Download the book for free
Chapter 4
Author: pain2000"Ma, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay mama sabay halik sa pisngi niya.
"Oh, mag-ingat ka, hah! Wag magpapagabi sa pag-uwi." Bilin ni mama.
At umalis na agad ako ng bahay, at baka maubusan ako ng sasakyan palabas ng barangay namin. Mahirap pa naman makahanap ng sasakyan dito sa amin. Nagmamadali akong naglalakad papasok sa campus ng makarating ako. Mabuti na lang at may nasakyan pa ako papunta rito. Kinuha ko muna yung phone ko sa bag.
"Arayye!"
Ang sakit ng dibdib ko. Sino ba kasi 'tong tanga na lalaking hindi rin tumitingin sa dinadaanan niya! Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman. At ngayo'y unti-unti na ring humuhupa. Pagbukas ko ng aking mga mata ay sobra akong na surprise.
"Oh, my gad!"
Para akong mababaliw sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Hindi ko alam kung maganda ba ako ngayon, kung kaakit-akit ba ako sa paningin niya.
"Ahm... are you okay, miss?" Malamig niyang boses.
Hindi ako makasagot, para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi ko alintana at hindi ko rin marinig ang ingay sa paligid. Basta ang naririnig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Kinikilig ako ng sobra. Para akong maiihi.
"M-miss?"
"A-ay! S-sorry! Ano nga pala sinabi mo?"
"I said, okay kah lhang bah?" Slang nitong accent na sobrang nagpapagwapo sa kaniya.
"A-ahmm... y-yes I'm fine." Nauutal kong sagot sa kaniya.
"Well, then. Sorry again." He smiled and leave immediately.
Shuta! Ang gwapo niya pag nagsmile. Para tuloy akong estatwa sa nangyayari sa akin ngayon. Hindi ako makagalaw. Sobrang lakas ng tama niya sa akin. Kopedo ang talim ng pana mo, hah! Naalala ko tuloy 'yung naging panaginip ko tungkol sa kaniya.
"Hoy Bruha! 'Bat ang lalim ata ng pagda-day dream mo? Parang masarap umaga natin, hah?" Pangungutya ni Carmela.
Napangisi na lang ako bigla na para bang kinikilig. Pati sarili ko ‘di ko alam kung ano ang tunay na naramdaman. Ano ba yan!
"Wala. Maaga lang kasi akong nakatulog kagabi!" Pagdadahilan ko.
"Parang hindi lang kasi tulog ang magandang nangyari sayo, eh! Parang may napaginipang yummy na hot guy!" Wika niya sabay titig na para bang may kasalanan akong tinatago.
"Sige na nga, pero don't tell anyone about this, hah. Nakakahiya kasi." Paalala ko sa kaniya.
"Sige na! Sige na! Promise," excited niyang sabi. "Ano ba kasi 'yan?" Pahabol niyang tanong.
"Napaginipan ko si Fil Am kagabi," nahihiya kong sabi.
"Tapus?"
"Yun lang, basta mahabang kuwento." Pag-iwas kong sagot sa kaniya.
Kasi, sa mundong ito. We don't know who can be trusted and kung sino pa yung tinuturing mong matalik na kaibigan ay sila rin pala ang gagawa ng paraan para kaladkarin ka pababa. Kung ano pa yung alam nila
tungkol sayo na iniingatan mong sekreto ay sila rin pala ang magpapalabas at magkakalat ng baho mo. So, you should be careful and tricky sometimes to avoid fake friend schemes."Mahaba pa naman ang oras para pag-usapan natin yang wet dreams mo, hah!" Pangungulit pa rin niya.
"Shhhh... wag ka na ngang magtanong tungkol sa wet dreams ko. At isa pa, private na dream 'yun, baka pumasok ka sa gitna ng pagtatalik namin at umeksena ka." Pagbibiro ko.
"Che! Sayo na yang Fil ‘Am mo noh!" Kunwari galit niyang sabi.
Nagtawanan lang kami pagkatapus naming mag-usap. Nakipag-usap na lang muna kami sa iba pa naming kaklase kasi parang may sarili kaming mundo rito, eh. Baka akalain nilang hindi kami friendly. Sar.
"Alam niyo, nakakaboring na ang ganito. Limang buwan tayong tambay sa bahay tapus ngayon, wala pang klase. Gusto ko na mag gain ng knowledge." Napakunot ng nuo si Cayla.
Si Cayla ang babaeng parang ang tahimik niya tingnan sa panlabas at mesteryos ang dating. Long black hair, maitim ang mga mata, mapula ang labi, at matangos ang ilong. Maganda siya, suma-total.
"Oo nga, eh. Pero, mabuti na ganito muna para mas makilala pa natin ang bawat isa sa atin." Sagot ko naman.
"May point ka, dae," pag-aagree ni Carmela sa sinabi ko.
"Good afternoon BSED TLE-HE student!"
Biglang may nagsalita sa harapan naming lahat. At lahat kami halos sabay napalingon at napatingin sa kaniya. She looks very formal and respectable but at the same time, she looks approachable. At nagpakilala siya sa amin sabay ayos ng pagkakaupo namin.
"I am Miss Tamia Reyes. You can just call me, Miss Reyes or Miss Tamia. I will be teaching, Introduction to Industrial Arts. I graduated in this school last 2017."
"Hala, siya pala teacher natin."
"Ganda naman niya para maging teacher."
"Sana hindi siya strict."
Nag-umpisa ng mag-ingay nang mahina ang mga kaklase ko sa likod. Pinag-uusapan nila ang teacher namin ngayon na nasa harap.
"So, any questions about me?" Wika ni Miss Reyes.
"Dahil kung wala na, ako naman ang magtatanong sa inyo." Pahabol niyang sabi.
"Wala na po!" Halos sabay kaming sumagot.
"Okay, then let's start with introducing yourself to everyone and then let's vote for classroom officers." Wika niya at nagsmile pagkatapus.
So 'yun nga, nagpakilala na kami sa lahat at pagkatapus nag-umpisa na kaming mag-elect. Pinakilala muna ulit sa harap kung sino ang ibinoto ng kaklase ko at sabihin kung ano ang past school position nila.
"I am Bretta Margarette Barreto. My past position before was... I am an SSG president, classroom president, science club vice president, and English club president. Thank you."
Pagpapakilala ko sa harap dahil may nagtaas ng kamay at binoto ako bilang president. Eh, sino pa ba ang gumawa nun, edi itong bruha kong katabi na halos umabot sa tenga niya ang ngiti. Si Carmela.
"Sino ang pabor kay Bretta Margarette Barreto?" Wika ng kaklase kong babae na tumayo muna bilang classroom president.
"Isa... dalawa... tatlo... apat... sampo... at labing pito." Pagbibilang ni Cayla sa lahat nang nagtaas ng kamay na sumasang-ayon na maging presidente ako ng classroom. Ibig sabihin nun, magiging mayor ako.
"Okay. We have now a new elected president, Miss Bretta Margarette Barreto!" Masaya niyang sabi.
At nagpalakpakan ang lahat kasabay ng pagpunta ko sa harap upang palitan si Cayla sa position niya. Ngayon, hindi na kunware ako ang president, ako na talaga. Matapus kami sa pagboto kung sino ang magiging officers sa classroom ay nagpaalam agad si Miss Reyes na aalis na siya.
"See you on our next meeting. Goodbye class."
Umuwi na kami pagkatapus dahil wala na naman kami, akong gagawin pa rito sa school. Habang naglalakad kami palabas ng campus, napag-usapan namin si Fil Am, 'yung crush ko.
"Hoy, sabi nila bakla raw yung Fil ‘Am mo." Panunukso ni Vanessa.
Tumawa ako kunti bago sumagot. “Di naman siguro." Pagtatanggi ko.
"Kasi ano, eh. The way he talked and yung kamay niya bumabali. Alam mo 'yun...," she insisted.
"Bahala na, basta siya lang." Sagot ko.
Nasa unahan kasi ako at sila nasa likod ko. Kaya habang nag-uusap kami lumilingon ako ng paminsan-minsan. Nang lumingon ako sa kanila ay... sobrang nagulat ako sa hiya dahil nasa likod nila si Fil ‘Am at may kasama siyang isang lalaki na parang may lahi ring taga ibang bansa at isang pinoy.
Pilit kong sinisenyasan sila na tumahimik dahil nga nasa likod lang namin ang pinag-uusapan namin. Pero kahit anong gawin kong pagsenyas sa kanila ay hindi nila ako ma-gets. Kaya sinabi ko na lang ng mahina.
"Nasa likod niyo si Fil ‘Am." Sabay lakad ng mabilis.
Para hindi naman ako madamay sa hiya nila. Natawa na lang ako sa naging reaction nila ng sa wakas na gets nila ang ibig kong sabihin. Bumilis ang lakad nila at natatawa rin sila sa naging reaction nang bawat isa. Mabuti na lang at hindi nila siguro kami napansin dahil abala rin sila sa pinag-uusapan nila. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nakarating sa sakayan ng pedicab. Huminto kami rito at hinayaan ko lang na maglakad sila Fil ‘Am papunta sa kinaruruonan namin. Habang papalapit siya ay natutulala ako. Ang gwapo niya talaga. Nakaka-adik ang kaniyang mukha. Sarap titigan buong araw. He is so attractive. Lakas ng sex appeal niya. Rawr!
"Sige Bretta, mauna na kami." Pagpapaalam ni Cayla, Carmela, at Vanessa.
Nauna na silang umuwi at naiwan na lang akong mag-isa. Halos magkakapit-bahay lang kasi sila lahat at ako nama'y sobrang layo pa ng bahay. Kailangan ko pa magdouble ride para makauwi.
"Papalengke!"
"Papalengke!" Sigaw ng driver. He is calling for pasahero.
"Palengke po manong," sabi ko sabay pasok sa loob ng pedikab.
Hindi pa muna agad kami umalis dahil kailangan pang punuin muna lahat ng bakanteng upuan. Kinuha ko muna ang phone sa bag at para aliwin muna ang sarili. Tapus, hindi ko namalayang isa na lang pala ang kulang at may biglang pumasok paupo sa harap ko.
OMG! sheyt, siya yung kasabay ni Fil ‘Am kanina, hah! Bakit hindi na sila magkasabay? Saan kaya si Fil ‘Am. Tinitigan ko lang siya dahil hindi naman siguro siya titingin sa akin, dahil busy siya sa pakikinig ng music or I don't know kung meron nga bang siyang pinapakinggan. Naka-earphone kasi siya. But anyways, hindi ko naman type itong lalaking 'to. Parang weird niyang lalaki. Well, ginugol ko na lang ang sarili ko sa pagfa-facebook. Hinintay na makarating sa destination ko.
"Para po!"
Tiningnan ko kung sino ang nagsabi nun. Si... ay hindi ko nga pala alam kung ano name niya. Si Kasama ni Fil ‘Am ang bababa.
"Ito pong bayad," wika niya sabay abot ng bayad sa driver.
"Nako! Wala akong barya nito, eho." Malungkot na sabi ng driver.
Tapus kinuha ulit ng lalaki ang bayad niya at naghanap ng barya sa bag niya. Pero parang wala siyang mahanap na barya. Kaya naisipan kong pahiramin na lang muna siya. Since, pareha naman kami ng school na pinapasukan at magkikita rin naman kami sa loob. Marami rin kasi akong barya rito dahil sobrang need ko lalo na pag-umuuwi ako at papunta ng school.
"Ito pong bayad. Dalawa na lang po ang kunin niyo. Sa akin niyo na lang po kunin diyan sa pera ko ang sa kaniya." Saad ko sa driver.
Tumingin siya sa akin at nangungusap ang kaniyang mga mata.
"Nako, thank you hah. Babayaran na lang kita pag nagkita tayo sa school bukas." Wika niya sabay baba ng pedicab.
"Sige," maikli kong sagot.
Tapus umandar ang sasakyan at umalis na kami.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
One Fifty (Tagalog) Chapter 45
Sumunod ako sa abroad kung saan nakatira si Tito Carlos. Dahil nga sa nangyari sa amin ni Cyrus. Kailangan kong mag move on. Kahit mahirap, kailangan kong maging matatag. Nagbabasakali rin ako na sa pagpunta ko sa ibang bansa kung saan mas malayo sa lugar na parati kong maiisip ang mga memories naming magkasama ay mas madali ko siyang makakalimutan. At para madala ko rin ang aking pamilya pag naging successful ako sa pagtatrabaho dito.Mag o-one-year na ako dito sa Canada. Hindi ko na gaano naiisip si Cyrus. Nung sinabi niyang, sana hindi mawala ang communication namin. Binura ko lahat ng puwede magconnect sa amin. I chose not to hear anything from him. Para sa ikakabuti ng lahat.I've been dat
One Fifty (Tagalog) Chapter 44
A day before the Party sa bahay nila Cyrus. Noong una niya akong dinala sa bahay nila para ipakilala sa parents niya."Tita? Sigurado po ba kayo sa desisyon niyo?" Tanong ni Calvin."Oo. I know na magiging mahirap para sa anak ko. Pero ito ang makakabuti kung hindi natin susuwayin ang kagustuhan ng husband ko. He done too much for us."A month before nagkakilala si Bretta at si Cyrus."Hon.""Ano yun hon?""I have something to tell you very important."Lumapit ang mommy ni Cyrus sa husband niya kung saan nakaupo sa kama nila.
One Fifty (Tagalog) Chapter 43
"I'm so sorry ma. Ang sakit-sakit lang kasi talaga.," habang umiiyak ako. Naramdaman kong nababasa na ang left shoulder ko. Umiiyak rin ba si mama? Mas sumikip tuloy ang dibdib ko. I grabbed her back shirt hugging her so tightly. "Ate," biglang dumating si Letecia.Lumingon ako para tingnan siya. Kitang-kita ko rin sa mukha niya ang lungkot, nakikiramdam dahil kapatid niya ako."Bakit anak?" Tanong ni mama."May gustong kumausap kay ate. Si Kuya Cyrus po. Nandito na po siya. Naghihintay sa baba." Sagot naman niya habang nakatayo lang sa gilid ng pinto.Tumingin ako sa mga mata ni mama. Umiiyak rin nga siya. Hinihintay ko ang magiging response niya sa sinabi ni Letecia. Kung baba b
One Fifty (Tagalog) Chapter 42
"I'm so sorry about this Bret. I can't do anything para salbahin ang relasyon niyo ni Cyrus. Wala akong magagawa kundi sundin rin ang gusto ni Tita. I owe her a lot, even my life. Utang ko sa kaniya lahat-lahat ng meron ako ngayon. Nung namatay si mama. Si Tita na ang bumuhay sa akin simula nung napangasawa ni Tita yung amo namin ni Cyrus. We have nothing without Tito. Dahil sa kaniya nagkaroon kami ng chance upang mamuhay bilang isang marangal na lalaki at tao. Kaya ang matutulong ko lang sa inyo ngayon ay ang paghiwalayin kayong dalawa. Pag nag-usap na kayo ni Cyrus. Siya na mismo ang sasagot at magsasabi sayo lahat-lahat ng mga bagay, at katanongan diyan sa isip mo. I am really sorry talaga Bret. Goodbye Bret."At umalis na siya.Wala akong maisagot sa sinabi ni Calvin. Ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak ng umiyak. I am not prepared. Bigla-bigla na lang kasi itong nangyari. Hindi ko 'to nakit
One Fifty (Tagalog) Chapter 41
"Timothy! Wake up!""What is happening to him?""He's just dreaming," a voice coming from nowhere. I tried to find those voices. Until I felt something hurtful sa mukha ko. At unti-unti kong dinilat ang aking mga mata, sabay hawak sa pisngi ko."Ouch, that hurts!""What happened to you? You're dreaming like being possessed by something," as mommy describe me nung naniginip ako."It was nothing. I'm just tired." I answered.
One Fifty (Tagalog) Chapter 40
Makita ko si Calvin papasok sa loob ng Jollibee. What is he doing here? Bakit pinapasok siya ng guard, eh hinarang nila ako kanina. So, I check my watch and found out na it's eight a.m. na pala. Kaya bumaba muna ako ng car at bumalik sa loob to order some foods to eat. Since nag coffee lang naman ako kanina.Diretso lang akong pumasok sa loob without giving some looks sa guard. Hindi naman niya ako pinigilan. Open na nga sila dahil may mga employee na silang nakapwesto na. Pero pinagtataka ko, bakit wala dito sa loob si Calvin. I just saw him entering here kanina, hah. Pano yun nawala? Baka nasa comfort room. So, nag order na lang muna ako ng burger and fries with drink. Hihintayin ko na lang siya dito sa table na sentro lang sa comfort room. Makikita ko siya dito agad paglabas niya.
One Fifty (Tagalog) Chapter 39
Bretta's P.O.V. "Nagawa niyo na ba assignment natin sa Home Economics?""Good morning Bretta!""San
One Fifty (Tagalog) Chapter 38
While waiting, I decided to sit na sana. But, biglang dumating yung crew na kausap ko kanina lang.
One Fifty (Tagalog) Chapter 37
Maaga akong pumunta ng school dahil kailangan na namin umpisahan ang pagdecorate ng gym. Tomorrow na kasi ang event."Okay everyone, gathe
One Fifty (Tagalog) Chapter 36
"Hays, salamat at tapos na rin ang party,” malalim na hininga ang pinakawalan ko. Papasok na sana kami nila Calvin at Cyrus sa bahay ng may narini
