Cargando
Inicio/ Todos /Witchy tale: The Oracle's Dream /Chapter Five

Chapter Five

Autor: Nadia Lucia
"Fecha de publicación: " 2020-07-30 17:11:25

SA pagmulat ng mga mata niya ay hindi maiwasan ni Phoebe ang magulat nang makita niya ang liwanag na naglalagos sa labas.

Noon niya napansin ang kumot na nakapatong sa kanaya at maayos ana ng pagkakahiga niya sa kama. Sandali siyang napakunot ng noo nang maalalala niyang Naalimpungatan siya kinagabihan na ginigising siya ni Magi pero dahil na rin sa inaantok pa siya ay hinayaan na lang niyang alalayan siya nito para makahiga saka muli siyang nakatulog

Bumangon na siya at hindi niya maiwasang makaramdam ng ginhawa ito kasi ang unang beses na nakatulog siya nang matagal o nagigising dahil sa mga napapanaginipan niya.

This time she dreamed nothing as in wala blangko napatingin siya sa suot na bracelet hindi kaya ito ang may dahilan kung bakit nakatulog siya ng maayos this time

Saka napansin niyang hindi siya ngayon ginising ni Magi ibig sabihin ay hindi pa ito tapos sa trabaho, Inabot niya ang cellphone sa may bedside table, alas siete pa lang ng umaga ito yata ang unang beses na nagising siya ng ganito kaaga hindi iyon ito ang kadalasang oras na tulog pa rin siya dahil alas singko na ng madaling araw siya nakatulog.

Tuluyan na siyang tumayo sa kama saka dumiretso sa may banyo iniisip niya ngayon kung anong pwede niyang gawin para magpalipas ng oras.

Bukod kasi sa cellphone ay wala siyang internet o TV man lang dahil nga hindi siya mahilig sa mga ganoon. Para sa kanya usually pantawag at pang-txt ang cellphone niya maliban doon ay wala na siyang pinaggagamitan `non.

Doon niya na-realize na maliban pala sa pagpipinta ay wala siyang masyadong ginagawa.

Pagkababa niya sa komedor ay wala sa sariling napatingin siya sa lugar, maliban sa kanya at kay Magi ay walang ibang tao na pumapasok sa bahay.

Nakikita niya ang agiw at dumi nang pagmasdan niya ang buong lugar ilang beses na bang nag suggest sa kanya ang kaibigan na mag-hire ng stay out na kasambahay? Kaso ayaw niya dahil una kahit na ba hindi halata ang iba sa mga gamit sa bahay ng kanyang Lolo ay antique na at ang iba doon ay pwede nang ipagbili sa mataas na halaga.

Madalas pa man din siyang walang pakialam sa bahay lalo na kapag tutok siya sa pagpipinta.

Doon niya napagpasyahan na maganda siguro kung mag general cleaning na muna siya, hidni ba at iilang beses niyang naririnig ang mga bata kapag napapadaan na hunted house and lugar? Bukod sa mga patay na mga halaman sa labas ay hindi na niya nagawang maipare-paint ang lugar dahil na rin… bakit nga ba?

Nagkibit balikat na lang siya saka pinuntahan ang supply closet, pagkabukas ng pinto ay hindi niya maiwasnag  maubo dahil kahit na doon ay masyado irn kasing maalikabok ang lugar.

Ilang taon na ba simula nang huli siyang nakapaglinis ng bahay? Ah yes naalala niya na niya almost two years na rin siguro. Simula noong mamatay ang Lolo Tatay niya dahil sa sakit na cancer.

Huminga siya ng malalim yes, she grieve for the past years at iyon rin siguro ang naging dahilan kung bakit bigla na lang nagloloko ang kapangyarihan niya because of her own emotional status.

Pero sa ngayon hindi na muna niya `yon pinagtuunan ng pansin isa pa kailangan na muna niyang uumpisahan ang maglinis tutal naman ay wala pa si Magi at hindi pa siya makakakain ng almusal.

Hindi niya maiwasang matigilan kailan nga ba siya nasanay na gusto niyang may kasama na siyang laging kumakain?

Maybe because on how Magi simply bulldoze her presence in her life kaya siguro kinalaunan ay nasanay na lang siyang basta.

Napabuga siya ng hangin saka kinulha ang walis tambo kaysa naman kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya dapat lang siguro niyang umpisahan ang paglilinis niya.

Pinuntahan niya ang sala at halos marimadima siya sa dumi ng lugar, maraming agiw sa may kisame pati ang paboritong chandelier ng kanyang Lolo ay puno na rin ng agiw, madumi din ang sahig at kailangan niyang i-wax pagkatapos.

Kung nandito lang siguro ang Lolo niya baka napingot na siya nito sa tenga dhail hinayaan lang niya ang bahay nito na humantong sa ganitong estado. Hindi nga ba at iilang beses siya nitong kinagagalitan dati dahil minsan nakakaligtaan niyang maglinis ng bahay dahil na rin masyado siyang busy sa pagpipinta niya?

Hindi niya maiwasang mapangiti dapat lang siguro na tanging mga masasayang alaala ang hayaan niyang manatili hindi na rin siguro dapat niya hinahayaan ang sarili na palaging malungkot.

Napatingin siya ulit sa lilinisin niyang lugar saka napabuntong-hininga. Parang ngayon pa lang napapagod na siya pero syempre kailangan niyang tapusin `yon bago matapos ang araw. Inililis niya ang suot na t-shirt saka kinuha ang feather duster

saka nagumpisang tanggalin na ang agiw sa kisame.

Pagpag dito, kuskos doon hindi niya maalala kung ilang beses niya iyon na ginawa hanggang sa makita niyang kumikintab na ang sahig at umaliwalas ang buong paligis. Tinanggal na rin kasi niya ang makakapal na kurtina sa lugar kaya mas naging maaliwalas ang sala.

Pinunasan niya ang pawis gamit ang isang malinis na bimpo at kahit na papaano ay natuwa siya sa itsura ng buong lugar. Noon niya napansin na tanghali na pala at kumukulo na ang tiyan niya.

“Phoebe!” napakislot siya nang marinig niya ang sigaw ni Magi sa labas.

She know thst this woman is like a freaking bouncing sunshine pero masama sa puso niya ang palagi na lang nagugulat dahil sa pinagagawa nito.

“Pasok!” aniya pero hindi pa rin siya tumayo mula sa pagkakasalampak niya sa sahig.

“Wow! Anong nangyari? Bakit ang linis naman ata masyado?” nilapitan siya ni Magi mula sa pagkakasalampak sa sahig saka tumalungko sa harap niya bago hinawakan nito ang mukha niya saka ipinaling sa kaliwa’t kanan. “Hindi ka kaya nasasaniban ng masamang ispirito?”

Inis na pinalis niya ang kamay nito sa mukha. “Hindi.”

“Then did you have a good night dream?”

Nagulat siya sa sinabi nito. “Paano mo nalaman?” Nagtatakang tanong niya.

“Paano po kasi hindi ka na nangangalumata,” anito saka umayos na ng tayo. “Halika na nga,” inilahad nito ang palad para tulungan siya mula sa pagkakasalampak niya sa sarhig saka niya napansin ang supot na hawak nito.

“Late ka ata ngayon?” hindi niya maiwasnag mapuna dahil madalas na umaga pa lang ay pumupunta na ito roon para makakain siya nag almusal.

Lumabi ito sa kanya. “Sino kayang may kasalanan? Pinuntahan kita dito kagabi tinulugan mo lang ako late na tuloy akong nakakain ng dinner.”

Hindi naman niya maiwasang ma-guilty sa sinabi nito. “Bawi na lang ako sa`yo.”

“Paano ka naman babawi aber? You obviously don’t like going to crowded people kaya hindi kita maayang mag-gala.” She said stating only but the truth napangiwi na lang siya kasi totoo naman ang sinabi nito.

Hindi lang iilang beses siya nitong inaya na lumabas pero palagi na alng siyang tumatanggi kasi nga iniisip pa lang niya na madaiti ang balat ng mga tao sa kanya at biglang gumana ang kapangyarihan niya sumasakit ng sobra ang ulo niya.

“Basta whenever you need something sabihin mo lang sa`kin I’ll do it for you kahit na ano pa `yon.” Sa totoo lang hindi niya alam kung ito ba talaga ang kinukumbinsi niya o ang sarili niya.

“Promise mo yan ha?”

Tumango siya saka tinulungan niya itong maghain ng pagkain nila pagkatapos nila ng pagkain ay tinanong siya ni Magi.

“By the way it just made me curious bakit nga ba hindi ka makatulog ng maayos tuwingg gabi?” tanong nito.

Sandali siyang natigilan saka nagisip kung sasabihin nga ba niya dito ang totoo. Pinagmasdan niya ito this time gusto niyang subukan kung maniniwala ito sa kanya kung hindi naman pwede namna niya iyong ipasa as a joke. Sa tingin niya? Pero hindi rin siya ganon kasigurado.

Bahala na. “I dream about a guy for the past years, hindi ko siya kilala hindi ko alam ang pangalan niya but he was always there.”

“Hmmm, alam mo ba? They say drems connect people in your case nga lang there is a undeniably string that connected you two.”

Tinignan niya ang mukha nito at wala siyang makitang trace ng kahit na anong sa mukha nito maliban lang sa sincerity na para bang hindi na pangkaraniwan dito ang naririnig sa kagaya niya.

“Sa tingin mo ba talaga?” paninigurado niya.

“Oo naman.” Nakangiting sagot nito sa kanya. “So do you have any about this guy?”

“Wala maliban sa itsura niya, saka nitong mga nakaraang araw I was woken by nightmares na may masamang mangyayari sa kanya kung hindi ako gagawa ng kahit na anong aksyon.”

“Then why don’t you?”

“Huh?”

“We have internet Phi unless multo `yang napapanaginipan mo imposibleng hindi natin malaman ang pangalan niya. Malay mo namna we can really see if he’s just simple a figment of your imagination of he’s real.”

Natahimik siya sa sinabi nito bakit nga ba hindi niya naisip agad ang bagay na `yon in the first place? Tama takot kasi siya takot siya na baka kung ano na naman ang marinig niya sa ibang tao.

But then bakit nga ba hahayaan niya ang sarili na makulong sa opinyon ng ibang tao na hindi naman niya kilala in the first place.

If this guy is real then handa niyang bigyan ito ng babala ito na nga lang siguro ang magpapasya kung susundin nito or hindi ang sasabihin niya.

Tumango siya sa suggestion ni Magi. “Sige I want to try to see if he’s real.”

Iyon ang determinadong sinabi niya kahit na hindi siya sigurado sa sarili niya kung kaya nga ba niyang gawin ang binabalak niya.

Nadia Lucia 

COmment|vote 

Want to know what happens next?
Continuar Leyendo
Capítulo anterior
Capítulo siguiente

Compartir el libro a

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Último capítulo

Witchy tale: The Oracle's Dream    Epilogue

“YOU know, when I say that I will sponsor your works as Cassiopeia, this is not what I meant.” Iyon ang reklamo ni Leo kay Phoebe habang papasok sila ng Illusions. Kung saan for the first time, her past works are displayed. Why past? Dahil hindi na siya nagpipinta in the mortal world, that is. Isang taon na ang nakakalipas simula noong sundan siya nito sa Witchester and from there on he didn’t turn back. On her, and on the things that she nneeded to face as a member of her family. Maraming tao ngayon sa loob ng gallery, para ngang ito lang ata ang unang pagkakataon niya na nakitang ganito karaming tao sa loob. But then sino nga bang hindi macu-curious sa fiancee ni Leonard Toledo? Na kasama nitong namatay sa isang car accident.

Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Fifty-Two

NATULOS si Phoebe sa kinatatayuan niya habang nakatingin siya kay Leo, habol nito ang hininga habang tagaktak ang pawis nito. Halata na tumakbo ito ng pagkalayo-layo para lang makita siyang muli. His eyes is saying it all, na para bang wala siyang malaking kasalanan na nagawa dito, yet he was here, and can’t believe that this is really happening. Bumaba siya sa kinatutungtungan, habang nakaalalay sa kanya ang mga fairies. There wings are fluttering excitedly as if they are watching something that is amusing on their eyes. Gusto niyang lapitan ito sabihin ang lahat ng mga gusto niyang sabihin, that she’s sorry, that she never meant this things to happened, and that she really loves him. Pero kahit na ba nakababa na siya sa bato a

Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Fifty-One

PAGKAIBIS ni Leo sa sasakyan ay napatingin siya sa bakal na gate sa labas ng mansyon nila Magi. Hindi siya sigurado sa kung ano nga ba ang mangyayari pero alam niya sa sarili niyang hindi siya aalis sa lugar na `yon hangga’t hindi siya nakakagawa ng paraan para muli niyang makita si Phoebe.

Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Fifty

NAGISING si Leo sa kanyang kwarto at hindi niya maiwasang mapangiwi nang maramdaman niya ang pagkirot ng ulo niya pakiramdam niya para sa siyang hang-over pero alam naman niyang kahit na ba nakainom siya ng wine ay malakas naman ang alcohol tolerance niya. Napatingin siya sa bintana at nakita niyang gabi niya kaya sigurado siyang hindi niya magagawang puntahan ang lugar na gusto niyang puntahan.

Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Forty-Nine

KANINA pa ni Leo gustong tigilan itong kahibangan na ginagawa niya, he’s been searching for hours pero wala siyang makitang bagay na hindi naman pamilyar sa kanya. Nakit aniyaang pagkalito sa mukha ng mga katulong dahil sa ginagawa niya pero sinabihan na lang niya ang mga ito na hayaan na lang siya. Mukha naman kasi siyang tanga kung sasabihin niya sa mga ito hindi niya alam kung ano ang hinahanap niya.

Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Forty-Eight

LEO felt tired it was the first thing that he noticed after he got out of the hospital. Kaya nga hindi na siya nagtataka kung bakit mas pinili siya ng kapatid na magpahinga siya trabaho giving him a force vacation. May mapagkakatiwalaan namna siyang tao sa companya kaya hindi na rin niya kailangan pa ng mga dapat alalahanin pa ang kompanya.

Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Thirty-Five

ILANG araw nang hindi mapakali si Leo. Hindi na kasi niya magawa pang ma-contact si Phoebe tuwing tinatawagan niya ito ay palaging un-at

Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Thirty-Four

“SIGURADO ka bang okay ka lang?” hindi na maalala ni Phoebe kung pangilang beses na iyon an itinanong sa kanya ni Magi nang makarating sila sa mans

Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Thirty-Three

SA Totoo ang ay parang nakalutang pa rin sa alapaap si Phoebe sa mga sumunnod na sandali it was as if there hearts got a mind of their own and agreed to smply

Witchy tale: The Oracle's Dream    Chapter Thirty-Two

“HEY!” bati kina Phoebe ng lalaking may hawak na plato nang mapansin sila nito.

Más capítulos
Descargar el libro
GoodNovel

Descarga el libro gratis

Descargar
Buscar lo que desee
Biblioteca
Explorar
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Cuentos cortos
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CrearBeneficios para escritorConcurso
Géneros populares
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contáctanos
Acerca de nosotrosAyuda y sugerenciasNegocios
Recursos
Descargar appsBeneficios para escritorPolítica de contenidoPalabras claveBúsquedas PopularesReseña de libroFicción de fansFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Comunidad
Facebook Group
Síganos
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Condiciones de uso|Privacidad