Download the book for free

Chapter 1
"Kompleto lahat 'yan." Binaba ko ang shades na suot ko para maayos na makita ang pera sa attache case na hawak ng kalbong lalaki. Napangisi ako dahil ngayong gabi ay mapupunta lahat 'yan sa kamay ko.
"Magandang nagkakalinawan tayo, Kevin!" Sabi naman ng isang matandang lalaki. Mukha ito ang leader ng mga bugok na 'to. Pinaikot ko ang hawak kong pistol sa mga daliri ko habang inaantay ang maganda timing para lumusob. Wala akong pakialam sa mga mawawala ngayon. Ang mahalaga lang ngayon ay makuha ko ang pera at mga drugs sa mga tanga.
"Kung ganito tayo lagi walang gulong magaganap." Hininto ko ang pag-ikot sa baril at hinigpitan ang pagkahawak duon. Sinilip ko sila mula sa malamig na pader na pinagtataguan ko.
Mga sampung tao ang nandito at ang laman ng bala na hawak ko sa eight. Swerte naman ng dalawa tatagal pa sa mundo.
Sumilip ulip ako sa kanila na ngayon ay nagkakamayan na. lumipat ako ng pwesto at pinuntirya ang may hawak na pera.
"Kalbo, masyado ka ng matagal dito sa lupa panahon na para ilagay sa ilalim ng lupa." Mahina kong sabi. Pinaputok ko ang baril ng sunod sunod at apat agad ang naitumba ko.
Nagtago ako sa likod ng pader ng palitan nila ako ng putok. Tumakbo ako sa kabilang at dalawang bala ang pinakawalan ko.
Apat na lang ang kailangan. Sumilip ako para tignan sila pero napatago ako ng paulanan nila ako ng bala sa kabila ako sumilip at hindi nila iyon na pansin. Ang dalawang tinggang natitira sa baril ko ay binaon ko na sa dalawang tao na wala naman kwenta ang buhay.
Ngayon ay wala na akong bala. Dalawa lang ang pwedeng mangyari. Mamatay ako o mamatay sila. Nakatago ako dito sa pader at umupo ako ng makita ko ang isang anino. Bigla s'yang lumitaw pero mali ang tutok n'ya ng baril dahil nakaupo ako. Inagaw ko iyon at hinampas ko ang walang bala kong baril sa mukha.
Umikot ako para paputukan ang isa pang lalaki. Ngayon ay dalawa na lang kaming buhay sa lumang bodega na ito.
Inipit ko ang nakuha kong baril sa lalaki sa likudan ko. Hinawakan ko s'ya sa kwelyo para itayo. Nagdudugo ang ilong nito dahil sa pagkapalo ko ng baril sa kan'ya.
"Gusto sana kitang buhayin kaso ang pangit naman kung ganun!" Seryoso kong sabi dito at isang suntok ang iniwan ko sa kan'ya para bumalik sa sahig na pinagmulan n'ya.
"Sino ka ba?" Nagsmirked ako sa tanong n'ya. Tumalikod ako sa kan'ya para kunin ang nagkalat na pera sa sahig pero huminto ako ng maramdaman ko s'yang gumalaw.
"Rifle Winchester!" Inubos ko ang bala ng baril n'ya sa katawan nito.
Latest chapter
The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO) CHAPTER 18.2
Rifle's Point of view "Rifle Winchester," sabi ko at nilahad ko ang kamay ko sa kan'ya. Agad n'yang tinanggap iyon. Napatingin ako sa suot n'ya na handa ng matulog. Pansin ko na rin na hindi s'ya mahilig sa pink.
Last Updated : 2020-11-15
The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO) CHAPTER 18.1
Rifle's Point of view Dinilat ko ang mata ko ng marinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto ni Lolo Ramond. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga, wala dito sa loob si Xyra. Tumayo na ako at agad kong ni-lock ang pinto. Pumasok ako sa bathroom, naghilamos ako ng mukha. Tinignan ko ang sarili ko sasalamin. Napayukom ang kamao sa galit.
Last Updated : 2020-11-13
The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO) CHAPTER 17.2
Xyra's Point of view Tinignan ko si Rifle na nakapatong ang ulo sa balikat ko. Kanina pa s'ya tahimik. Pagtingin ko ay nakapikit na ito. At mukhang tulog na. Tumayo ako, pero hawak ko pa rin ang ulo ni Rifle. Kahit sobrang bigat ni Rifle ay hinila ko s'ya papuntang kama. Tinignan ko ang mukha n'ya mayroon pang luha sa gilid ng mata n'ya.
Last Updated : 2020-11-11
The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO) CHAPTER 17.1
Rifle's Point of view Malapit na kami sa bahay ni Lolo Ramond ng marinig ko ang ilang putukan ng baril. "A-anong nangyayari?" tanong ni Xyra.
Last Updated : 2020-11-09
The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO) CHAPTER 16.2
Xyra's Point of view
The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO) CHAPTER 16.1
Rifle's Point of view
The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO) CHAPTER 15.2
Xyra's Point of view
The Broker Series #2: ASSET (FILIPINO) CHAPTER 15.1
Rifle's Point of view
Reviews

Chapters
Read
Download
To Readers
Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2 FEI
