loading
Home/ All /One Fifty (Tagalog)/Chapter 5

Chapter 5

Author: pain2000
"publish date: " 2020-08-01 18:38:24

Sobrang aga kong gumising kahit ayaw ng katawan ko. Eh, kailangan, kasi nga may pasok ako ngayon. Strict kasi ang teacher namin sa P.E. Kaya ito ako ngayon, parang hinahabol ng oras.

"Ma! Alis na ako!" Pagpapaalam ko sabay kiss kay mama sa pisngi.

"Umuwi ng maaga, hah. Wag na pumunta kung saan-saan. Diretso agad sa bahay pag-uwi." Saad ni mama.

"Opo."

Pagdating ko ng school ay agad akong tumungo sa gymnasium para kitain ang iba ko pang classmate na nandoon na at naghihintay na lang na dumating ang prof. namin.

"Sana all naka green ang jogging pants." Pangungutya ng mga kaklase ko.

Kasi nga diba, P.E namin ngayon. Kahapon kasi bago kami umuwi. Ina-nounce ng teacher namin na magsuot ng green jogging pants and white t-shirt. Kung sino man ang hindi sumunod sa required na P.E uniform ay minus two points and one-point kung late. So, bago ako dumiretso ng bahay ay bumili muna ako ng P.E attire ko, para ngayong araw. Kaya confident akong pumasok ngayong umaga. It's seventeen minutes late na ang prof. namin at hindi pa rin siya dumadating. Don't tell me wala siya ngayon. Humiram pa naman si mama ng pera para pambili ng P.E uniform ko. Tssskk... nakakainis naman kung ganun.

"Guys, papapuntahin daw sa guidance office yung hindi nakapagpa-pirma nung entrance exam result." Sabi ng secretary namin.

"Tara, nakapagpa-pirma ka ba Bret?" Tanong ni Carmela.

"Oo naman noh," confident kong sagot.

"Tara, sama ka na lang sa amin." Pagpupumilit niya habang hinihila ang kamay ko.

Tapus na kasi ako nun, pumunta kasi ako sa lahat ng araw kung kailan dapat gawin at asekasuhin ang lahat ng documents for enrollment. Kaya ito, halos wala na akong problema pagdating sa school documents. Sumama ako sa kanila, eh, hindi naman ako makatanggi sa babaeng 'to. Masakit na kasi ang kamay ko dahil sa kakahila ng bruhang 'to.

“Yehey!” Sobrang saya ng bruha.

Habang naglalakad kami patungo sa pupuntahan namin ay nakasalubong namin si Fil ‘Am sa hagdanan. At biglang nagsigawan lahat ng mga kaklase ko.

“Ayieee!”

"Si Fil ‘Am, oh! Ayiee..."

Sobrang lakas ng hiyawan nila at sobrang nahihiya na ako sa ginagawa nila. Kulang na lang kainin ako ng sementadong hagdanan. Nagsmile pa ang puta! Sheyt. para akong matutunaw sa kilig. Ang gwapo ng taong ito. Perfect talaga ng face niya.

Tapus nagpatuloy kaming umakyat papuntang second floor. Ayon nga, pagdating namin sa guidance office ay agad na nag-sign sila at bumalik din agad sa room namin. I can't forget his face. Ang gwapo niya, ang tangos ng ilong at sobrang kinis ng mukha. Ang sarap niya siguro. Putik! Ano ba yung pumasok sa isip ko. Erase... erase!

What if, magkagusto rin sa akin si Fil ‘Am. What if, may gusto pala siya sa akin, pero tinatago niya lang. What if, ako pala ang hinahanap niya tuwing umaga, tuwing papasok siya sa school. What if, mahal na niya pala ako. Tsskkk... ang dami namang what if sa utak ko. Resulta na siguro 'to ng panunuod ko ng hollywood romantic movie.

Bakit nga ba ako umaasa sa taong imposible namang magustuhan ako. Kung tutuosin, sobrang layo nang estado ng pamumuhay namin compare sa kanila. Syempre, halatang mayaman sila. Samantalang ako, mahirap lang. Hindi ko na dapat pang pagpantasyahan siya. Mas mabuti pang mabuhay na lang ako ng matiwasay at walang hinahangad na pagmamahal ng iba. But I don't know if I can hold that longer. Marupok pa naman ako pagdating sa crush crush na yan.

"Sige guys. Mauna na ako. Magkita na lang tayo sa Monday. I love you all. Bye!" Pagpapaalam ko sa mga kaklase ko.

Uwian na kasi at friday ngayon, kaya bye for them na muna. Mamimiss ko ang mga baliw nato. Oo nga, kahit na ilang araw palang kami magkakasama ay sobrang napalapit na ang loob ko sa kanila. Sila yung tipo na mga taong hindi marunong makipag plastican sa klasmeyt nila. Sila rin yung tipo na mapagmahal at masayahin. Kaya sino pa bang hangal na tao ang aayaw na maging kaibigan at kaklase ang katulad nila.

Palabas na sana ako ng gate, pero sa hindi inaasahang pangyayari.

"Aray!"

May nabunggo akong malambot ngunit matigas. Hindi ko maintindihan kung ano iyon, basta nasaktan ako. Napapikit ako sabay hawak sa bandang puwetan at noo ko. Dahil sa pagkakatama ko sa bagay na iyon ay napaupo ako sa ground na nagsanhi nang pagkahapdi ng puwet ko.

"Sorry, Miss," paghingi niya ng paumanhin.

Dinilat ko ang aking mga mata upang masilayan ang kaniyang pagmumukha. Dahan-dahan, ng tuluyan ko ng maibuka ang aking mga mata ay...

“Oh, em jay! S-si Fil ‘Am. Ang gwapo niya, ang kinis, ang pula ng labi, fresh na fresh, at maitim pala ang mata niya. Nakasalamin pa siya, na dumagdag sa kagwapohan niya. Nagmukha siyang matalinong gwapo.

Sobrang lapit ng mukha niya habang nakaluhod ang kaniyang kanang tuhod sa lupa. Nakatitig pa rin ako sa kaniya. Hindi ko inintindi kung ano ang iisipin niya. Basta ang mahalaga ay narito siya sa harapan ko.

"Okay ka lang miss?" Malamig nitong boses.

Hindi agad ako makasagot sa tanong niya marahil nga nakatitig lang ako sa kaniya. Nagmistolang wide white sheet ang utak ko sa mga oras na ‘to.

"Miss?"

Hanggang paulit-ulit niyang tinatawag akong “miss” at nakabalik ako sa sarili ko ng medyo nilalakasan niya na kunti ang boses niya.

"Miss!"

"Ah... oo, o-kay lang ako," pabulol kong sagot.

"I'm sorry."

"Okay lang. I'm sorry din."

"No, it's my fault." He insists.

"No, hindi mo kasalanan." I said.

"Pauwi ka na ba?" Parang nahihiya niyang tanong.

"Oo. Actually, palabas na sana ako ng campus kung hindi mo... I mean, hindi tayo nagkabanggaan." I said with an awkward smile.

"Ihahatid na lang kita. Para naman makabawi ako sa nangyari." He offered.

"Nako! Wag na. Hindi mo naman sinasadyang banggain ako diba?" I tried to refuse his offer.

"Okay lang. Kukunin ko lang yung car ko sa parking lot. Wait for me here and I'll pick you." Sabi niya at pagkatapus ay agad siyang umalis papunta sa parking area.

Naghintay ako ng mga limang minuto siguro ang tagal. Ngayon may nakikita akong itim na car. Isang Renault Sandero. Nahahalata ko agad ang brand ng car dahil sa tatak nito sa harap. Siguro, baka siya na 'yun at habang papalapit sa akin ang sasakyan ay unti-unting humihina ang takbo nito. Kaya humulma agad sa isip ko na baka siya na nga ito.

Nasisigurado kong siya na nga ito dahil huminto sa harap ko ang sasakyan na kanina'y nasa malayo pa. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Fil ‘Am. Sa kaniya nga ang kotseng ito, ang yaman siguro ng pamilya niya. Nakakahiya naman kung ihahatid ako ng kagaya niya. Maraming estudyante ang nakakakita sa amin ngayon. Dahil sa nagsilabasan na lahat ng department.

Binuksan niya ang pinto at tiningnan niya ako sa mata na para bang may sinasabi ang kaniyang mga mata. Naintindihan ko naman kung ano ang gusto niyang sabihin. Pumasok ako sa loob ng kotse, upang hindi ko na makita pa ang magiging reaction ng ibang estudyante rito. Nakakahiya kasi, baka anong isipin nila. Baka sabihin nilang malandi akong babae.

Pagpasok ko sa kotse at ng makaupo na rin ako ng maayos ay pumasok na rin siya. Tumingin siya sa akin at unti-unting bumababa ang tingin niya sa bandang pussy ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang alam ko na ang gagawin niya.

Nakita ko na sa mga movie ang eksenang ito. Lalapit siya at hahalikan ako sa labi. Ngayon ay hinihintay ko na lang siya na gawin ang balak niya. Palapit ng palapit na ang kaniyang katawan sa akin. Habang papalapit siya kasabay din ang paglakas nang tibok ng puso ko. Bakit ba ako kinakabahan sa gagawin niya. Napapikit ako.

Tumunog ang seat belt. Binuksan ko ang aking mata upang makita kung ano ang ginawa niya. Inayos niya lang pala ang seat belt ko. Akala ko kung ano na, eh. Tsskkk...

"Okay ka lang?" Parang natatawa niyang sabi.

Nako po! Nakita niya atang pumikit ako. Nakakahiya naman. Baba na lang siguro ako. Ay! Wag na lang, baka mas magmukha akong guilty kung gagawin ko ‘yun.

"Okay lang ako," sabay awkward kong tawa.

Nakakahiya talaga sobra. Mas na una pa kasi nag react ang malibog kong hormones kaysa sa brain cells ko at pinaandar niya ang kotse. Agad naman kaming umalis, habang nasa daan kami nakakabingi ang tahimik. Eh, wala naman akong ibang masabi. Hindi pa naman kami magkilala.

“Kaya nga chance mo na!' Pinagalitan ako ng sarili kong utak.

At tiyaka, ang awkward naman kung bigla ko siyang kakausapin. Hindi pa nga ako nakaka get over sa nangyari kanina.

"So, anong course mo?" Wika niya sabay lingon sa akin at binalik agad sa daan ang tingin niya.

Medyo na shock ako, dahil nga bigla siyang nagsalita. Eh, ene keye. Ang gwapo niya talaga. Boses pa nga lang niya, nakaka-inlove na.

"Educ... Education, major in TLE-H.E," sagot ko sa kanya.

"Ahhh... that’s good." Wika niya at tumango.

"Ikaw? Ano course mo?" Tanong ko.

"Ako? Ahmm... BSA."

"Ano 'yun?"

"Bachelor of Science in Agriculture," nakangisi niyang sagot.

"Ahhh..."

At tumahimik ulit kami, hanggang sa makarating na kami sa kanto ng Tres de Mayo. Hindi naman kasi puwede na ihatid pa niya ako sa amin. In my dreams na ihahatid niya ako.

"Dito na lang ako. Ihinto mo na lang sa tabi," sabi ko sabay kuha ng bag ko at itinabi niya ang sasakyan.

"Sigurado ka?" He asked worriedly.

"Oo, okay lang ako. Thank you, hah!" Pagpapasalamat ko at nag smile rin ako ng kaunti.

"Okay, sige."

Pagkatapus ay bigla niyang inilapit ang kaniyang ulo sa akin, ulit. At biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Natatakot ako na kinakabahan sa gagawin niya. Baka ito na nga yung kanina'y iniisip ko lang. Nagsmile siya at ginalaw niya ang kaniyang kamay patungo sa bandang ibaba ko. Unti-unti ng nagsilabasan ang pawis ko sa loob. Sobrang naiinitan ako sa mga nangyayari.

Tumunog ang lock ng door at pumasok ang liwanag ng araw na galing sa labas. Tsskkk... akala ko ano na, eh!

"Ahhh...,” sabay tawa ng nakakainis. “T-thank you," nahihiya kong sabi.

"Mmm... it's okay." Wika niya ng naka smile.

"Sige. Mauna na ako. Thank you again, hah. Bye." Pagpapaalam ko at nag wave sa kaniya.

"Sige. Sorry ulit kanina hah."

"Wala 'yun. Sige bye," at sinirado ko na yung pinto ng car.

At umalis agad siya ng sinirado ko ang pinto ng kotse niya.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

One Fifty (Tagalog)   Chapter 45

Sumunod ako sa abroad kung saan nakatira si Tito Carlos. Dahil nga sa nangyari sa amin ni Cyrus. Kailangan kong mag move on. Kahit mahirap, kailangan kong maging matatag. Nagbabasakali rin ako na sa pagpunta ko sa ibang bansa kung saan mas malayo sa lugar na parati kong maiisip ang mga memories naming magkasama ay mas madali ko siyang makakalimutan. At para madala ko rin ang aking pamilya pag naging successful ako sa pagtatrabaho dito.Mag o-one-year na ako dito sa Canada. Hindi ko na gaano naiisip si Cyrus. Nung sinabi niyang, sana hindi mawala ang communication namin. Binura ko lahat ng puwede magconnect sa amin. I chose not to hear anything from him. Para sa ikakabuti ng lahat.I've been dat

One Fifty (Tagalog)   Chapter 44

A day before the Party sa bahay nila Cyrus. Noong una niya akong dinala sa bahay nila para ipakilala sa parents niya."Tita? Sigurado po ba kayo sa desisyon niyo?" Tanong ni Calvin."Oo. I know na magiging mahirap para sa anak ko. Pero ito ang makakabuti kung hindi natin susuwayin ang kagustuhan ng husband ko. He done too much for us."A month before nagkakilala si Bretta at si Cyrus."Hon.""Ano yun hon?""I have something to tell you very important."Lumapit ang mommy ni Cyrus sa husband niya kung saan nakaupo sa kama nila.

One Fifty (Tagalog)   Chapter 43

"I'm so sorry ma. Ang sakit-sakit lang kasi talaga.," habang umiiyak ako. Naramdaman kong nababasa na ang left shoulder ko. Umiiyak rin ba si mama? Mas sumikip tuloy ang dibdib ko. I grabbed her back shirt hugging her so tightly. "Ate," biglang dumating si Letecia.Lumingon ako para tingnan siya. Kitang-kita ko rin sa mukha niya ang lungkot, nakikiramdam dahil kapatid niya ako."Bakit anak?" Tanong ni mama."May gustong kumausap kay ate. Si Kuya Cyrus po. Nandito na po siya. Naghihintay sa baba." Sagot naman niya habang nakatayo lang sa gilid ng pinto.Tumingin ako sa mga mata ni mama. Umiiyak rin nga siya. Hinihintay ko ang magiging response niya sa sinabi ni Letecia. Kung baba b

One Fifty (Tagalog)   Chapter 42

"I'm so sorry about this Bret. I can't do anything para salbahin ang relasyon niyo ni Cyrus. Wala akong magagawa kundi sundin rin ang gusto ni Tita. I owe her a lot, even my life. Utang ko sa kaniya lahat-lahat ng meron ako ngayon. Nung namatay si mama. Si Tita na ang bumuhay sa akin simula nung napangasawa ni Tita yung amo namin ni Cyrus. We have nothing without Tito. Dahil sa kaniya nagkaroon kami ng chance upang mamuhay bilang isang marangal na lalaki at tao. Kaya ang matutulong ko lang sa inyo ngayon ay ang paghiwalayin kayong dalawa. Pag nag-usap na kayo ni Cyrus. Siya na mismo ang sasagot at magsasabi sayo lahat-lahat ng mga bagay, at katanongan diyan sa isip mo. I am really sorry talaga Bret. Goodbye Bret."At umalis na siya.Wala akong maisagot sa sinabi ni Calvin. Ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak ng umiyak. I am not prepared. Bigla-bigla na lang kasi itong nangyari. Hindi ko 'to nakit

One Fifty (Tagalog)   Chapter 41

"Timothy! Wake up!""What is happening to him?""He's just dreaming," a voice coming from nowhere. I tried to find those voices. Until I felt something hurtful sa mukha ko. At unti-unti kong dinilat ang aking mga mata, sabay hawak sa pisngi ko."Ouch, that hurts!""What happened to you? You're dreaming like being possessed by something," as mommy describe me nung naniginip ako."It was nothing. I'm just tired." I answered.

One Fifty (Tagalog)   Chapter 40

Makita ko si Calvin papasok sa loob ng Jollibee. What is he doing here? Bakit pinapasok siya ng guard, eh hinarang nila ako kanina. So, I check my watch and found out na it's eight a.m. na pala. Kaya bumaba muna ako ng car at bumalik sa loob to order some foods to eat. Since nag coffee lang naman ako kanina.Diretso lang akong pumasok sa loob without giving some looks sa guard. Hindi naman niya ako pinigilan. Open na nga sila dahil may mga employee na silang nakapwesto na. Pero pinagtataka ko, bakit wala dito sa loob si Calvin. I just saw him entering here kanina, hah. Pano yun nawala? Baka nasa comfort room. So, nag order na lang muna ako ng burger and fries with drink. Hihintayin ko na lang siya dito sa table na sentro lang sa comfort room. Makikita ko siya dito agad paglabas niya.

One Fifty (Tagalog)   Chapter 31

Cyrus’s P.O.V. "Salamat po!" Sabay kuha ng order at bumalik agad ako sa table namin."Bro! Tumawag nga pala mommy mo. He was aski

One Fifty (Tagalog)   Chapter 30

Cyrus’s PO.V."Babe, gusto mo kumain muna tayo? Bago tayo dumiretso sa inyo?" Tanong ko sa kaniya."Sigurado ka? Wala kasi akong extra money ngayon, eh!"

One Fifty (Tagalog)   Chapter 29

Calvin’s P.O.V."Bakit hindi mo 'ko sinabihan na may meeting pala?" Tanong ni Cyrus."Tinawagan kita! Pero hindi ka

One Fifty (Tagalog)   Chapter 28

Pagkatapus naming kumain. Balak ko na sanang bumalik na sa school pero bigla akong naiihi."Babe!" Tawag ko sa kaniya habang pababa kami n

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy