Download the book for free
Chapter 8
Author: Joyceeeee97Simula sa araw na ito, sarili ko na muna.
Sisimulam ko ng piliin ang sarili ko, mas uunahin ko na ang sarili ko sa lahat ng bagay.
I just need space from those people who brings pain to me.
Pain changes people and its true. It will make people stronger than before.
Dahil sa nangyari, maghapon na akong wala sa mood.
Walang ganang makinig sa klase.
Walang ganang makipag-usap sa iba.
Kahit kinakausap nila ako, sinusulyapan ko lang ang mga ito pero hindi ako nagsasalita.
May gusto man akong sabihin ngunit parang hindi ko kayang ibuka ang bibig ko.
Nakakatamad din pala talaga magsalita.Nang malapit na ang uwian, dun lamang ako kinausap ulit nina Rona at Kikay.
Kinakamusta ako kung okay na ba talaga ako. Tango lamang ang nasasagot ko sa mga ito.Habang naglalakad papunta sa hintayan ng mga tricycle, nakita ko nanaman si Byron na sumakay sa isang tricycle at mukhang papunta nanaman ito sa hospital.
Ilang araw ko na din siyang nakikita na nagpupunta sa hospital.
Ano kayang meron dun?
Sino kayang dinadalaw niya?
Sa pagkakaalam ko naman wala siyang sakit at wala siyang kamag-anak na nasa hospital.
Kaya napagdesisyunan kong sundan siya. Dali- dali ako naghanap ng tricycle at agad pinasundan ang tricycle na sinakyan ni Byron.
"Manong sundan niyo po yung tricycle na yun"
Habang papalapit kami ng papalapit sa hospital, bigla na lamang ako nakaramdam ng matinding kaba. Kinakabahan ako, sa di ko malaman na dahilan.
Hindi na tuloy ako mapakali sa aking kinauupuan.
"Manong pakibilisan naman po, nakakalayo na sila eh. Baka hindi na natin sila mahabol"
Sa sinabi ko,mas binilisan naman ni manong ang kaniyang tricycle.
Nang makarating kami sa hospital, agad akong nagbayad at kahit na nanginginig na ng dahil sa kaba, agad akong pumasok sa hospital at nagawa ko paring magtanong sa nurse ng kalmado kung may pasyente ba silang Cruz ang apelyido.
"Wait lang po ma'am, tignan ko lang po."
Lingon ako nang lingon sa paligid ko nagbabakasakaling makita ko si Byron, ngunit bigo ako.
"Ma'am iisang Cruz lang po ang pasyenteng ngpupunta dito, Byron Cruz po."
"B-byron Cruz? Baka p-pwedeng i-double check mo po Miss"
Bakit? Wala naman siyang sakit sa pagkakaalam ko.
"Miss, Byron Cruz po talaga"
"Sige p-po. S-salamat na lang"
Umiiyak akong lumabas sa hospital. Para akong nalugi ng ilang milyon dahil sa itsura ko.
Paanong nangyari yun?
Did I miss something?
Dire-diretso lang ako naglalakad na walang ibang iniiisip kung ano nga ba ang kalagayan ni Byron.
Lagi ko naman siyang pumapasok sa skul. Kapag nakikita ko siya masaya naman siya, lagi siyang nakangiti lalong lalo na kapag kasama niya si Byne.
"Ang lalim naman ng iniisip mo Miss Masungit. Mababangga kana sa poste oh"
Hanggang dito ba naman. Parang pusa lang na sumusulpot kung saan-saan itong kumag na to.
"Pakialam mo ba?!"
"Why so serious? Binibiro ka lang ehh. Bakit ka ba umiiyak?"
Pakielamero amp!
"Pwede ba tantanan mo ako!"
"I just want to introduce myself to you. By the way, I am Kian Thirdie Romuarez. If you need someone to talk with, just call my name and I'll be there"
May pakindat kindat pang nalalaman ang gago.
Kung sana lang nasa mood ako ngayon para nakipagsabayan sa mga kalokohan neto okay sana eh kaso sorry siya, badmood ako.
Nasa kalagitnaan ako ngayon ng pagdaramdam para sa taong mahal ko na kailanman hindi kayang suklian pagmamahal ko.
THIRDIE'S POV
Paglabas ko kanina sa eskwelahan, nahagilap ng aking mga mata si Zia na dali-daling sumakay sa isang tricycle kaya agad din akong kumuha ng tricycle upang sundan ito.
Simula nang nakita ko noon siya sa Tea Hauz ay lagi ko na itong sinusundan.
Kaya kahit konti may nalalaman na ako tungkol sa kaniya.
She's right, I've been stalking her for days now. I don't know why, but I'm so interested to know more about her.
You can easily know her feelings through her eyes.
She thinks, she's good in pretending, but no, she's not.
She's tottally smiling and laughing but she's not actually happy.
Yun ang nakikita ko sa kaniya.
"Saan kaya pupunta tong babae na ito?"
Dahil din sa pagsunod ko lagi sa kaniya, nalaman ko ding wala na siyang mga magulang. Nag-iisa lang siyang anak ngunit maaga din siyang naulila sa mga ito.
Nakakaawa siya pero pinapakita niya lagi na hindi dapat siyang kaawaan ng sino man.
She's so strong, and I adore her for that. She can stand on her own in that age.
Pagkatigil na pagkatigil ng tricycle na sinakyan ni Zia, bumaba din ako agad. Pero sinigurado ko munang hindi niya ako makikita.
Nagtataka ako kung bakit dito siya sa hospital pumunta.
Ano kayang meron dito?
Hanggang sa loob ng hospital, palihim ko padin itong sinusundan.
"Nurse, may pasyente ba kayong Alonzo?"
Alonzo? Yung Byron Alonzo ba hinahanap niya?Bakit naman niya hahanapin dito yun?
Eh lagi ko namang nakikita sa eskwelahan yun. Kaya paano mapupunta yun dito."Ma'am iisang Cruz lang po ang pasyenteng nagpupupunta dito, Byron Aquino po."
"B-byron Cruz? Baka p-pwedeng i-double check mo po Miss"
Naiiyak na sagot ni Zia sa nurse.
"Miss, Byron Cruz po talaga"
"Sige p-po. S-salamat na lang"
Pagkatapos makumpirma ni Zia na yung Byron Cruz nga ang pasyente sa hospital na ito. Dali-dali itong lumabas sa hospital na umiiyak.
Ang iyakin talaga ng babaeng ito. Wala na ba siyang ibang alam na gawin bukod sa umiyak amp.
Kaninang umaga umiyak nanaman siya dahil sa bestfriend niya, ngayon naman umiiyak siya dahil sa boyfriend ng bestfriend niya.
Hindi niya deserve ang masaktan ng ganito dahil sa kanila.
"Ang lalim naman ng iniisip mo Miss Masungit. Mababangga kana sa poste oh"
I don't know but everytime I teast her, natutuwa ako. Hindi ko din alam kung bakit. Basta nakakatuwa yung mga reaction niya.
Tulad na lang ngayon ang kyut kyut niya.
"Pakialam mo ba?!"
"Why so serious? Binibiro ka lang ehh. Bakit ka ba umiiyak? Baka pagkamalan ka pang baliw ng mga tao eh, para kang tanga"
For sure, susungitan nanaman ako neto.
"Pwede ba tantanan mo ako!"
"I just want to introduce myself to you. By the way, I am Kian Thirdie Romuarez. If you need someone to talk with, just call my name and I'll be there"
May kasama pang kindat yan, malay mo diba.
"Tinanong ko ba pangalan mo? And excuse me Mister hah! Wa-la-a-kong-pa-ki-a-lam-sa-yo!"
Maasar pa nga lalo to.
"Ay ambilis mo naman, nagpakilala lang ako, MISTER mo na ako agad. Nakakahurt ka naman Misis ko, wala ka palang pakialam sa mister mo"
Kunyaring naiiyak ko pang sabi sa kaniya, para mas lalo pa itong maasar.
"Alam mo, kasing kapal ng pagmumukha mo yung dictionary natin sa library! Ewww Misis ko? Yaakkk ang laswaaa!"
"HAHAHAHAH ayaw mo ng misis ko? Anong gusto mong itawag ko sayo kung ganon, Asawa ko? My wife?. "
So ayun na nga, yung tingin niya sa akin parang gusto na akong patayin.
"Nakakatuwa? So sa tingin mo natutuwa ako sayo hah? Nabwibwisit ako sayo! Kaya pwede lubayan mo ako! Hindi kita kailangan at wala akong kailangan sayo!!"
"Misis ko, may kailangan ka sa akin."
"Argghhhhhh! Ano namang kailangan ko sayo aber?! Eh bwisit ka sa buhay ko!"
Hindi ba ito napapagod kakasigaw. Pero ang kyut niya talaga pag nagagalit hehe.
I won't deny the fact that I like her.
I like her not because she's beautiful but I like her because of her personality.
"Okay okay. Just uhmm just stop crying, you look like--- nevermind. But its seems like you forgot about something's important to you hah. HAHA Just call.my name if you need anyTHING"
Pagkatalikod ko sa gawi niya, pinakawalan ko agad ang ngiti sa aking mga labi na kanina ko pa gustong ilabas.
She's so funny and at the same time her personality is interesting talaga.
"HOYYYYY!! BWISIT KAAA IKAW KUMUHA NG I.D KO??!!!"
Liningon ko lang ito at ginawaran ng isang nakakalokong ngiti.
Nang makita ko itong papalapit, agad na ako kumaripas ng takbo, upang mas lalo pa itong asarin.
"GAGO KA!!! WAG NA WAG KANG MAGPAPAKITA SA AKIN BUKASS! MALALAGOT KA TALAGA SA AKINNN BWISITT!!"
Pag paos to bukas, sigurado akong tatawanan ko ito ng sobrang hard HAHAHA
"HINDI PA TAYOO TAPOSSS HUMANDAA KA!!"
Ang sungit talaga ng babaeng ito kahit kailan. Parang araw- araw may dalaw.
"PAG NAHABOLL KITA BABASAGIN KO YANG PAGMUMUKHA MO! PARA MAS LALONG PUMANGIT!"
What? Seriously! Ako pangit? Hell no! My mother always telling me that I'm handsome! And this girl just call me pangit? How dare she!
" AYUN AY KUNG MAHAHABOL KO AKO MISIS KO! HAHAHHAAHAHA!"
Pero napapaisip ako, ano kaya gagawin niya bukas?
Imbes na kaba ang mararamdaman ko, mas lalo lang akong na excite.
Can't wait for her revenge.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Behind Those Smiles Chapter 15
Bigla akong nasamid dahil sa sarili kong iniisip. Gusto ko man sagutin si Thirdie pero walang lumalabas sa aking bibig.Gustong-gusto kong kalimutan muna ngayon lahat ng nagpapasakit ng ulo ko, pero mukhang hindi ko magawa sa isang ito.Parang multong bigla na lamang sumulpot si Thirdie sa harapan namon dito sa Isla. Multong kahit kailan ay hindi mo maiiwasan.Bahagya akong niyugyog ni Kikay, "hoy Zi, kanina ka pa namin tinatanong kung saan mo gusto mag stay muna." Saad niya sa akin.Sinabayan naman ni Rona ang pinsan niya, "wala ka nanaman sa wisyo Zi. Lagi ka nalang ganyan. Minsan iniisip ko na over study kana. Mukhang sa susunod na araw mental na bagsak mo." Sinserong aad naman nito sa akin.Kahit hindi ko lingunin si Thirdie, alam ko bahagya siyang natawa dahil sa kalokohan ni Rona.Gigil talaga ako sa babaeng ito!"Huwag mo kasi akon
Behind Those Smiles Chapter 14
Hindi parin ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon si Thirdie. Sa dami ng taong pwede kong makita ay siya pa talaga.Pagkabitaw ni Thirdie sa akin agad niya akong tinanong, "hey! Are you okay?"Ngunit ni isang salita ay walang lumalabas sa aking bibig."Ehem! Baka naman matunaw na yan Zi." Biglang saad ni Rona na nasa tabi ko na pala.Tinaasan ko ng kilay si Thirdie, "what are you doing here? Are you stalking me?"Lakas loob kong tanong sa kaniya.Tinawanan lang ako nito. " Excuse me? You're accusing me again that I'm stalking you. Nung una inaamin kong I'm stalking you talaga, pero ngayon, I'm not. I'm always here during weekends." Paliwanag niya sa akin.First time? So I'm right that time, but, he denied it."O-kay." Napahiya kong tugon kay Thirdie."Akala ko namamalikmata lang ako kanina ng makita ko kayong
Behind Those Smiles Chapter 13
Sa wakas, after 12345678 minutes nakarating din kami sa destinasiyon namin.Palaui Island.Mahinang basa ko sa karatulang nasa tabi ng puno.Talaga ngang kahanga-hanga dito. Ang gaganda ng mga tanawin.Hindi nagkamali sina Kikay sa pagpili sa lugarna ito.Wow!"Uyy anong tawag dun oh?" Turo ko sa nakatayong parang bahay na nasa taas ng bundok.Sinundan ng tingin ni Rona ang tinuturo ko sabay sabing, "yan ang Cape Engaño. A historic "parola" or a lighthouse. Yan ang isa sa talagang dinadayo ng mga dayuhan dito. Ang ganda no Zi?"Liningon ko ang gawi ni Rona, pinag-aaralang mabuti ang kaniyang sinambit. Halata mo sa kaniya ang pagka proud niya sa mga sinabi niya.It's one of a kind. Habang hinihintay si Kikay, napagpasyahan ko munang maglakad sa gilid n
Behind Those Smiles Chapter 12
This place is heaven!"Let's go, maglalakad muna tayo bago makarating sa may mga bangka. This is exciting!"Halata sa pagsasalita ni Kikay ang excitement.Aliw na aliw ako sa mga nakikita ko habang kami ay naglalakad. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mamangha ng paulit-ulit.After 10 minutes, nakarating kami s lugar kung saan ang daming mga bangka. Ngayon lang ako nakakita ng ganito karami. Hindi ako pamilyar sa lugar kaya hindi ko alam kung ano ang tawag nila dito.Ang tubig mula sa dagat ay tila bang nang-aakit. Parang tinatawag ako nito."So, before we reach our first destination, we need to ride a boat. Mga 45 minutes siguro tayo palutang-lutang dyan sa dagat."Agarang saad ni Rona, na sinabayan pa niya ng nakakalokang tawa.
Behind Those Smiles Chapter 11
Naguguluhan man, ngunit mas nangingibabaw ang awa ko ngayon kay Thirdie. Ang Thirdie na kaharap ko ngayon ay ibang-iba sa Thirdie na laging pilyo sa harap bg ibang tao. Puno ng lungkot ngayon ang mga mata niya. Walang bahid ng saya ang makikita mo dito.Hindi ako sang-ayon sa rason na kaya ako papayag ay dahil gusto kong makalimutan si Byron. No, I'm not like that, gusto kong kusa kong makalimutan lahat ng 'yun ng walang ginagamit na ibang tao."Ami?" Biglaang tawag sa akin ni Thirdie.Abala ako sa pag-iisip kung kaya't nakalimutan kong kasama ko pa pala si Thirdie."Hah? Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Natawa siya sa sinabi ko. Not a genuine laugh at all."Ang lalim naman masydo ng iniisip mo. I said you can go now, kasi sabi mo diba may gagawin ka pa?"
Behind Those Smiles Chapter 10
Nang magsimula na ang klase namin, hindi na ako kinausap pang muli ng magpinsan. Buti na lang at tinantanan nila ako lalo na si Kikay. Parang hindi siya nauubusan ng tatanungin, siguro future lawyer to amp. Kung makapagtanong kala mo naman nasa korte.Nabasa at napag-aralan ko na kagabi ang lesson namin ngayon kaya kahit hindi ako masyadong nakikinig sa mga tinuturo sa amin."Hey there Miss Masungit!"Heto nanaman tayo! Kanta talaga yan charr."Ano? Ibabalik mo na ba ang ID ko? Kung hindi naman pwede bumalik kana sa upuan mo. Kita mo naman diba, may klase ho tayo."Pabulong kong sagot kay Kian."Not that fast Ami. I won't give you your ID. Kung gusto mo talagang makuha ang ID mo. Usap tayo mamaya, may sasabihin ako sayo."Wow! Apakademanding juskoo! Stress talaga ang bangs ko sa lalaking to. Ano naman kaya
Behind Those Smiles Chapter 9
ZIA'S POV"Waahhh kaasar talaga!!"Hanggang sa nakarating na ako sa bahay, hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina sa hospital.May sakit ba si Byron? Kung meron man ano kaya yun? Mukhang
