Download the book for free
PROLOGUE
Author: Blu BerrySA isang probinsiya gaya ng San Felipe mga piling tao lang ang nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay.
Iilan sa mga piling taong ito kung hindi galing sa pamilya ng mga haciendero nagm
Ang karaniwang mamamayan ang mga tagapagsilbi nila o mas kilala bilang mga utosan o katulong. Tinitingala ang mga mayayaman sa probinsiyang ito. Ginto ang kanilang mga oras. Langit kung sila'y pangarapin.
Sa kanila lamang nakalaan ang hustisya at minsan maging ang edukasyon.
Kaming mga itinuring na mahihirap tumatanda na lang, nananatili pa ring tagapagsilbi.
Iyon ang pilit kung binabago na buhay ng mga kapatid ko. Naniniwala ako na kahit mahirap may karapatan pa rin kaming umangat sa buhay. Hindi man maging kasing yaman nila pero kahit kaunting pag-angat lang sa buhay ayos na iyon sa akin.
Hindi ko alintana ang mga lait at panghahamak ng ibang tao mapag-aral ko lang ang aking mga kapatid. Kung kailangan kung gumapang sa putik gagawin ko maibigay ko lang sa kanila ang dati na ring pinagkait sa akin, ang makapagtapos ng pag-aaral.
Nakasanayan ko ng gumising ng madaling araw para magtrabaho.
Alas-kuwatro pa lang at medyo madilim pa ang paligid. Lumabas na ako ng bahay at nagsimula ng maglakad papunta sa pinakamalapit na hacienda sa amin, ang Hacienda Catalina.Pag-aari ito ng isa sa pinakamayamang pamilya ng probinsiya San Felipe, ang mga Natividad at dahil sa lawak ng kanilang lupain halos isang bayan ang pagmamay-ari nila, ang bayan ng San Jose.
Makapangyarihan
Mula sa araw na iyon naglahong bigla ang impluwensiya ng pamilyang Natividad. Napilitang mangibang bansa ang nag-iisang anak ng gobernador at simula noon hindi na siya ulit nakita pa.
May ibang parte ng kanilang mga lupa ang napabayaan. May ilang nakuha na ng bangko pero may ilan ding negosyo na hanggang ngayon pinagtatiyagaan
Doon ako pumupunta araw-araw. Palihim akong dumadaan sa mga sirang bakod para makakuha ng mga isda at ibinibenta ito sa labas ng bayan kung saan walang magtatanong at magtataka kung saan galing ang mga iyon.
Hindi rin naman siguro matatawag na nagnanakaw ako kagaya ng paratang sa'kin ng mga tao. Nagpapaalam ako sa isa sa mga tagabantay ng mga palaisdaan na si Mang Tasyo. Matanda na siya pero pinili pa ring magtrabaho dahil sa kahirapan. Noong una kung tinangkang kumuha ng isda muntik na niya akong mabaril. Naki-usap ako sa kanya na kahit noong araw na iyon lang niya ako pagbigyan dahil may sakit ang bunso kong kapatid na si Kikoy. Siguro dahil sa awa hindi lang sa araw na iyon niya ako pinagbigyan. Pati na rin sa mga sumunod pang araw at hanggang ngayon malaya akong nakakakuha ng mga isda.
Mag aalas-kuwatro y media na ng marating ko ang aking sekretong daanan papunta sa palaisdaan. Mula sa maliit na daan na tinatahak unti-unti ko ng nakikita ang mataas na bubong ng mansiyon ng mga Natividad. Simbolo ng kanilang makapangyarihan
Tahimik ang umaga. Samahan pa ng lamig dahil sa medyo makapal na mga ambon. Walang Mang Tasyo na sumalubong sa akin pagdating ko sa mga nakahilerang palaisdaan. Baka nilalamig at hindi pa bumabangon. Ito ang unang beses na hindi kami nagkita rito.
Nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga isda gamit ang net na may hawakang kawayan at nilalagay ito sa timbang dala. Maya-maya pa ay may naririnig ako. Kung hindi ako nagkakamali mga yabag ito ng tumatakbong kabayo at papunta ito sa aking kinaroroonan.
Bigla akong kinabahan dahil alam kong hindi si Mang Tasyo 'yon. Hindi na nito kayang mangabayo dahil may edad na.
Kahit hindi pa sapat ang mga nahuli tumakbo na ako paalis sa lugar na iyon. Ngunit sadyang mas mabilis ang takbo ng kabayo dahil sa isang iglap lang nasa likuran ko na ito at kung sino man ang nakasakay nito'y tiyak nakita na ako.
"Tigil!" sigaw ng lalaking nakasakay sa kabayo.
Pero wala akong balak tumigil at itinuloy lang ang pagtakbo.
Isang putok ng baril sa ere ang kusang nagpatigil sa akin. Dahil sa nanginginig na kamay nabitawan ko ang timba na hawak kaya tumilapon ang iilang mga tilapiang aking nahuli.
Bumaba ang lalaki mula sa sinasakyang kabayo base sa tunog ng kanyang suot na bota.
"Sino ka at anong ginagawa mo sa lupain ko?" diretsong tanong sa akin.
Hindi pa rin ako makagalaw at hindi makasagot. Ni hindi ko nga magawang umikot at tumingin sa kanya dahil sa takot.
"Ano? Wala kang balak magsalita?" tanong ulit nito at kasunod no'n ay ang pagkasa ng baril. Kahit nakatalikod ako sa kanya,alam kong sa akin nakatutok 'yon.
Nanginginig ang aking tuhod. Hindi ko alam kong normal pa ba ang tibok ng aking dibdib. Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa matinding kaba. Ang dami-daming pumasok sa aking isipan . Anumang oras kung gugustuhin niya pwede niya akong barilin. Lihim akong nagdasal na sana hindi pumasok sa isipan niya iyon.
Sa kabila ng malamig na paligid ga-butil pa rin ang pawis na namumuo sa aking noo.
"Bakit 'di ka humarap sa'kin?" anang lalaki na nawawalan na ng pasensiya.
"Harap!" ma-awtoridad na sigaw nito. Halos mapatalon pa ako sa gulat at unti unting pumihit paharap sa kanya.
Unti unti kong inangat ang mata sa mukha niya. May katangkaran siya kaya kailangan pang tingalain para matingnan siyang maigi.
Na sana hindi ko na ginawa.Iyon na siguro ang pinakanakakatak
Pero kahit hindi mababakasan ng kahit na anong kabaitan ang mukha niya hindi pa rin nababawasan ang kanyang kakisigan.
Unti-unti niyang binaba ang nakatutok sa'king shotgun.
Kasabay ng pagbaba ng baril ang pagpakawala ko sa kanina pa pinipigil na hininga.
Maraming tanong ang nag-uunahan sa aking isip. Paano na ngayon na may nakahuli sa akin na nagnanakaw ng mga isda? Makakaya ko kaya itong lusutan? Madadala kaya ang lalaking ito sa aking pakiusap at pagmamakaawa gaya ni Mang Tasyo? Hindi ko pa naman kilala ang gwapo at istriktong lalaki na kaharap ngayon.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
CHAINED (Tagalog) EPILOGUE
MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p
CHAINED (Tagalog) Chapter 37
Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.
CHAINED (Tagalog) Chapter 36
HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.
CHAINED (Tagalog) Chapter 35
PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan
CHAINED (Tagalog) Chapter 34
KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.
CHAINED (Tagalog) Chapter 33
DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a
CHAINED (Tagalog) Chapter 28
"ASAWA ko po talaga?" paninigurado ko.
CHAINED (Tagalog) Chapter 27
"YOU'RE FIVE WEEKS pregnant, Mommy," nakangiting sabi ng babaeng doctor habang dahan-dahang ginagalaw ang apara
CHAINED (Tagalog) Chapter 26
PUPUNGAS-PUNGAS akong bumangon ng kama saka dinungaw ang bakuran. Kinabahan ako dahil baka may pulis nang nagha
CHAINED (Tagalog) Chapter 25
Mag-iisang buwan na akong nananatili rito sa Santa Elena. Paborito kong tanawin ang pagsikat at paglubog ng ara
