Download the book for free
ULTRA TWO
Author: iMarjayNariULTRA GAYS GALAXY
REMAKE 2020© kaminari amanashi
ULTRA TWO: Meteor Mash
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Ultra Gays Galaxy ULTRA EIGHT
ULTRA GAYS GALAXYREMAKE 2020©iMarjayNari(Kaminari amanashi) ULTRA EIGHT: FAREWELLMakalipas ng tatlong araw ay medyo nahasa na ang aking stilo sa pakikipaglaban. Lumiksi ang aking galaw 'di gaya ng dati na natatapilok ako sa tuwing umiilag ako sa mga atake ni Meiji. Kaya ko na ding kontrolin ang ipinamalas ni Meiji na kapangyarihan; ang kapangyarihang mapanira na isang pitik lang ay kayang gibain ang isang gusali."Huwag mong pigilan ang kapangyarihan ni Kitsune, hayaan mong lamunin ka ng apoy niya!"sigaw ni Meiji na nasa itaas ng puno habang abala kami sa pag-eensayo."Duh! Ang init kaya buti naman sana kung hindi mainit noh!"sigaw ko palabalik saka 'ko in-atras ang aking kanang paa upang bumwelo. Huminga ako ng ma
Ultra Gays Galaxy ULTRA SEVEN
Ultra Gays GalaxyRemake 2020© iMarjayNari(Kaminari amanashi) ULTRA SEVEN: Killing Spree Kinaumagahan, alas cinco ng madaling araw no'ng bumaba ako ng silid. Dahan-dahan at hindi ako gumawa ng kahit anong ingay habang palabas ng aming bahay. Pagdating ko palang dito sa tarangkahan ay bumungad na si Meiji mula sa labas habang nakaantabay sa upuang gawa sa bato.Madilim pa ang buong kalawakan at nakadungaw mula sa taas ang mga bituing kumikisap-kisap. Malamig ang simoy ng hangin na nagbibigay ng kaba sa'kin sa tuwing sumasagi sa'king isipan na magiging tagapagligtas ako ng mundo. Ito ang kakaibang nangyari sa buhay ko, ang magsanay ng kapangyarihan na kung saan hindi
Ultra Gays Galaxy ULTRA SIX
ULTRA GAYS GALAXY REMAKE2020 ©iMarjayNariKaminari amanashi ULTRA SIX: THE POWER OF USSABADO, mariin kong naririnig ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng aming bahay. May dala itong kakaibang kiliti sa aking tainga na tila tumataas ang aking balahibo at napapanatili nitong patulugin ang aking diwa. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa aking malambot na unan at damang-dama ng aking balat ang lamig na binubuga ng electric fan na nakatutok sa'kin.Bahagya kong binukas ang aking kaliwang talukap sa mata at nakita ko ang mga patak ng ulan sa bintana, na kung saan nasa kaliwang gilid ko lang. Tila pinaghalong asul at lila ang kulay ng kaulapan at kumikisapk
Ultra Gays Galaxy ULTRA FIVE
ULTRA GAYS GALAXYREMAKE 2020 ©Kaminari amanashiiMarjayNari ULTRA FIVE: Black and WhiteAlas dos ng hapon noong nagtungo kami nina Larry at Julian dito sa athletic field. Tulad ng aming inaasahan ay tirik ang araw na may dalang kaunting init sa aming balat. Naupo kami dito sa pinakadulong stand at pinagmasdan ang lawak ng athletic field, ngunit sa bandang gilid nito ay makikita ang malaking crater dulot ng bumagsak na bulalakaw. Bakante namin ngayon at dito ang kalimitan naming pinagtatambayan sa tuwing wala kaming guro sa classroom."Kailangan pa talagang lumayo ng classroom para lang sa isang panaginip na ibabahagi mo friend?"tanong ni
Ultra Gays Galaxy ULTRA FOUR
ULTRA GAYS GALAXY2020 REMAKE©Kaminari amanashi ULTRA FOUR: KitsuneIsang malakas na pagsabog ang umugong sa paligid kung kaya't napabalikwas ako ng bangon at bumilis ang tibok ng aking puso, na wari'y nakipaghabulan ako sa kabayo. Nilakbay ko ng tingin ang aking paligid at tila nandito ako sa walang hanggang gubat; madilim at puro nalantang puno ang na sa paligid.Hindi ko alam kung nasaang lugar ako napadpad sa aming bayan, kaya naman naisipan kong tumayo at hinanap ang daan pabalik ng aming bahay. Tumakbo ako ng walang humpay dito sa isang masukal na gubat habang tumutulo ang mga pawis sa aking noo.Tanging tunog ng tuyong dahon ang maririnig at mga kuliglig na nakakalat sa paligid. "Excuse me may tao ba dito?"sigaw ko ngunit eko lang a
Ultra Gays Galaxy ULTRA THREE
Ultra Gays GalaxyREMAKE 2020©kaminari_amanashi ULTRA THREE: Unexpected VisitorNagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog dahil sa mainit na sensasyon sa aking dibdib. Parang nanunuot ang init na wari'y pinapaso ito kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon at hinawakan ang aking dibdib. Napangiwi ako sa init kung kaya't sinandal ko ang aking likod sa ulunan ng kama. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan at nilakbay ko ng tingin ang buong paligid, mula dito sa aking posisyon ay kapansin-pansin ang kulay puting pintura ng silid at sa gilid ng aking kama ay nakabukas ang bintana. Malayang dinuduyan ng hangin ang asul na kurtina dito sa loob at mariin kong naririnig ang sipol nito na may dalang kapayapaan sa aking kaibuturan.Nagitla ko noong biglan
Ultra Gays Galaxy ULTRA ONE
Disclaimer This story is a work of Fiction. Names, characters, places and events are fictitious. Any resemblance to real person, living or dead, or actual events is purely
