Download the book for free
Chapter Two
Author: Doctor_ArtGusto nang hablutin ni Eleuthera ang kanyang kaibigan na ngayon kung maka-monologue ay wagas. Malapit na niya itong masapak sa tindi ng pagpapatama na pinaparinig nito sa kanya.
"Minsan kahit hindi natin hilingin ay darating ang tao para sa atin."
Tumingin ang lalaki sa sakanya.
Kung puwede nga lang na itaas ng ilang centimeter ang isang kilay ni Eleuthera ay ginawa na niya.
"Masasabi na lang natin sa ating sarili na siya na talaga ang katapat ko, bakit? Kasi siya 'yong tipo ng tao na magpapabago sa iyo, kahit playboy or playgirl ka sa oras na tumingin ka sa kanya, ohh dude wala na, magpaalam ka na sa mga kalokohan mo at sa kanya mo lang ibigay nang buo ang atensyon mo."
"Stop it, Darren," bulong ni Eleuthera na mukhang naintindihan naman ni Darren dahil natatawa na ang itsura nito.
Pumunta si Darren sa harap ni Eleuthera dala ang isang rosas, tinitigan ito ni Eleuthera. Dapat masanay na siya pero hindi, hindi na siya masaya rito sa parehas na dahilan na mayroon ang lalaki kung bakit siya binibigyan ng bulaklak. Tinanggap pa rin niya ang bulaklak, palihim siyang ngumiwi.
"Yiiieeee, asus pre! Ang chessy mo!" Pang-aasar ng isa sa mga kaibigan ni Darren, namula tuloy ang baliw.
"Mauna na kami ni Eleuthera, mga pre," pagpapaalam nito. Hindi na pinatulan ang kaibigan.
Nauna nang naglakad palayo si Eleuthera. Sanay na naman ang mga kaibigan ng lalaki sa ganitong pakikitungo ng dalaga. Ayaw ni Eleuthera na may pumasok na iba sa buhay niya, mapapahamak lang ang mga ito kung hahayaan niya. Para sa kanya, mas magandang mag-isa.
Nabigla siya nang may biglang umakbay sa kanya, hindi niya ito hinayaan na magtagal kaya tinapik niya ang kamay nito at sinamaan ng tingin. Mabilis naman na inalis ng binata ang pagkaka-akbay sa kanya.
Darren is 5'8 kaya hindi niya maiwasang tumingala rito which she hates the most. Masakit sa leeg.
"Aww naman Eleuthera. Ang harsh mo talaga sa akin, pasalamat ka mahal kita," reklamo ni Darren kaya pinitik ni Eleuthera ang ilong nito.
"Ren-ren, baka kung ano isipin nila sa atin. Jeez, stop it na kasi," pagmamaktol ni Eleuthera na kulang na lang ay magpapadyak sa lupa.
He pouted. He is cute while doing it pero hindi sila talo ni Eleuthera.
"Salamat sa pink rose kaya lang baka nauubos na ang pera mo sa kabibili nito?"
Eleuthera is not blind; she can see why Darren is always giving her favorite flower, but she can't accept it. She sees him as a brother; he is crucial to her. Eleuthera can't afford to lose him, but can't handle the kind of feelings he was showing her. She doesn't want to hurt him any longer.
Ginulo nito ang buhok ni Eleuthera at bumulong sa tenga, "hindi ako titigil sa pagbibigay ng pink rose sa iyo, hindi mo na kailangan magpasalamat sa akin Eleuthera, ngiti mo lang ay sapat na. As long as I'm breathing lagi kita bibigyan ng white rose as a symbol of my uneding love to you."
Hindi hahayaan ni Eleuthera na magpatuloy ang lahat na ito. Nasasaktan siya na nakikita na nasasaktan ang kaibigan niya. May bagay kasing hindi masusuklian kahit gusto mo pero sa katayuan ni Eleuthera, kahit na magmukha siyang masama sa paningin ng iba, hindi niya gugustuhin makaramdam ng ganoong pakiramdam.
She reached out to Darren. Naaalala niya lahat ng bonding at pakikipaglaban na ginawa nilang magkasama. Darren is the first boy buddy of Eleuthera, medyo mailap siya sa mga lalaki lalo na sa mga hindi katrabaho at ni minsan hindi niya hinahayaang may makalapit sa kanya but Darren break her walls. Sa kanya lang si Eleuthera naglalabas ng sama ng loob, pinapakita niya rito ang kahinaan niya. Napakita niya kay Darren ang totoong siya; When she is with him, she can be herself; she is a strong woman yet has a fragile heart. He knows a lot of things about her.
"Darren, I...am sorry. I'm sorry kasi–"
He did not let her finish her sentence; he kissed Eleuthera's forehead. A kissed full of emotion and unsaid words.
"Shhh, don't say sorry wala kang kasalanan dito Eleuthera. Alam mo bang hindi ako nagsisi na mahal kita? Kasi ito na ang pinaka the best na nangyari sa buhay ko. Don't cry, okay?" She nodded while wiping her tears away.
Ang pananaw ni Darren ay kung mahal mo ang isang tao handa kang masaktan para sakanya, handa kang manatili sa tabi niya kahit ang sakit-sakit na, hindi ito ang gusto ni Eleuthera at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang tingin ng karamihan sa pagmamahal.
Nang tumahan na si Eleuthera ay Darren holds her wrist.
"Let's go, baka hinahanap na tayo ni M."
He acted as if hindi siya nasasaktan, its either ayaw na niya 'yon pagusapan or ayaw niyang marinig na papatigilin siya ni Eleuthera.
Binitawan niya si Eleuthera noong sumakay na sila sa motor niya. Mabilis ang kaniyang pagpapatakbo; may tiwala naman si Eleuthera na hindi siya ihuhulog ni Darren sa kalsada.
You need to let go of your feelings, Darren, she murmured under her breath, wishing Darren could hear.
Nakapikit lang si Eleuthera habang nakahawak sa balikat ni Darren, binabalikan sa isip kung bakit ba siya narito ngayon. She's in danger. Any moment someone might attack her. Pumasok sa isip niya ang reaksyon ni Zayn Eros kanina. Hindi niya hahayaan na madamay ito sa gulo ng buhay niya. Kung kailangan itali ito para hindi na makalabas ng bahay ay gagawin ni Eleuthera huwag lang ito mapahamak. Hinihiling niya na sana 'wag makialam si Zayn Eros sa laban niya.
Nakarating sila ng Headquarter nang matiwasay at walang humaharang sa daan. Nauna si Eleuthera na pumasok sa loob, habang inaayos ang maskarang nakatakip sa kanyang mukha. Wala dapat makakilala sa kanila, ang nakakataas lang ang may karapatan na alamin kung ano ba ang sa likod ng maskara. Nasa likod niya lang si Darren, nakasuot din ito ng itim na telang panakip sa kalahating mukha
Kahit anong lihim ni Eleuthera sa pagkatao niya, alam niyang may makaka-alam. Walang lihim na hindi nabubunyag, hindi niya alam kung handa na ba siya para dito.
Katulad nang dati walang katao-tao sa HQ maliban sa kanya. May mga mission na naman siguro ang mga lokong 'yon. Mission na walang nakaka-alam kung uuwi ka ng buhay o malamig na bangkay, para sa isipan ng iba nakakakilabot pero hindi sa kanila na sanay na at nanumpa.
"Elites," tawag ng lalaking malapit na mag 30's. Hindi man lang nag-abalang tumayo sa pagkaka-upo nito sa single sofa.
Umupo ang dalawa sa mga nakalaan na upuan kahit hindi binibigya ng permiso.
"Hindi ako magtatagal dito kaya sabihin mo na ang mga dapat mong sabihin," diretsang ani ni Eleuthera.
"Eh, bakit?" tanong ng lalaki.
Kailangan pa ba talagang may explanation ang lahat na sagot? Hindi marunong magpaliwanag si Eleuthera at ayaw na ayaw niyang magsalita ng sobrang dami.
Napansin ng lalaki na ayaw niyang sumagot.
"Inutusan ako ni Impératrice na papuntahin kayo rito."
Napakunot ang noo ni Darren. "Why?" Darren asked him.
"I don't know," simpleng sagot nito.
Gustong batukan ni Eleuthera ang lalaki dahil hindi man lang ito nagtanong kay M, wala man lang kaalam-alam.
Hindi ugali ni M na ipatawag sila na hindi siya ang haharap lalo na ang magpatawag without a reason. Nagtext siya na magkita-kita sila ngayon nila Ren-ren bago niya matanggap ang huli nitong mensahe na nasa kapahamakan siya. Nagsimula na tuloy magtaka si Eleuthera.
'Where are you, Impératrice? Napaka weird naman na nagpatawag ka pero walang rason.'
Walang na ibigay naagot si Lelios kaya umaalis na lang ang dalawa. Tahimik lang sila hanggang makarating sa paaralan ni Darren; ang paaralan kung saan narito ang misyon nito para mag-undercover.
"Wala ka bang ideya kung bakit wala si Impératrice roon?"
Umiling si Eleuthera bilang sagot.
"Sigurado ka?"
'Hindi pero hindi ko maaaring sabihin sa 'yo kung bakit. Dalawa lang kasi 'yan baka may biglaan siyang lakad o baka naman iniiwasan niyang pag-usapan ang tungkol sa huling mensahe niya which is imposible dahil kilala ko ang ugali niya ayaw niyang may napapahamak sa grupo,' sagot ni Eleuthera sa pamamagitan ng isip niya.
"Yeah. I'll go first, I'm sleepy," matipid niyang paalam.
Tinatamad siyang magsalita lalo na sa ganitong sitwasyon baka ano pa ang masabi niya na hindi dapat. Ayaw niya rin magsinungaling nang mas malalim.
"Sige. Take care Eleuthera."
Bago tumalikod ay maangas na tinapik ni Eleuthera ang balikat ni Darren.
"Sila ang mag-ingat Darren. See you."
Malungkot na tinanaw ng lalaki ang babae papalayo sa kanya. Sa tingin niya ay 'yon na ang huling beses na makaka-usap niya ito.
Habang naglalakad ay napa-isip si Eleuthera sa kasalukuyan na ginagawa ng lalaking iniwan niya sa bahay.
Sana naman walang siyang ginawang kahit na anong kalokohan sa loob ng bahay malalagot ako kila mama at sana hindi siya lumabas baka mapahamak pa siya, mainit pa naman ako sa mga mata ng mga gustong tumapos sa akin, she uttered to herself with curiousity.
Kalahating oras pa bago umalis ang trycycle na sinasakyan ni Eleuthera. Mayo na pero ang init pa ng panahon lalo na ngayon dikit-dikit pa sila sa loob.
"Dito na lang po!" malakas na pagpara niya kaya naman mukhang mababasag na ang eardrums ng mga katabi niya.
Napatawa siya nang marahan.
Peace po, lihim niyang paghingi ng tawad.
Nahirapan pa siyang bumaba, hindi naman kasi maipagkakaila na chubby siya at sa kabutihang palad hindi pa naman overweight dahil may katangkaran siya pero chubby pa rin.
Medyo malayo pa ang kalsada na hinintuan ng trycycle sa bahay ng mga Augustine, may kalye pa kasing kailangan lakarin. Malayo rin ang bahay nila sa ibang bahay kaya kahit sumigaw siya nang sobrang lakas ay walang makakarinig. Sa likod ng bahay ay maraming punong kahoy, ilang minuto na paglalakad ay makakarating ka na sa talon na isang milagro na malinis pa rin hanggang ngayon. Sa pagpunta niya raw sa future ay nalaman niya na may mas masama pa sa ngayon ang kalagayan ng mother earth, halos wala nang kontrol ang mga tao roon lalo na ang mga kabataan pero maganda na ang takbo ng ekonomiya masyado nang maunlad.
"Ma?"
Gaya nang nakagawian ay ang mama ang una niyang hahanapin but instead na ito ang lumabas ay isang binata ang una niyang nakita na mukha nang bampira ang kulay ng balat pero hindi naman maputla, galing pala ito sa Amerika kaya naman ganito ang appearance ng lalaki; maputi at matangos ang ilong. Sa pagkakaalam niya ay he is a pure-blooded Filipino.
Nilampasan niya ang binata. Diretso siyang naglakad sa loob kahit medyo nakaharang ito sa pintuan. Hindi man lamang marunong tumabi. Nabangga niya tuloy ang balikat nito.
"Oh, baby. Kamusta ang lakad niyo ni Darren?" tanong ng mama niya na halos sigaw na sa medyo may layong distansiya nila; nasa kusina ito at nagluluto ng pagkain.
Lagi na lang pagkain ang ginagawa ni Eleuthera rito sa bahay tuwing narito siya 'yan siguro ang rason why she is gaining weight.
Nagmano muna siya saka umupo sa harap ng mesa bago sumagot. "Ayos naman po." Humikab siya. "Nakakapagod, mama," sumbong niya.
Nahagip ng mata niya ang mansanas sa mesa kaya kumuha siya ng isa at tumayo para hugasan ito.
"Malapit na 'tong niluluto ko para sa tanghalian, hintay na lang, anak."
Tumango siya sa mama niya na ang atensyon ay nasa pagluluto.
"Nasaan si papa, mama?"
Nagtataka siya na wala ito sa sala para manonood ng paborito nitong programa.
Pagkahugas niya sa mansanas ay bumalik agad siya pagkaka-upo.
"Pumunta sa bahay ng tito mo," sagot nito.
Kita ng dalawang mata ni Eleuthera na dumaan si Zayn Eros sa likod ng kanyang ina at pasimpleng tinignan ang niluluto . Hindi ito pinansin ng ina ni Eleuthera kaya nagtaka siya.
Bakit hindi siya pinapansin ni mama? Hindi naman si mama snob.
Halos matunaw na sila sa pagtitig ni Eleuthera, sa isipan ng dalaga ay parang may mali.
"Zayn Eros," bigkas ni Eleuthera sa pangalan ng binata.
"Sinong Zayn Eros, nak?" Bakas sa tono ng ina ang pagtataka habang si Zayn Eros naman ay umiiling na nakatingin kay Eleuthera.
"A..ah, wala po, mama, nag-iisip lang ako ng pangalan para sa gagawin kong story," nauutal na sagot ni Eleuthera.
"Ganon ba, anak? Galingan mo, ah," walang alam na sagot ng mama niya sa tunay na kaganapan.
"Opo." Nagpanggap siyang natatawa. "Ma, sa kwarto muna po ako," paalam ni Eleuthera at pasimpleng binigyan ng senyas si Zayn Eros na sumunod sa kanya.
Sa pagpasok sa kwarto ay hinawakan niya ang doorknob at hinintay ang binata na makapasok. Pagkapasok ni Zayn Eros ay maingat niyang sinara ang pinto at hinagod nang tingin ang binata.
"Ba–" Tinignan niya mula ulo hanggang paa ang lalaki. "Bakit hindi ka nakikita ni mama?"
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Shh, I'm Sleeping (Filipino) Chapter Twenty-seven
To his wonder, his captain brought a bouquet of pink roses, and a scented candle. May date ba ang kapitan? Dapat ba ay hindi na siya sumama at baka maging third wheel siya? What kind of date anyway? Ang babae ang bumibili ng bulaklak at kandila na may aroma? What makes more creepier to him, the captain looked like an inlove teenager when she smiles from ear to ear nang makuha nito ang mga binili."May date po ba kayong dalawa?" Nagkatingin silang dalawa at sabay na natawa sa naging turan ng saleslady. "Hindi po ako ang ka-date niya." Nagkibit-balikat si Zayn Eros."Ayy...eh, sino ang ka-date mo iha?" baling nito kay Eleuthera."Nakalimutan mo na po ako ulit?" Mas natawa ang dalaga."Teka..." Mabuting pinagmasdan ng ale si Eleuthera. "Oh! Ikaw pala 'yan E...le...yu!"Eleyu? tanong ni Zayn Eros sa sarili. Na
Shh, I'm Sleeping (Filipino) Chapter Twenty-six
Habang pinanood ni Eleuthera ang mga kasamahan niya sa bahay na masayang nakikipag-usap kay Zayn Eros ay hindi niya mapigilan na mapa-irap.Nasa kampo na dapat siya sa mga oras na ito at nagpa-punishment sa mga pasaway pero dahil sa isang order na may halong personal request sa kanya ng heneral ay narito siya at magpapaka-babysitter sa isang mas matanda at matangkad pa sa kanya.Akala ba ni Eleuthera ay sinanay na ang lalaki ng lolo nito? Pagka-uwi nila galing sa States ay noon palang nagsabi ang Lieutenant Colonel na apo ito ng heneral na ikina-gulat nilang lahat. Kasama pa nga sumalubong sa kanila ang heneral. Halos mamutla ang Alpha Team dahil naiuwi nila ang apo nito na may sugat. Sa kabutihan naman na palad ay malayo sa bituka ang mga tama nito. Palibhasa ay ang iba ay mga totoy pa ang sumagod dito. Hindi nila agad nasaklolo si Zayn Eros dahil kahit sila ay nakipagbarilan at hindi nila inasahan na ang nakatalaga na protek
Shh, I'm Sleeping (Filipino) Chapter Twenty-five
Amusement splashed in Eleuthera's eyes as she watches the target's movement, awakening from a deep sleep, he's inside of her family's guest room. Kanina pa ni Eleuthera pinagmamasdan ang lalaki, hinihintay ang paggising nito sa ikatlong araw mula nang nasalba niya at ng kasamahan. Sa kabutihang palad ay wala itong natamong malubhang sugat na magpapakritikal sa kalagayan, naisip ni Eleuthera na may posibilidad na may dugo ang lalaki ng isang masamang damo, mahirap mamatay o sadyang hindi pa talaga nito oras. Ika nga, pag oras mo na ay oras mo na, tumakbo man ay hahantong pa rin sa kamatayan. She didn't mean to prey but this is so cool. It seems like she is seeing a Hollywood movie through CCTV Camera. “Damn it, where the hell am I?” unang lumabas sa bibig ng lalaki nang magising ito.Napa-ayos ng upo si Eleuthera, hindi maalis ang mapaglarong ngiti.Talagang nalilibang siya sa 'di maipaliwanag
Shh, I'm Sleeping (Filipino) Chapter Twenty-four
"I'll leave you this again."Tuwing umaalis sila sa misyon ay iniiwan nila ang dog tag, sumasabak sila sa misyon nang walang pagkakikilalan, mananatiling sekreto at misteryo kung sino sila para sa ikakabuti ng kanilang organisasyon. Sinuot ng kapatid ang kwentas niya sa sariling leeg nito. "Be safe, Bunso. Guide your team well, Captain Eleuthera Augustine. Make us proud again." Napatindig ang magkapatid, seryosong sumaludo ang Kapitan."Affirmative, Lieutenant Colonel. Power of Unity.""San Francisco, California, USA. Its good to be back, right Cap?" Binunggo siya ng First Lieutenant sa kanyang balikat na ikinangiwi ng kapitan."Its good to be back if only we aren't here for the mission." Captain Eleuthera stopped Scout's expanding imagination. "Tsk. You must be thankful we
Shh, I'm Sleeping (Filipino) Chapter Twenty-three
"Alam mo na ba Eleuthera kung saan tumatakbo ang buhay?" A lady in high low lace up halloween gothic cocktail dress suddenly showed up before her eyes.Lumitaw ito sa gitna ng kawalan niya sa sarili matapos masaksihan ang isang kaganapan. Hindi na siya makapag-isip nang maayos kaya ay wala siyang naisagot at hindi rin naman niya naintindihan ang sinabi nito. Dumaan lang ang mga salita nito sa kanan niyang tenga palabas sa kaliwa. Pinagmasdan ng babae ang kalagayan ni Eleuthera. Nakaluhod sa lupa at ang dumi at basa na ang mukha. Lumapit ang babae at lumuhod din sa harap ni Eleuthera. Inabot at hinawakan nito ang pisnge niya nang magaan at marahan. "Hindi mo ba naaalala ang katulad nitong pangyayari?" Parang pumasok si Eleuthera sa isang spell, kusa siyang nadala ng babae, hindi man makapagsalita ay para siyang na hipnosis sa mga mata nito nang kusang gumalaw ang ulo niya at u
Shh, I'm Sleeping (Filipino) Chapter Twenty-two
Nang makalayo na ang bangka na sinasakayan ni Darren at ng kuya niya ay walang pasabing hinila siya ni Janus papaalis sa kinalalagyan niya na walang lakas naman siyang sumunod. Ngunit ang panghihina niya ay nabura nang matanaw niya sa hindi kalayuan ang pagdating ng mga kasamahan niyang sundalo na tumutulong na sa mga tao sa paglikas. Sa kabilang banda naman ay naabot ng mata niya ang kinikilala niyang empress at ang lihim nitong fiancee na nakaposas. "Nahuli na sila," hindi makapaniwalang bulong ni Janus. Kahit siya ay nagtataka sa kabilis na paghuli sa mga ito. Hindi sila ni Janus maglalaan ng ilang taon na pag-e-espisya sa loob ng organisasyon kung gaanon lang kadali makuha ang mga kiliti nito. Imbes na matuwa ay may tinik na bumara sa lalamunan nilang dalawa."Paano niyo sila nahuli?" walang prenong tanong ni Janus sa mga sundalong nakapalibot sa mga ito. Sumaludo ang mga sundalo bago naglakas
Shh, I'm Sleeping (Filipino) Chapter Twenty-one
Isa bang panaginip o sadyang nawawala na siya sa sarili dulot ng mga misyon niya na may ka-brutalan o kaya naman ay marahil sa stress? Iba't ibang senaryo ang nakikita niyang laman at hindi niya mawari kung ano pakahulugan,. Kailangan na niya ba magpatingin sa psychiatrist?
Shh, I'm Sleeping (Filipino) Chapter Twenty
"Kakayanin mo ba, Eleuthera?" Lumapit ang lalaki sa babae; hinawakan ang bunganga ng baril at tinutok sa noo nito. Ang ekspresyon ni Darren ngayon ay hindi na nababahiran ng takot at pangamba.Sapagkat alam niya...sapagkat alam niya ang tot
Shh, I'm Sleeping (Filipino) Chapter Nineteen
"Wake up, Eleuthera. Wake up."She can hear her Kuya Ellsworth's voice waking up her, she can hear him clearly. Katulad nito ay gusto na rin niyang magising, bumangon sa kama, maghanda para sa mga ipapagawa ng Kuya Eldred niya, pagkatapos ay sumakay sa nakaabang na army chopper s
Shh, I'm Sleeping (Filipino) Chapter Eighteen
Eleuthera was standing on the edge of the cliff where have a soft spot for crystal clear sea. Ang nakatirintas na buhok ay bahagyang nililipad kaya ito ay nagulo sa pagkakabuhol. Yinayakap siya ng simoy ng hangin na nagdudulot nang kaginhawaan at kalamigan sa katawan. Ang mga kamay ay nakasilid s
