loading
Home/ All /The Psycho's Bed/Chapter 6

Chapter 6

Author: AdicQueen09
"publish date: " 2020-09-26 20:17:03

Zahra's P. O. V

Habang naglalakad ako palabas ng bahay ay napatingin ako sa maduming harapan ng bahay, halos hindi na makita ang pintura ng bahay dahil sa dumi, puro rin alikabok ang mga bintana, sandamakmak din ang dahon dahil sa puno ng mangga na katabi ng bahay.

Wala akong kapitbahay, napakalawak ng lupa namin pero puro matataas na damo lang ang nakapaligid. Wala din akong balak na ibenta ang lupa kahit ba mayroong nagtatangkang bumili nito noon. Binili ito ng magulang ko kaya ayokong mapasakamay ito sa iba.

Malaking bakod naman ang nasa bakuran ng bahay, tinuturing naming Garden iyon nung bata ako. Napakadaming halaman at napakaganda nito dati, pero ngayon ay wala nang halaman, puro lupa nalang dahil dito ko nililibing lahat ng dapat mamatay.

"Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima.. Anim.. Pito--" napahinto ako sa pagbibilang nang mga bangkay dahil sa busina ng isang truck.

Pumunta ako sa harap ng bahay at nakita ko ang truck ng basura.

"Mam! May basura kayo?" tanong ng lalake saakin.

Pumasok ako ng bahay para kunin ang basurang damit ng mga lalakeng pinatay ko. Matagal na ito dito saakin. Kadalasan kasi ay hinuhubad nila ang damit dahil nakikipag sex ako sakanila. Kapag may dugo naman ay sinasama ko sa paglibing sakanila.

"Eto" sambit ko at hinagis ang plastik na may damit.

"Sige po!" sabi ng lalake at sinalo ang plastik.

Umalis na sila at sumakay na ako ng kotse para pumunta sa shop ko.

********

"Good morning Mam Zahra! Nandito na po ang dried Jasmine at Lily Flowers, alas sais dumating ang mga bulaklak, bukas naman po ay darating ang Roses at Lavender from overseas then mamaya po may meeting--"

"You're loud" walang gana kong sabi at tinignan ang P.A ko ng masama.

Pumunta na ako sa office ko at tinignan ang papers sa lamesa ko.

"Yan po yung sales of this month" sabat ng P.A ko.

Habang binabasa ko iyon ay bigla namang sumagi sa isipan ko si Jehiel.

"Dito naman po sa folder na to nakalagay kung nakamagkano tayo sa stocks natin every week, yung packaging din...." Hindi ko na naintindihan pa ang mga pinagsasasabi ni Ella.

Napahawak ako sa labi ko nang maalala ko ang mapusok na paghalik saakin ni Jehiel. Ang mabango niyang amoy-- I think that's one of my works. I mean pakiramdam ko ako ang gumawa ng formula ng pabango na iyon.

"Ella-"

"Yes Mam!" masigla niyang sagot.

"I want you to take care of these stuffs, aalis ako. Siguraduhin mong walang tatamad tamad sa factory" sabi ko at agad na tumayo.

"Pero Mam--"

Nilingon ko si Ella at tinaasan ng kilay, hindi naman siya nakasagot at yumuko lang saakin.

Lumabas na ako ng shop at sumakay sa kotse ko. Pumunta ako sa Hospital kung saan nagtatrabaho si Jehiel.

Mabilis akong naglakad patungo sa opisina ni Jehiel pero wala siya roon.

"Excuse me nurse, nasan si Jehiel? I mean, Doctor Jehiel" sabi ko sa isang nurse na nakasalubong ko.

"Nasa 10th floor po ang mga Doctors ngayon dahil mayroong meeting, pasyente ka po ba ni Doc? Dito po kayo maghintay--" akmang hahawakan niya ang braso ko pero umatras ako.

"No thanks" sambit ko at sinuot ang glasses ko.

Sumakay ako ng Elevator at pumunta sa 10th Floor.

"Sa 10th floor? Nakakatakot... Doon siya pupunta?" bulong ng babaeng pasyente sa kasama niyang guardian.

"Bakit anong problema?" tanong ng Guardian.

Hindi ko naman siya pinansin at nanatiling naka chin up at hindi siya nilingon.

"Dati raw madaming nagpakamatay doon. Kaya hindi na ginagamit ang mga kwarto sa 10th floor. Lahat daw ng pasyente na napupunta sa mga kwarto roon ay nag si-suicide"

"Nakakatakot nga. Tara na" sabi ng Guardian at lumabas sila pagdating ng 9th floor.

Nang makarating ako sa 10th floor ay tinanggal ko ang salamin ko at naglakad.

Nakakapagtaka naman at walang ka-tao tao rito. Walang nurses at walang kahit na ano.

"Hello?" tawag ko pero walang sumagot.

Binuksan ko isa isa ang mga kwarto at tila ba naging bodega ito ng hospital. Puro storage room lahat ng kwarto. Sa dulong pinto naman ay naririnig kong may nagsasalita.

Agad kong binuksan ang pinto.

"This symptoms can be---"

Napahinto ang isang Doctor na nagsasalita dahil sa pagbukas ko ng pinto.

Malaki ang table at napakadaming Doctor ang nakapalibot doon, inikot ko ang mata ko at nang makita ko si Jehiel na magkasalubong muli ang mga kilay ay napangiti ako.

"Good morning! I'd like to excuse Doctor Jehiel Daet--"

"I'm sorry Miss we're in a meeting, bawal ang pasyente rito bakit ka narito?" tanong saakin ng Doctor.

"I know. It's urgent. I need Doctor Jehiel--"

Nagulat naman ako nang magsalita ang isang babaeng Doctor na katabi ni Jehiel.

"Miss, urgent din tong meeting na to, kailangan namin--"

"And I need him too! I'm gonna die any minute! Mag me-meeting parin kayo?!" Inis kong sigaw.

Agad namang tumayo si Jehiel at lumapit saakin.

"I'm sorry Sir, I'll handle this" sabi ni Jehiel at hinawakan ang kamay ko.

Napangiti naman ako.

"Zahra naman!" bulalas ni Jehiel nang makalayo kami sa kwartong pinag me-meetingan nila.

"Ano?!" inis kong tanong.

"Bakit ka ba nandito!? Bawal ang pasyente sa 10th floor" sabi nito saakin.

"Walang nagsabi sakin. Besides bakit kase nasa 10th floor yung conference room niyo?! Napaka weirdo ng hospital na to!" sabi ko at napa cross arms.

"Bakit ka ba kase nandito!?" muling tanong ni Jehiel.

"Because... I miss you!" nakangiti kong sabi at humakbang papalapit sakanya.

Nakatitig lang si Jehiel sa mga mata ko habang umaatras siya dahil umaabante ako.

Mahina akong natawa dahil ilang na ilang si Jehiel.

"You're so rare" bulong ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Nobody made me feel like this, except... You!" sabi ko at hinawakan ang pisngi niya.

"Zahra, please not here" sabi nito at hinawakan ang kamay kong inilapat ko sa pisngi niya.

"So? Saan tayo? Sa CR? Sa Office mo? Sa bahay ko? May pinto naman dito pwede i-lock!" nakangiti kong sabi.

"Zahra!" galit niyang sabi.

I chuckled and hold his arms.

"I wanna know.." bulong ko at nilapit ang mukha ko sa leeg niya.

"What's your perfume?" tanong ko.

Napatingin naman ako sa adams apple ni Jehiel na gumalaw. Napapalunok ito ng sarili niyang laway dahil sa malapit ang katawan ko sakanya ganon? Akala mo kung sino pero marupok naman deep inside sadyang nagmamatigas lang.

"I-I don't know.. I think-- Zi.Ey?" tanong ni Jehiel.

"YES! THAT'S MY SHOP!" nakangiti kong sabi at lumayo na sakanya.

"W-what?!" nauutal niyang tanong.

"I'll guess! Maybe that smell is called Dragon! Right? By the way I'm the CEO of Zi and Ey, Zi Stands for Zahra and Ey Stands for Adams! I made it E-Y because thats how you pronounce letter A" sabi ko at nilahad ang kamay ko sakanya.

"H-hi" nauutal na sabi ni Jehiel at nakipag shake hands saakin.

*********



Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

The Psycho's Bed   Chapter 23

Jehiel's P. O. VNapapadalas na ang paglapit saakin ni Carla, hindi ko naman siya masisisi. Kung ako nga hindi maka get over kay Zahra, siya pa kaya na matagal na palang may gusto saakin.

The Psycho's Bed   Chapter 22

Jehiel's P. O. V"Jehiel, alam mo namang gipit parin ang tito po sa trabaho niya, hihingi sana ulit ako ng limang libo" sabi ni Tita habang nag wawalis ng apartment ko.Pag uwi ko ay narito nanaman siya. Wala nam

The Psycho's Bed   Chapter 21

Zahra's P. O. VIt's been days. Hindi ko na kaya!"Mam, Nakapag deliver na po kami--" hindi na natuloy pa ni Ella ang sasabihin niya nang tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

The Psycho's Bed   Chapter 20

Zahra's P. O. VAlas dos na ng madaling araw pero hindi parin ako makatulog. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit big deal saakin si Jehiel.Bumangon ako mula sa pagkakahiga dahil alam kong hindi ako da

The Psycho's Bed   Chapter 19

Zahra's P. O. V"HAYOP KANG GAGO KA!" sigaw ni Jehiel at saka hinila ang lalake pa bagsak sa sahig."JEHIEL!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.

The Psycho's Bed   Chapter 18

Zahra's P. O. VNagtagumpay ako at napa sakin agad si Jehiel, wala siyang nagawa at hindi na ito nakatanggi sakin."Sabi ko sayo eh, bagay ang pantalon sayo" sabi ni Jehiel habang naglalakad siya sa tabi ko.

The Psycho's Bed   Chapter 13

The Psycho's Bed   Chapter 12

The Psycho's Bed   Chapter 11

Flashback

The Psycho's Bed   Chapter 10

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy