loading
Home/ All /The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)/CHAPTER 1.1

CHAPTER 1.1

Author: Hxnnxhssi
"publish date: " 2020-08-05 16:35:40

Rifle's POV

"CHEERS MGA PANGIT!" Sigaw ko sa maingay na lugar na ito. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa dance floor habang may hawak na bote ng beer.

"Tabi pangit!" Hinawi ko ang isang lalaki sa dadaanan ko at pumunta sa center nitong dance floor.

"Hi pogi!" Bati ng isang babaeng kinulang sa tela ang suot. Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa at himinto sa mukha nyang mukha arco.

"What a shitty face is that?!" I asked in drunken tone. Humawak s'ya sa mukha n'ya na halata ang pagkabigla sa sinabi ko, pero ngumiti ito sa akin at hinawakan ang mukha ko sabay sayaw harapan ko.

"Aish! Bitawan mo nga ako, baka mamaya magkarushes pa ang maganda kong balat dahil sayo!" Iniwan ko s'ya na nag-iisa sa pwesto na yun. Ako naman ay naghanap ng magandang chix na babagay sa kagwapuhan ko.

"WALA BANG MAGANDA DITO!" Sigaw ko. Ininom ko ang hawak kong beer at sumabay ang katawan ko sa musika nitong bar.

Nagfree style ako duon at ginugulo ang mga sumasayaw sa dance floor ang iba ay inaagawan ko pa ng ka sayaw. Hindi naman sila makatanggi dahil ngayon lang sila makakasayaw ng ganitong kagwapong mukha.

"Ang gwapo mo naman!" Patuloy ako sa pagsayaw ng may tatlong babae akong nadaanan. Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa. Napangiti ako, pwede na 'to kesa sa kaninang babae.

"Alam ko yun girls, inborn ang ganitong mukha!" Pagyayabang ko sa kanila. Smooth lang ang sayaw namin. Pinalibutan nila ako kaya lalo akong ginanahan sumayaw.

"Iba talaga charisma ng gwapo!" Masaya kong sabi at pinag patuloy ang pagsayaw. Narinig ko ang mga tawa nito. Bigla akong napahinto ng mayroong humawak sa pwet ko.

"Aish! The hell!" Tinignan ko ang babae ba yun na todo pa ang ngiti sa akin.

"Don't do a bad thing!" Sabi ko babaeng maikli ang buhok naka black fitted dress ito na hanggang hita nya na halos makita na ang mga tinatago nito sa katawan.

"I like you!" Lumawak ang ngiti ko sa bulong nya sa akin. Tumawa ako dahil sa sinabi nya at sumabay sya sa pagtawa sa akin.

"Sorry 'di kita type!" Tinungga ko ang bote ng alak at umalis na ako dahil mukhang pinagpapantasyahan na nila ang gwapo kong mukha.

"PARTY LANG TAYO MGA PANGIT!" Muli kong sigaw at sumayaw sayaw ako dito. Pagkaatras ko ay mayroon akong nabanggang matigas at nabitawan ko ang hawak kong bote at nabasag iyon sa sahig. Hindi napansin ng mga tao dito dahil sa lakas ng tugtug nitong bar.

"Masyado kang magulo, boy!" Humarap ako sa ng marinig ko ang malalim na boses na yun. Nanliit ang paningit ko para aninagin ang palaking nasaharapan ko na yun.

"Tsk tsk! Ang pangit!" Pailing iling kong liit sa lalaking medyo malaki ang katawan pero mukha namang bakla ang mukha. Meron syang kasamang babae at napangiwi ako.

"Miss arco!" Bati ko duon sa babaeng una kong nakita kanikanina lang.

"Bogard, s'ya ang nanlait sa akin kanina!" Kumunot ang noo ko sa itsura ng pagmumukha ng babaeng na'to. Mukha syang lulungi dahil sa pag pout na ginagawa nya.

"Tang inang pangalan yan, Bogard?!" Natatawa kong sabi dito at hinampas ko pa ang lalaki sa braso dahil sa pagtawa ko.

"Fuck!" Daing ko ng hawakan nya ang braso ko at pinalipit iyon. Sinong may sabi sa kanya na mayroon itong karapatan na hawakan ako.

Hindi na ako nag-isip at sinapak ko na agad ito sa mukha. Nagkagulo dito kaya sinamaan ko ng tingin ang lalaking ang pangalan ay pang aso. Hinimas ko ang kanan kong kamay dahil sa sakit ng ginawa ng bogard na iyon.

"Hindi mo ba alam na sobrang sensitive ng balat ko tapos hahawakan mo lang na mukha bacteria!" Balak ko sanang patulan ng may dumating na bouncer. Umalis ako duon dahil nawalan na ako ng mood.

Nakakaisang bote palang ako ng alak at saka kadadating ko lang duon. Lumabas ako sa maingay na lugar na iyon at napataas ang kilay ko ng may mapansin akong isang lalaki na kakaiba ang kinikilos.

"Bakit ba pinapalibutan ako ng mga pangit?!" Napailing ako at kinuha ko ang susi ng kotse sa pocket ng pants ko, kaso nakuha na naman ng lalaki ang attention ko ng napansin ko na tingin sya ng tingin sa akin.

"The heck! I forgot something!" Pagpapanggap ko. Naglakad ako pabalik sa loob ng bar pero nasa gilid lang ako. Sinilip ko ang lalaki na nakasuot ng black cup, white shirt and short.

Naningkit ang paningin ko ng nagsimula syang maglakad kaya dahan dahan akong sumunod sa kanya. Medyo malayo ang pagitan namin pero hindi ko pinapahalata na sinusundan ko ito.

May kakaiba akong nararamdaman sa lalaking ito, pero hindi pag-mamahal. Basta hindi ko rin alam. Aalamin ko muna para malaman ko din.

Nagtago ako sa pader ng bigla syang huminto. Buti na lang magaling ako nakiramdam ayan ang isang katangin ng gwapong kagaya ko.

Sumilip ako mula sa pader at nawala na sya.

"Hell, where is he going?!' Napakamot ako sa ulo ko ng hindi ko makita kung nasaan na ang lalaki. Ibig sabihin mayroon nga syang kakaibang gagawin.

Nilibot ko ang paningin ko sa lugar kung saan ako. Masikip at madilim ang lugar na ito.

"Taas ang kamay!" Humarap ako ng may maramdaman akong malamig mula sa likod ng ulo. Ngayon ay sa noo ko naman nakatapat ang baril na hawak ng lalaking sinusundan ko.

Ngayon ay kita ko na ang buong mukha nito. Dry lips, flat nose. I can't see clearly his eyes dahil sa natatakpan iyun ng cup na suot nya.

"Bakit mo ako sinusundan?!" Natawa ako tanong nya. Tinuro ko ang sarili ko sa kanya. Hahawakan ko sana ito sa balikat ng lalo nyang inilapit ang baril sa ulo kaya biglang napataas ang kamay ko.

"Wag kang assuming, My friend. Iihi lang sana ako sa tabi!" Sagot ko sa kanya. Tinitignan ko ang mukha nito pero yumuyuko sya kaya nahaharangan ng cup ang mukha nito.

Tinignan ko ang hawak nitong baril at natawa ako ng nakita kong peke ang hawak nitong baril dahil kita pa duon kung paano minold ang plastic. 

"Anong tinatawa mo dyan?!" Idinikit nya sa noo ko ang baril kaya maslalo kong naramdaman na fake ito.

"Kung tatakutin mo ako siguraduhin mong matatakot ako sa hawak mo!" Mabilis kong kinuha ang airsoft sa likod ko at tinutok iyon sa noo nya.

Nagsmirk ako ng manginig ang kamay nito.

"Aish! Bukod kasi sa mukha mo wala ng nakakatakot sayo!" Tinaggal ko ang cup nito at bumungad sa akin ang pangit nyang mukha.

"Nainlove ka ba sa kagwapuhan ko?!" Mapaglaro kong tanong sa kanya. Inalis ko na ang pagkatutok ng baril sa kamay at pinaikot ikot ko iyon sa daliri ko.

"Sa susunod wag ka magdadala ng peke pero kung wala ka talagang pambili ng totoo. Wag ka na lang papahalata sa susunod!" Hinawakan ko sya sa balikat at tinignan sa mata.

"Tignan mo ang gwapo kong mukha!" Tinuro ko ang sarili ko at nanginginig nya iyon tinignan kaya lalo akong tawa sa kanya.

"Nanginginig ka ba sa takot o kinikilig ka sa kagwapuhan ko?" Ibinalik ko ang airsoft sa likoduan ko.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)   CHAPTER 18.2

Rifle's Point of view "Rifle Winchester," sabi ko at nilahad ko ang kamay ko sa kan'ya. Agad n'yang tinanggap iyon. Napatingin ako sa suot n'ya na handa ng matulog. Pansin ko na rin na hindi s'ya mahilig sa pink.

The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)   CHAPTER 18.1

Rifle's Point of view Dinilat ko ang mata ko ng marinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Lolo Ramond. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga, wala dito sa loob si Xyra. Tumayo na ako at agad kong ni-lock ang pinto. Pumasok ako sa bathroom, naghilamos ako ng mukha. Tinignan ko ang sarili ko sasalamin. Napayukom ang kamao sa galit.

The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)   CHAPTER 17.2

Xyra's Point of view Tinignan ko si Rifle na nakapatong ang ulo sa balikat ko. Kanina pa s'ya tahimik. Pagtingin ko ay nakapikit na ito. At mukhang tulog na. Tumayo ako, pero hawak ko pa rin ang ulo ni Rifle. Kahit sobrang bigat ni Rifle ay hinila ko s'ya papuntang kama. Tinignan ko ang mukha n'ya mayroon pang luha sa gilid ng mata n'ya.

The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)   CHAPTER 17.1

Rifle's Point of view Malapit na kami sa bahay ni Lolo Ramond ng marinig ko ang ilang putukan ng baril. "A-anong nangyayari?" tanong ni Xyra.

The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)   CHAPTER 16.2

Xyra's Point of view Nagluluto ako ngayon sa kusina ni Rifle. Marami naman s'yang stock dito na mukhang hindi n'ya nagagalaw. Gusto n'ya yata mapag-isa kaya hinayaan ko muna s'ya sa kwarto n'ya. Hindi ako pabor sa gusto ni Rifle. Sobrang delikado ang ginagawa n'ya. Na-exprienced ko na iyon ng ilang beses. At bawat segundo ay doble ang kaba ko dahil hindi ko

The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)   CHAPTER 16.1

Rifle's Point of view Dinilat ko ang mata ko ng mayroon akong naramdaman sa tabi ko. Nararamdaman ko na rin ang pangangalay ng braso ko dahil sa mayroong nakadagan. Napangiti ako ng makita ko si Xyra sa harapan. Iba talaga pag gwapo ang katabi mapapahimbing ang tulog. Pinagmasdan ko si Xyra na tulog pa rin sa tabi ko.

The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)   CHAPTER 6.5

Xyra's POV

The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)   CHAPTER 6.4

Xyra's POV

The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)   CHAPTER 6.3

Xyra's POV

The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO)   CHAPTER 6.2

Rifle's POV

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy