Download the book for free
Chapter 1
Author: Blu BerryNAKAKATAKOT ang paraan ng pagkakatitig sa'kin ng lalaking nasa harapan ko. Ramdam ko itong tumatagos sa aking buong pagkatao.
Hinagod ako ng tingin ng kanyang misteryosong mga mata. Para bang binabasa ang aking mga iniisip. Nagsitayuan ang aking mga balahibo. Ang kanyang hitsura ay nagsusumigaw ng galit at tapang. Kahit sino naman sigurong makakakita na pinagnanakawan sa sarili nilang bakuran ay hindi matutuwa.
Naputol ang pagtitig niya sa akin nang dumating ang isang range rover. Agad bumaba ang mga sakay nito kasama si Mang Tasyo.
Tiningnan ako ni Mang Tasyo na puno ng awa ang mga mata.
"Nakarinig kami ng isang putok Sir kaya sinundan ka na namin dito," ang sabi ng isang lalaking nakilala ko na dati sa pangalang Owen, isa sa pinagkakatiwala
"Nagtangka kasi siyang tumakas. Kahit pinapatigil ko tumakbo pa rin. Kaya pinaputokan ko na," sagot ng lalaki sabay abot ng kanyang baril kay Owen.
Sabay-sabay lumingon sa akin sina Owen at ang dalawang kasama nilang sakay sa range rover. Samantalang si Mang Tasyo ay nakayuko.
"Dalhin siya sa mansiyon," utos niya kina Owen at sa dalawang kasama nito.
Doon ko na gustong umiyak nang dahan-dahang lumapit sa akin ang dalawang lalaki na kasama ni Owen at hinawakan na ako sa palapulsohan para hindi na makatakbo ulit.
Pinaglandas ng isang lalaki ang kamay niya mula sa aking braso hanggang sa palapulsohan at nandidiri ako sa paraan ng pagkakahawak niya.
Ang mga mata niya ay puno ng pagnanasa na lalong nagpalaki ng aking takot.
Nagpupumiglas ako mula sa pagkakahawak nila pero hindi sila natitinag.
"Ako na ang magmamaneho ng range rover. Sasabay sa akin ang babaeng 'yan at si Mang Tasyo pabalik ng mansyon. Owen, ikaw na ang mag-uwi ng aking kabayo." Biglang nagbago ang isip nito.
"At kayong dalawa maglakad na lang kayo," baling naman niya sa dalawang lalaking nakahawak sa akin kanina.
Walang nagsasalita sa aming tatlo habang lulan ng range rover. Siya na nag-drive, ako na nasa tabi niya at sa back sit naman si Mang Tasyo.
Parang may pinipigil itong galit sa diin ng pagkakahawak niya sa manibela. Napapikit ako sabay lunok ng laway. Ang dami-daming naglalaro sa isip ko na pwedeng mangyari sa akin sa mansiyon. Baka ipabugbog ako, baka pagalitan at ang pinaka masaklap baka ipakulong pa.
Ang huling naisip ko ang pinakabumabagab
"Huwag mong subukang tumakas ngayon. Mas maraming guwardiya ang pwedeng bumaril sa'yo dito," bilin nito bago kami bumaba ng sasakyan.
Tuloy-tuloy itong pumasok sa mansiyon na nag-iiwan ng mga putik sa malinis na sahig dahil sa kanyang suot na buta. Habang ang mga katulong naman ay halatang kabado sa kanyang pagdating.
"Ihatid ang almusal sa aking opisina," simpleng sabi niya na hindi mababakasan ng anumang kabaitan.
"Mang Tasyo dalhin mo rin siya sa opisina ko. Mag-uusap kami," utos naman niya kay Mang Tasyo bago umakyat sa grand staircase.
"Mang Tasyo anong gagawin ko?" naiiyak na tanong ko sa matanda pagpasok namin sa opisina kung saan kami mag-uusap.
"Pasensiya na Hija, mukhang hindi kita matutulungan ngayon. Pati ako mukhang mawawalan ng trabaho," naiiling na saad ng matanda.
"Hindi ko po talaga alam na may ibang magbabantay ngayon sa palaisdaan. Kung alam ko lang po na hindi ikaw ang madadatnan doon sana hindi na muna ako nagpunta. Pasensiya na po talaga Mang Tasyo, dahil sa'kin nadamay pa kayo."
"Ang alam kasi namin Hija, sa susunod na linggo pa ang dating ng may-ari nitong hacienda. Eh bigla siyang dumating kagabi kaya hindi lang ikaw, kung hindi pati kami nasorpresa. Kaya hindi kita nasabihan kahapon kasi napaaga talaga 'yong dating niya."
"May ari?" nagtatakang tanong ko. Simula noong may nangyaring trahedya sa pamilya nila wala ng kahit sinong nakakita sa kanila na bumalik sa bayan namin. Ngayon pa lang.
"Hindi mo na siguro sila natatandaan pa Hija. Masyado ng matagal 'yon. Siguro mga limang taong gulang ka pa lang nang umalis sila dito," paliwanag ng matanda.
"Ang lalaking nakahuli sa'yo kanina ay si Lance Natividad. Siya ang nag-iisang anak ng dating gobernador. At ngayon nagbabalik na siya," dugtong ni Mang Tasyo na nagpatahimik sa akin.
Pagkatapos ng sinabi ni Mang Tasyo bumukas ang pintuan ng opisina. Pumasok doon si Lance na bagong ligo. Dala ng matinding takot, bigla akong napatayo mula sa inuupoang sofa. Nabalot ng kanyang mabangong amoy ang buong opisina. Umupo ito sa kanyang swivel chair at madilim ang mukhang tiningnan kami.
"Makakalabas ka na Mang Tasyo," sabi nito.
Hindi ako nakapagsalita. Sinusundan ko lang ng tingin ang papalabas na si Mang Tasyo hanggang sa tuluyan na niyang isinarado ang pinto.
Pinipisil ko ang mga daliri dahil sa matinding kaba. Nakayuko lang ako dahil hindi ko kayang salubongin ang kanyang titig. Ganito pala ang pakiramdam kung tinititigan ka ng isang gwapo at istriktong lalaki. Nakaka-consciou
"Ano ang pangalan mo?" tanong niya sa akin. Pati tinig niya sobrang sungit. Parang lahat ng tanong niya dapat talagang sagutin.
"Sa-Sabrina po," nabubulol kong sabi.
"Sabrina?" ulit na sambit niya sa pangalan ko.
"Sabrina Escalante po Sir," inulit ko ang kompletong pangalan.
"Pwede ko bang malaman kung ilang beses ka ng nagnanakaw sa aking palaisdaan?" tanong niya na nakahilig sa kanyang swivel chair.
Kumportableng-k
"Ma-ma- matagal na po," nahihirapan pa akong mairaos ang sagot.
"Malaki na pala ang pagkakautang mo sa akin kung ganoon?" malumanay na sabi niya. Pero halata doon ang tinatagong galit.
"Hindi ko na po uulitin Sir. Hindi na po ako babalik dito kahit kailan. Hindi na po ako magpapakita sa inyo kung gusto niyo po. Pakawalan niyo lang po ako," pakiusap ko.
Pumalatak at umiiling ito. Hindi pumapayag sa gusto kong mangyari.
"Walang libre sa panahon ngayon. Siguro alam mo 'yan?"
"Ano po bang gusto niyo Sir? Kung bayad po ang gusto niyo mag-iipon ako," naiiyak kong sabi.
"Hindi ako interesado sa perang ibabayad mo."
"Kung ganoon, ano po ang gusto niyo?"
"Ikaw," mabilis niyang sagot.
Parang hindi ko na proseso ang sinabi niya. Pinagpapawisan ako. Tama ba ang narinig ko?
"Ikaw, magtatrabaho ka sa akin," pagliliwanag niya.
Medyo nakahinga ako sa sinabi niya. Mas ayos na siguro 'to kaysa naman ipakulong ako.
"Stay in ka rito," hindi 'yon pakiusap. Utos 'yon na kailangang sundin.
"Pero Sir, paano ang mga kapatid ko? Wala silang kasama sa bahay kapag gabi."
"Hindi ko na problema 'yan. At sa natatandaan ko, ikaw ang may utang sa akin. Ikaw dapat ang mag-adjust."
Sunod-sunod na katok ang narinig namin na nagpatigil sa mga sasabihin ko pa.
"Tuloy," sagot niya sa kumakatok.
Pumasok ang katulong na may dalang tray ng pagkain at inilapag ito sa kanyang mesa.
"Salamat, Aling Meldred."
"Walang anuman Sir," sagot ng medyo may edad ng babae at lumabas na.
"Makakauuwi ka na sa inyo. Bago dumilim mamaya dapat nandito ka na dala ang mga gamit mo. Bukas magsisimula ka na sa pagbabayad ng iyong utang," seryosong saad niya at humigop na ng kape.
Para akong lumulutang sa hangin habang pauwi ng bahay. Hindi ko alam kong paano sasabihin sa aking mga kapatid ang nangyari. Baka maapektohan ang pag-aaral nila. Baka ikahiya nila ako. Baka magalit sila sa akin.
Paano kung pahirapan ako ng Lance na 'yon. Hindi pa namin napag-uusapan ang magiging suweldo ko. Ang tanong meron pa ba akong sweldo? Kung wala akong kikitain habang nagtatrabaho sa kanya paano na ang pangangailangan
Naririnig ko sa iilang mga taong nakakasalubong na ang muling pagbubukas ng Hacienda Catalina ay bagong pag-asa sa lugar namin.
Pero ang pag-asang sinasabi nila'y problema naman ang idinulot sa'kin.
Hindi ko alam kong matatagalan ko ba ang isang Lance Natividad. Parang pagmamay-ari niya lahat ng sama ng loob sa mundo. Nakikita ko ang takot ng mga katulong kung tinitingnan nila si Lance. Kung sa kanya ako magtatrabaho kailangan kong magbaon ng maraming tapang.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
CHAINED (Tagalog) EPILOGUE
MALAMIG ang simoy ng hanging tumatama sa aking mukha. Katatapos lang naming kumain ng tanghalian at nagpasya akong manatili muna rito sa veranda para pagmasdan ang malawak na lupain na maaabot ng aking paningin.Mula sa kulay berdeng mga tanim hanggang sa mga kulay gintong palayan.Naramdaman ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang kasunod ang dalawang palad na namahinga sa aking tiyan. Sa paraan ng kanyang pagkakahawak at ang pagdampi ng kanyang balat sa akin, alam kong si Sab ito.Nakahilig ang kanyang pisngi sa aking likod."Hindi ka ba matutulog?" tanong niya sa akin. Nakasanayan na rin naming matulog p
CHAINED (Tagalog) Chapter 37
Maya't maya kong tinatapunan ng tingin si Sab na mahimbing na natutulog habang bumabiyahe kami pauwi ng San Jose.Nalungkot siya nang iniwan si Lola Guada pero kailangan na naming harapin ang buhay at mga tao sa San Jose.Nangako naman si Jena na sasamahan at aalagaan ang matanda kaya nabawasan ang pangamba ni Sab.Hinayaan ko na muna siyang matulog. Titiisin ko na lang ang pagkabagot habang nagmamaneho. Siguro'y napagod din siya sa ginawa namin kaninang madaling araw. Mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin, pambawi sa mga araw na hindi namin kapiling ang isa't isa.
CHAINED (Tagalog) Chapter 36
HININTAY ko kung kailan siya matatapos sa pag-iyak. Sana sa simpleng haplos ko'y maramdaman niyang importante siya sa akin, silang dalawa ng anak ko."Akala ko tuluyan mo na akong iniwan," saad niya sa pagitan ng mga hikbi."Baby, hindi ko gagawin iyon. Mahal kita at hindi kita kayang tiisin. Mas malaki ang pagmamahal ko sa 'yo kaysa sa galit at tampo." At hinalikan ko ang tuktok ng kanyang ulo.I missed her so much. Ang tagal kong hinanap ang kanyang init at mga yakap.
CHAINED (Tagalog) Chapter 35
PARA akong masisiraan ng bait nang malaman mula kay Cindy na wala si Sab sa bahay nila.Napahawak ako sa sintido dahil hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko kaagad ang mga pulis para mahanap siya.Pero ayokong maghintay ng bukas o sa susunod na linggo kaya tinawagan ko ang kakilalang private investigator upangtumulong na sa paghahanap."Parang-awa mo na Cindy, sabihin mo na sa akin kung nasaan si Sab." Maiiyak na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin."Sir, kung alam ko lang kung nasaan siya ay sinabi ko na po sa inyo kaagad. Sa tingin niyo po ba kayo lan
CHAINED (Tagalog) Chapter 34
KAGAYA ng bagyo sa labas, bumubugso ang aking damdamin para sa kanya.Katatapos lamang ng pag-uusap namin ni Rafael nang mawala ang kuryente kaya lumabas na ako para puntahan siya sa kanyang kwarto.Nagkasalubong kami at bumigay na ang pagpipigil ko.Ako ang unang lalaki sa kanyang buhay at walang mapagsidlan ang aking kasiyahan. Pinagkatiwalaan niya ako kaya ibinigay niya ang sarili sa akin at iyon ang hinding-hindi ko sasayangin.Gustong-gusto ko ng sabihin na mahal na mahal ko siya pero ayoko ring isipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil sa katawan niya at dahil may nangyari sa amin. Ayokong isipin niya na iyon lang ang habol ko.
CHAINED (Tagalog) Chapter 33
DAHIL na rin sa pakiusap ng mga kapatid niya, pumayag na rin si Sab na isama sila sa mga naka-avail ng scholarship. Bago papuntahin sa ibang bansa ang mga bata, sinigurado ko muna ang pasilidad at seguridad ng eskwelahang lilipatan nila. Tinawagan ko ang kakilalang madre na naka-base sa eskwelahang nasa Italy at maganda ang in-offer nila.Para sa akin, hindi pagpapanggap ang lahat ng ito. Ginagawa ko lamang iyong rason dahil ayokong mag-iba ang tingin niya sa akin. Ayokong isipin niya na binibili ko siya.Pinipigilan kong mayakap o mahalikan siya dahil malaki ang respeto ko para sa kanya.Siya lang ang nagpapakaba sa akin ng ganito. Siya lang ang babaeng mailap sa akin a
CHAINED (Tagalog) Chapter 32
Sobrang tahimik na ng paligid at kahit ang mga yapak ko'y dinig na dinig sa buong bahay.Parang nagising ako sa isang mahimbing na pagtulog nang mapansin ang tinatahak ko'y papunta
CHAINED (Tagalog) Chapter 30
"Since I was a kid. But I'm improving now, iyon ang sabi niya. Kaya dalawang beses na lang kaming nagkikita
CHAINED (Tagalog) Chapter 29
Lance's POVLUMABAS
