loading
Home/ All /Aim for Rank Five (Tagalog)/TWO

TWO

Author: Jin
"publish date: " 2020-08-16 14:38:41

CELESTE

"Kanina ka pa?" tanong ko nang makitang nagluluto si Ashanti sa kusina pagkagising ko. Tumingin siya sa akin at tumango.

"Anong trip mo at sinipag ka?" tanong kong muli bago sumilip sa niluluto niya. Simpleng fried rice iyon na may lahok na gulay. Nakahain na rin sa lamesa ang pritong hotdog, ham, itlog at bacon pati na rin ang salad ni Kelly.

"Gusto ko lang," sagot niya. Tumango naman ako at umupo na sa lamesa. 

Normally, Ashanti is someone who doesn't like moving. Unlike Clio, mas pipiliin niya pang humiga sa kama at matulog na lamang sa halip na magpalakas ng katawan at mag-exercise. 

"Can you please call Clio and Kelly?" she asked. Tumango naman ako at agad na sumunod. 

Dahil iisa lamang naman ang kuwarto naming lahat ay mabilis kong nagising ang dalawa. Buti na lamang talaga at nasa mood ngayon si Kelly at hindi na nag-inarte pa. Hindi kasi siya morning person katulad naming tatlo.

Nang bumalik ako sa kusina ay nakahain na ang pagkain at nagtitimpla na si Ashanti ng iced coffee niya. 

"Hindi ba talaga sumasakit ang tiyan mo diyan?" I asked before I sat down. She just looked at me and shrugged her shoulders without uttering a single word. Palihim naman akong bumuntong hininga dahil sa reaksyon niya. She's really weird.

"Good morning pips!" Malakas na bati ni Kelly nang makalabas siya sa kuwarto namin. Nakabihis na siya at sinusuklay na ang mahaba niyang buhok na may ash brown na highlights. Buti na lamang talaga at hindi against ang Avalon High sa pagkukulay ng buhok. 

"Good mood ka yata?" tanong ko.

"Dadating na raw kasi next week yung bag na inorder ko online. OMG I'm so kilig!" Walang gana akong tumango sa kaniya. Napailing rin si Ashanti nang marinig ang sinabi ni Kelly. 

"Si Clio?" 

"Naliligo pa. Lalabas na rin 'yun mamaya. Alam mo naman 'yun, konging buhos-buhos lang." Natawa naman ako at sumang-ayon sa sinabi niya. Unlike Kelly na maraming kung ano-anong ginagamit na pampaganda, wala masyadong pakialam si Clio sa panlabas niyang anyo. Well she's still pretty but she lacks effort when it comes to beauty care. 

"Are you talking about me?" Tanong ni Clio at umupo sa aking tabi. Agad siyang kumuha ng hotdog at kinain iyon.

"You're so gross talaga. May fork oh," reklamo ni Kelly kay Clio. 

"Sinong nag-luto?" 

Hindi pinansin ni Clio si Kelly at sa halip ay humarap sa akin at nagtanong. Agad ko namang itinuro si Ashanti na umupo sa tabi ni Kelly. 

"Sipag talaga," biro nito. 

"Kumain nalang kayo," tanging sabi ni Ashanti. Napailing naman si Clio at naglagay na ng kanin sa plato niya. 

"Uy baka, masarap ba?" Tumigil sa pagkain si Kelly at sinamaan ng tingin si Clio.

"Whatever," Kelly answered. Walang gana niyang isinubo 'yung salad na ibinigay ng mommy niya. Kada-linggo kasi ay pinapadalhan siya ng mommy niya ng meal prep. Her mom used to be a beauty queen and she's one of the most famous beauty queen in our country. 

"May pageant ka ba?" I asked. 

"Yeah, next next week." 

"Oh nga pala! Your brother won the election, right? Congrats!" Napatigil ako sa pagkain at tumingin kay Kelly.

"Uhm... Yes," I answered awkwardly.

"Anong election?" takang tanong ni Ashanti.

"Her older brother was appointed as mayor yesterday. Nakita ko sa news." I nodded and smiled awkwardly. Hindi naman kasi kami close ni kuya Yvvo. He's too strict and manipulative. 

"'Yung youngest mayor ba kamo?" Tumango naman si Kelly sa tanong ni Clio. 

"Nabati mo na ba?" Dagdag na tanong sa akin ni Clio. Tumigil naman ako sa pagkain at uminom ng tubig bago siya sagutin.

"Hindi pa. May dinner kami next week," I answered.

"Family dinner? Paano si Jarvis?" 

Namayani ang katahimikan sa aming apat dahil sa tanong ni Kelly. Pati si Ashanti ay napatigil rin sa pagkain at siniko si Kelly na nasa tabi niya. 

"Huh? Did I say something wrong?" Takang tanong niya. I heaved a sigh out of dissapointment. Kahit kailan talaga, walang preno ang bibig niya. Ugh!

"A-Ah mauna na ako girls. May dadaanan pa kasi ako." Tumayo si Clio mula sa kinauupuan niya at agad na isinukbit ang kaniyang bag.

"Clio..." 

"Ashanti, salamat sa pagkain. Ang sarap mong mag-luto. Sige, see you later sa classroom." Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita at agad na lumabas na ng dorm.

Malakas akong bumuntong hininga at sinamaan ng tingin si Kelly na tila hindi pa rin alam ang nangyayari.

"Sa susunod kasi mag-ingat ka sa mga sasabihin mo," pangaral ko.

"Ano ba kasing sinabi kong mali?" 

"Jarvis," sagot ni Ashanti. Nanlaki ang mata ni Kelly at eksaheradang tinakpan ang bibig niya. 

"OMG! I forgot, I'm sorry!"

"Nabadtrip tuloy si Clio," paninisi ko. 

"Hindi ko nga kasi sinasadya, okay? And isa pa, why can't she move on?" Inirapan ko naman si Kelly bago ako tumayo at pumunta sa harap ng vanity table namin. 

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at kinuha ang puti kong ribbon na headband. Agad ko itong isinuot at humarap kay Kelly.

"Hindi kasi madaling mag-move on, okay? Palibhasa hindi mo pa nararanasan."

"Girls..." banta ni Ashanti nang mapansing mag-aaway na naman kami ni Kelly.

Malakas na bumuntong hininga si Kelly bago nag-sorry. Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa aking sarili. 

"Tara na nga lang, baka ma-late pa tayo," aya ko.

"Mauna na kayo, liligpitin ko pa 'to," Ashanti remarked.

"Huh? Ikaw na nga ang nag-luto, ikaw pa ang mag-liligpit? Kelly, ikaw na ang magligpit." Umirap si Kelly bago tumango sa akin. Ashanti just sighed before wearing her bag. 

"Sumunod ka agad," bilin ko kay Kelly. 

Sabay kaming naglalakad ni Ashanti sa path walk nang maagaw ng atensyon ko ang nagkukumpulan na mga estudyante sa tapat ng bulletin board. I looked at Ashanti and she just shrugged. Sabay kaming lumapit at nakiusyoso. 

"Hey, what's with the commotion?" tanong ko sa isa naming kaklase. 

"May announcement na tungkol sa Rank Five," she answered. 

"What?" I exclaimed. Dali-dali kong hinila si Ashanti papunta sa bulletin board at nakipagsiksikan sa mga estudyante. 

"Clio!" Tawag ko nang makita ko si Clio sa unahan at nakatitig sa bulletin board. 

Tumingin siya sa amin at sinenyasan kaming lumapit. Agad naman kaming lumapit ni Ashanti sa kaniya. Dumako ang mata namin sa bulletin board at kapwa nanlaki ang aming mga mata.

"Bukas na agad?" I asked. 

Ang sabi kasi sa memorandum ay bukas na raw iaannounce ang Rank Five. Normally kasi ay a week after the start of new semester iniaannounce ang Rank Five at sa isang linggo pa iyon dahil noong isang araw lamang nag-simula ang klase.

"That's weird," bulong ni Ashanti.

Malakas na bumuntong hininga si Clio bago tumalikod. Bago pa man siya makaalis ay nag-salita muna siya. "Let's just hope for the best," she remarked.

"What the freaking hell? Bakit hindi mo ako ginising?" Iritable kong tanong kay Clio na nakaligo na at nag-aayos na samantalang kakagising ko lamang.

"Ginigising kaya kita, ikaw ang ayaw magising." Napairap ako at dumiretso na sa banyo. 

Damn, kung kailan announcement na ng Rank Five, saka pa ako mal-late? Ugh! Why did I study so much last night?

Mabilis akong nakatapos sa paliligo at pagbibihis ng uniform. Nang lumabas ako ay nakahanda na rin ang tatlo. 

"Bilisan mo naman," reklamo ni Kelly. 

Hindi na ako sumagot sa kaniya at mabilis na nag-ayos ng sarili. Nakatingin lamang sila sa akin kaya't medyo naconscious ako sa kung ano mang pinaggagagawa ko. 

"Mas bagay 'tong shade na 'to oh." Iniabot sa akin ni Kelly ang isa pang lipstick na bigay sa akin ni Ashanti noong birthday ko. Tumango na lamang ako dahil alam ko namang expert siya pagdating doon. 

Nang tumayo ako ay sabay-sabay rin silang tumayo at nagsukbit na ng bag. Napailing na lamang ako at mae binilisan pa ang kilos ko. 

"Let's go?" I asked. Hindi na sila sumagot at nauna nang lumabas. 

"Five minutes pa bago i-post sa bulletin board ang Rank Five. May oras pa tayo," ani Clio. Tumango ako at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Huh, I'm gonna prove to those people who belittled me that I can do it. Isasampal ko sa mukha nila," rinig kong bulong ni Kelly. Napangiti na lamang ako at hindi na siya pinansin. 

Dumako naman ang mata ko kay Ashanti na prenteng umiinom ng iced coffee. Tumabi ako sa kaniya at napatigil siya sa pag-inom.

"Hindi ka ba kinakabahan?" 

"Ewan, bahala na," she answered. 

Sana katulad lang din ako ni Ashanti. Hindi katulad niya ay halos atakihin na ako dahil sa lakas ng tibok ng aking puso. This is the day that all of our hardworks for the past few years would pay off. Hindi iyon dapat mapunta lang sa wala. 

I need to be a part of the Rank Five.

"It's posted!" Malakas na sigaw ni Kelly. Sabay-sabay kaming tumingin sa bulletin board at kakaalis lamang ng lalaki na staff ng school na nag-post ng announcement.

I inhaled a large amount of air before wiping my sweaty hands on ny uniform. "Shall we see it?" I asked. 

Tumango naman ang tatlo at kapwa kami nag-martsa papunta sa tapat ng bulletin board. 

"Celeste..." Clio whispered upon seeing the rankings. 

"OMG! I made it!" Kelly exclaimed. 

"Congrats," bulong sa akin ni Ashanti.

AVALON HIGH RANK FIVE:

1). Villareal, Celeste Louisse

2). Monvale, Ashanti Wren

3). Quin, Clara Siobhan

4). Carson, Kelly Eiryne

5). Pascua, Chase Glynn

"Girls.... We made it!"

-------

:)

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Aim for Rank Five (Tagalog)   THIRTY FOUR

CELESTEI sipped on my milk while staring out of nowhere, trying to think if we are really ready for the challenge."Earth to Celeste! Hey!" I blinked a few times and looked at Kelly confusedly."Yes?""You're sulking. What's the matter?" she asked."I'm just... You know, nervous I guess?"She chuckled. "Oh come on! Ikaw pa, kakabahan? You're the smartest out of all of us.""You're bluffing again," I retorted and sipped on my milk again."The line up is already decided, right?" Ashanti asked while drinking her iced coffee.I nodded. "Are you confident?""Of course, I am. History is a piece of cake," she answered."You're lucky," Kelly said

Aim for Rank Five (Tagalog)   THIRTY THREE

CELESTE"Are you really fine?"I sighed for the umpteenth before looking at Kelly. "I'm already said that I am fine, right?""I didn't know that she's hurting you." Umangkla siya sa braso ko at isinandal ang kaniyang ulo sa aking balikat. Napailing naman ako. "That rarely happens. Don't worry.""But still..." I sighed and gave her a lop-sided smile. "Don't pity me."She pouted. "It's not that I pity you. I'm just worried," giit niya."You don't have to.""Anong kadramahan 'to?" tanong ni Clio pagkababa sa kotse nila."Just Kelly acting like a baby," sagot ko."Bakit hindi pa kayo pumapasok sa loob?" Clio asked and raked her fingers throu

Aim for Rank Five (Tagalog)   THIRTY TWO

CELESTE"Are you sure that this plan would work, Celeste?" I sighed and looked at Kelly once again. "You know what, if you don't trust me, then you can leave," iritable kong sabi.She pouted before highlighting her notes once again. Of course, she won't leave. This is our only chance to claim our spot from those traitors."I am supposed to go London right now," Kelly uttered."Walang holiday pagdating sa pag-aaral, Kelly.""Ugh! This is so irritating na. For sure, nagsasaya na sina Kenley kasama sina Mommy at Daddy sa London tapos ako, nandito sa Pilipinas at nag-aaral," reklamo niya."Kelly, we need to do this. Gusto mo bang bawiin ang puwesto mo o hindi?" Ashanti told Kelly."At isa pa, puwede ka namang pumunta sa London anytime. Those leisure activities can wait," segunda naman ni Clio.

Aim for Rank Five (Tagalog)   THIRTY ONE

CELESTE My footsteps were heavy while walking at the school's corridor. The view of the sun setting on our west gives color to the dull sky— but it won't give color to mine.I bit my lower lip as my hands squeezed into fists. I cannot believe this."Celeste," Clio called me.I heaved a sigh before looking at her and Kelly. "What?"She looked at me with her eyes full of worry. Nag-iwas naman ako ng tingin."What are you going to do?" she asked.I swallowed the lump on my throat. "Wala na naman akong magagawa, hindi ba? We already missed the test. That's it."Kelly wiped her cheeks as a new batch of tears started to roll down. Bumuntong hininga naman ako. What's the point of crying? At this point, we already knew that we lost our spot.We are out of T

Aim for Rank Five (Tagalog)   THIRTY

CELESTE"I'll go to the library first before going to our classroom. Nine o'clock pa naman 'yung start ng exam, right?"Kelly is taking a bath, Clio is busy studying while Ashanti is already at the coffee shop to buy a cup of coffee. We were all busy and panicking because the midterm exam is just right around the corner. Though I trust my knowledge, I am still nervous of what might happen. This is my last chance— and I can't miss it. Not today."Pupuntahan mo ba si Markus?" Clio asked while I'm wearing my shoes.I nodded. "We agreed to meet. I won't help him, though. We are just going to study a little bit before the test.""Baka makasalubong mo si Jarvis, tell him to study. Baka bumagsak pa 'yun nang wala sa oras. Mahirap na, mainit pa naman ang dugo ng Mommy niyo sa kaniya," bilin niya."Kahit naman hindi mo sabihin, sasabihin ko pa rin. At isa pa

Aim for Rank Five (Tagalog)   TWENTY NINE

CELESTE"Gosh! I'm so exhausted!" reklamo ni Kelly nang makarating kami sa cafeteria para kumain."Bakit kasi sa dami pang araw na puwede tayong tambakan ng trabaho, ngayon pa?" segunda ni Clio at padabog na umupo sa lamesa."Girls, it's our duty as a part of The Rank Five. Remember, we are the role model of this school. This is our responsibility," pangaral ko at umupo na rin sa tabi ni Clio."But isn't it weird?" Tumingin ako kay Ashanti at nagtaas ng kilay."Ang alin?" I asked."Katulad nga ng sinabi ni Clio, bakit nila tayo tinatambakan ng trabaho samantalang malapit na ang midterms? We are supposed to study during this time," she added.I sighed. "Katulad din ng sinabi ko kanina, it is our responsibility. Baka sadyang nagkataon lamang na ngayon maraming kailangan ipagawa."She lifted her shoulders in a half shrug. "It's still weird f

Aim for Rank Five (Tagalog)   TWENTY FOUR

KELLY"Where are you going?"Celeste eyed me while fixing her white ribbon headband. "Library," she answered shortly."Na naman? What are you doing there ba?""I don't like stating the obvious, K

Aim for Rank Five (Tagalog)   TWENTY THREE

ASHANTI"I'll be there within an hour. May errands lang akong kailangang gawin," I told Kelly on the phone."What are you going to do ba?" Maarte niyang tanong.I sighed. "Dadaan ako sa office. May naiwan akong files na kailangang irev

Aim for Rank Five (Tagalog)   TWENTY TWO

CELESTEI lazily walked out from our classroom when the class ended. Me and Ashanti haven't talk for two days since she got mad. May practice si Clio samantalang kasama naman ni Ashanti si Kelly.Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagl

Aim for Rank Five (Tagalog)   TWENTY ONE

ASHANTI"I think I have a dream now."My friends looked at me confusedly, telling me to proceed. I sipped on my iced coffee before straightening my back. "What?" Kelly asked."A lawyer."

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy