Chargement en cours
Accueil/ All / Red Rose [Filipino/Tagalog]/RED ROSE IV

RED ROSE IV

Auteur: Unbreeeykable
"Date de publication: " 2020-08-28 15:03:48

Chapter 4

KALILA MADISON RAMIREZ

Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Parang may kagulahang nagaganap. Inabot ko ang aking cellphone na nasa bedside table upang tingnan ang oras. 5:32 pa ng madaling araw. Bakit kaya ang ingay na sa labas?

Hinawi ko ang kumot at tumayo na sa kama. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa baba. Pumunta ako sa kusina.

Walang tao...

Asan kaya si Nanay Belinda? Kapag kasi mga ganitong oras nasa kusina na siya at nagluluto samantalang si Mommy ay nasa sala na at busy sa pagla-laptop. Pero ngayon, ang tahimik dito.

Naisipan kung lumabas. Dahil nasa lahi na namin ang pagiging curious, lumabas ako ng bahay upang makita ang kaganapan sa labas. Baka kasi masumpungan ko rin sila doon na naki-usisa.

Pagkalabas ko ng gate, nakita agad ng mga mata ko ang kumpulan ng mga tao sa labas ng bahay nina Tita Perla at Passy. May nakita din akong ambulansya at mga rescuer. Hindi ko masyadong maaninag ang nangyayari sa loob dahil natatakpan ng mga tao ang gate nila. May narinig akong mga kapitbahay namin na nag-uusap kaya 'di ko maiwasang pakinggan ang mga sinasabi nila. Nagpanting naman ang tenga ko sa narinig.

"Nagpakamatay daw 'mare. Kinain lahat ng mga gamot at tabletas nila sa bahay," sabi ng ginang na may mga curler pang nakasabit sa buhok.

"Ano raw ang dahilan ng pagkamatay niya 'mare?" tanong naman ng isa pang nasa bandang apatnapu ang edad.

"Depressed daw kasi ito. Ayon sa nakasulat sa suicide letter, iniwan ng nobyo. 'Yun lang alam ko 'mare eh," sagot ng kausap.

Suicide? Sino kaya ang nagpakamatay?

Nagsitabihan ang mga tao nang lumabas ang mga rescuer buhat-buhat ang isang stretcher. May takip ng puting tela ang katawang nakahiga rito. Pagkaraan, hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang nakalabas na payat nitong kanang kamay sa tela. May mga dugo pa sa palad nito. Napangiwi ako sa aking nakita.

Nang ipinasok na ito sa loob ng sasakyan, doon lang ako may napagtanto kung sino ang maaaring nagpakamatay. Nanlaki agad ang aking mga mata sa posibleng tao na aking naisip.

Payat na kamay.

Hindi pwedeng si Tita Perla dahil malaki itong tao. Bukod pa riyan, naaalala ko rin iyong usapan ng mga kapitbahay kanina.

Possible kayang si Passy 'yun?

Napatigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng pagtawag sa aking pangalan. Boses iyon ni Mommy kaya nilingon ko na. Nakasunod sa likod ni Mommy si Nanay Belinda.

"Kalila! Ba't andito ka sa labas?" tanong ni Mommy. Napairap tuloy ako dahil sa tanong niya.

"Obviously My, nakiusisa rin," sagot ko.

"Tigil-tigilan mo ko sa irap mong 'yan Kalila." May halong pambabanta sa boses niya. Sus! Di ako matitinag sa ganyan ni Mommy. Close kaya kami!

"Halika na. Pumasok na tayo," dagdag nito.

Naunang pumasok sa gate si Nanay Belinda at saka sumunod si Mommy.

"'To naman si My! Nagising kasi ako dahil sa ingay. Saka, wala kayo pagkababa ko kaya naisipan kong lumabas nalang baka kasi andito kayo," pagpapaliwanag ko nang makapasok na sa gate.

Akmang papasok na sana ako sa loob ng bahay nang mapatigil ako sandali. Naalala ko kasi ang nakita't narinig ko kanina.

Sandali lang...

Bakit may dugo sa palad ng bangkay kung gayong na-overdose siya sa gamot na ininom niya? At higit pa riyan, bakit nanggagaling ang kaguluhan sa loob ng bahay nina Passy?

Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Sa kabila nito, humakbang pa rin ako papasok sa loob ng bahay namin.

Pagkapasok ko, nagsiset-up na si Mommy sa laptop niya at si Nanay, mukhang nagluluto na sa kusina. Hindi ko napigilan ang kuryusidad ko kaya tinanong ko na si Mommy tungkol sa nangyayari sa labas.

"My," pagtawag ko kay Mommy. Napahinto siya sa kaniyang ginagawa. "Yes?" maikling aniya.

"Si... Si Passy ba 'yong nagsuicide?" nag-aalangang tanong ko.

Napatigil si Mommy at umangat ang tingin sa akin dahil nakatayo ako habang nasa couch naman siya nakaupo.

"Oo, Kalila," sagot niya saka tinutok na agad ang atensyon sa laptop, kung saan nakalagay sa center table. Umupo ako sa isa pang single couch na paharap kay Mommy.

"Ano raw ang rason, My?" seryoso kong tanong. Sa kabila niyan, sobrang lakas pa rin ng kabog ng puso ko dahil sa nalaman.

"Hindi pa masyadong malinaw ang rason. Ang sabi lang sa'min ni Perla habang pinapatahan namin siya, nakita niya raw kanina na bukas ang kwarto ni Pacita kaya tinawag niya muna ito bago pumasok."

Huminto muna si Mommy at nagtipa ng kung ano sa laptop bago nagpatuloy. Nakinig ako ng mabuti sa mga sinasabi niya.

"Pero laking gulat niya nang makitang nasa sahig ito at nakatirik ang mga mata habang nakabukas ang bibig na bumubula. Wala na itong buhay. Tantya niyang naoverdose ito dahil may hawak-hawak pa itong lalagyan ng mga gamot nila sa kaliwa niyang kamay. May mga gamot pa ngang nagkalat."

Pumikit ng mariin si Mommy na para bang may lumabas sa isip na hindi niya nagustuhan. Ako naman, napapanganga sa narinig.

"Nakakita siya ng sulat na nasa kama. Sinasabi ro'n kung gaano siya kalungkot nang iwanan siya sa boyfriend niya at hindi pinanagutan ang magiging anak sana nila." Natutop ko ang aking bibig dahil sa sinabing iyon ni Mommy.

Magkakaanak na sana sila ng boyfriend niya pero hindi siya pinanagutan nito? Pero, napakabata pa niya para maging ina! Isa pa, napakalaking kasalanan ang nagawa ni Passy. Hindi lang sarili niya ang pinutulan ng buhay kung hindi pati na rin ang napakainosenteng sanggol na nasa sinapupunan nito.

"Bakit niya nagawa iyon? Samantalang, maayos pa nga kaming nagkausap noong isang araw," sabi ko kay Mommy.

"Hindi natin alam ang takbo ng utak ng isang tao, Kalila. Marahil plano niya na talagang gawin 'yun dahil masyado na siyang nilamon ng kalungkutan. Pakiramdam niya, mag-isa na lang siya at wala nang solusyon ang kanyang problema," seryosong wika ni Mommy.

Naalala ko tuloy ang nakita namin ni Lorelei kahapon. Umiiyak si Passy noon habang may kausap sa cellphone sa kanilang bakuran. Malungkot din ito at kitang kita sa mukha kung gaano ka problemado. Hindi ko akalaing huling kita ko na pala sa kaniya iyon.

Nakakaawa ang sinapit niya pero hindi naman kasi nasusulosyonan ang problema niya sa pagpapakamatay. Hindi tuloy ako makapaniwala dahil ang Pacitang kilala ko ay matapang at palaaway. Hindi ito titigil hangga't hindi siya nananalo. Masyadong warfreak itong si Pacita sa klase namin noon.

"Naku, maligo ka na lang Kalila. 6:45 na oh." Napukaw ako sa aking malalim na pag-iisip nang magsalita si Mommy.

"Hala!" Natupok ang kabang bumalot sa aking puso nang mapagtanto ang oras. "Bakit hindi ka nagsabi, My? Sige, maliligo na ako," natatarantang sabi ko at umakyat na papuntang kwarto ko. Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit saka pumasok na sa banyo para maligo.

Habang naliligo, bigla ko na namang naalala ang nangyari kay Passy. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting takot. Akmang aabutin ko na ang shampoo nang bigla akong napaisip.

Naoverdose sa maraming gamot si Passy, pero ano iyong nakita ko kanina? Iyong nakalabas niyang kamay na may dugo? Bakit kaya may dugo iyon, eh gamot naman ang ginamit niya?

Napakamot ako sa ulo kong may shampoo. Ba't 'di ko naitanong ni Mommy? Ayan, umaandar na naman ang kuryusidad ko.

Matapos kong maligo, magbihis, kumain, magsipilyo at maghanda, nagpaalam na ako sa kanila. Inihatid na rin ako sa wakas ni Kuya Henry.

Ilang minuto pa at nakarating na ako sa paaralan. Pagkapasok ng classroom, agad na hinanap ng mga mata ko si Lorelei pero bigo ako dahil nakita kong wala pa ang bag niya sa kaniyang upuan. Nilapag ko na lang ang bag ko at umupo. Sinubsob ko ang aking mukha sa lamesa. May apatnapu't limang minuto pa kasi bago mag-umpisa ang klase.

Ilang minuto ang nagdaan bago ko maramdaman ang pagdami namin sa loob ng silid-aralan. Narinig ko na ang grupo ni Cassidy na maingay na nag-uusap at iyong ibang kaklase ko ay paniguradong busy sa gadgets.

Maya-maya lang, nakaramdam ako na parang may umupo na sa upuan ni Lorelei. Dali-dali akong nag-angat ng ulo dahil umaasa akong siya na iyon. Ngumiti pa ako. Pagtingin ko sa gawing kanan, napawi ang aking ngisi nang malamang hindi si Lorelei iyon.

"Hi," sabi ng lalaking prenteng nakaupo sa upuan ng aking kaibigan. Nakaharap ito sa akin. May pagkasingkit ang mata nito at matangos ang ilong samantalang mahaba ang mukha nito. Nakatagilid ang buhok niya. Para siyang Koreano dahil narin sa napakaputing balat nito.

Naalala ko siya pero nakalimutan ko kung ano ang pangalan niya. Basta, siya iyong vice president namin.

"Uhm, hi?" alanganin kong bati pabalik.

"Kalila right? I'm Steve. Steve Park."

Tama nga ako. Koreano siya. Nakalahad ang kamay niya kaya naman tinanggap ko ito at nikapagkamay.

"Yeah." Ngumiti ako sa kanya pero hindi man lang siya ngumiti pabalik. Pero infairness, ang lambot ng kamay. Gwapo rin pala ang isang 'to.

Binawi ko na ang kamay ko.

"So, close na pala kayo ni Lorelei," aniya sabay na humalukipkip. Hindi ito patanong.

"Hindi naman masyado," kiming sagot ko. Pinilit kong ngumiti sa kanya. Hindi kasi ako komportable sa mga titig nito sa akin. Seryosong seryoso ang mga mata niyang nakatutok sa akin.

"You know what? Ikaw ang unang taong nakita kong nakakasama sa kaniya. And I'm a bit shocked how you convinced her to be her friend." panimula niya. Bahagya namang napakunot ang noo ko. Hindi ko kasi inaasahang makikipag-usap siya ng matagal sa akin.

Nakatingin lamang ako sa kaniya habang nagpatuloy siyang magkwento tungkol kay Lorelei na hanggang ngayon, hindi pa dumadating.

"We're classmates since first year but I never saw her with someone. Maraming lumalapit sa kaniya pero hindi rin nakakatagal dahil sa sobrang tahimik at misteryoso nito, but you?"

Inilapit niya ang mukha niya sa akin sanhi para mapaatras ako ng kaunti. Nakaupo kami habang napakalapit ng mukha sa isa't isa. Naamoy ko tuloy ang panlalaki nitong pabango. Tinitigan niya ako ng diretso sa mata saka nagsalitang muli.

"She's interesting. Right?" Ngumisi siya. Lumiit tuloy lalo ang singkit nitong mga mata.

Ilang sandaling nakatitig siya sa'kin pagkatapos ay lumayo na siya. Samantalang ako, napatulala lang. Hindi ko kasi alam ang ire-react ko kaya ilang segundo rin akong natahimik. Napapitlag lamang ako nang tumikhim siya.

"I like your eyes." Iyon lang at bumalik na siya sa totoo niyang upuan na nasa harapan.

Tinutukoy niya kaya ang kaliwang mata ko na may maliit na nunal sa ibaba nito? Marami talaga kasing nagsasabi sa'kin na maganda raw ang mata ko at nagpadagdag pa daw ang nunal na'to.

Ngayon lang pumasok sa utak ko ang sinabi niya kanina tungkol kay Lorelei. Sabi niya, interesting ang kaibigan ko. Kung ganon, katulad ko interesado rin siya kay Lorelei? Pero sabi niya pa matagal na silang kaklase. Kung interesado siya rito, matagal na siyang lumalapit kay Lorelei.

Umiling ako dahil sa aking mga naisip.

Maya-maya'y dumating na ang katabi kong si Vaughn at ilang sandali naman ay si Lorelei. Tinawag ko siya nang saktong umupo na.

"Lorelei!" Umangat siya ng mukha. Hindi man siya sumagot, alam kong isa itong pagbati niya pabalik. "Sabay tayong magluch mamaya?"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya bagkus ay tumayo na lamang upang bumati sa papasok na guro.

Buong klase, lumilipad lang ang utak ko. Masyado akong nababagabag sa nangyari kay Passy kanina at pati na rin sa mga sinasabi sa'kin ng class vice president na si Steve. Malaki kasi ang pakiramdam ko na may mali.

Ang daming katanungan na nabubuo sa utak ko. At lahat ng iyon ay nagsisimula sa... bakit?

TO BE CONTINUED

Vous voulez savoir la suite ?
Continuer la lecture
Chapitre précédent
Chapitre suivant

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXXII

Chapter 32KALILA MADISON RAMIREZBUMALIK AKO sa room ni Ericka na tulala at nasa punto na upang sumabog ang aking utak. Hindi ko kasi alam kung ano ang susunod na gagawin. Napakabilis ng pangyayari at naguguluhan ako kung saan ako magsisimula. Ako pa naman iyong tipo ng tao na hindi madaling makapagdesisyon.Pagkarating ko sa silid ni Ericka ay mabuti na la

Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXXI

Chapter 31KALILA MADISON RAMIREZANONG GINAGAWA ni Penelope?!"P-Penelope, a-anong gagawin mo?" garalgal ang boses ko nang lumabas ang mga salita sa aking bibig.Gaya ko ay nanlalaki rin ang mga mata niya at bahagyang nakaawang ang mga labi.

Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXX

Chapter 30KALILA MADISON RAMIREZBIYERNES NA at ngayon gaganapin ang Sports Fest na talaga namang pinaghandaan ng bawat tao rito sa Gatewood. Abala ang mga estudyanteng may sinalihang isport sa pagwa-warm up at paghahanda samantalang kaming hindi kalahok, ay manonood at taga-cheer ng aming mga kaklase.Ang plano ko sana sa araw na ito ay hindi na lang papas

Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXIX

Chapter 29LORELEI JEFFERSONTHE WAY Kalila asked me that question makes me want to laugh sarcastically yet I refrain myself to do so. Instead, my lips curved upwards as the playful words immediately jumped out of my mouth."So tell me, how can a guy like him became my boyfriend?" I asked her, bitterness and hatred were evident from my tone.

Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXVIII

Chapter 28KALILA MADISON RAMIREZTAHIMIK LAMANG AKO habang kumakain ng hapunan kasabay si Mommy at Nanay Belinda. Wala si Kuya Henry dahil umuuwi siya sa bahay nila tuwing gabi at doon na kumakain.Sa buong minuto namin sa hapagkainan, hindi ako umiimik o sumingit kahit panay ang pag-uusap nina Mommy at Nanay. Masyado kasing ukopado ang utak ko sa mga nalam

Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XXVII

Chapter 27KALILA MADISON RAMIREZ"Bakit siya pupunta rito..." wala sa sariling bulong niya suot ang nasisindak at nagbabagang mga mata."Sino po ang tinutukoy niyo?" Huli na nang lumabas sa bibig ko ang mga katagang puno ng pagtataka. Napatingin na rin sina Jessica at Vaughn sa ginang dahil sa naging tanong ko.

Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XVIII

Chapter 18

Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XVII

Chapter 17

Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XVI

Chapter 16

Red Rose [Filipino/Tagalog]   RED ROSE XV

Plus de chapitres
Télécharger le livre
GoodNovel

Téléchargez gratuitement le livre sur l'APP

Télécharger
Rechercher
Bibliothèque
Feuilleter
Romance法语HistoireUrbanLoup-garouMafiaSystèmeFantaisieLGBTQ+arnoldMM Romancegenre22- 法语genre26-FrançaisFrançaisgenre27-请勿使用FrançaisFrançaisgenre28-FrançaisFrançais
Histoire Courte
CielMystère et suspenseVille moderneSurvie à la fin du mondeFilm d'actionFilm de science-fictionFilm romantiqueViolence sanglanteRomanceCampusMystèreImaginationRenaissanceAmour réalisteLoup-garouespoirrêvebonheurPaixAmitiéIntelligentHeureuxViolentDouxPuissant红安Massacre sanglantMeurtreGuerre historiqueAventure fantastiqueScience-fictionGare
CréerAvantage écrivainConcours
Genres populaires
Romance法语HistoireUrbanLoup-garouMafiaSystème
Contactez-nous
à propos de nousHelp & SuggestionCoopération
Resources
Télécharger AppsAvantage écrivainPolitique de contenuKeywordsRecherches populairesLes critiques de livresFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Communauté
Facebook Group
Suivez-nous
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Mode d'emploi|Politique de confidentialité