loading
Home/ All /Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)/Prologue
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)

Prologue

Author: Tan Jiro Alvez
"publish date: " 2020-07-29 06:43:29

Nasusunog ang buong paligid. Nakaririndi ang mga sigawan at tili ng mga tao. Nababalot ng pighati ang buong lugar. Maraming mga bangkay ang nakahandusay sa lupa at may mangilan-ngilang naghihingalo. Napakalupit ang sinapit nilang kapalaran.

Halos lahat ng gusali ay gumuho na. Ang mga puno ay unti-unting nagiging abo. Wala ng pag-asa. Naglakad ako sa gitna ng lumalagablab na apoy, ngunit hindi ako nakaramdam ng kahit anong hapdi sa balat. Kanina ko pa ipinagtataka ang bagay na ito. Bakit hindi ako napapaso?

Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. Wala rin akong kaide-ideya kung paano nagsimula ang ganitong uri ng sakuna. Nakapanlulumo ang aking mga nakikita.

Napatingala naman ako sa madilim na kalangitan. Dalawang ilaw ang kanina pa nagtatagisan sa itaas- isang pula at isang itim na liwanag.

Nakapaninindig balahibo ang mga pangyayari. Ito ba ang sinasabi sa banal na kasulatan tungkol sa pagkawasak ng mundo? Ngunit, tila may hindi tama rito. Tila ba nasa ibang dimensiyon ako, sa ibang bahagi ng kalawakan.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip, isang malakas na pagsabog ang aking narinig mula sa hindi kalayuan. Sinundan pa ito ng isa na naging dahilan upang mayanig ang buong kalupaan.

Iginala ko ang aking paningin at nabaling ang aking atensiyon sa isang babaeng hirap na hirap sa pagtayo. Napakaraming sugat ang kaniyang natamo sa katawan. Tuloy-tuloy sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Hindi ko alam ngunit biglang lumambot ang aking kalamnan. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng pangungulila. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

Nanginginig ang aking mga tuhod. Hindi ko namamalayan ang paglandas ng luha sa aking pisngi. Napahikbi ako. Bakit ako nasasaktan? Sino ba ang babaeng iyan?

Tinangka kong lumapit sa kaniya ngunit agad din lang akong napatigil sa paglalakad, nang biglang umilaw ang kaniyang katawan. Nagbago ang kaniyang anyo. Nababalutan na siya ngayon ng puting liwanag at isang pares ng puting pakpak ang tumubo sa kaniyang likuran. Isa ba siyang anghel?

Napatulala ako sa sobrang pagkamangha. Ngunit mas namangha ako sa sumunod niyang ginawa.

“Divine Magic: Heaven's Protection!” bulalas niya at saka itinaas ang kaniyang dalawang kamay. Nabalot ng asul na liwanag ang buong lugar bilang proteksiyon mula sa mga nagsisibagsakang bola ng mga apoy sa kalangitan. Humupa ang sunog dahil unti-unting hinigop ng asul na liwanag ang apoy na tumutupok sa buong lugar.

Napatigil ako sa sobrang pagkamangha nang biglang may dalawang nilalang ang bumaba mula sa itaas. Napaatras ako sa aking kinaroroonan dahil sa pagkagulat. Nararamdaman ko ang napakalakas na puwersang nagmumula sa kanila. Anong uri sila ng mga nilalang?

May mga pakpak din sila sa kanilang likod. Ang isa ay gawa sa pulang apoy habang ang isa naman ay gawa sa itim na usok. Napalunok ako dahil sa napakabigat nilang mga presensiya. Naging mahirap para sa akin ang huminga dahil nilalamon ako ng takot.

Biglang nagsalita ang babaeng nilalang na may mga pulang pakpak.

“Paano mo naatim na patayin ang ating mga magulang, Ardor? Isa kang halimaw!” asik ng babae.

Lumindol ang buong paligid at muling nagkaroon ng sunog. Galit na galit ang babae sa kaniyang kaharap.

“Hindi patas ang pagtrato nila sa ating dalawa. Ikaw ang mas pinapaboran. Sa iyo ibinigay ang labindalawang Celestial Zodiacs. Palaging ikaw ang paborito. Sumpain ka, Lumia! Sumpain kayong lahat!” singhal naman ng lalaking tinawag na Ardor kanina. Tila nanggaling sa kailaliman ng lupa ang kaniyang boses. Nakapangingilabot!

Pareho silang nilalamon ng matinding galit. Nais ko mang makalayo sa kanila ngunit tila hindi naman nila ako nakikita, kaya masasabi kong ligtas pa rin ako.

“Kailangan mong pagbayaran ang iyong ginawa,” mariing sumbat ng babaeng nagngangalang Lumia at saka nagsimulang bumigkas ng mga salitang hindi ko lubos maunawaan.

“Ignis coeli sanctum meum et vocavi te. Exaudi orationem meam, et factum est. Et oblinito praebueris tua potestate ut iumentum factus sum apud me. Audite me fratres mei--”

“Hindi kita hahayaang gawin iyan, Lumia. Crimson Magic: Dragon's Slash!” bunghalit ni Ardor sa babae.

Naging dambuhala ang kanang braso ng lalaki at mabilis na lumaki ang kaniyang mga matatalim na kuko. Inihampas niya ang kaniyang higanteng kamay kay Lumia. Ngunit, hindi natinag ang babae. Hindi nagawa ni Ardor na maabot si Lumia dahil biglang tumigil ang kaniyang braso sa ere. Sa isang kisapmata, naputol ang braso ni Ardor at humiwalay ito sa kaniyang katawan.

“Sanctus ignis carceris!” sigaw ni Lumia.

Napakalakas na salpukan ng mga puwersa ang yumanig sa buong lugar. Naduwal ako at...

Bigla na lamang akong nagising mula sa malalim na pagkakatulog. Pinagpapawisan ako nang malamig. Basang-basa rin ang aking mukha dahil sa mga luhang kanina pa yata dumadaloy mula sa aking mga mata. Anong klaseng panaginip iyon?

Hindi ko mapigilan ang labis-labis na pagkabog ng dibdib. Huminga ako nang malalim at sinubukang ikalma ang aking sarili. Mabuti na lamang at panaginip lang ang lahat.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)   Chapter 27

Agad akong niyakap ni Caya nang makalapit siya sa akin. Mainit sa pakiramdam ang yakap na ito. Wala akong nararamdamang anumang kaplastikan. “Mabuti naman at nakabalik ka na. May masakit ba sa iyo?” alalang saad sa akin ni Caya, matapos kumalas sa pagkakayakap. Tumagal nang ilang segundo bago ako tumugon sa kaniya. “Ayos lang ako. Don't bother. I'm just tired,” sambit ko sa kaniya. “I think we should take a rest here for at least an hour. You can sleep on my shoulder,” malasakit sa akin ni Caya. “Thank you, Cay,” tanging tugon ko na lamang sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at gano'n din ako sa kaniya. Tama. Wala akong dapat pagdudahan s

Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)   Chapter 26

Walang anumang ingay na maririnig sa lugar na kinaroroonan namin kundi mga malalakas na pagsabog lamang. Lahat na yata ng mga malalakas naming spell ay nagawa na naming pakawalan. Ngunit, humihinga pa rin ang mga kalaban. Nahuli ko ang pagngisi sa akin ni Livea. Kahit nangangatog ang aking mga tuhod dahil sa sobrang pagod, nanatili akong nakatayo habang matapang na nakaharap sa kaniya. Maaaring kawangis niya ang aking Ina, ngunit hindi ako naaapektuhan. Hindi ko naman kasi nakasama ang tunay kong Ina nang matagal. Sanggol pa lamang ako nang namatay siya. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong maging masaya ngayon dahil hindi siya naging kahinaan ko sa labang ito, o maging mlungkot dahil hindi ko man lang naramdaman ang kaniyang pagiging Ina sa akin. Ngunit sa sitwasyon ngayon, kailangan ko munang isipin na kalaban ang turing namin sa isa't-isa. Katawan lan

Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)   Chapter 25

Wala akong ibang makita kundi kadiliman lamang. Hindi ko maihakbang ang aking mga paa dahil hindi ko alam kung saan ako patutungo. Kanina pa ako sumisigaw ngunit walang sumasagot sa akin. “Aaack!” Napadaing ako nang biglang may humampas ng matigas na bagay sa aking mga binti. Narinig ko ang malutong na pagkabali ng aking mga buto dito. Mabilis akong napaupo at nagsisigaw dahil sa sakit. “Aaahhh!” muling pagdaing ko nang may humagupit na latigo sa aking likod, ramdam ko ang pagkapunit ng aking damit. Napaiyak na lamang ako dahil sa sobrang hapdi. Napakagat ako sa aking labi habang iniinda ang sakit. Hindi ako makatayo dahil sa aking nabaling binti. Sinubukan kong gamitin ang aking mahika para pagalingin ito ngunit bigo ako. Hindi gumagana ang aking mahika. Anong klasen

Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)   Chapter 24

Matapos naming mag-alay ng dasal para sa kaluluwa nina Mama Arianna at Ira, bigla na lamang bumukas ang lagusan patungo sa susunod na palapag. Isang palapag na lang at mararating na namin ang pinakatuktok ng tore. Hindi namin alam kung paano ngunit nabawasan ng tatlong palapag ang tore at naging pito na lamang ito. “Hintayin na lang muna natin dito ang iba pa nating mga kasama. Mas mabuti kung sama-sama tayong lahat. Nasa ikalimang palapag tayo at nasa ibaba natin sila. Siguradong dadaan sila dito bago tumungo sa susunod na palapag,” suhestiyon naman ni Raid sa amin. Tanging pagtango lamang ang isinagot namin sa kaniya. Tama nga naman siya, mas maigi kung magkakasama naming harapin ang mga kalaban. Tumabi ako kay Deborah na nakasandal ngayon sa pader habang nakaupo sa sahig. Yakap-yakap niya ang kaniyang mga tuhod at kanina pa walang kibo. “Deb--” Agad akong napatigil sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo. Mariin niyan

Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)   Chapter 23

Halos mawalan kami ng balanse sa pagtayo dahil sa paulit-ulit na pag-alog ng sahig. Dumadagundong ang buong silid dahil sa matinding labanan nina Deborah at Ira. Parehong Earth attribute ang kanilang mga mahika. Ngunit kahit gaano pa kalakas si Ira, kayang-kaya na siya ngayong tapatan ni Deborah.“Paanong nabuhay ang isang patay na dagang tulad mo? Humiwalay na ang iyong Zodiac at celestial weapon sa iyong katawan kaya paniguradong patay ka na kanina. Pero paano?” takang tanong ni Ira. Umangat sa ere ang Battledore, na hirap na hirap kong natanggal kanina sa likod ng aking ama. Tinatawag ito ng babaeng demonyo. Siya na ngayon ang bagong may-ari nito kaya nagagawa niya itong kontrolin ayon sa kaniyang kagustuhan. Nakakapagtaka lamang dahil pinili siyang maging tagapangalaga ng Taurus. “Gusto mo talagang malaman kung paano ako nabuhay? Hindi ko maaaring sabihin sa'yo ang mga impormasiyon, ngunit gusto kong pagmasdan mo ito, Ira.

Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)   Chapter 22

Nakatulala lamang kami habang mag-isang nilalabanan ni Ardor sina Ira at Gloria. Kayang-kaya niyang kontrahin ang anumang spell ng kaniyang mga kalaban. Nakakamangha ang kaniyang liksi, mahika at talas ng pandama. “Ano pa nga bang aasahan sa isang Guardian na naging demonyo dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na mahika? Isa ka nga talagang karapat-dapat na kalaban. Nagtataka lamang ako kung ano ang naging hidwaan niyo ng iyong kapatid para dumating siya sa puntong ikinulong ka niya sa Mt. Vermilion,” banggit ni Ira, habang manu-manong nakikipagsagupaan ang mga kamao kay Ardor. “Walang sanang hidwaang nabuo sa pagitan naming magkapatid. At wala rin sanang digmaang sumiklab sa Ataraxia kung walang bathalang nagmamanipula ng buong sitwasyon. Siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. Gamit ang kaniyang mahika, kayang-kaya niyang baguhin ang tadhana, takbo ng oras at panahon-- Slashing Magic: Claw Slicer,” pagsasalaysay ni Ar

Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)   Chapter 13

Nakatayo ako ngayon sa tapat ng isang malaking pintong gawa sa kahoy. Ito ang pinto ng opisina ni Archmaster. Ako lang ang mag-isang pumunta rito. Hindi ko pinaalam kina Caya at Suzaine ang pupuntahan ko.Mahigit isang buwan na ako dito sa Academy kaya medyo kabisado ko na ang mga pasikot-

Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)   Chapter 12

Napabaling ang atensiyon namin kay Archmaster, na bigla na lamang lumitaw sa harapan naming lahat. “Good job, everyone. Hindi ko napanood ang inyong laban kanina, dahil abala ako sa paglilipat ng mga estudyante sa ligtas na lu

Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)   Chapter 11

Sabay-sabay sa ginagawang pag-atake sina Raid, Glade, Nicanor at Niklais sa pinakalider ng mga demonyong sumalakay sa Academy. Ipinaubaya na nila sa amin ang ibang mga kalaban, na walang tigil na nagsisidatingan, kahit pa nasa Floral World na kami. Paano nila nagawang matunton ang mundong ito?&nb

Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog)   Chapter 10

Binilisan ko ang pagtakbo dahil medyo malayo na ang agwat sa akin ni Caya. Naka-siyam na ikot na kami at isang ikot na lamang sa field, malalaman na namin kung sino ang nagwagi sa aming dalawa. Hindi ako magpapatalo sa kaniya. “Caya, malapit na ako. Humanda ka dahil hindi ako p

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy