're away from everyone, September. I think we both nee
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY FOUR [ PART ONE ]
 | CLOSURE | // "Starting a new chapter will help to reach the ending of the story." \\ ___A MORNING CAME after night, slowly she opened her eyes and found herself in an unfamiliar room. Her forehead wrinkled at that sight. She didn't know where she is."Hmm.." she lowly groaned and massage her temple slowly to ease the ache on her head. Nagtataka rin siya kung nakadapa siyang nakahiga at doon niya lang nalaman ang dahilan nang maramdaman ang kirot dito."A-Ahh.." daing niya sa sakit. Aakma na sana siyang susubok na bumangon nang mapatigil nang makita si Einver sa harapan. Nakahiga ito sa couch at nakaharap din sa kaniya."Ein.." natu
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY TWO [ PART TWO ]
 | ESCAPED | // "Who's truly lying?" \\
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY TWO [ PART ONE ]
| APOLOGY | // "Can a word sorry change everything?" \\ ___
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY ONE [ PART FIVE ]
 |FIFTH PAGE | // "If it means to live again, then live." \\
Assassinating Psychology CHAPTER TWENTY ONE [ PART FOUR ]
 | FOURTH PAGE | // "Acceptance is the hardest thing to do when you already had enough because of pain." \\
