Libreng I-download ang libro sa App
Kabanata 1
Author: michiekelssKabanata 1
"Tumigil ka na nga sa kakaiyak mo Elizabeth Mae Sandoval!" inis sa sabi sa kaibigan ko na ang tanging ginawa ngayong araw ay ang umiyak ng umiyak.
"Buong pangalan ko talaga Adi" sabay singhot ng sipon niyang tumutulo na.
Di ko talaga maintindihan kung bakit iniiyakan niya na naman yung jowa niyang manloloko. Ngayon iiyak-iyak at halos di na makahinga. Ilang araw nato umiiyak dahil nalaman nya na yung jowa niya nakahanap agad ng girlfriend pagkatapos nilang mag hiwalay dalawang linggo na ang dumaan.
"Oh meron pa" sabay abot sa kanya ng isang rolyo ng tisyu. Ilang rolyo na ng tisyu naubos niya.
"Salamat"
"Last na yan Eli ha? Tigilan mo na siya. Halata naman siguro na wala na siyang balak pa makipag balikan sayo, nakahanap na nga ng bago. Wag ka nang umiyak dahil lang sa gagong yun" sabi ko sa kanya "Walang mapapala ang pag iyak mo dahil sa kanya. Wag kang maging mahina. Ipakita mo na kaya mo mag isa at kaya mo mabuhay ng wala siya" dagdag sermon ko sa kanya
Hindi lang naman kase isang biro yung relasyon nila. Umabot rin sila ng tatlong taon, magdidiriwang na sana sila sa kanilang ika-apat na taon at saka lang nagloko yung jowa niya at ang mas nakakainis pa ron ay pangit ang ipinalit. Hindi ako galit.
"Okay Adi" singhot niya na habang nakatingin sa akin "Maraming salamat sa pagiging kaibigan ko at pagsama sa akin dito" sabay bigay sakin ng maliit na ngiti at sabay punas sa luha niya.
"Nandito lang naman ako lagi Eli, that's what friends are for diba?" sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
Hinay-hinay rin na sumara ang kanyang mga mata at tila matutulog na. Hinayaan ko na siya na makatulog. Alam ko na rin na napagod siya sa kakaiyak. Namumugto na yung mga mata niya at mukhang di nakatulog kagabi.
Sinimulan ko nang ligpitin yung mga tisyu na nagamit ni Eli dahil sa kakaiyak. Jusko, andaming tisyu kahit saan ka lumingon puro tisyu ang nakikita ko.
Di ko napansin na gabi na pala. Magluluto na lang ako ng paborito niyang pagkain. Para naman kahit konti maibsan yung sakit na nararamdaman niya. Nandito ako ngayon sa condo niya at ilang beses na rin pabalik-balik dito.
"Jusko naman Eli, kumakain ka pa ba?" sabay sabi sa sarili ko
Alam nyo kung bakit? Natagpuan ko lang naman na walang laman yung ref kundi tubig lang at isang itlog. Ubos na pala stock niya dito, hindi man lang nag grocery kahit konti.
Naisipan ko na magpadeliver na lang ng pagkain. Ayaw ko rin lumabas ng condo at tinatamad na ako. At nang dumating na yung pagkain ay ginising ko na si Eli.
"Eli, kain na tayo"
"Eli, bangon na"
"Isa Eli bumangon ka na dyan, wag mong hintayin na tadyakan kita" panakot ko sa kanya
At dahil sa sinabi ko ay bumangon na siya agad. Hindi ko rin naman totohanin kung sakaling ayaw niya pang gumising. Alam niya kase pag ako napikon malilintikan talaga siya sakin.
Tahimik lang kami na kumakain at ayoko na rin magsalita kase baka ano pang masabi ko na makasakit sa kanya. Tama na yung iniyak niya kanina.
Pagkatapos namin kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at hinugasan ang plato. Nang matapos ko na ang lahat ng gawain ay napatingin ako sa orasan.
"8:30 na pala"
Pumasok ulit ako sa kwarto ni Eli at nag paalam na uuwi na at sabay bulong sa kanya ng
"Balang araw ay maiisip niya na lang na nawalan siya nang dyamante habang naglalaro nang walang halaga na bato"
-----
Ibang araw, bagong biyaya, at oras na naman na magtrabaho.
Ako ay isang doktor sa isang prestihiyosong hospital, Anderson Medical Center. Ika nga nila ka edad ko lang daw may ari nitong ospital. Hindi rin man sila sigurado kung totoo ito dahil hindi naman kase ito pumupunta sa ospital. Kung totoo man ito ay hindi parin naman ako makapaniwala dahil masyado pa syang bata para mag may ari ng isang ospital.
Pero bilib rin naman ako sa may ari ng ospital dahil sa kanya ay maraming naging awards ang ospital na pinagtatrabahoan ko. Halos lahat ng nag tatrabaho dito ay mga professional at dumaan sa masinsinang training. Isa na rin ako sa mga pinalad na makapasok sa ospital na ito.
"Dra. Adi, may pasyente na po kayo" sabi ng assistant ko
Sabay pasok sa room at nag simula ng magtrabaho.
Pag tingin ko sa sa relo ay di ko namalayan na tanghali na pala at lunch break ko na. Hindi ako pwedeng malipasan ng gutom baka hindi ako makapag-isip ng maayos mamaya sa trabaho.
"Jacky, tara na mag kumain na tayo" sabay tawag sa assistant ko
Pagdating namin sa kantina ay naghihintay na rin ang mga kaibigan kong mga doktor at pharmacian. Iba-iba kami ng departamento. May sa General Surgery, Emergency Department, Pharmacian, at ako na General Pediatrician.
"Madam Adi antagal nyo naman po" si Eli na Pharmacian.
"Alam mo Adi pa special ka" sabay irap sakin. Alam ko na tung mukhang to, gutom nato. Palibhasa patay gutom.
Siya si Adamson Patrick Gutierrez kabilang sa General Surgery Department. Nag iisang kaibigan ko na lalaki. Siya lang ang lalaking nagtangka na makipagkaibigan sakin. Di ko rin alam kung anong pumasok sa kokote niya at gusto niyang makipagkaibigan sakin. Hindi rin kase ako palakaibigan sa mga lalaki. Kaya nag iisang kaibigang lalaki si Adam.
"Dito na kayo maupo ni Jacky" Ashley Leigh Garcia kabilang sa Emergency Department. Sabay turo sa dalawang bakanteng upuan sa tabi niya.
Libre lang naman kase ang pagkain dito. Kaya nga magandang magtrabaho sa ospital na ito dahil libre na pagkain at malaki pa sahod. Nandito na lahat sa ospital na ito kung ano man ang maitutulong sa kalusugan at di ka talaga mag iisip na umalis, baka manghinayang ka lang.
"Ano Eli okay ka na?" seryosong tanong ni Adam kay Eli
Di kase siya nakapunta kahapon dahil masyado siyang busy sa OR (Operating Room). Hindi kase siya pwedeng basta basta nalang na umalis lalo na kung maraming kailangan operahan.
It is one of our rules, kailangan namin intindihin ang isa't-isa. Kung may isa mang hindi makakapunta sa pagtitipon naming magkakaibigan ay dapat namin yun maunawaan lalo na kung ang dahilan ay patungkol sa trabaho.
Golden Rule. Ang pinakaimportante na bagay sa amin ay ang makapagligtas nang buhay dahil yan ang gawain nang isang doktor.
Sila Ashley at Adam kase ang medyo risky trabaho kase mga operation o emergency kaya di sila basta-basta nalang umaalis, lalo na kung walang papalit sa shift nila.
Kaya medyo close kami ni Eli dahil nga kadalasan wala yung dalawa at tanging ako lang ang may flexible na oras sa aming apat. Hindi rin naman kase masyado busy ang departamento namin ni Eli. May mga pumapalit rin kase sa aming dalawa.
"Alam mo Eli inom tayo sa katapusan nang linggo libre ko na, may bagong nagbukas na bar na malapit lang sa ospital" panghihikayat ni Ashley ang dakilang lasinggera ng grupo.
Ganyan mag comfort ng kaibigan si Ashley, dinadaan niya sa inuman. Kahit naman umiinom si Ashley ay hands on pa rin ito sa sa kalusugan niya lalo nat doktor siya. Kapag lasing lang kase ito nagsasabi ng kanyang mga hinanakit sa buhay.
"Maraming salamat sa inyo aking mga kaibigan" kunwaring emosyonal na salita ni Eli
Napaismid nalang ako sa sinabi ni Eli.
Kahit kailan talaga ang iingay nilang kumain. Pinagtitinginan na sila ng mga ibang doktor dahil sa lakas ng mga tawa at boses nito. Nasanay na rin naman ako sa kanila at kung hindi dahil sa kanila ay wala akong makakasama ngayon.
"Adi, di bagay sayo ang magmuni-muni" sungit na sabi ni Adam
"Ano naman kasalanan ko sayo Adamson Patrick?" inis na sagot ko sa kaniya.
Pag may kasalanan ako sa kanya lagi niya nalang akong sinusungitan daig pa babaeng may regla sobrang moody at madali lang mag tampo si Adamson.
Wag niyong mamasamain pero hindi bakla si Adam. Sadyang clingy lang talaga siya. Ganyan lang niya talaga ipakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga kaibigang babae. May pagka clingy man siya at pagkamoody pero sa panahon na isa sa amin mga babae sinaktan nagiging overprotective at halos hindi na namin makita ang clingy na Adam.
"May utang ka sa akin na date" na may nakakalokong ngiti
"Death wish mo ba yan Adam?" napipikon na talaga sa kanya. Alam niya kase na pinaka ayaw ko na joke niya ay ang mag date kami.
Hindi ko nakikita ang sarili ko na mag kagusto kay Adam. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin dahil dun. Alam niya na ayaw kong naririnig ang salitang date lalo na kung galing sa kanya.
"Ito naman joke lang libre mo nalang ako ng milktea at saka hotdog on bun" sabay yakap sakin patagilid habang pabalik na sa kanya kanya naming department.
"Jusko naman kakatapos lang natin mag lunch gutom ka na naman" inis na sabi ko
"This weekend Adi, pagkatapos ng shift bago tayo pumunta sa bar!" sigaw niya habang tumatakbo patungog OR.
Nakakahiya talaga tung lalaking to. Sinabi pa talaga na magbabar kami sa weekend. Pahamak na lalaki ka talaga Adam.
Naglakad nako pabalik at nag simula na mag room to room sa mga pasyente ko. May mga pasyenteng kailang ng medical attention at di rin biro to kase di lahat ng bata madadaan sa madaling usapan lalo na kung ang pag uusapan ay ang karayom.
Halos lahat ng mga pasyenteng nakakasalamuha ko ay takot sa karayon. Normal lang rin naman sa kanila ang matakot dahil bata pa. Nasanay na rin ako sa kanila.
-----
Oras na naman na magtrabaho.
Pagkatapos nang anim na oras nang trabaho ay pumasok si Eli sa silid ko. Alam ko na naman anong kailangan niya sakin.
Pagpasok niya sa room ko ay niyakap niya ako nang mahigpit at umiyak. Di ko man alam ang nangyari pero alam ko kung ano ang kailangan niya yun ay ang yakap ng isang kaibigan.
"Pinapatibay ka ng sakit na iyong nararamdaman, pinapalakas ka ng luha sa iyong mga mata, at ang pagkasira nang iyong puso ay ang nagpapalakas sa iyo, kaya't pasalamatan ang nakaraan para sa mas magandang kinabukasan." ibinulong ang mga magagaan kong salita sa kanya.
----------
Read.Vote.Comment
© michiekelss
Ibahagi ang nobela sa
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Pinakabagong kabanata
The Brave Girl Chapter 10
Chapter 10"Nung nagising ako ay nandito na ako sa hospital."Wala akong masabi sa kwento niya. Hindi pa naprocess ng utak ko yung nangyari sa kanya.
The Brave Girl Chapter 9
Chapter 96 years old AdeNandito ako ngayon sa kwarto ko naglalaro lang sa mga laruan ko. Hinihintay ko lang si Ate Adi para maglaro kami dito m
The Brave Girl Chapter 8
Chapter 8"Adler Bartolome""Anong ibig sabihin nito? nandito siya? yung kapatid mo?" sabi ni Eli haba
The Brave Girl Chapter 7
Chapter 7Ilang araw na rin lumipas nung ipinakulong na si Doc Alcantara, nawalan na rin siya ng lisensya bilang doktor. Kinaumagahan nung araw na yun ay tahimik lang ang department namin. Doktor man o nurse ay walang sumubok na magsalita tungkol kay Doc o tungkol sa ginawa niya.
The Brave Girl Chapter 6
Chapter 6Nagmamadali na akong magdrive papuntang hospital. Nagsisimula na daw yung meeting pero mukhang hindi pa daw na oopen yung tungkol kay Doc. Alcantara yun ang huling sabi sakin ni Eli sa tawag niya kanina.
The Brave Girl Chapter 5
Chapter 5".... I am the owner of the hospital you are working with. I was checking the file of each department's doctor in my office and unexpectedly I saw your resume and that's where I got your name. I know you're a pediatrician but that time you're the only one that I can trust during that time except for Alcantara of course "
