loading
Home/ All /Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)/Kabanata 05

Kabanata 05

Author: Fallen Leaf
"publish date: " 2020-07-01 23:19:59

“May batis nalapit rito, nais mo bang pumunta?” tanong niya sa akin na nakatayo at naghihintay ng isasagot ko.

Nag-isip muna ako ng malalim, ngitian siya at tumugon, “Oo ba. Tara na nais ko rin makita yung batis na sinasabi mo.”

Agad niyang pinulot ang salakot niya at nagsimula ng maglakad. Mabato ang dinaraan namin at puno ng punong kahoy. Mabuti na lamang ay walang nagpapakita sa amin na mga mababangis na hayop kung hindi tatakbo agad ako.

Pagkahawi niya sa sanga ng puno'y nakita namin ang isang batis na kulay bughaw. Binunot ko ang ibang mga damo para hindi ito makasagabal, nagtataka man siya’y ginawa lang din nya ang ginawa ko at nagsimula na kaming maupo.

“Nais mo bang maligo sa batis?” pag-aaya n'ya.

Mui naman akong napaisip at tumango. Kanina pa ako madumi simula ng tumakbo kaya siguro naman, puwede ako maligo.

Akmang huhubarin ko na'ng kasuotan ko nang makita ko siyang nakatingin sa akin. “Maaari ka bang tumalikod?”

Bigla naman s'yang napaiwas ng tingin marahil alam na nya kung bakit ko s'ya pinapatalikod. Nang makita ko na siyang nakatalikod ay agad kong hinubad ang kasuotan ko at bumaba sa batis.

Sadyang napakasarap magbabad, dahil sa malinis ito at tanging mga dahon lang ang makikita mong dumi. Hindi rin ito gaanong kainit dahil natatakpan ito ng mga puno.

“Maaari na ba akong lumingon?” ani nya.

 Kaagad naman akong napatawa at nilubog ang aking katawan upang hindi nya ito makita— tanging leeg ko na lamang ang makikita nya.

“Maaari na ngunit huwag mong tangkain na silipan ako,” pabirong wika.

 Dahan-dahan siyang lumingon at tumingin sa akin habang nakababad sa batis.

“Huwag kang mag-alala aking binibini, wala akong balak lapastangin ang aking minamahal,” sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

Biglaan naman akong napatalikod at napahawak sa aking puso na kanina pang hindi kumakalma sa mga ikinikilos at sinasabi nya.

Maya-maya pa'y pinatalikod ko ulit siya upang magbihis. Labis akong nagtaka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagigising sa panaginip na ito. Siguro, kailangan kong tapusin ang mangyayari rito para magising.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla s'yang lumingon habang nagbibihis ako. Dagli akong napatalikod dahil panloob pa lamang ang naisusuot ko.

“Pasensya na, akala ko'y tapos ka na,” nahihiya at may bahid na pagkagulat sa boses niya.  

Ngayon lang may nakakita sa akin ng gano'n, hindi ko alam pero nahihiya ako kaya’t agad naman akong napahawak sa aking pisngi. Bilisan ko ang pagsuot ng aking damit at naupo sa tabi niya.

“Kalimutan mo na yung nakita mo,” ani ko sa kanya.

Napalingon siya sa akin at hinintay ang susunod kong sasabihin ngunit hindi na ako nagsalita at nahiga na lamang sa damuhan.

“Huwag kang mag-alala… papakasalan kita,” ani niya.

Napaismid akon bumulong, Ito ba yung way para sabihin na pananagutan niya ako? Kung sa panahon namin ay hindi ito big deal pero kung nasa history ako lahat dito ay conservative.

Nagulat kami nang may kumakaluskos kaya’t agad siyang napatayo at inilabas ang baril. Nanlaki ang aking mga mata nang may lumabas na mga nakasuot ng nakapansundalo at isa rito’y nakasuot ng pangheneral kagaya ng suot nya.

“Oh, what a coincidence General Tanaka—or should I say... Ex-General Tanaka?” sambit niya.

Sino sila para gambalain ang moment namin?

 Biglaan na nagtawanan ang mga kasamahan n'ya.

Agad naman akong tumayo at bumulyaw. “Can you stop this shit and go away, we don't need any companion assholes.” Napamewang ako at inirapan sila.

 Nagulat ako ng bigla akong tutukan ng isa sa kanila ng espada. Agad naman itong hinawi ni Tanaka, iyan ang pangalan niya dahil iyan ang sinabi ng isang lalake at marahil ay isa s’yang heneral noon.

“What a shit? Don’t hurt her or else I will kill you,” matapang niyang banta.

Na-touch naman ako sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin ngunit hindi ko namalayan na nakatutok na sa aming dalawa ang mga dala nilang baril.

“Well, I am that kind of a person that will not make you suffer anymore and guess what? I will bring you to hell together with the girl you love, Tanaka.” Humahalakhak pa siya na mala-demonyo.

Humigpit naman ang hawak sa akin ni Tanaka na tilang hindi niya rin alam kung paano kami makakatakas sa kanila.

Sabay-sabay nilang pinaputok ang kanilang baril ngunit agad naman kaming tumalon sa batis upang hindi matamaan habang naroon kami— nakayakap lamang s'ya sa akin habang panay pa rin ang pagputok ng kanilang mga baril.

Hinihintay nila ang aming pag-ahon kung kaya't matagalan na pagpipigil ng hininga ang amin ginawa. Nang maramdaman naming wala ng anumang baril o tao ay umahon na kami at sabay na kinakapos ng hininga. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko hanggang sa isang putok ng baril ang tumama— hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na 'yon.

Namalayan ko na lamang na naghihingalo siyang nagwika, “I love you Allecxiannie...”

‘Di ko na napigilan ang paghalik ng mga luha ko sa aking pisngi at nagulat ako ng may tumapik sa akin kaya unting-unti kong binuksan ang aking mata. Nang ilinga-linga ko ito’y wala na ako sa Bar.

Nasa'n ako? Bakit hindi ko alam ang napanaginipan ko at bakit parang basa ang unan ko? Hindi rin pamilyar sa akin ang kuwarto ‘to. Paano na ngayon ito?

"Gising ka na pala hija.”

Pinagmasdan ko ang isang matandang babaeng na sa aking tabi. Siya yata ang tumapik at nagpagising sa ‘king diwa.

Pero paano nga ba ako napadpad dito? Gayong nasa bar lang ako kanina. Teka— ‘wag mong sabihing nagba-bar din ang matandang ito? Base sa kulubot niyang mukha at namumuti buhok ay tilang nasa singkwenta anyos na siya. Sa aking palagay, hindi  naman yata nararapat na mag-bar pa siya,

Take Note:

Sinigang is a Filipino soup or stew characterized by its sour and savoury taste. It is most often associated with tamarind, although it can use other sour fruits and leaves as the souring agent. It is one of the more popular dishes in Filipino cuisine.

Biko is a Filipino dessert made with glutinous rice, coconut milk, and brown sugar. It’s an easy and simple homemade dessert that is popularly served at parties and gatherings.

Credits to the owner of the information.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 14

Ang totoo, isa akong straight forward na tao. Palagi kong sinasabi lahat ng kung ano ang nasa aking isip, ngunit dito ay kailangan kong mag-isip bago ako magsalita dahil hindi nila pwedeng malamang hindi ako ang tunay na Aimi. Nang makababa kami ay napuno ang aking mga mata ng purong pagkamangha. Kitang-kita mula sa salamin sa labas ang mga naggagandahang damit sa loob ng establisyemento. Napaawang ang aking bibig ng isang segundo dahil manghang-mangha ako sa mga damit na nakikita ko. Ang mga brilyante ay napakadetalyado na kahit na malayo ko kula sa mga ito makikita kung gaano ito kaganda. "Pumasok tayo sa loob," saad si Floè at sinalubong kami ng iba na may ngiti sa kanilang mukha. Sinubukan kong batiin sila pabalik at isang babaeng may itim na itim na buhok ang nagsimulang payuhan kami tungkol sa mga binebenta nilang damit. "Maaari ko bang malaman kung sino ang malapit nang maging asawa ni

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 13

Aimi Lumipas na ang gabi habang patuloy ko pa ring iniisip ang sinabi ni Danilo sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong pumayag sa gusto niyang mangyari o baka magdulot lamang ito ng pagkalito sa pagitan nila. Isa pa, wala akong karapatang magdesisyon dahil hindi ko naman ito katawan. Bahagya pa akong napaigtad nang kumatok si Misis Olivia sa pinto. Sinubukan kong tumayo at nagdulot iyon ng tunog sa kamang kinahihigaan ko. Binuksan ko ang pinto at nakitang nakangiti siya sa akin... Kay Aimi. "Magandang umaga, Senyorita Aimi. Ang ganda niyo po ngayong araw. Nakahain na po ang almusal sa hapag. Bababa po ba kayo o rito ko ihahain?" tanong niya sa akin habang malapad pa ring nakangiti. Medyo bastos kung dito ako kakain. Bababa na lamang ako upang hindi sirain ang reputasiyon ng tunay na Aimi.

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 12

Agad akong sumagot na wala at umupo siya sa upuan na nasa loob ng silid ko at nagsalita, “Huwag niyo pong sasabihin na wala kayong maalala, kung hindi po ay malalagot tayo nito. Ang totoo po kasi niyan tumakas ka upang makipagkita kay Danilo ngunit agad niyang sinabi sa akin na dinukot ka raw ng mga rebelde kaya agad ko itong sinabi sa'yong ama hindi naman nagtagal ay may nagpadala sa iyong ama ng liham na kailangan niyang umalis sa kaniyang katungkulan upang mabawi ka,” tuloy-tuloy na ani niya. Kung gayon paano ako napad

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 11

“Ayos ka lang ba ate? Hindi ba't mahilig ka sa pagluluto, bakit parang nalulungkot ka?” nag-aalala niyang tanong sa akin. Napatawa naman ako ng kaunti upang hindi mahalata ang aking kaba. Mahilig lang ako ku

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 10

“Narito na ang iyong kapatid, Avery hindi mo ba s'ya nais makita?” wika ni ina. Niyakap ko naman ito na kunwaring kilalang-kilala ko ngunit ang totoo'y hindi ko s'ya kilala. Agad naman itong natuwa at niyakap ako pabalik.

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 09

Unti-unti kong ginagalaw ang katawan ko at habang nararamdaman ko ang sahig na aking hinihigaan kaya't nagising ako. May tumatapik sa akin ng mahina kaya agad naman akong napasigaw, “P’wede ba, ‘wag nyong guluhin yung taong natutulog. Napagod sa kakaisip kung paano ko ba gagawin ang scrapbook ko.”

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 08

Napakamot ako ng bahagya sa aking ulo. “N-Nais ko po sanang may imbitasyon sa kasal.

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 07

Napalingon ako sa kanya, napabuntong-hininga at sinabi ang pangalan na napunta sa akin, “Shi Tanaka.”

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy