Download the book for free
![Red Rose [Filipino/Tagalog]](https://acf-qat.xssky.com/book/202008/a2887e407a771a657ab0b6ec2af82c7f27f07c175f91c706d3abed4efb0bb52d.jpg?v=1&p=1&w=180&h=237&a=webp&q=85)
Chapter 1
SA ILALIM NG GABING MADILIM, may nakatirik na maliit na bahay na gawa sa tabla at kahoy. Nakapuwesto ito malapit sa kakahoyan sapagkat ang lugar ay probinsiya. Tahimik. Napakalayo ng distansya ng bawat kabahayan kaya malabo ang iyong maririnig na kahit na anong tunog galing sa kapitbahay. Subalit, sa loob ng bahay na iyon, mauulinigan ang mga palahaw ng isang batang babae, kung saan sumasalungat ang ingay na nagawa nito, sa kapayapaan ng gabi. Ang batang babaeng iyon ay may napakapait na buhay.
"'Nay tama na po. Pakiusap—"
Hindi na nito nagawang tapusin ang kaniyang sinasabi dahil pinalo ulit ng sariling ina ang kaniyang likod, gamit ang kahoy.
"Tumahimik ka! 'Wag na 'wag mo akong tawaging inay dahil kailanman, hindi kita ituturing na anak! Anak ka ng gago! Ng demonyo! Ng rapist!" sigaw ng isang babaeng ang edad ay nasa bandang trenta. Kahit bahagyang nagusot at nagulo ang napakalumang damit na suot ay halatang maganda ang babae noong kadalagahan.
"Inay tama na..."
Patuloy lamang sa pag-iyak ang batang babae habang walang tigil na sinasaktan ng ina. Palo, kalmot, sampal, tadyak at kung anu-ano pa ang natanggap nito mula sa kaniya. Ang walang kalaban-laban at walang kasalanang bata ay patuloy lamang sa pagngawa hanggang sa tumigil na lamang siya sa pagsasasalag ng mga pasakit ng ina. Matapos ang lahat ay marahas na hinawakan siya nito sa baba.
"Buwisit ka! Simula ngayon, ayoko nang makita ang pagmumukha mo!" huling sabi nito bago pumasok sa makipot na kwarto na walang pinto at tanging kurtina lamang ang nakatabing.
Kinabukasan, walang awang iniwan ang batang babae ng kaniyang ina doon sa kaniyang tiyahin. Nasa patag ang bahay nito. May isang anak na babae at mabisyong asawa. Iniwan siya rito na wala man lang ibang sinabi kung hindi ay aalis papuntang siyudad upang makipagsapalaran at doon na manirahan. Walang ibang nagawa ang batang babae. Masakit man sa kaniya, pilit niya paring sinusuksok sa kukote na babalikan siya nito kahit hindi naman lingid sa kaniyang kaalaman na wala nang pag-asang mangyari ito.
Katulad ng buhay sa kanila, ganoon pa rin ang nangyayari sa kaniya sa puder ng tiyahin. Ginagawang utusan, tagalaba at ni minsan nang siya ay napunta rito, hindi man lang siya nakaranas ng kalayaan. Palagi rin siyang sinasaktan at inaaway ng pinsan, pati na ng mga kaibigan nito.
"Hoy Rosa! Umalis ka nga diyan sa duyan. Maglalaro kami ng mga kaibigan ko!" sigaw ng pinsan na si Pacita.
Hindi siya umimik subalit tumayo na lamang at akmang aalis na sana nang tumawag ulit sa kanya ang kaedad na pinsan.
"Tsaka Rosa, bumalik ka na sa bahay. Hindi ka bagay dito. Doon ka at magluto na. Hinahanap ka na ni Nanay. Alis!" At pinagtabuyan na siya nito.
Ilang araw, buwan, hanggang sa lumipas ang apat na taon, ganoon pa rin ang pakikitungo ng mga kamag-anak sa kaniya. Ginagawa siyang alila. Inaalipusta. At sa murang edad, ang katawan nito ay tila ba nahubog na lamang ng pang-aabuso mula sa kamay ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
Isang gabi, nagising si Rosa sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog nang maramdamang parang may nakadagan sa ibabaw nito. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Gayun na lamang ang pagkakagulat niya nang masilayan ang kaniyang tiyuhin na humahalik sa kanya.
"Tulo—mmmpp!" Hindi siya makasigaw dahil agad na tinakpan nito ang kanyang bibig. Malakas ang kaniyang tiyuhin kaya wala siyang sapat na lakas upang lumaban, samahan pa na lasing na naman ito.
Walang ibang nagawa si Rosa kung hindi ay impit na iyak at mahinang hagulhol na lamang sapagkat pinangungunahan siya ng takot at kaba. Pagod na rin siya sa trabaho kanina kaya hindi na niya magawang manlaban pa. Tahimik siyang umiiyak habang ang walang modong tiyuhin ay patuloy lamang sa pagpapakasaya. Nang makuha nito ang hinahangad, agad itong tumayo at nag-ayos pagkatapos ay lumabas ng kwarto na parang walang nangyari.
Si Rosa, nakatulala lang. Walang emosyong nakatitig sa bubong. Hindi niya inaasahang sa murang edad na labindalawa, ay hindi na siya puro. Naisipan niya sanang magsumbong ngunit napagtanto niya na wala namang maniniwala sa mga sinasabi niya. Paniguradong pagtatawanan lamang siya ng mga tao sa oras na gagawin niya ito.
Nagising siya kinabukasan dahil sa malakas na sigaw ng kaniyang tiyahin sa ibaba.
"Rosa, ano ba?! Gumising ka nang tamad ka at bumaba na rito! Bilisan mo!" Napalakas na ang boses nito nang tawagin siya sa pangatlong pagkakataon.
Nagdadalawang isip siya kung bababa ba siya upang makapagsaing na, o hindi na muna at baka andoon pa ang tiyuhin nito na walang awang nanggahasa sa kaniya kagabi. Sa huli, mas pinili niya ang una. Bumaba nga siya at sakto namang nakasalubong niya ang matabang si Perla na umuusok na ang ilong.
"Ba't ang tagal mo?" mataray na tanong nito.
Napatungo siya bago sumagot. "Pasensya na po tiya..."
"Tsk! Pwede ba?! Ikaw, magbihis ka na lang at mag-empake para makaalis ka na sa pamamahay na 'to! Bilis!" Bakas sa mukha nito ang pagmamadali habang kinumpas-kumpas ang mga kamay.
Hindi naman siya sumuway. Sa halip, sinunod niya ito. Nalaman niyang pinaampon pala siya sa isang mayamang babae na matagal nang walang anak. Malaki ang binayad ng pamilyang iyon sa Tiya Perla niya kaya't madali lamang itong sumang-ayon.
"Mabuti't wala nang pabigat. 'Wag kang mag-alala at yayaman ka naman. Akalain mo? Ang laki ng halaga mo, maswerte ka. Huwag mo kaming kalimutan," bulong ng tiyahin sa kaniya at saka binigyan siya ng makahulugang tingin. May kakaunting pag-uusap na naganap at pagkatapos ay pinapasok na si Rosa sa loob ng magarang kotse.
Kung ano man ang susunod na mangyayari sa kanya, nakapagdesisyon na siya. Wala na siyang pakialam at sasabay na lamang sa agos.
Tutal, wala naman nang saysay ang buhay ko, sabi niya sa isipan.
Dalawang linggo matapos pinaampon si Rosa, ganoon na lamang ang pagluluksa ni Perla at ng anak na si Pacita, nang makita ang asawang nakabigti sa noo'y kwarto ni Rosa. Saktong papaalis na sana sila sa bahay para doon tumira sa bago. Nakahanda na nga ang dalawa sa may pinto at hinihintay na lamang nila na bababa ito, ngunit isang oras na ang lumipas, hindi pa rin nila ito masilayan. Hanggang sa umakyat na sila sa taas upang padaliin ito. Subalit, laking gulat ng dalawa nang makita ito sa pinakamalalang sitwasyon.
Nakabigti ang asawa ni Perla mula sa bubong!
Hindi lang iyan. Nakatirik din ang mga mata at bahagyang umiitim na ang leeg nitong mahigpit na itinali sa lubid! Nakanganga pa ang kaniyang namumuti nang bibig! Sa walang buhay naman nitong kamay ay may nakatusok na isang bagay.
Pulang Rosas...
Hindi na napigil sa pag-iyak si Perla na parang kinakatayng baboy samantalang si Pacita naman ay natatarantang bumaba para makahingi ng tulong.
Latest chapter
Red Rose [Filipino/Tagalog] RED ROSE XXXII
Chapter 32KALILA MADISON RAMIREZBUMALIK AKO sa room ni Ericka na tulala at nasa punto na upang sumabog ang aking utak. Hindi ko kasi alam kung ano ang susunod na gagawin. Napakabilis ng pangyayari at naguguluhan ako kung saan ako magsisimula. Ako pa naman iyong tipo ng tao na hindi madaling makapagdesisyon.Pagkarating ko sa silid ni Ericka ay mabuti na la
Last Updated : 2020-10-12
Red Rose [Filipino/Tagalog] RED ROSE XXXI
Chapter 31KALILA MADISON RAMIREZANONG GINAGAWA ni Penelope?!"P-Penelope, a-anong gagawin mo?" garalgal ang boses ko nang lumabas ang mga salita sa aking bibig.Gaya ko ay nanlalaki rin ang mga mata niya at bahagyang nakaawang ang mga labi.
Last Updated : 2020-10-09
Red Rose [Filipino/Tagalog] RED ROSE XXX
Chapter 30KALILA MADISON RAMIREZBIYERNES NA at ngayon gaganapin ang Sports Fest na talaga namang pinaghandaan ng bawat tao rito sa Gatewood. Abala ang mga estudyanteng may sinalihang isport sa pagwa-warm up at paghahanda samantalang kaming hindi kalahok, ay manonood at taga-cheer ng aming mga kaklase.Ang plano ko sana sa araw na ito ay hindi na lang papas
Last Updated : 2020-10-07
Red Rose [Filipino/Tagalog] RED ROSE XXIX
Chapter 29LORELEI JEFFERSONTHE WAY Kalila asked me that question makes me want to laugh sarcastically yet I refrain myself to do so. Instead, my lips curved upwards as the playful words immediately jumped out of my mouth."So tell me, how can a guy like him became my boyfriend?" I asked her, bitterness and hatred were evident from my tone.
Last Updated : 2020-10-05
Red Rose [Filipino/Tagalog] RED ROSE XXVIII
Chapter 28
Red Rose [Filipino/Tagalog] RED ROSE XXVII
Chapter 27
Red Rose [Filipino/Tagalog] RED ROSE XXVI
Chapter 26
Red Rose [Filipino/Tagalog] RED ROSE XXV
Chapter 25
Reviews

Chapters
Read
Download
To Readers
Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2 FEI
