loading
Home/ All /The 125-Year-Old Wife/Kabanata 5

Kabanata 5

Author: Zanicolette
"publish date: " 2020-09-15 17:17:01

Minsan,

Nakikita ng puso

Ang hindi nakikita ng mata.

1911

"Ngunit bakit biglaan naman ang iyong pagdedesisyon?" tanong ni Ina.

"Matagal ko na po itong pinag-iisipan," pagsisinungaling ko. "Ama, ina... Desidido na po akong mag-aral sa Los Banos."

"Catalina, alam mo namang hindi ko na kaya pang mawalay kayo ni Crustacia sa aming paningin hindi ba?" ani Ama.

"N-ngunit... Bakit si Ate Clarita ay hinayaan po ninyong mag-aral roon?"

"Iyon ay dahil kaya nang mag-isa ng iyong kapatid, nasa ugali na rin n'ya ang pagiging matapang na babae at hindi basta-basta magpapatalo kung kaya't pumayag na kami ng iyong Ama."

Napabuntong hininga na lamang ang aking Ama. "Kung gayon ay papayagan kita, basta't uutusan ko ang iyong kapatid na bantayan ka roon sa Los Banos. Tuwing huling linggo naman ng bawat buwan ay uuwi kayo, naiintindihan mo ba, Catalina?"

Umukit ang aking matamis na ngiti. Sa wakas! Masisilayan ko na uli si Isagani kahit man lamang sa malayo. Dahil isang linggo bago matapos ang aming Pista, napag-alaman kong pupunta s'yang Los Banos upang doon ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Malaking palaisipan sa mga tao kung bakit bigla na lamang nagbago ang kaniyang isip, ang alam ng lahat ay nais n'yang mag-aral sa Amerika ngunit ngayon ay ginusto na n'yang manatili rito.

Ngunit nang makaraos ang tatlong araw... Apat na oras at sampung minuto...

Nang makaapak ako sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos,

Tumama agad ang aking mga mata kay Isagani, naglalakad s'ya suot ang isang Amerikano na lalong nagpalitaw ng kaniyang kakisigan at katangkaran. Akma na sana akong tatakbo palapit upang batiin s'ya ngunit para akong hinila pabalik ng sarili kong mga paa,

Magkasama sila. Si Ate Clarita at Isagani na naglalakad ng maghawak ang kamay.

×××

2021, Enero 3

"Ano'ng ginagawa mo?" Tanong n'ya. Blangko ang mukha ni Nathan nang lumingon ako sa kaniya. Wala na naman s'yang damit pang-itaas at magulo ang buhok. 'The heck? Is she reading that book? That's... mine.'

Napatingin ako sa hawak kong libro. Oo, tama. Nakita ko ito malapit sa aming kama, ito ay tungkol sa ebolusyon ng tao, iba't ibang teorya, isa na roon na ang tao ay nanggaling sa unggoy.

"Sierra... Hindi ba may pasok ka? Today isn't a holiday anymore," aniya.

Napatayo ako sa sopa, binuksan naman niya ang malaking rektangulo na nakadikit sa dingding, na napagalaman kong ang tawag roon ay 'TV'.

"Pasok?" Nagtataka kong tanong. Bakit naman ako papasok? Estudyante pa rin ba ako sa panahong ito?

Tumango s'ya. "Pasukan na ngayon, 'di ba?"

Inangat ko ang isa kong kilay. Hindi ko s'ya maintindihan. At lalo lamang akong naguluhan nang makita ko s'yang tumawa.

"Masyado ka na sigurong stress sa kakaturo sa mga pasaway na bata."

B-bata? "Isa akong guro?" turo ko sa sarili ko.

S'ya naman ang mukhang naguluhan. 'Nagka-amnesia ba ang babaeng 'to?' Napabuntong-hininga s'ya. "Noong isang taon ka pa parang wala sa sarili, masyado mo bang sinulit ang bakasyon? " Tatawa-tawa n'yang sabi.

"A-ah! Oo, tama! I-isa nga akong guro..." Marahan akong tumawa. Kung isa akong guro... Saan naman ako nagtuturo? Sino naman ang aking tinuturuan at ano ang aking itinuturo?

"Magayos ka na, baka sabihin pa ng panot n'yong dean, may hang over ka na naman." Pagkatapos ay tumalikod na s'ya sa akin.

"S-sandali!"

"Hmm?" Paglingon n'ya.

"P-pwede bang... Ihatid mo ako?" Nahihiya kong tanong. Isa na rin ito sa mga paraan upang hindi ako magmukhang walang alam kay Sierra.

Ngumiti s'ya na nagpalambot ng puso ko at sandaling napatulala. Isa s'yang makisig na binata na kahit sino ay mahuhulog sa kaniyang kabaitan. "Sure, I'll just take the bath first."

Ngumiti na lamang ako pabalik at nang makaalis na s'ya, hinarap ko ang TV.

"Class resumes on private and public schools now, January 3, 2021."

×××

Pagbaba ko ng kotse, tumambad sa akin ang isang paaralan.

William High School

Napabuntong hininga ako. Nakita ko ang mga estudyante sa tarangkahan, maayos naman ang kanilang suot dahil hanggang tuhod ang kanilang palda, mahahaba rin ang manggas ng kanilang blusa. Ang uniporme ko naman ay puting blusa na may manggas hanggang braso. Ang aking pantalon naman ay malambot at hanggang sa dulo ng aking binti.

"Tulungan na kita," ani Nathan at kinuha ang isa kong maletin. Tinatawag nila itong 'bag', at dito nakalagay ang mga papeles na nakita ko sa gilid ng kabinet ni Sierra.

Pumasok kami at tumuloy sa isang silid. Puti ang paligid, may mahahabang mesa, puting sahig, kakaibang klaseng upuan at... Malamig. Napayakap ako sa aking sarili. "Bakit biglang lumamig?"

Pinigilan ni Nathan ang matawa. "Malamang, may aircon."

Aircon?

Nilapag n'ya ang aking bag sa isang upuan na malamang ay ang aking puwesto. Nagpalinga-linga ako sa paligid dahil parang kami lang dalawa rito. Bakit walang estudyante?

"A-akala ko ba magtuturo ako? Bakit wala akong estudyante?" tanong ko sa kaniya. Nasa tapat s'ya ng aking mesa at inaayos ang mga papel na naririto.

Natawa na naman s'ya na lalo kong ipinagtaka. Ano bang nakakatawa? "Wala ka namang classroom, you're an ESP teacher. You're just going around to your assigned class then teach them as if you're a good model to them."

Bakit? Hindi ba ako magandang ehemplo sa mga bata?

"Kaya nga siguro ganoon na ang mga ugali ng mga kabataan ngayon, mana mana lang sa kanilang guro. Nababayaran lang naman ng pera ang lahat kaya nakakapasa sila." Prangka n'yang sabi.

Hindi naman ako nasaktan dahil hindi naman ako natamaan. Mabait naman akong tao, at ipapaalala ko lang sa aking sarili, hindi sa akin ang katawang ito. Nasa ibang katawan ako na may kakaibang ugali at pakikitungo sa kaniyang asawa.

Bigla kong naalala ang lalaking nagpakita sa akin noong madaling araw, sa Bagong Taon. S'ya ang kalaguyo ni Sierra.

Ngayon alam ko na kung bakit ganoon na lamang n'ya tratuhin si Nathan, na parang hangin lamang ito. Nagpakilala sa akin ang binata na Marco, dalawang taon na pala silang nagkikita ni Sierra ng patago.

Tumanggi muna akong makipag-usap sa kaniya ng masinsinan upang ipaliwanag sana ang lahat, dahil natatakot akong mahuli kami ni Nathan.

Hindi ko nanaisin na makita s'yang masaktan. Hindi man ako ang mahal n'ya bilang Catalina, alam kong masakit sa kaniya na sa buong pagsasama nila ni Sierra, nagmumukha lamang s'yang hangal.

"Sierra?" Bumalik ako sa wisyo nang tawagin ako ni Nathan.

"B-bakit?"

'Nasaktan ba s'ya sa nasabi ko?'

"Huwag kang mag-alala, hindi ako nasaktan," mariin kong sabi.

'Defensive?'

Kumunot ang aking noo nang marinig ang kaniyang isip.

"Umalis ka na."

'What's with the sudden mood?'

Nahagip ng aking mga mata ang iskedyul ni Sierra. 8 - Venus ang tuturuan ko ngayong ala-una ng tanghali.

"Malapit na ang klase ko, Nathan," pagpapalusot ko. Hindi ko mapigilang maawa kay Nathan nang maalala ko ulit ang patagong pag-uusap namin ni Marco. Parang ako rin ay pinagtataksilan s'ya.

"Ah, yeah, sorry."

"Mag-iingat ka," huli kong sabi bago s'ya lumabas ng aking silid.

×××

"Tama? Ito ang 8 - Venus hindi ba?"

Tahimik ang buong klase. Ngunit napansin ko ang iba't iba nilang paguugali.

Mayroong kagigising lang.

May nagpipigil ng tawa.

At ang pumukaw ng aking pansin, ang isang babae na may nginunguya. Mukha s'yang siga dahil naka de-kwatro pa ito kung maupo. Blangko lamang ang kaniyang ekspresyon habang nakatingin sa akin.

Napaiwas ako ng tingin ng taasan ako ng bata ng kilay. Ibinalik ko na ang pansin sa kanilang lahat. Kung tutuusin ay maling mali ang ugaling ito sa aming mga propesor noon.

"Magandang tanghali sa inyong lahat," pagbati ko sa kanila.

Sabay-sabay silang tumayo. "Magandang tanghali po, Ginang Hernandez," ani nilang lahat.

"M-maaari na kayong maupo..." Hindi ko alam kung bakit ba ako kinakabahan sa harap ng mga batang ito. Hindi ko alam kung anong ituturo ko. "May libro ba kayo ng aking itinuturo?"

Tumango naman ang babaeng nasa unahan at ibinigay sa akin ang libro. 'Edukasyon sa Pagpapakatao' ang pamagat nito.

"Ano ang huling itinuro ko sa inyo?" tanong ko upang malaman ang isusunod kong ituturo. Mukhang mabilis lang naman ituro ang tungkol sa pagpapakatao, dahil ilang daang taon na ang tanda ko sa mga ito.

"P-pero ma'am..."

"Wala ka namang tinuro, ma'am," sabi noong lalake sa gilid kung kaya't nagpigil ng tawa ang lahat, maliban sa babaeng kanina pa may nginunguya.

"Totoo naman guys, wala lang s'yang ginawa kung 'di matulog sa office n'ya at mag-utos sa estudyante na magsulat mula sa book," ani ng babae habang nakatingin sa akin. Dahil roon ay nabasa ko ang kaniyang iniisip. 'I'll not wonder kung bakit walang modo mga kaklase ko'.

Hindi ko na sila pinagalitan pa. Si Sierra naman ang dapat sisihin dahil s'ya ang hindi nagtuturo ng tamang asal sa mga bata. "K-kung gayon, ano ang huli kong ipinasulat sa inyo?"

Binuklat ng mga estudyante ang kanilang kuwaderno. "Pagdadalaga at Pagbibinata po."

Napatango ako at hinanap iyon sa libro. Ang kasunod niyon ay ang paksa tungkol sa 'Teenage Pregnancy'. Napangiti ako dahil alam ko kung paano ko sila tuturuan na iwasan ang maagang pagbubuntis. Nakalagay din dito ang tumataas na kaso ng pagbubuntis ng kababaihan kung kaya't nagsimula akong mabahala sa kanilang magiging kalagayan.

"S-sa tingin ko naman wala pa kayong mga nobyo o nobya, hindi ba?" tanong ko sa kanila. Napatungo ang iba at umiwas ng tingin. "Naituro na ba sa inyo kung paano nabubuo ang isang bata?"

Kung tutuusin para lamang akong nagsasalita sa hangin. Walang may balak kumibo, at iyon ang hindi ko maintindihan.

"Ma'am, si Melita po may jowa na!" sigaw nung mataba at maitim na lalaki sa likuran. Nagtawanan silang lahat habang ang katabi n'yang babae na pulang-pula ang labi ay nagumpisang hampasin s'ya.

Ngumiti ako at tinignan silang lahat. "Hindi na ko dapat magtaka pa, ngunit sana huwag niyong hayaan na masira ang inyong kinabukasan." Nanahimik na naman silang lahat. "Hindi ginagawa ang pagtatalik upang makakuha ng pansariling kaligayahan, ginagawa ito ng mga taong totoong nagmamahalan."

"Pero ma'am, hindi naman siguro magagawa yun samin--"

"Kakaunti na lamang ang lalaking may respeto sa kababaihan sa panahong ito, kaya kung may nakilala kayong katulad ni Isagani, napakaswerte n'yo na."

"Sino po si Isagani?" tanong ng babae na nakaupo sa gilid.

Napatigil ako. Bakit ko ba nasabi ang bagay na iyon, Catalina? Hindi ko na alam kung ano pa ang aking ipalulusot!

"Baka yung nasa El Filibusterismo," sagot ng lalaking naka salamin at mukhang seryoso sa pagbabasa sa aklat. "S'ya ang kasintahan ni Paulita Gomez at sinusuportahan n'ya ang hangaring magkaroon ng sariling akademya para sa wikang kastila rito sa Pilipinas."

"P-pa'no n'ya nalaman 'yun? Sa grade 10 pa natin yun pag-aaralan, 'di ba?" bulong ng isa.

"Tama ang inyong kaklase. Dapat sa ganiyang edad ay nagbabasa na rin kayo ng mga aklat upang dumami ang inyong matututunan." Tinignan ko silang lahat at ngumiti. "Huwag na huwag n'yo sanag ibigay ang inyong katawan sa lalaking hindi ninyo pa asawa. Dahil parang binigay n'yo ang pinakamahalagang pangyayari sa taong pansamantala lamang."

×××

"Oh, Sierra, bakit naandito ka pa sa office? Tapos na klase mo, di ba?" tanong ng babaeng kasama ko ngayon sa aking silid, marahil ay guro rin s'ya katulad ni Sierra. Diretso ang kaniyang buhok at mayumi kung kumilos.

Naging maayos naman ang takbo ng aking pagtuturo. Hindi man ako ganoon kagaling sa pagsasalita ay tiyak kong naiintindihan nila ang ipinapahiwatig ko.

"Ganoon ba? S-sige, aalis na ako," marahang sabi ko at kinuha ang aking bag.

"Ingat!"

Paglabas ko ng eskuwelahan, bigla kong naalala na may kalayuan ang bahay namin mula rito, hindi ko na rin matandaan kung ano ang mga dinaanan namin dahil lumilipad ang aking isip sa tuwing makikita ko ang kalagayan ng Pilipinas ngayon.

Nakita ko ang batang babae na nakaupo sa gilid ng tarangkahan ng eskuwelahan at parang may hinihintay. Nilapitan ko s'ya at tinanong, "May hinihintay ka ba? Bakit hindi ka pa umuuwi?"

Napatingin sa akin ang bata. Maamo at mataba ang kaniyang pisngi. Nakatali rin ang kaniyang buhok sa magkabila. "Hinihintay ko po ang papa ko, teacher."

"Ah, ganoon ba?" Ngumiti ako. "Kung gayon ay mag-iingat ka."

Ilang segundo na ang nakalipas ngunit wala s'yang reaksyon. "N-natunog po yata ang selpon n'yo, teacher."

"Ha? S-selpon?"

Naramdaman kong may tumutunog sa aking hita. Oo nga pala, pinaalala sa akin ni Nathan na dalhin ang sinasabi n'yang selpon ko raw upang matawagan n'ya ako. Kinuha ko ang selpon mula sa'king bulsa, may nakalagay roong 'Nathan Calling...'

"Bakit hindi n'yo po sinasagot? Magkalit po ba kayo ng asawa ninyo?"

Nanlaki ang aking mga mata. "B-bakit mo alam na asawa ko ang tumatawag sa akin?"

"Eh kasi po alam naman po namin na kinasal kayo sa kaniya dati."

"Uhh -- ganoon ba?" Nilipat ko ang tingin sa hawak kong selpon, patuloy pa rin ito sa pagtunog. Hindi ko alam kung paano sasagutin dahil wala namang ganito sa panahon ko, puro padala lamang ng sulat ang gawain namin noon. "P-paano ko nga ba ulit sasagutin ito?" tanong ko sa bata.

"Ito po, pindutin n'yo po." Tinuro n'ya sa'kin ang pipindutin kung kaya't nasagot ko na ang tawag ni Nathan.

[Hello, Sierra? Bakit ang tagal mong sumagot?] Bahagya akong nagulat nang marinig ang boses ni Nathan mula sa selpon. Hindi ako makapag-salita, nakikipagusap ba ako sa maliit na parihabang ito? [Hello, Sierra. Bakit hindi ka sumasagot? Are you okay?]

"Ma'am, bakit hindi po kayo nagsasalita? Kinakausap po kayo ni Sir," nagtatakang tanong ng bata.

"Ah-- ehh... Nathan? I-ikaw ba 'yan?"

"Ilagay n'yo po sa tenga ang selpon para po marinig n'yo, ma'am. Galing po ba kayong bundok?"

"H-ha?"

Hindi ko na pinansin ang sinabi n'ya at itinapat ang selpon sa aking tenga. "Nathan?"

[Tss. Bakit nagpapaturo ka pa sa bata kung paano gumamit ng cellphone? Bangag ka na ba talaga, Sierra?]

"H-ha? Bakit ka ba napatawag? M-may sasabihin ka ba?" tanong ko.

[Yeah, hindi kita masusundo ngayon, I have a lot of meetings, gabi na rin ako makakauwi kaya magpa-deliver ka na lang, okay? I'm sorry...]

"A-ayos lang! Sige... Mag-iingat ka."

[Sierra...]

"B-bakit?"

[Are you... Still mad because of what happened earlier?]

"Ako? Hindi ako galit sa'yo, Nathan. Ano ka ba," natawa ako. "Wala lang iyon, pasensya na sa naging pakikitungo ko sa'yo."

Narinig ko s'yang bumuntong hininga. [Okay... I'm still sorry.]

"Ano ka ba, wala lang sa akin ang bagay na iyon." Napatingin ako sa batang kaharap ko na para bang natatawa o kinikilig.

[Be safe, Sierra.]

"I-ingat."

"Sige na po, ma'am. Umuwi ka na po, mukhang excited na po kayo makita ang asawa n'yo, yiee~"

Kumunot ang aking noo. Ano bang nalalaman ng mga kabataan ngayon at nagagawa ng magbiro ng ganiyan? Mukhang wala pa siyang sampung taon.

"Sige, uuwi na ako. Mag-iingat ka!" Tumayo ako at naglakad na pauwi, kahit na hindi ko naman talaga alam kung tama ba ang aking daraanan.

Malayo-layo na rin ang nalakad ko mula sa paaralan, ngayon ay dinadaanan ko na ang walang katao-taong lugar at napapaligiran ng mga puno. Sa tingin ko naman ay nadaanan na namin ni Nathan ito kanina.

"Mukhang nasasanay ka na sa pamumuhay sa panahong ito, Catalina."

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang lumitaw sa aking harapan si Tiya Alondra. Mahigit isang linggo na rin mula nang huli ko s'yang makita. Ganoon pa rin ang kaniyang ayos, itim na Trahe De Mestiza at belo.

"T-tiya..."

"Nagagalak ako dahil paunti-unti mo nang ginagawa ang iyong misyon, ang alagaan ang iyong asawa." Ngumisi s'ya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Natutuwa ba s'ya sa kalagayan ko ngayon? Hindi ba niya alam kung gaano kahirap ang magpanggap?

"Huwag kang magdamdam sa akin, Catalina. Hindi kita pinahihirapan. Naandito ako nga'yon upang ibalita sa'yo ang nakatakdang mangyari kung ipagpapatuloy mo ang iyong misyon."

Naguguluhan akong tumingin kay Tiya Alondra. Tila ba nawalan ako ng kakayahan magsalita dahil sa nababalot n'yang madilim na aura. Bakit ba lagi n'ya akong nililito?

"Huwag ka nang magtangis pa, dahil sa asawa ni Sierra magmumula ang ikalawang buhay ng iyong pinakamamahal." Ngumisi s'ya na para bang nagdidiwang. "At iyon ay si Isagani."

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

The 125-Year-Old Wife   Kabanata 19

Kailangan bang gawin moAng lahat upang matanggap kaSa lipunangpuno ng mapanghusga?1914.Isang linggo ang lumipas.Nobyo.Paulit-ulit kong inisip ang huling sinabi ni Ate Clarita.May nobyo na s'ya? "Ina, Ama, manliligaw ko po... Si Adam," pagpapakilala ni Ate sa mga magulang namin. Nagsama-sama kami ngayon sa sala dahil sa 'di inaasahang bisita.Katabi n'ya ang maputi at matangkad na lalaki. Amerikano nga s'ya. Hindi nakapagdududa. "Hi, Madamme and Mister Fernandez. Nice to meet you all," wika ng kanyang nobyo. Ngumiti naman si Ina at Ama."Manliligaw? N-ngunit akala ko'y--" Pinanlakihan ako ng mata ni Ate. Senyales na hwag ko munang ibunyag na mag nobyo na sila. "A-ang ibig kong sabihin... Bakit ngayon mo lamang s'ya pi

The 125-Year-Old Wife   Kabanata 18

Ibabalik kita sa nakaraan,Nang bumalik sa'yo ang lahat,Kung saan ka nagmula,Hanggang sa kung ano ka ngayon.1914."A-ate..."Para bang nagunaw ang mundo ko nang makita si Ate Clarita. Parang kanina ay kausap ko si Isagani tungkol sa kaniyang pagbalik... P-pero ngayon ay nandiyan na siya."Mukhang ako na lamang ang hinihintay ninyo sa inyong kasal. Masaya ako dahil halatang mahal na mahal niyo ang isa't isa," sabi ni Ate Clarita nang makalapit sa amin. "C-clarita." Napatayo si Isagani mula sa kaniyang pagkakaluhod."Naririto ka na pala," hindi ko makapaniwalang sabi. "B-bakit hindi mo kami pinadalhan ng sulat nang sa gayo'y nasundo ka namin sa daungan," dagdag ko. Tumingin sa akin si Ate... Na parang wala na sa kaniya ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon. "Wala na akong oras para sula

The 125-Year-Old Wife   Kabanata 17

Huwag kang matakot Na harapin ang buhaySapagkat ang nakakatakotAy ang hindi mo na magawaAng dapat mong gawinBago ka pa mamatay1914"Puwede ba kitang... M-makausap?"Napalingon sa akin si Isagani. Pinuntahan ko siya rito sa kanilang silid-aralan. May nais akong sabihin. Pumayag naman s'ya. Naglakad kami patungo sa hardin rito sa Unibersidad -- kung saan kami nahuli ni Don Emilio. Tumigil sa paglalakad si Isagani. "Ano'ng sasabihin mo?" "A-ah, uh..." Nauubusan ako ng salita sa harapan niya. "D-dalawang taon na." Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig. Bumuntong hininga si Isagani. Pinagkrus niya ang kaniyang braso at mariing tumingin sa akin. Kinagat ko ang aking labi. "Hanggang kailan ba tayong ganito, Isagani?" Diretso kong tingin sa kaniya. "

The 125-Year-Old Wife   Kabanata 16

Sa sampung taong makikilala mo,Iyong lima, nakakain na.Iyong dalawa, nakabili na. Iyong tatlo, mangungutang pa lang.1913, Disyembre 24"Isagani, mamasyal muna kayo ni Catalina. Basta't bago mag alas-dyis, naririto na kayo, ha?" "Po?" Bumuntong hininga si Dona Isabel. "Ano ba anak, ngayon lang uli kayo lalabas ni Catalina. Tamang tama at pasko," aniya habang nagluluto ng handa."M-masusunod po, Ina." Hinila ako ni Isagani palabas ng kanilang bahay. Pasko na bukas. Plano ng mga magulang namin na magsimba mamaya. Sasalubungin namin ang pasko sa aming hacienda. "Gusto kong pumasyal sa parke. Mauuna na ako. Magkita na lamang tayo sa unang kanto pagkatunog ng kampana ng simbahan," wika ko."Huwag." Bahagya akong nagulat. "B-bakit?" Huming

The 125-Year-Old Wife   Kabanata 15

Mapanganib ang mga tao, Hindi natin alam kung ano ang iniisip nila, Dahil madalas… Kung sino pa ang akala nating kakampi, Sila ang sisira sa tiwalang binigay natin. 1913“Bakit ka naparito?”“Burda mo iyan?”Halos sabay naming tanong nang makaalis si ama.Bumuntong hininga ako. “Oo, burda ko ito.” Pagtukoy ko sa aking hawak na tela. Dinisenyuhan ko ito ng iba’t ibang uri ng halaman. Tulad ng rosas, sampaguita at santan. Madalas ko silang makita sa Los Banos.Tumango-tango si Isagani. “Maganda. Napunta ako rito dahil pinilit ako ng aking ama na bisitahin ka.”Pinilit…“Alam mo ba kung kalian ang uwi ni Clari

The 125-Year-Old Wife   Kabanata 14

Hindi tayo hinihintay ng pagtanda,Tayo ang naghihintay sa kanila.1913Isang taon na."Hindi pa po ba nagpapadala ng liham si ate Clarita?" tanong ko kay Ina. Naka upo kami sa may bintana habang nagbuburda. Makulimlim ang kalangitan.Napatigil siya sa pagtatahi. Bumuntong hininga at tumingin sa akin. "Hindi ko mawari kung anong nangyayari. Tatlong buwan na tayong walang balita sa kaniya."Hulyo pa ang kaniyang huling liham. Kaarawan iyon ni ama. Nagbigay siya ng munting regalo pati na kay Crustacia. Labis ang pagtataka ni Ina nang kami lamang ang walang regalo noon."Kailan po kaya makakauwi si ate?"Ngumiti si Ina. "Marahil ikaw ay hindi na mapakali na ikasal kay Isagani," panunukso pa niya.Lumuwa ang aking mata at mabilis na umiling. "H-hindi po iyon ang aking ibi

The 125-Year-Old Wife   Kabanata 10

Ang sikreto ay parang sakit sa kaluluwa,Kinakain nila ang mabuti,At pinananatili ang kasamaan sa likod nito.1912TILA NATAWA ang lahat nang marinig ng mga magulang

The 125-Year-Old Wife   Kabanata 9

Kung naniniwala kayongAng intensyon ng mga AmerikanoAy ang tulungan tayo,Pwes!Para kayong mga birhenNa naniniwala sa pagibigNg isang puta!

The 125-Year-Old Wife   Kabanata 8

Bakit ang mga namamatay lamangAng nagiging bayani,Bakit hindi pati ang mga taongNabubuhay sa pagdurusa,Dahil sa gobyernongMagnanakaw sa bayang sinilangan.1912"I-isagani..."Naistatwa ako sa tapat niya pagkabuk

The 125-Year-Old Wife   Kabanata 13

Hindi ako natulogSa takot na magising ako Upang hanapin ang lahat ng ito Sa isang panaginip1919"Totoo ba ito? Kung gayon ay nahuhulog na si Isagani kay Catalina!" masayang sabi ni ina.

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy