loading
Home/ All /HIRAETH (Tagalog)/CHAPTER 3

CHAPTER 3

Author: dustlesswriter
"publish date: " 2020-08-19 11:33:20

CHAPTER 3

“KUYA I’m home!” malakas kong tawag kay kuya Chester hindi pa man ako nakakapasok ng sala. Ipinarada ko muna ang bike ko at saka tinanggal ang sapatos bago pumanhik ng bahay. Wala akong nareceive na pagbati mula kay kuya kaya napadiretso ako sa kwarto niya. Bukas ang pinto, bukas rin ang TV pero mahimbing ang tulog niya. Napatingin ako sa wall clock. It’s already 8:30 pm. Kung tutuusin ay masyado pa itong maaga para sa tulad kong laging gising sa gabi. But for kuya Chester, alam kong pagod na pagod at puyat siya dahil sa trabaho. I took a deep sigh and pause for a moment to look at his situation. Then I pull over his blanket and turn off the TV. I slammed his door shut and proceed to our mini dining room.

Kukuha na sana ako ng malamig na inumin nang mabasa ko ang sticky note na nakadikit sa ref.

PINAGLUTO KITA NG DINNER. INITIN MO NA LANG.

-kuya

Napangiti ako at agad binuksan ang refrigerator.

NAKAKASILAW na liwanag ang tumunghay sa akin matapos kong buksan ang pinto. May naglahad ng kanyang palad at pilit niya akong tinatawag sa pangalang hindi pamilyar sa akin.

“Hera, Hera halika na. Sumama ka na sa akin. Kailangan ka namin…”

“Hera, heto na ang tahanan mo. Heto ang pamilya mo…”

“S-sino kayo?” naguguluhan kong tanong. Sa kabila ng nakasisilaw na liwanag, pinilit kong aninawin ang paligid.

“Celeste! Celeste!”

“Kuya?!” Napalingon ako at nakita si kuya Chester na pilit ring inaabot ang kamay ko.

“Celeste kami ang totoo mong pamilya! Sa akin ka sumama! Celeste!”

“Kuya!”

“Hera!”

“Celeste huwag kang makinig sa bulong!”

“Kuya!”

“Celeste! Hoy gumising ka!”

“Kuya?!” Nagising ako sa malakas na yugyog ni kuya sa akin. Tagaktak ang pawis ko at humihingal. Liwanag ng flashlight na hawak niya ang naging dahilan para masilaw ako. The f*ck? Panaginip lang pala, akala ko totoo na.

“Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?” takang tanong ko sa kanya agad niya ulit itinutok sa mukha  ko ang flashlight. Fudge, ang sakit sa mata.

“Ako dapat ang magtanong sa’yo. Bakit ka sumisigaw at tinatawag ako?”

“Oh shit, panaginip nga,” mahinang sambit ko.

“Ano bang masamang panaginip ‘yan ha? Heto ang tubig uminom ka muna,” tanong niya at binigyan ako ng isang baso ng malamig na tubig.

“Kinukuha na raw ako ng liwanag. Tapos dumating ka at tinatawag ako pabalik,” litanya ko dahilan para matawa siya. Napakunot ang noo ko.

“Kuya ang ingay mo. Magigising ang mga kapitbahay oh, anong oras pa lang!” suway ko sa kanya pero hindi siya nagpaawat kakatawa.

“Sorry na, HAHAHAH. Alam mo na Celeste ha, kaya magpakabait ka na. Sign na ‘yan na kailangan mo nang ayusin ang buhay mo,” payo niya sa akin saka ginulo ang buhok ko.

“Mabait at maayos naman ako ah,” depensa ko sa sinabi niya.

“Kaya nga. Ang ibig kong sabihin, enjoy your youth, huwag lang puro libro. Make the most of your life here in Tokyo. Kasi ‘yon ang gusto ni kuya para sa’yo. Gets?” Dahil sinabi niya ay napangiti ako sabay tango.

“O s’ya. Tulog na ulit. Goodnight. Pray bago matulog.” Inayos niya ang kumot ko at ini-on na ulit ang lampshade.

“Hera…” I whispered when a familiar name accidentally crossed my mind. I’ve been dreaming voices calling this name countless times.

“Saan mo balak umuwi?”

           “Akala ko sa Gokayama. Kamukhang-kamukha mo kasi siya,”

“Sugata o kesu.”

“Huwag kang makikinig sa bulong. Huwag mong hayaang pangunahan ka ng kyuryosidad. Baka matulad ka rin sa kanya.”

Hindi ko rin mapigilang maalala ang mga sinabi ni Madame Akako. What if she has something to do with these weird voices and callings? She’s warning me. I can sense it. But why? These questions will be answered if I only talk to her tomorrow. These should be answered. Cause I am already f*cked-up!

SAKAY ng bisikleta ko ay hindi ko mapigilang mapagmasdan ang kabuuan ng Tokyo habang padausdos na binabaybay ang pathway papasok ng Hirokoshi High. Mas maaga akong umalis ng bahay kumpara sa usual kong oras ng pagpasok kahit mamayang hapon pa talaga ang class schedule ko. Iyon ay upang tumambay sa coffee shop na malapit lang sa school. Maaga rin namang umalis si kuya for his morning shift sa station kaya wala rin akong makakasama sa bahay. I should better off to find convenient place where I can read books.

Luckily, sa halos isang taon ko nang pamamalagi rito sa Tokyo, nakahanap ako ng matatambayan bukod sa school library. And this is when Onibus Café came in.

Dali-dali kong ipinarada ang bike atsaka pumasok sa coffee shop. Onibus Café is a lovely coffee shop a short kilometer walk from our school. Patok na patok talaga ‘tong tambayan ng mga estudyante at mga coffee lovers. Dahil bukod sa masarap ang pour over coffee nila, ang creamy rin ng lattes. Tumunog ang chain pagpasok ko. Pumwesto ako malapit sa bintana so I can still watch passers-by at medyo may pagkasenti ang datingan.

Mayamaya ay lumapit ang isang waitress na may bitbit na notepad. Mukhang bagong hire pa lang siya dahil sa nameplate niya. Kabisado ko na kasi ang mga pangalan ng nagtatrabaho rito.

         “Ohayogozaimasu! Gocyuumon yoroshii desyouka?” She greeted  me as she takes my order.

          “One espresso and one slice of chocolate cake,” sambit ko na lamang at binuklat na ang binabasa kong libro. I turn it on page 24 since I just started reading it last night. Nang mapansin kong hindi gumagalaw ang waitress ay napatingin muli ako sa kanya.

           “M-Miss? May problema ba?” Imbes na sagutin ako, nakatitig lang siya sa akin na parang kinikilatis ang pagmumukha ko.

         “Excuse me?” I snapped my finger infront of her.

          “Ayy, Gomen’nasai!” She bowed and say sorry. Napanganga na lamang ako dahil sa weird na inasal niya nang makita ako.

         “O-okay lang ahahaha,” awkward kong sagot at napaiwas ng tingin habang siya ay mas tumitig pa rin sa akin. Titig na animo’y kilalang-kilala ako. Titig na tila nagbibigay babala.

           “You look like her…kaano-ano mo s’ya?”

            Dahil sa naging tanong niya ay tuluyan nang nalaglag ang panga ko.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 16

CELESTE'S POV"Bilisan mo, kailangan nang magatasan ang mga kambing.""Ang bagal mo kumilos!""Kulang pa ang mga dayami na inihain mo sa mga baka.""P*tngina!" sigaw ko at ibinagsak ang katawan pahiga sa mga patong-patong na dayami dahil sa sobrang pagod. Hingal na hingal at nanghihina akong napangiwi. Dumagdag pa sa isipin ko ang mga bagay na susunod pang pinapagawa ng hinayupak na lalaking iyon.Mayamaya ay napatigil ako nang may maisip. Paano kung ito na pala ang totoo kong mundo at ang buhay ko sa Tokyo ay isang malaking prank lang? Hays, I can't wait to wake up one day at Tokyo again. I wish someone would slap me in my face and say "girl, these were only pranks!" Pero alam kong imposible iyon ngayon."Aish!" Napakamot ako sa magulo kong buhok at tatayo na sana nang bigla namang kumulo ang tiyan ko. Gutom na ako.

HIRAETH (Tagalog)   Chapter 15

THIRD PERSON'S POV"Sabihin mo sa akin kung sino ang nagmamay-ari ng bagay na iyan," utos ni Kaisei sa manghuhula at inilapag sa pabilog na mesa ang hairpin at isang supot na ginto. Napatingala naman ang matandang babae sa binatang kararating lamang sa kanyang tahanan. Dahan-dahan niyang ibinaba sa mesa ang hawak na mga baraha at agad hinawakan ang hairpin."Malakas ang pwersang dumadaloy. Saan mo natagpuan ang bagay na ito?" tanong ng matanda ngunit hindi sumagot si Kaisei. Bagkus, naupo siya kaharap ng manghuhula at desididong malaman ang nababasa nito."Ang bagay na ito ay hindi pangkaraniwan. Pagmamay-ari ng isang dalagang...malayo ang pinanggalingan," wika ng matanda habang nakapikit at hinihimas ang hairpin. Tila kusang nanginig ang mga kamay nito at napamulat habang nanlalaki ang mata."May nagbabalik!" bulalas niya dahilan para matigilan ang nakikinig n

HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 15

"Ate, anong hitsura ng Tokyo?" Napangiti ako dahil sa naging tanong ni Yuri, ang bunsong kapatid ni Tsuyu. Katabi ko sila ngayon ni Yamaro habang pinagmamasdan ang kalangitan na tadtad ng bituin. Tanging huni lamang ng panggabing ibon ang maririnig at mga kulisap. Napakarami ring mga alitaptap ang nagliliparan."Bakit mo natanong?" tanong ko pabalik at napatingala sa langit."Tulad rin ba ng lugar na ito ang lugar na pinanggalingan mo?" inosenteng tanong rin ni Yamaro na ngayon ay nakatingin na rin sa akin habang naghihintay ng sagot ko. Napakagat-labi ako."Ang lugar na ito ay kakaiba. Ibang-iba sa Tokyo..." bulalas ko at saka inalala ang mga lugar at pangyayaring kinagawian ko bilang isang normal na teenager sa Tokyo.Naalala ko ang paggising ko ng tanghali kahit may pasok sa school. Ang sermon ni kuya Chester tuwing hindi ko kinakain ang mga pagkaing niluluto niya. Ang pagtambay ko sa Onibus Cafe malapi

HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 14

CHAPTER 14

HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 13

CHAPTER 13

HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 12

CHAPTER 12

HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 8

HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 7

HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 11

HIRAETH (Tagalog)   CHAPTER 10

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy