loading
Home/ All /Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)/Kabanata 03

Kabanata 03

Author: Fallen Leaf
"publish date: " 2020-07-01 23:05:15

“Umpisahan natin sa side ng pro, ang sinumang mananalo ay may +10 sa examination,” pagpapaliwanag ng amin guro.

 Bigla namang nagliyab ang mga mata nila sa tuwa at mukhang walang magpapatalo nito.

Si Celise muna ang nagsilbing boses ng aming pangkat, “Parte sa kasaysayan natin ang Baybayin kaya’t dapat natin itong ingatan. Bakit?.”

“Dahil ito ay ating kayamanan mula sa ating sa mga ninuno. Mahalagang ipagmalaki natin ito at aralin. Sila nga ay nagpursigi na matutunan ito kaya dapat hanggang sa ating henerasyong, ito’y alam din natin kung paano gamitin ang Baybayin,” pagpapatuloy niyang wika.

Naghiyawan sa galak ang mga kagrupo namin dahil sa angas at pagiging tama ng kaniyang sagot.

“Kaya nga naimbento ang alpabetiko nang sa gayon ay hindi na tayo mahirapan. Paano na lang yung ibang slow? Eh ‘di hindi nila naintindihan kung ano ang kahulugan at paano isulat ito,” depensa naman ni Eugine sa kabilang panig at kanya-kanyang cheer ang mga ito.

Hindi ko alam sino ulit ang sasagot sa amin nang biglang magsalita ang kaklase kong maarte na si Angelica, “Eww, you know para lang sa mga bobo ‘yang alpabetiko kaya ‘dj nag a-upgrade utak niyo eh… gusto nyo lagi madali.”

Narindi ang lahat ng nakarinig sa aming panig dahil s’ya ang pinakaayaw naming magsalita sa buong klase.

Sumagot naman si Cara na naartehan sa kaniya, “Utak mo baduy, spelling nga ng Baybayin at Alphabets hindi mo pa alam sino ang ‘di nag-upgrade ang utak?”

Biglaang nagtawanan ang buong klase sa sinabi ni Cara pero hindi dapat kami magpatalo.

“Really? Hindi ko raw alam spelling. Ikaw nga, simpleng history lang ng Pilipinas… hindi mo pa alam,” tugon ni Angelica.

Kaagad na tumaas ang tensyon sa kanila at kanya-kanyang nagpalitan ng salita na wala namang kaugnayan sa paksa.

Dagli na umawat si sir Haiden. “Stop! Ang layo na ng sagot nyo sa topic. Time na rin kaya’t hintayin nyo na lang susunod nyong teacher.” Marahan niyang kinuha ang kanyang gamit nya sa lamesa at agad na lumabas.

Kanya-kanyang away pa rin sila habang ang iba ay umupo na sa upuan at isa na ako roon. Winalang-bahala ko ang kanilang  away.

Maangas na lumapit sa gawi ko si Angelica. “Hoy loser, pagsabihan mo 'yang kaibigan mo na h’wag ako sinasagot-sagot.”

Napunta sa amin ang tensyon kaya’t agad akong napakunot ng noo.

“Wow! Ako pa ang loser. Bakit ‘di mo na lang tanggapin na tama ang sinabi ni Cara na sa spelling nga lang… ‘di mo pa kaya?” nagliliyab-dila kong asik sa kanya.

Bigla akong tumayo at hinarap ko s'ya ng buong tapang.

Aba, bakit ba ako yung inaaway nya? Porket hindi ako sumagot sa debate kanina? giik kong bulong.

“Aba! Baka gusto mong pasabugin ko ang bunganga nyong dalawa!” buong tapang niyang hiyaw.

Umigting ang panga ko sa inasal niya. Ako pa tinapangan mo ah.

Kinuyom ko ang aking kamao at ipinasa hangin na nagpapikit sa kanyang mga mata sa sobrang takot. Akmang tutungo na ito sa kanyang mukha nang biglang may dumaan na guro at nasaksihan ang pangyayari.

“Ms. Aimi what do you think you’re doing?” ani niya.

Agad naman akong napatingin sa kanya, napabuntong hininga at kalmado ngunit may bahid ng pagkabastos ang naging tugon ko, “ ‘Di ba halata? Bulag ka ba? E ‘di susuntukin ko ang mukha ng maarteng ‘ito.”

Kaliwa't kanang singhap mula sa mga kaklase ko ang aking narinig dahil sanay na sila sa ugali kong gano'n kapag nakikipag-away at mukhang babagsak ako ngayon— mabait naman ako kapag sumasagot at nakikinig sa mga tinuturo pero ‘wag mo lang akong aawayin dahil lumalaban ako.

“Bastos ka, magte-teacher ka pa man din! Go to the guidance office!” nangangalaiting hiyaw sa akin ng aming guro sa politics.

Agad naman akong nilapitan ni Cara at agad kaming natawa dahil sa may naisip kaming kalokohan na nagpatango sa kanya.

“Ma’am, ako po may kasalanan… sinabihan kasi ako ni Angelica na tanga dahil lang po sa debate.” Humagulgol si Cara upang mas makatotohanan ang acting nya.

 Bigla namang nakumbinsi ang aming guro kaya’t agad nya itong nilapitan.

“Angelica and Aimi, go to the guidance office. Now!” bulalas niya sa sa amin.

Habang patuloy pa rin sa pag-acting si Cara na animo’y mahihimatay kaya’t siyang dinala sa clinic. Hindi ko mapigilan natawa sa naging plano namin.

Lahat ng naging tanong sa akin ay sinasalungat ko kaya’t dagling tinawagan ng aming guro ang number ni papa para pauwiin ako dahil ito raw ang parusa sa ginawa namin ni Angelica. Agad na sumilay ang ngiti sa labi ko ng sabihin nilang, hindi muna kami makakapasok sa mga next class namin.

Maya-maya pa'y dumating na si papa na galit na galit at kinausap ang aming guro.

Habang pauwi kami ay nagtipa ako sa aking cellphone upang makausap si Cara.

Aimi: Ghorl, asan ka na. Pinauwi ka na ba ng clinic?

Cara: Tinatawagan pa parents ko. See you at the bar HAHAHA!

Agad akong napangiti habang nasa sasakyan na kami dahil plano talaga namin ni Cara ay mag-cutting class para pauwiin kami dahil balak naming pumunta sa birthday party ni Kim. Actually, pinag-iisipan namin kung pupunta kami dahil nga may klase at mukhang nagbigay ng sign si God.

Nanlaki ang aking mga mata nang magsalita si papa na mukhang nagalit sa inakto ko, “Aimi kailan ka pa natuto makipag-away ha? Kung nandito ang mama mo paniguradong lagot ka. Pasalamat ka at wala s’ya rito.”

Agad akong napairap sa kawalan. Oo na! Wala na si mama at ilang years pa lang ang nakakalipas, kung kaya’t ang laki ng galit sa akin ng kapatid ko. Bigla ko naman naalala kung bakit s'ya namatay.

“Aimi… anak halika at bibili tayo ng mga kailangan mong gamit sa paaralan,”

Napairap naman ako dahil ayokong gumala ngayon at mas lalong wala akong balak sumama sa kanya. I hate her, dahil sa kanya nawala si Lola. Kung hindi s’ya inabandona nila mama eh ‘di sana buhay pa siya ngayon.

Habang naalala ko kung paano niya tingnan ng may pagmamakaawa ay hindi ko mapigilan masaktan.

“Pwede ba, mind your own business wala akong pakialam sa anumang sasabihin mo,” may galit at mariin kong sabi sa kaniya.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 14

Ang totoo, isa akong straight forward na tao. Palagi kong sinasabi lahat ng kung ano ang nasa aking isip, ngunit dito ay kailangan kong mag-isip bago ako magsalita dahil hindi nila pwedeng malamang hindi ako ang tunay na Aimi. Nang makababa kami ay napuno ang aking mga mata ng purong pagkamangha. Kitang-kita mula sa salamin sa labas ang mga naggagandahang damit sa loob ng establisyemento. Napaawang ang aking bibig ng isang segundo dahil manghang-mangha ako sa mga damit na nakikita ko. Ang mga brilyante ay napakadetalyado na kahit na malayo ko kula sa mga ito makikita kung gaano ito kaganda. "Pumasok tayo sa loob," saad si Floè at sinalubong kami ng iba na may ngiti sa kanilang mukha. Sinubukan kong batiin sila pabalik at isang babaeng may itim na itim na buhok ang nagsimulang payuhan kami tungkol sa mga binebenta nilang damit. "Maaari ko bang malaman kung sino ang malapit nang maging asawa ni

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 13

Aimi Lumipas na ang gabi habang patuloy ko pa ring iniisip ang sinabi ni Danilo sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong pumayag sa gusto niyang mangyari o baka magdulot lamang ito ng pagkalito sa pagitan nila. Isa pa, wala akong karapatang magdesisyon dahil hindi ko naman ito katawan. Bahagya pa akong napaigtad nang kumatok si Misis Olivia sa pinto. Sinubukan kong tumayo at nagdulot iyon ng tunog sa kamang kinahihigaan ko. Binuksan ko ang pinto at nakitang nakangiti siya sa akin... Kay Aimi. "Magandang umaga, Senyorita Aimi. Ang ganda niyo po ngayong araw. Nakahain na po ang almusal sa hapag. Bababa po ba kayo o rito ko ihahain?" tanong niya sa akin habang malapad pa ring nakangiti. Medyo bastos kung dito ako kakain. Bababa na lamang ako upang hindi sirain ang reputasiyon ng tunay na Aimi.

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 12

Agad akong sumagot na wala at umupo siya sa upuan na nasa loob ng silid ko at nagsalita, “Huwag niyo pong sasabihin na wala kayong maalala, kung hindi po ay malalagot tayo nito. Ang totoo po kasi niyan tumakas ka upang makipagkita kay Danilo ngunit agad niyang sinabi sa akin na dinukot ka raw ng mga rebelde kaya agad ko itong sinabi sa'yong ama hindi naman nagtagal ay may nagpadala sa iyong ama ng liham na kailangan niyang umalis sa kaniyang katungkulan upang mabawi ka,” tuloy-tuloy na ani niya. Kung gayon paano ako napad

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 11

“Ayos ka lang ba ate? Hindi ba't mahilig ka sa pagluluto, bakit parang nalulungkot ka?” nag-aalala niyang tanong sa akin. Napatawa naman ako ng kaunti upang hindi mahalata ang aking kaba. Mahilig lang ako ku

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 10

“Narito na ang iyong kapatid, Avery hindi mo ba s'ya nais makita?” wika ni ina. Niyakap ko naman ito na kunwaring kilalang-kilala ko ngunit ang totoo'y hindi ko s'ya kilala. Agad naman itong natuwa at niyakap ako pabalik.

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 09

Unti-unti kong ginagalaw ang katawan ko at habang nararamdaman ko ang sahig na aking hinihigaan kaya't nagising ako. May tumatapik sa akin ng mahina kaya agad naman akong napasigaw, “P’wede ba, ‘wag nyong guluhin yung taong natutulog. Napagod sa kakaisip kung paano ko ba gagawin ang scrapbook ko.”

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 08

Napakamot ako ng bahagya sa aking ulo. “N-Nais ko po sanang may imbitasyon sa kasal.

Aishiteru, Avery Allexciannie (Filipino)   Kabanata 07

Napalingon ako sa kanya, napabuntong-hininga at sinabi ang pangalan na napunta sa akin, “Shi Tanaka.”

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy