Libreng I-download ang libro sa App
Chapter 15
Author: Tan Jiro AlvezNapaigtad kaming pareho ni Deborah sa aming kinaroroonan nang biglang dumilim ang kalangitan. Sinakop ng itim na ulap ang itaas Academy. Isang malaking itim na tore ang bumaba mula sa langit.
Napapalibutan ito ng mga nasusunog na tinik at baging. Sa isang kisapmata lamang, nasira ang mga barrier na pumoprotekta sa Academy. Isa-isang kumalas ang mga baging mula sa pagkakapit sa pader ng tore at walang habas na hinagupit ang mga gusali ng paaralan. Mabilis na nagiba at gumuho ang m
Ibahagi ang nobela sa
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Pinakabagong kabanata
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 27
Agad akong niyakap ni Caya nang makalapit siya sa akin. Mainit sa pakiramdam ang yakap na ito. Wala akong nararamdamang anumang kaplastikan. “Mabuti naman at nakabalik ka na. May masakit ba sa iyo?” alalang saad sa akin ni Caya, matapos kumalas sa pagkakayakap. Tumagal nang ilang segundo bago ako tumugon sa kaniya. “Ayos lang ako. Don't bother. I'm just tired,” sambit ko sa kaniya. “I think we should take a rest here for at least an hour. You can sleep on my shoulder,” malasakit sa akin ni Caya. “Thank you, Cay,” tanging tugon ko na lamang sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at gano'n din ako sa kaniya. Tama. Wala akong dapat pagdudahan s
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 26
Walang anumang ingay na maririnig sa lugar na kinaroroonan namin kundi mga malalakas na pagsabog lamang. Lahat na yata ng mga malalakas naming spell ay nagawa na naming pakawalan. Ngunit, humihinga pa rin ang mga kalaban. Nahuli ko ang pagngisi sa akin ni Livea. Kahit nangangatog ang aking mga tuhod dahil sa sobrang pagod, nanatili akong nakatayo habang matapang na nakaharap sa kaniya. Maaaring kawangis niya ang aking Ina, ngunit hindi ako naaapektuhan. Hindi ko naman kasi nakasama ang tunay kong Ina nang matagal. Sanggol pa lamang ako nang namatay siya. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong maging masaya ngayon dahil hindi siya naging kahinaan ko sa labang ito, o maging mlungkot dahil hindi ko man lang naramdaman ang kaniyang pagiging Ina sa akin. Ngunit sa sitwasyon ngayon, kailangan ko munang isipin na kalaban ang turing namin sa isa't-isa. Katawan lan
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 25
Wala akong ibang makita kundi kadiliman lamang. Hindi ko maihakbang ang aking mga paa dahil hindi ko alam kung saan ako patutungo. Kanina pa ako sumisigaw ngunit walang sumasagot sa akin. “Aaack!” Napadaing ako nang biglang may humampas ng matigas na bagay sa aking mga binti. Narinig ko ang malutong na pagkabali ng aking mga buto dito. Mabilis akong napaupo at nagsisigaw dahil sa sakit. “Aaahhh!” muling pagdaing ko nang may humagupit na latigo sa aking likod, ramdam ko ang pagkapunit ng aking damit. Napaiyak na lamang ako dahil sa sobrang hapdi. Napakagat ako sa aking labi habang iniinda ang sakit. Hindi ako makatayo dahil sa aking nabaling binti. Sinubukan kong gamitin ang aking mahika para pagalingin ito ngunit bigo ako. Hindi gumagana ang aking mahika. Anong klasen
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 24
Matapos naming mag-alay ng dasal para sa kaluluwa nina Mama Arianna at Ira, bigla na lamang bumukas ang lagusan patungo sa susunod na palapag. Isang palapag na lang at mararating na namin ang pinakatuktok ng tore. Hindi namin alam kung paano ngunit nabawasan ng tatlong palapag ang tore at naging pito na lamang ito. “Hintayin na lang muna natin dito ang iba pa nating mga kasama. Mas mabuti kung sama-sama tayong lahat. Nasa ikalimang palapag tayo at nasa ibaba natin sila. Siguradong dadaan sila dito bago tumungo sa susunod na palapag,” suhestiyon naman ni Raid sa amin. Tanging pagtango lamang ang isinagot namin sa kaniya. Tama nga naman siya, mas maigi kung magkakasama naming harapin ang mga kalaban. Tumabi ako kay Deborah na nakasandal ngayon sa pader habang nakaupo sa sahig. Yakap-yakap niya ang kaniyang mga tuhod at kanina pa walang kibo. “Deb--” Agad akong napatigil sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo. Mariin niyan
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 23
Halos mawalan kami ng balanse sa pagtayo dahil sa paulit-ulit na pag-alog ng sahig. Dumadagundong ang buong silid dahil sa matinding labanan nina Deborah at Ira. Parehong Earth attribute ang kanilang mga mahika. Ngunit kahit gaano pa kalakas si Ira, kayang-kaya na siya ngayong tapatan ni Deborah.“Paanong nabuhay ang isang patay na dagang tulad mo? Humiwalay na ang iyong Zodiac at celestial weapon sa iyong katawan kaya paniguradong patay ka na kanina. Pero paano?” takang tanong ni Ira. Umangat sa ere ang Battledore, na hirap na hirap kong natanggal kanina sa likod ng aking ama. Tinatawag ito ng babaeng demonyo. Siya na ngayon ang bagong may-ari nito kaya nagagawa niya itong kontrolin ayon sa kaniyang kagustuhan. Nakakapagtaka lamang dahil pinili siyang maging tagapangalaga ng Taurus. “Gusto mo talagang malaman kung paano ako nabuhay? Hindi ko maaaring sabihin sa'yo ang mga impormasiyon, ngunit gusto kong pagmasdan mo ito, Ira.
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 22
Nakatulala lamang kami habang mag-isang nilalabanan ni Ardor sina Ira at Gloria. Kayang-kaya niyang kontrahin ang anumang spell ng kaniyang mga kalaban. Nakakamangha ang kaniyang liksi, mahika at talas ng pandama. “Ano pa nga bang aasahan sa isang Guardian na naging demonyo dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na mahika? Isa ka nga talagang karapat-dapat na kalaban. Nagtataka lamang ako kung ano ang naging hidwaan niyo ng iyong kapatid para dumating siya sa puntong ikinulong ka niya sa Mt. Vermilion,” banggit ni Ira, habang manu-manong nakikipagsagupaan ang mga kamao kay Ardor. “Walang sanang hidwaang nabuo sa pagitan naming magkapatid. At wala rin sanang digmaang sumiklab sa Ataraxia kung walang bathalang nagmamanipula ng buong sitwasyon. Siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. Gamit ang kaniyang mahika, kayang-kaya niyang baguhin ang tadhana, takbo ng oras at panahon-- Slashing Magic: Claw Slicer,” pagsasalaysay ni Ar
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 21
Gulat ang gumuhit sa aming mga mukha matapos akyatin ang hagdan patungo sa ikatlong palapag. Tatlong nakasarang pinto ang agad na bumungad sa amin. Napatingin sina Archmaster Leonard at Archmistress Demia sa blueprint ng tore na ginawa ko. Maging ang iba ay nadala rin ng kanilang kur
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 20
Kasalukuyang binabayo ng iba't-ibang uri ng sakuna ang kinaroroonan namin, na naging dahilan upang maging magulo ang daloy ng mana sa lugar. Naglalakihang mga buhawi ang nagsilabasan mula sa kung saan-saan, habang may kasama itong mga malalakas na pagkulog at matatalim na pagkidlat.&ldquo
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 19
Sumalubong agad sa amin ang isang napakalakas na hangin, nang makapasok kami sa ikalawang palapag. Binabayo ng isang masamang panahon ang buong lugar. Napakaraming buhawi ang nagkalat sa paligid at tinatangay ang bawat bagay na madaraanan. Nasa ikalawang palapag ba talaga kami ng tor
Celestial Zodiacs: The Chosen Twelve (Tagalog) Chapter 18
Napatakip na lamang ako ng aking bibig nang makita kung ano ang bagay na dinampot ni Acanta mula sa sahig. Isa itong batang sanggol na hindi maipaliwanag ang kaniyang hitsura. Baluktot ang mga binti at braso nito. Nakausli ang mga ngipin at tabingi ang ilong at mga mata. Ito kaya si Artos? Kaya b
