Libreng I-download ang libro sa App

Kabanata 1
PROLOGUE
“HERA! Hera!”
“Hera gumising ka!”
Unti-unti kong iminulat ang hanggang ngayo’y nanlalabo kong mga paningin at tumambad sa akin ang kwartong purong kulay puti ang pintura. Puting bedsheet, puting kurtina, kisame at isang nakapinid na bintana. Kumurap-kumurap ako dahil naninibago ako sa nakikita ko sa aking paligid. Nasaan ako?
“Hija? Mabuti naman at nagising ka na. Dalawang araw ka nang narito sa hospital at walang-malay. Tiyak matutuwa ang kuya at mga kaibigan mo oras na malaman nilang nagka-ulirat ka na.” Isang ginang na nakasuot na kulay-puting coat ang pumasok sa silid na kinaroroonan ko at may malapad na ngisi. “Ako nga pala si Doctora Cordero,” dagdag pa nito na hindi ko na binigyang-pansin pa.
“N-Nasaan ako?” Gustuhin ko mang makapagtanong pa ng ilang bagay ay ito na lamang ang kusang lumabas sa bibig ko.
“Celeste!” Ngunit bago pa man makasagot ang doktora ay nakarinig na ako ng mga yabag at sigawan na paparating. Pumasok ang isang babae at dalawang lalaki at dinaluhan kami. Tila tuwang-tuwa na makita akong buhay at humihinga pa. Kung hindi pa nabubura sa ala-ala ko ay sina Truce, Patrice at kuya Chester ito.
“Celeste, bruha ka! Nag-alala kaming lahat sa’yo! Huhuhu! Akala namin mawawala ka na ee!” Halos maiyak si Patrice nang yakapin ako.
“Oo nga nakakainis ka dude. Ingatan mo naman ang buhay mo. Di ka pa welcome sa langit, uy,” pagbibiro pa ni Truce at inayos ang suot niyang eyeglasses.
“Narinig mo ang mga kaibigan mo. Next time, mag-iingat Celeste. Alam kong mahilig ka sa mga libro pero huwag mo naman ilagay ang buhay mo sa alanganin nang dahil sa isang libro lang. Hays, pambihira ka.” Lumapit si kuya Chester sa akin at ginulo ang buhok ko. Napakunot naman ang noo ko dahil sa pinagsasasabi nila. Ano raw?
“A-ano bang nangyari?” Wala sa huwisyo kong tanong kaya nasapo ni Patrice ang noo niya.
“Hindi mo maalala? Ilang araw kang nawala. Natagpuan kang walang-malay sa loob ng lumang school library. Nagkalat ang mga libro sa tabi mo habang nakabulagta ka. Pinaghihinalaang nabagok ang ulo mo dahil roon,” litanya niya sa akin.
“Hindi pa sure, icoconfirm pa kapag lumabas na ang result ng skull X-ray na ginawa sa’yo ni Doctora. Sa ngayon magpahinga ka na muna,” dugtong at payo ni Truce.
“Oh, baka naman dahil roon naalog na ang utak mo. Sabihin mo nga sa amin, anong grade level mo na at saang school ka nag-aaral?”
“Grade 12, ABM student sa Hirokoshi High,” sagot ko at tinaasan sila ng kilay. Anong akala nila sa akin? Nagka-amnesia agad?
“Anong pangalan mo?” Dahil sa tanong ni kuya ay napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong kumirot ito.
“Ayos ka lang?”
“Hala s’ya. Naalog nga ata.”
Sa hindi malamang dahilan ay nakarinig ako ng mga hindi pamilyar na boses na tinatawag ako sa isang pangalan.
“Hera, Hera ang iyong pangalan.”
“Simula ngayon ay tatawagin ka sa pangalan na Hera.”
“Hera, hindi ba’t napakagandang ngalan?”
“Bes, ayos ka lang?” Mas tumindi ang kirot ng ulo ko kaya napatingin ako kina kuya na naghihintay ng sagot ko.
“Anong pangalan mo?”
“H-Hera. Hera ang pangalan ko.” Ang singkit na mga mata ni Patrice ay namilog at napatanggal naman ng kanyang eyeglasses si Truce. Napanganga si kuya Chester sa naging sagot ko.
“A-anong sabi mo?”
“H-Hera…” halos pabulong kong ulit.
“S-saan mo napulot ang pangalan na iyan? Celeste ang pangalan mo! Celeste San Pedro!”
“Cel, ayos ka lang ba?”
Nakita ko silang lahat. May pag-aalala sa kanilang mga tingin. Mas sumakit ang ulo ko at pinilit inalala ang lahat. Libro. Liwanag. Kakaibang paligid. Mga di pamilyar na mukha. May boses na tumatawag sa akin. Sigurado ako na ako mismo ang tinatawag niya. Kusang tumulo ang butil ng luha mula sa mga mata ko.
Hera. Hera.
Pinakabagong kabanata
HIRAETH (Tagalog) CHAPTER 16
CELESTE'S POV"Bilisan mo, kailangan nang magatasan ang mga kambing.""Ang bagal mo kumilos!""Kulang pa ang mga dayami na inihain mo sa mga baka.""P*tngina!" sigaw ko at ibinagsak ang katawan pahiga sa mga patong-patong na dayami dahil sa sobrang pagod. Hingal na hingal at nanghihina akong napangiwi. Dumagdag pa sa isipin ko ang mga bagay na susunod pang pinapagawa ng hinayupak na lalaking iyon.Mayamaya ay napatigil ako nang may maisip. Paano kung ito na pala ang totoo kong mundo at ang buhay ko sa Tokyo ay isang malaking prank lang? Hays, I can't wait to wake up one day at Tokyo again. I wish someone would slap me in my face and say "girl, these were only pranks!" Pero alam kong imposible iyon ngayon."Aish!" Napakamot ako sa magulo kong buhok at tatayo na sana nang bigla namang kumulo ang tiyan ko. Gutom na ako.
Huling Na-update : 2020-09-23
HIRAETH (Tagalog) Chapter 15
THIRD PERSON'S POV"Sabihin mo sa akin kung sino ang nagmamay-ari ng bagay na iyan," utos ni Kaisei sa manghuhula at inilapag sa pabilog na mesa ang hairpin at isang supot na ginto. Napatingala naman ang matandang babae sa binatang kararating lamang sa kanyang tahanan. Dahan-dahan niyang ibinaba sa mesa ang hawak na mga baraha at agad hinawakan ang hairpin."Malakas ang pwersang dumadaloy. Saan mo natagpuan ang bagay na ito?" tanong ng matanda ngunit hindi sumagot si Kaisei. Bagkus, naupo siya kaharap ng manghuhula at desididong malaman ang nababasa nito."Ang bagay na ito ay hindi pangkaraniwan. Pagmamay-ari ng isang dalagang...malayo ang pinanggalingan," wika ng matanda habang nakapikit at hinihimas ang hairpin. Tila kusang nanginig ang mga kamay nito at napamulat habang nanlalaki ang mata."May nagbabalik!" bulalas niya dahilan para matigilan ang nakikinig n
Huling Na-update : 2020-09-17
HIRAETH (Tagalog) CHAPTER 15
"Ate, anong hitsura ng Tokyo?" Napangiti ako dahil sa naging tanong ni Yuri, ang bunsong kapatid ni Tsuyu. Katabi ko sila ngayon ni Yamaro habang pinagmamasdan ang kalangitan na tadtad ng bituin. Tanging huni lamang ng panggabing ibon ang maririnig at mga kulisap. Napakarami ring mga alitaptap ang nagliliparan."Bakit mo natanong?" tanong ko pabalik at napatingala sa langit."Tulad rin ba ng lugar na ito ang lugar na pinanggalingan mo?" inosenteng tanong rin ni Yamaro na ngayon ay nakatingin na rin sa akin habang naghihintay ng sagot ko. Napakagat-labi ako."Ang lugar na ito ay kakaiba. Ibang-iba sa Tokyo..." bulalas ko at saka inalala ang mga lugar at pangyayaring kinagawian ko bilang isang normal na teenager sa Tokyo.Naalala ko ang paggising ko ng tanghali kahit may pasok sa school. Ang sermon ni kuya Chester tuwing hindi ko kinakain ang mga pagkaing niluluto niya. Ang pagtambay ko sa Onibus Cafe malapi
Huling Na-update : 2020-09-17
HIRAETH (Tagalog) CHAPTER 14
CHAPTER 14
Huling Na-update : 2020-08-19
HIRAETH (Tagalog) CHAPTER 13
HIRAETH (Tagalog) CHAPTER 12
HIRAETH (Tagalog) CHAPTER 11
HIRAETH (Tagalog) CHAPTER 10
Mga Review

Kabanata
Basahin
Download
To Readers
Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2 FEI
