Download the book for free
Chapter 3
Author: michiekelssChapter 3
Ilang araw na rin ang lumipas nung nag usap kami nung lalaki sa parke. Hindi sa hindi ko siya makalimutan pero yung mga salita niya kase nung gabi yun ay nakatatak pa rin sa isip ko at ang tagal mawala.
Nanay niya lang nampepressure sa kanya samantalang buong angkan ko ang nampepressure sakin. Hindi ako suportado ng pamilya ko sa kinuha kong trabaho. Gusto kase nila ako maging attorney.
Hindi ko rin naman sila masisisi kung yun gusto nila para sa akin. Lahat ng pinsan at ibang kapatid ko ay mga attorney. Ako lang yata sa pamilya ang lumihis ng propesyon. Pero ayaw kong gawin ang bagay na labag sa loob ko.
Kaya nga ako mag isang namumuhay. Sa murang edad, maaga akong namulat sa realidad ng buhay. Hindi rin ako makapaniwala na hindi nila kaya suportahan ang desisyon at pangarap ko. Pangarap na hindi naman para sakin. Pangarap na para sa sarili nilang kasiyahan.
Ayoko na rin isipin ang bagay na yun. Ilang taon na rin ang lumipas ng nangyari yun. Pagbinabalik balikan ko ang pangyayaring yun ay bumabalik rin ang damdaming naramdaman ko nung araw na iyon.
Di ko namalayan na tumutulo na pala luha. Kaya ayaw kong iniisip yun dahil yun ang kahinaan ko. Pamilya ko ang kahinaan ko.
"Oh, pahiran mo yan baka makita ka ni Adam, baka mag alala yun dahil umiiyak na naman" sabay abot ng panyo ni Ashley. Overprotective kase si Adam samin at ayaw nya ring nakikita kaming umiiyak kahit anong dahilan pa yun.
"Ngayon ako naman magbibigay sayo ng words of wisdom, mukhang mas kailangan mo yun ngayon eh." sabay punas ko sa luha ko.
"Hmmm...." habang nag iisip ng sasabihin sakin. Hindi na rin ako nagsalita at hinintay ko lang ang sasabihin niya sakin.
"Ahhh ito Adi maganda to" sabay ngiti ng malapad sa akin
"Cry, forgive, learn, move on, and let your tears water the seed of your future happiness it was quoted by Steve Maraboli"
Somewhat it made me calm.
"Dra. Adi Dra. Ashley , kailangan po kayo sa emergency may mga na food poison pong mga bata!" hingal na sabi ni Jacky
Nagulat kami pareho ni Ashley at nagmadaling pumunta sa ER.
Siguro isa ito sa mga kailangan ko ngayon. Sa paraang to malilimutan ko ang nangyari sa aking nakaraan. Nakaraang pilit kong tinatakasan.
"Forget the past but remember the lesson"
Nang naagapan na ang lahat ng bata ay bumalik na ako sa opisina ko at humiga para mag pahinga muna saglit. Puro check at takbo ang ginagawa ko kanina. Mga nurses na ang nag take over bago ako umalis.
Isang section ng mga bata ang na food poison. Bad timing rin kase 5 lang kaming naka duty kasali na dun si Eli. Kaya doble trabaho kami dahil sa dami ng mga bata. Hirap din makakita ng mga batang nasasaktan.
"Dra. Adi kain po muna kayo, nalipasan na po kayo ng gutom" sabay abot ni Jacky ng lunch pack
Namigay siguro ang canteen staff ng pagkain kanina pag alis ko.
"Salamat Jacky"
Nagsimula na rin ako kumain.
Matapos kong kumain ay bumalik na ako ng ER para ma check ulit ang kalagayan ng mga bata. Kailangan ma check ulit ang mga bata dahil may side effects pa rin ang ma food poison at may mga bata hindi kaya ang side effects na dulot nito sa kanilang katawan.
Hindi pa ako na nakapasok sa ER ay sinalubong ako ng pulis. Tinanong rin ako tungkol sa kalagayan ng bata. Nasabi rin ng mga pulis ang dahilan kung bakit na food poison ang mga bata.
Isa sa mga bata daw ang nagdiriwang ng kaarawan at sa silid-aralan nila ito pinagdiriwang. Hindi rin alam ng magulang ng bata kung anong meron sa pagkain at babayaran din daw ng pamilya ang bills ng bawat bata na admit dito sa hospital.
Pagpasok ko sa ER ay puro sigaw at sisi ng mga magulang ng mga bata ang naririnig ko. Sinisisi nila ang mga magulang ng batang nagdiriwang ng kaarawan na ngayon ay nakayuko ang ulo at tila tahimik na nanghihingi ng paumanhin.
Hindi ko na kaya ang mga pinagsasabi ng mga magulang. Alam ko naman hindi rin nila inaasahan na mangyayari ito sa kaarawan ng kanilang. Pati anak nga nila na food poison. Wala naman sigurong magulang na hahayaan lang na masaktan ang anak. Magulang ko lang siguro.
"TUMAHIMIK NA NGA KAYONG LAHAT, NAIINTINDIHAN KO GALIT KAYO SA KANILA DAHIL SA NANGYARI SA MGA ANAK NYO. PERO ISIPIN NIYO RIN PO SANA NA PATI ANAK NILA NADAMAY RIN SA HINDI INAASAHANG PANGYAYARI" sigaw ko sa kanila na nakapatigil sa lahat. Tila hinihingal pagkatapos kong sinabi yun.
"Wag na po kayong mag alala sa bayarin niyo, sagot na nila ang gastosin sa hospital." kalmang sabi ko sa kanila
Pagkatapos kong sabihin yun ay sinimulan ko na ang mag check sa bata. Kailangan ko paring i check ang mga bata sa kabila ng nangyari kanina.
"Doc A-Alcantara" nauutal na sambit ko
Shet ito na nga sinasabi ko. Isa sa mga supervisor ng hospital. Nakikita lang siya kung may problema sa ER.
"Let's meet in the meeting room after you check the kids." sabay titig ng seryoso sakin
"O-okay Doc"
Ayaw na ayaw kase nilang manghimasok kame sa problema ng pasyente gaya ng nangyari kanina. Ngayon kailangan kong pagbayaran ang ginawa ko kanina. Medyo natatakot rin ako baka ipatalsik ako dito sa hospital.
Pagkatapos kong i check ang mga bata ay pumunta muna ako ng canteen para makahingi ng tubig. Ang tuyo na ng lalamunan ko at napatingin ako sa salamin, nakita ko ang labi kong maputla.
Narinig ko rin ang inang nurse at doctor na dumating daw ang may ari ng hospital hindi ko alam kung bakit.
Madali lang kumalat sa hospital ang mga chismis. Ma nurse o doctor ay mga chismoso at chismosa.
Mas namutla ako lalo. Dalawa lang naman ang pwedeng maging dahilan pwedeng dahil sa food poisoning ng mga bata o dahil sa ginawa ko kanina.
Bahala na. Hinay-hinay akong kumatok sa opisina. Medyo madilim rin ang meeting room, mas nakakatakot. May nakita akong dalawang lalaki na nag uusap sa dulo ng upuan.
"E-Excuse me sir, n-nandito na po ako"
"Have a seat Dra. Bartolome" pinikit ko nalang ang mga mata ko at umupo
"Alam mo ba ang ginawa mo Dra. Bartolome?" hindi ko alam kung galit ba siya o ano
Si Doc Alcantara lang ang nakikita ko ngayon dahil di ko makita ang mukha ng isa pa niyang kasamang lalaki.
"Should I be sorry for what I did earlier sir? I'm not sorry for what I did sir. Biktima rin po sila sa nangyari sa mga bata. Pati anak po nila ay na food poison. Hindi rin po nila inaasahan na mangyayari yun" dire diretso kung sabi kay Doc di ko na alam kung anong mangyari sakin.
"W-what sorry? what do you mean? Is it what happened in ER? the parents quarrel thingy?" tila nalilito sa pinagsasabi ko
"A-ano po pala ibig niyo sabihin sa ginawa ko Doc?" kinakabahan pa rin ako
"Ohh, what I mean is what you did earlier during the emergency"
Hindi pa rin ako makasalita at tila nalilito pa rin ako sa ibig sabihin ni Doc
"A-ano po ibig nyong sabihin Doc?"
"The CEO slash owner saw you how you handle the kids in the ER and also what you did to the parents"
"A-and t-then D-Doc?" hindi pa rin mawala yung pagkautal at nerbyos ko
"Don't be nervous Dra. Bartolome, hindi ka naman iaalis dito sa hospital. Instead, you will be promoted as one of the Head of Pediatric Emergency"
Hindi pa nag si-sink in yung sinabi ni Doc sakin
"PO?!" napatayo ako at medyo late reaction ako
"Ayaw mo ba? You can tell it right now. The CEO is currently listening to us right now" sabay ngisi ng nakakaloko
Listening to us? ang CEO? so itong kasama ni Doc ngayon ay ang may ari ng hospital? Holy shit.
"Ah no sir, I mean tatanggipin ko po ng buong puso yung promotion." sabay ngiti ng malaki at nagpakita ng pagkagalak
"Sir CEO thank you for promoting me as one of the head. Don't worry sir I will not disappoint you and I will do my very best in serving to the kids and to the other patients." sabay bow ko sa kanya
Hindi ko man siya makita ng klaro ay hindi ko pa rin dapat kalimutan na siya ang dahilan kung bakit ako na promote. Kailangan ko parin magpakita ng kagalakan.
Simula ngayon kailangan ko nang doblehin ang pagtatrabaho dahil head na ako. Hindi pa rin maalis sa labi ko ang ngiti at kasiyahan na nararamdaman ko.
"You deserve what you've been working hard Miss"
Ang lamig ng boses niya. Medyo familiar yung boses di ko lang matandaan kung saan ko yun narinig. Binigyan ko nalang siya ng magandang ngiti at nag pasalamat ulit.
Lumabas ako sa office room at sinalubong ako nang tatlo tila nag-aalala dahil pinatawag ako. Mabiro nga sila. Evil laugh in my mind.
"Anong nangyari sa lood Adi?"
"Pinapaalis ka ba?"
"Magsalita ka naman Adi, nakakakaba yung katahimikan mo"
"ADIIIIIII" sabay sabay nilang sigaw sakin
Napatabon nalang ako sa tenga ko. Halos mabingi ako sa sigaw nila.
"Napromote ako, isa sa mga Head of Pediatric Emergency" kalma kong sabi sa kanila
"Kala ko naman inali-"
"Ah promote pala"
"Promotion lang pala"
"ANO NA PROMOTE KANA?" sabay sabay na naman nilang sigaw
"Oo nga" sabay ngiti ko ng malawak sa kanila
"YEHEYYYYY, MAY KAIBIGAN NA KAMING HEAD"
"CELEBRATE NA THIS"
"ANOTHER ACHIEVEMENT"
Daig pa nila ang na promote dahil sa sigaw nila. Umaalingawngaw yung mga boses nila sa hallway.
"Hinaan nyo boses nyo, mamaya na tayo mag kwentohan after shift. Sasabihin ko anong pinag usapan namin kanina" pinag titinginan na kase kami.
"Sabay na tayo sa ER Ash" aya ko sa kanya
"Balik na kayo sa mga department niyo"
So ayun na nga, bumalik na sila dalawa at nagsimula na rin kaming mag trabaho muli.
So yun na nga excited masyado yung tatlo sa kwento ko kay sila na mismo pumunta sa opisina ko.
Kinwento ko sa kanila lahat. Pati yung inakala kong aalisin ako sa hospital dahil sa ginawa ko sa mga parents mg bata. Pati yung kasama namin ang CEO kanina at siya ang dahilan kung bakit ako na promote.
"So nakita mo na ang CEO Adi? Gwapo ba?" hagikhik naman ni Ashley
Sa lahat ng sinabi ko sa CEO lang talaga siya na interesado. Typical Ashley.
"Hindi ko nakita yung mukha niya ayaw niya siguro mag pakita" sagot ko naman
"Congratulations Addison for being one of the Head of Pediatric Emergency" sabay silang tumayo at nakatayo na parang kailangan i handshake
Hindi ko ini expect na may pakulo naman sila. Tumayo naman ako nag congratulations sabay handshake kay Eli at Ashley nang si Adam na ay may nilabas niya na parang papel na nakalukot at binigay sakin.
"Ano to?" sabay tawa kong tanong kay Adam
"It's a certificate, our congratulatory gift for you" hawak sa kanyang batol na parang nahihiya sa regalo nila.
"Thank you guys" ay yumakap sa kanila isa-isa
Laking pasasalamat ko na nandyan sila through my ups and downs. Wala na akong hinihiling pa. Napaka swerte ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko man sinasabi to sa kanila pero ayaw kong mawala sila sa buhay ko.
-----
ILANG araw na rin ang lumipas nung na promote ako. Nagkaroon rin ng ceremony para sa mga iba pang na promote sa iba't-ibang department. Lahat nang mga executive, heads ng bawat department ay nandoon, except sa CEO. Sabi nila nandoon daw ang CEO di lang daw nagpakita sa mga employees. Chismis nga naman, di mo alam kung totoo ba o hindi.
Tungkol naman sa mga batang na food poison. Gumaling na ang lahat ng bata. Hindi naman masyadong komplikado ang kalagayan dahil nagamot naman sila kaagad. Hindi rin naman sila nag tagal sa hospital. Ang importante ay magaling na ang lahat ng bata.
Habang naglalakad ako pa balik ay may tumawag sa akin. Pag tingin ko sa cellphone ko ay si Doc. Alcantara. Baka may emergency.
On call
[Hello Doc.]
[Pumunta ka ngayon sa private ER. ASAP] tila pinapadali ako
[Okay sir copy]
End call
Bat ba ako kailangan sa private ER?
Nagmamadali narin ako tumakbo halos madapa ako dahil sa pagtakbo ko. Nakita ko si Eli at parang tatanungin niya ako bakit ako tumatakbo
"Mamaya na Eli, emergency lang" hingal na sabi ko sa kaniya at tumakbo ulit.
"O-Okay"
Nang nakarating ako sa private ER ay sinalubong ako ni Doc Alcantara.
"Follow me" tila seryoso sabi niya sakin
Pagdating namin ay may nakita akong lalaking duguan na nakahiga sa hospital bed.
Habang tinitignan ko nang matagal ay mas lalo kong nakikilala ang nakahiga dun.
Siya yung lalaking nakausap ko sa park. Yung lalaking inakala kong pasyente. Lalaking nagsuot ng suit na galing daw siya mg meeting. Na may ari kuno ng hospital.
Don't tell me?
Hindi naman siguro no?
"I-ikaw? Anong ginagawa mo dito?" naguguluhan kong tanong sa kanya
"Hey Miss, I told you we will meet again" with a smirked on his face
----------
unedited.
Read.Vote.Comment
© michiekelss
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
The Brave Girl Chapter 10
Chapter 10"Nung nagising ako ay nandito na ako sa hospital."Wala akong masabi sa kwento niya. Hindi pa naprocess ng utak ko yung nangyari sa kanya.
The Brave Girl Chapter 9
Chapter 96 years old AdeNandito ako ngayon sa kwarto ko naglalaro lang sa mga laruan ko. Hinihintay ko lang si Ate Adi para maglaro kami dito m
The Brave Girl Chapter 8
Chapter 8"Adler Bartolome""Anong ibig sabihin nito? nandito siya? yung kapatid mo?" sabi ni Eli haba
The Brave Girl Chapter 7
Chapter 7Ilang araw na rin lumipas nung ipinakulong na si Doc Alcantara, nawalan na rin siya ng lisensya bilang doktor. Kinaumagahan nung araw na yun ay tahimik lang ang department namin. Doktor man o nurse ay walang sumubok na magsalita tungkol kay Doc o tungkol sa ginawa niya.
The Brave Girl Chapter 6
Chapter 6Nagmamadali na akong magdrive papuntang hospital. Nagsisimula na daw yung meeting pero mukhang hindi pa daw na oopen yung tungkol kay Doc. Alcantara yun ang huling sabi sakin ni Eli sa tawag niya kanina.
The Brave Girl Chapter 5
Chapter 5".... I am the owner of the hospital you are working with. I was checking the file of each department's doctor in my office and unexpectedly I saw your resume and that's where I got your name. I know you're a pediatrician but that time you're the only one that I can trust during that time except for Alcantara of course "
