Carregando
Início/ TODOS /SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)/CHAPTER 2

CHAPTER 2

Autor: Azia_writes
"Data de publicação: " 2020-08-08 12:10:13

"Dear Bestfriend, I don't know how to thank you in person. But thank you for having in my life"-Unknown

****

BROKEN IN SILENCE.

THIRD PERSON'S POV:

Dumaan ang ilang araw na panay lamang ang paninigarilyo't pag-iinom ni Laishia.

Ilang beses na ring sinusuway ni Rei Zax ang kaibigan upang ito ay magtino na. Ngunit hindi niya talaga magawang pigilan ito sa kung ano man ang gusto.

Wala na siyang magawa kundi ang pagmasdan ito na miserable sa isang hindi alam na dahilan.

Ni isang rason para malulong ito sa ganito ay wala siyang nakuha.

Naaawa na siya sa kalagayan nito, gustuhin man niyang tulungan ay ito na mismo ang nagtataboy sa kaniya palayo sa mundo nito.

"Oh tara inom!"

Narinig niyang sigaw mula sa balkonahe, nagmadali siyang pumunta roon. Hindi na niya nagawa pang alisin ang kaniyang sapatos pang-eskwela at nagsitakbo na lamang sa mismong balkonahe nila na malapit sa kanilang kwarto.

Awtomatikong tumigil ang kaniyang oras nang makita ang kaibigan na nakikipag-inuman sa mga kalalakihan.

Alam niya na ito ay mga tambay sa kanto, ngunit ang kaniyang mas lalong ikinagulat nang makita ito na may hawak na maliit na plastik at may lamang puting harina.

Nasisigurado niya kung ano ito kaso nagtataka siya sa naging sinapit ni Laishia.

Nagtatanong na siya sa kaniyang sarili sa maaaring rason nito.

'Bakit niya sinasayang ang buhay niya para sa mga walang kwentang bagay na ito?'

"Laishia!" Buong lakas na sigaw niya nang makita na gagamit ito nito.

Nagmadali siyang tumakbo sa direksyon ni Laishia at saka tinabig nang malakas ang hawak nitong shabu.

Matalim niyang tiningnan ang mga kalalakihan bago si Laishia.

" Kapag nagbilang ako ng tatlo at nandito pa rin kayo. Matitikman ninyo ang galit ko, ISA!"

Nagsitakbuhan naman palabas ng kanilang balkonahe ang lahat. Dala-dala ng mga ito ang mga shabu na dapat ay si Laishia na ang gagamit.

Sa tono ng kaniyang pananalita, halata na ang galit at hindi na maganda iyon.

Nang makalayo at mawala na sa harapan nila ang mga kalalakihan.

Sinapak nang malakas ni Rei Zax ang kaibigan. 

Nagbabaka-sakali na sa paraang iyon magising ito sa katotohanan.

Napatumba naman ito sa kinauupuan habang hawak-hawak ang pisngi nitong namumula dahil sa malakas na sapak niya.

Tulala itong nakatingin sa kanya, hindi makapaniwalang magagawa niya ang bagay na ito.

"Ganyan ka na ba talaga Laishia? Kailan ka pa natutong magshabu? Kailan ka pa natutong gumamit nito? Huh!"

Napahawak na lamang siya sa kaniyang dibdib. Sapu-sapo nito ang kaniyang hininga dahil sa malakas na sigaw.

Nagsilabasan na rin ang mga maiinit na likido sa kaniyang mga mata.

Sa sobrang galit hindi na niya makaya pang itago.

Napayuko na lamang siya, pailing-iling habang nakapikit.

Iniangat niya muli ang kaniyang ulo at tiningnan si Laishia na tulala pa rin sa kaniya.

Bubuka ang kaniyang bibig ngunit titikom din. May nais siyang sabihin pero hindi niya magawang ilabas.

Naiinis siya.

Nagagalit siya sa sarili niya.

Gusto niyang sisihin si Laishia sa pagiging miserable nito ngunit alam niyang mas kasalanan niya ito.

Naging mas pabaya siya, dapat noong una pa lang pinursige na niya ang sarili na patigilin ito.

Dapat hindi niya hinayaan si Laishia na palayuin siya sa buhay nito.

Dapat...

'Puro na lamang dapat! Bakit hindi ko magawang maging kuya sa kaniya? Bakit hinayaan ko siya na umabot sa ganitong kalagayan?'

Mas lalo siyang napapikit at malakas na sinuntok ang lamesa sa harapan nila.

Hindi na niya kaya pang itago ang nararamdaman.

Nasasaktan siya sa tuwing nakikita ang kaibigan na ganito ang sinasapit.

Nasisiguro na niyang may mali talaga rito, at alam niyang hindi nito balak sabihin ang totoo.

'Cause Laishia is good at keeping secrets about her own life.

Napapailing-iling na lamang siya. Muli niyang tiningnan ang kaibigan na tumutulo na rin ang mga luha.

Napayukom na lamang siya.

Nais niya mang lumapit dito pero ang kaniya namang mga paa ay nanatili sa kaniyang kinatatayuan.

Napahawak na lamang siya sa kaniyang bibig, may saloobin siyang gustong ilabas.

Pero paano?

Kung nakikita niya ang kaibigan na ganito.

"I-I want...I want to blame you, I wanted to insult you.But I can't..."

Bumagsak ang kaniyang dalawang balikat sa kadahilanang masakit sa kaniyang mga mata na makita si Laishia na miserable.

"Gusto kitang sisihin!... G-gusto kitang saktan para magtino ka. P-pero hindi ko magawa dahil kasalanan ko rin naman. Kuya mo ako! Kuya mo na dapat tulungan kita at ituwid sa tamang daan, kaso..."

Pumikit siya at kinuyom ang kaniyang kamao. Andito pa rin sa kaniyang dibdib ang matinding emosyon.

Gusto niyang manakit, gusto niyang alisin ang matinding emosyon na ito bago pa man ito lumabas sa maling oras.

"...hinayaan kita. Binalewala ko ang buhay mo, tinulak kita na akala ko sa paraang iyon matutuwid mo ang buhay mo. But I was so wrong, hindi ko na alam kasi 'e! Hindi ko na alam."

Napaupo na lamang siya sa tabi nito. Hawak-hawak na niya ang kaniyang sentido habang nakapikit.

Samantalang si Laishia naman ay tulala lamang, nakatitig ang mga mata nito sa kaniya.

Animo ay pinagmamasdan siya at hinihintay siya nitong magsalita pang muli.

"Alam mo 'yon..." lumingon muli siya kay Laishia.

Namumula na ang kaniyang mata dahil sa pagluha.

Hindi dapat siya maging ganito sa harapan ng kaibigan. Dapat maging matatag siya at matapang, ngunit hindi niya magawa.

Para sa kaniya ilang beses na itong nangyayari.

Someone will leave him behind and then never come back 'cause they happily living in a peaceful world that everyone called...

HEAVEN.

Ulilang lubos na siya, iniwan siya ng kaniyang mga magulang noong sampong taong gulang pa lamang siya.

Hindi naman naging mahirap ang buhay niya sapagkat mayaman ang pamilya Codron at bata pa lamang siya tinuruan na siya ng mga ito kung paano mamuhay ng mag-isa.

Pero kahit na mayaman siya, ang pagmamahal naman ng isang magulang ay nawala na sa kaniya.

Kung kaya't mahirap din sa kaniya na pati si Laishia mawala sa kaniya.

Naiisip pa lamang niya ito ay gusto na lamang din niyang mawala.

Napamahal na siya rito, kahit na masyadong adik ito sa sigarilyo at alak. Hindi pa rin niya nagawang iwan ito.

Ganon siya magmahal bilang kuya niya.

Kaso...

"Naging mabuting Kuya ba ako? Naging isang mabuting kaibigan mo ba ako? Kasi sa nakikita ko, hindi ko nagawa ang role ko.Iniwan kita, hinayaan kita at sinaktan din kita kasi akala ko magbabago ka. Pero mali pala ako...natatanga na ako 'e, nababaliw na ako sa kakaisip kung ano ba ang mali? Kung ano ba ang tama kong gawin? Sana naman sabihin mo sa akin ang problema at nasisiguro ako na handa akong umintindi, Laishia, please,"

Pagsusumamo na niya rito.

Ngunit isang titig lamang ang iginawad nito. Kapansin-pansin sa mata nito na ayaw sabihin.

Ilang minuto silang nagkatitigan bago bawiin ni Laishia ang tingin at lumingon sa ibang direksyon.

Kita sa mukha nito na hindi pa ito tinatamaan ng alak. Masyadong mataas ang alcohol tolerance nito kaysa sa ibang babae na madaling malasing.

"Even If tell you why, you will never understand me anyway..."

Nagsimula na itong magsalita. Kahit sa pananalita nito ay wala talagang balak na sabihin ang totoo.

Humihiling na lamang siya na sana naman dumating ang araw na maging parte na rin siya sa buhay nito.

Kasi sa nakikita niya, hindi pa rin siya tanggap nito nang buong-buo.

"...Many people tried to understand me and told me that I should trust them. Naniwala naman ako, sinabi ko sa kanila ang dahilan pero ano?"

Natawa pa ito sa sinabi. Tumingin ito sa kaniya na may lungkot ang mga mata.

May nagkikislapan na ring bagay sa gilid ng mata nito.

In any minute o time, it will fall freely.

"Iniwan nila ako na nakatanga. Nag-iisip ng kung anu-ano at sinasabi sa sarili na shunga ako! Nagpaloko ako sa mga taong akala ko mapapagkakatiwalaan pero igoghost din pala ako."

"Pagod na ako! Pagod na akong umintindi! Pagod na ako na magtiwala. Kaya parehas lamang tayo na nahihirapan, nasasaktan at malapit nang sumuko. I've tried to be a person you want too. Pero hindi ko kaya, hindi ko kaya kasi sa araw-araw na nakikita ko iyon sa ibang tao..."

"Naiinggit ako!..."

"Naiisip ko pa lamang ito, sinisisi ko agad ang sarili ko. Marami akong katanungan sa buhay, hanggang ngayon nandito pa iyon 'e. Hindi ko masisi ang panginoon kasi nandiyan ka, ilang beses ko man na itulak ka palayo pero patuloy mo akong hinihila pabalik sa iyo. Gusto kong sabihin sa iyo ang totoo pero natatakot ako..."

Yumuko ito matapos sabihin ang katagang 'yon.

Napapunas pa ito sa kaniyang mukha dahil sa nagsimula na talagang bumagsakan ang luha na kanina pa gustong kumawala.

"N-natatakot ako Zack. Natatakot ako na baka iwan mo rin ako, kaya hayaan mo ako."

Iniingat nito ang sarili at tinitigan siya. Napalunok na lamang siya nang sariling laway nang makita ang maamong mukha ni Laishia.

Nakakaawa kung titingnan.

"I can help you." tugon naman niya rito.

Kaso tanging iling lamang ang sinagot nito.

"Ayokong iwan mo ako, handa kong itago ang totoo sa iyo para makasama pa kita. Kung ano man ang maging desisyon ko, sana maunawaan mo.I'm sorry."

Tumakbo na ito nang mabilis para makalayo lamang sa kaniya.

Matapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay iniwan siya nito.

Katulad lamang ng mga ginagawa nito noon sa kaniya.

Imbis na habulin at hilahin pabalik si Laishia sa piling niya, mas pinili na lamang niya na iwan muna ito na mag-isa.

Alam niya na kahit ilang beses pa niyang kulitin ito, wala siyang magagawa kundi ang manahimik na lamang.

Laishia is not that easy girl. You really need to know into yourself.

Pero iyon ang mahirap para kay Rei Zax. Hindi niya alam kung paano magsisimula at saan siya tutungo para masagot ang katanungan.

Hindi rin niya kilala ang magulang ni Laishia, sapagkat magaling magtago ang kaibigan sa totoong buhay nito.

Inampon niya si Laishia dahil nakita niya ito noon na nag-iisa at walang kasama sa isang eskinita.

Halata sa mukha noon ni Laishia ang kamusmusan, walang alam sa kaniyang tinatapakan.

Labing dalawang taon silang dalawa noon, masyado pang bata kung tutusin.

Kaso ang mindset niya ay pang'matanda kung kaya't nagawa niyang tulungan si Laishia.

Dapat nga sa panahon na ito sila ang nagdadamayan. Pero sa napapansin niya, malabo nang mangyari pa.

Kung ang nasa isipan lamang ni Laishia na baka masira silang dalawa at tuluyan nang mawala ang pondasyon ng pagkakaibigan nila dahil sa problema nito.

Ang tanging magagawa na lamang niya ngayon ay ang...

"Hayst."

...mapabuntong-hininga na lamang sa mga nangyayari sa kanilang dalawa.

Want to know what happens next?
Continuar Lendo
Capítulo Anterior
Próximo Capítulo

Compartilhar o livro para

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Último capítulo

SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 30

Rei Zax's POV: (1 month passed) Sa isang buwan na ito naging payapa ang buhay naming tatlo. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa at ang pagmamahalan namin ni Daxon ay tumibay pa. Ganito pala talaga ang pagmamahal, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya kapag kasama siya. Para bang…para bang nasa langit ka. Napakaaliwas at napakasarap. Sana ganito na lang ang buhay, sana patuloy na mananatili ang ganitong eksena sa aming tatlo. Pero alam ko na hindi pa rin nagtatapos ang aming mga pinagdaraanan. Alam kong may darating pa. Sana lang makayanan naming tatlo na harapin ng magkakasama. Kapag hindi nakayanan ng isa, sana ang iba ay tuluyan siyang makaahon ng sabay-sabay. "Here's the food!" Malakas na hiyaw ni Laishia galing sa kusina. May dala siyang tray na kinalalagyan ng pagkain habang naglalakad palapit sa amin. "Tar

SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 29

REI ZAX'S POV: Nakauwi ako sa mansyon na masama pa rin ang pakiramdam. Hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maisip na kaya nilang gawin iyon sa anak at pamangkin nila, at worse hindi rin nila sasabihin ang totoo. Ang dami nilang lusot. Pero nangyari na iyan sa iba, gagawin nila ang lahat para hindi sila makulong. At hindi nila mapagbayaran ang kanilang kasalanan kaya gagawa sila ng paraan. "Tsk." Inis na singhal ko sa aking sarili. Kinuyom ko pa ang kamao ko dahil sa labis na galit sa aking dibdib. "What happened?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Nakita ko si Daxon na nagtataka sa aking ginawa. Napailing naman ako sa kaniya at saka inispread ang aking braso palapit sa kaniyang kinaroroonan. Naiiling naman siyang lumapit kaya malaya ko siyang niyakap. Gabi na naman ngayon. Alas siete na ng gabi ako nakauwi sa bahay. Nagkaroon pa ng problema sa daan k

SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 28

REI ZAX'S POV: Nakarating na ako sa kulungan sa Masalong, Labo. Malayo ang lugar na ito sa mga kabahayan at halata rin na bago pa lang ang pagkakagawa. Tatlong palapag ito at saka may alambre na nakapaikot sa itaas ng pader ng kulungan. Sinisigurado nila ang kaligtasan ng mga mamamayan para hindi makatakas ang mga taong nasa loob. Hindi ko na iyon pinansin pa at tinuloy ang aking sarili na maglakad papunta sa guard house. Napatayo naman ito sa kaniyang kinauupuan at saka hinarangan ako sa daraanan. "Anong sadya mo rito Sir? Hindi po ito oras ng pagbisita." Nagtataka nitong tanong sa akin. "Hindi ako pumunta rito para bumisita. Pinapunta ako rito ng isa sa mga pulis na tumulong sa akin." Napansin ko naman kung paano siya magulat at biglang napagilid sa daraanan. "Ganon po ba…kanina pa po kayo hinihintay ni Corp." Tanging tango na lang ang aking iginawad sa guard bago

SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 27

REI ZAX'S POV: "HOY PAPASUKIN NINYO AKO!" Patuloy sa pagkalampog si Daxon sa pintuan. Hanggang ngayon hindi pa rin namin siya pinapasok hanggat wala siyang sinasabing password. "Password muna." Pangisi-ngisi pa kami sa may bintana malapit sa pintuan. At kitang-kita roon ang mukha ni Daxon na hindi maipinta. Nakalabas ang kaniyang kulubot sa noo at ang mata ay masama kung makatingin sa amin. Kung nakakamatay lang talaga iyan, baka kanina pa kami naghihingalo sa lupa. "Pa-password password pa. Ano ba kasing meron diyan?" May halong inis sa kaniyang boses at saka nagdadabog sa sahig. Natatawa na lang ako sa kaniya. Para siyang bata kung makaasta talaga. "Hayss... Ewan daw sa inyo! Wala talagang forever, password na lang hindi pa alam." Naiiling na saad ni Laishia bago mapahalukipkip. "Eh...ang alam ko lang naman password ay 'I love you Rei'

SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 26

REI ZAX'S POV: Nakarating na kami sa ilog na pinagsasabi ni Laishia kanina habang kami ay kumakain ng umagahan. Nasa labas nga ito ng hacienda at nasa gilid pa nito. May pader na nagtatabing sa mismong bahay ng Don. At sa ilog naman maraming mga bato ang nakapaligid. Puro mga malalaki saka bagay lamang para talunan kung gusto mo. Ngunit, kapansin-pansin din ang mga matatandang naglalaba sa pinakaunahan ng ilog. "Wala ba riyan na dumi sa ilalim ng liliguan natin?" Tanong ko agad kay Laishia. Napakibit-balikat din ito sa tanong ko. Lahat naman kami ay walang sagot dahil parehas kaming walang alam patungkol dito. "So…" napalingon naman kaming dalawa ni Laishia kay Daxon na nakatingin ng diretso sa kaliwang direksyon namin. Napaharap naman ako roon at biglang napangiwi sa aking nakita. 'Hindi ba siya na

SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 25

REI ZAX'S POV:"A...Ax," pailing-iling pa ako sa mga narinig ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala." Bakit ngayon mo lang sinabi?"Ngumiti lang siya at saka tumingin sa langit." Dahil alam ko, dadagdag lang ako sa problema mo. Ayos lang naman na itago, hanggat kaya pang damdamin. Gagawin ko. Basta ang mahalaga masaya pa tayo.""Pero sinabi ko na sa iyo na walang sekretuhan hindi ba?" Sambit ko sa kaniya nang seryoso. Pero hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.Para ngang hindi niya ako narinig dahil patuloy lamang siya sa kaniyang pagmamasid sa itaas.Limang minuto siya na ganon lamang ang ginagawa. Hindi ko na rin dinagdagan ang aking sinabi dahil magsasalita rin naman siya kapag napagod siya sa kakatungo."Alam ko. Kaya nga nilalabas ko na ito sa iyo para aware ka sa akin kung bakit masyado ba akong makrat sa mga nakapaligid sa atin. Sobrang tagal 'no? Sobrang ta

SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 16

DAXON'S POV: Kinabukasan, maaga naming nilakbay ang daan papunta sa Talobatib gamit ang sasakyan ni Rei. Siya lamang naman ang may kakayahan na bumili ng sariling kotse, may

SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 15

REI ZAX'S POV:"Pero ano bang meron sa panibagong writer na iyan?" Ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kaniyang pagkatakhang mukha."Of course there's a tendency that our company choose Laishia to be one of their new writers.""Huh?" Hi

SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 14

REI ZAX' POV: "So what happen into your life?" Iyon agad ang unang bigkas na salita ni Daxon nang makarating kami sa aming bahay. At makahanap ng pwesto upang kami ay makapagpahinga.

SCREAM IN SILENCE (TAGALOG)   CHAPTER 13

Napabuntong-hininga ako nang mahina nang makita ko na sa aming harapan si Daxon. Mukha siyang animal kung ngumiti nang wagas habang nasa malayo.Ngunit ang matamis na ngiti niya noong nasa dulo namin siya ay biglang nagbago at napal

Mais capítulos
Baixar o Livro
GoodNovel

Baixe o livro gratuitamente

Baixar
Busque o que quiser
Biblioteca
Navegar
RomancepuyuHistóriaUrbanLobisomemMáfiaSistemaFantasiaLGBTQ+arnoLdMM Romancegenre22- Portuguêsgenre26-Portuguêsgenre27-请勿使用Portuguêsgenre28-Português
Histórias Curtas
CéuMistério e suspenseCidade modernaSobrevivência apocalípticaFilme de açãoFilme de ficção científicaFilme românticoViolência sangrentaesperançasonhofelicidadePazAmizadeInteligenteFelizViolentoGentilPoderoso红安Massacre sangrentoAssassinatoGuerra históricaAventura fantásticaFicção científicaEstação de trem
Gêneros Populares
RomancepuyuHistóriaUrbanLobisomemMáfiaSistema
Entre em contato
Sobre NósAjuda e SugestõesNegócios
Recursos
Baixar AppsBenefício para EscritoresPolítica de conteúdoPalavras-chaveBuscas PopularesAvaliação de livroFanficFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Comunidade
Facebook Group
Siga-nos
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Termos de uso|Privacidade