loading
Home/ All /The Devilish Billionaire [Tagalog]/Chapter 6 Fighting Spirit

Chapter 6 Fighting Spirit

Author: Death Wish
"publish date: " 2020-08-29 16:18:38

( Zhia POV)

Napapikit na lamang ako sa hiyaw ng lalaking nasa sahig. Bakit may mga ganitong tao sa mundo? Sadista?!  At bakit naduduwag ang lalaki na lumaban sa kanila? Bakit?

Ginagawa ba nila ito ng dahil sa pera?

Bakit hinahayaan ninyo na saktan kayo ng pera at alipinin kayo!

Di na ako makapag-pigil. At ang dugo na kanina nasa unahan ko pa lang ay dumaloy na sa ilalim ng dollshoes ko.

Nanaginip lang ako diba? Natatawa ako sa sarili ko. Panaginip lang ito my dear. Pwede akong lumipad na parang si Peterpan. Magpaka-bayani sa ikinukwento ng isipan ko.

Kaya lang, bakit pinapakita sa akin ang pangitain na ito? Parang may darating na kung ano sa buhay ko.

“Enough.” At ibinagsak ng lalaking nasa bintana ang hawak niyang wineglass. Kaagad na tumayo ang bugbug saradong lalaki kahit na nahihirapan itong gumalaw. Saka naman may itinulak na isang lalaki sa nilisan niyang posisyon. At nanlaki ang mga mata ko dahil ang nasa harapan ko ay ang kapatid ko na humihingi ng kapatawaran sa ginawa ko? O anong ginawa niya?!

Napailing ako. Hindi kami pinalaki ng mga magulang kong ganito. Laban kung laban!

“Start.” Utos ng lalaking yun na ang bawat hampas, pagmamakaawa at hiyaw ay parang musika sa kanyang tenga. May mga ganito talagang mga tao sa mundong ito. Hindi sila tao! Kundi demonyo. Kumpirmado na ang boses na naghihinagpis na biktima ay ang kuya ko.

Kumulo ang dugo ko. Lalo na sa walang awang humpay na paghahampas sa kanya ng golfbat at walang magawa ang umag nito? Himala Kuya!? Sa basagan lang naman ng ulo, nangunguna ka diba?

Panaginip ata ito? Ang shunga talaga. Zhia, ayusin mo imagination mo. Pinaglalaruan ka ng imagination mo! Ano ba yan.

Napahakbang na ako at lakas loob na sinabing…

“Kuya, kinakawawa ka sa panaginip ko. Kailangan mo ata ng tulong ko.” Panunuya ko kay Kuya. Sa totoo naman talaga hindi padadaig ang kapatid kong gorilya sa mga engot na yan!

Nawala ang ingay ng paghampas dahil sa akin. Ang ultimate papansin na kapatid mo Kuya Joshua. Heto na to da resback na para sayo.

At yung lalaki na nasa bintana, napangisi at itinayo ang sarili ng matikas.

Bakit para siyang demonyo sa ngising niya? Nanaginip talaga ako. Haha. Namiss ko to ah. Tagal na din na wala akong nightmare.

Inabot sa malademonyong lalaki yung Golf Bat. Lumapit sakin, sa harapan ko. Kanya-kanyang atrasan naman yung mga bodyguards na weak na parang umiwas sa isang napakalaking alon na parating sa akin.

“So your next.” Titig niya na walang kupas, na kasing talim ng dulo ng kutsilyo.

Masakit sa tenga yung golf bat na sa tingin ko sinadya niyang  ikiskis ito sa sahig. Nakakatakot ang aura niya. Naniniwala ako na ito ang pinaka nakakatakot na lalaking nakita ko sa panaginip. Pero, loyal ang takot ko na mas nakakatakot pa naman yung mga multo kaysa sa kanya. I don't like them, lalo na si Valak. Anak niya ata ang lalaking to.

Siya lang naman yung nakakatakot pero ang cool tignan. Matangkad sa akin at ito ata yung foreigner na nadulas ng dahil sa ID ko. Karma niya yun at kailangan niyang tangapin!

Napapikit ako. Dinig ang tinis ng kiskis na tunog. Iniirita ako ng sagad. Panaginip lang ito. Simula ng mawala ang ID ko hanggang dito meaning nasa school pa ako.

Alam ko nakatulog na naman ako sa klase ko.

“Ms.Sontoria!” sigaw ng Prof ko. Yun ang hiniintay ko!

Ngunit ng mapamulat ako agad na sumalubong sa paningin ko ang golf bat na tumama sa katawan ng… Kuya ko?

Nangangamoy ng dugo ang paligid at sa lalaking to, halimuyak na gustong-gusto niya.

Bakit ang bitter niya?

Bigla akong napaluhod ng may sumipa ng binti ko. Naging pundasyon ko ang mga palad ko sa sahig para di ako matumba ng tuluyan. Patuloy ang paghampas niya sa kapatid ko.

Ang kamay ko, nang inangat ko... dugo.. dugo… dugo nga!  At sa amoy pa lang, nahilo na ako.

Yung kulay… yung amoy na parang gusto ko nang magsuka. Napapikit na lamang ako at parang nalantang bulaklak na napahandusay sa sahig, dahil ito na lang ang pagkakataon ko para makatakas sa panaginip na ito. Magkunwaring nahimatay sa panaginip.

Nakita kong parang nainis yung lalaki sa nangyari sa akin.

Yuck naman, nagswimming ang buhok ko sa dugo. At pakiramdam ko talagang masusuka ako! Tipong ako yung baboy na binebenta sa palengke.

Ngunit nakonsensya lang ako dahil walang humpay niyang pinaghahampas yung lalaking walang hiya na tinuhod ako. Saka ito yung nawalan ng malay, pareho na kaming nakahiga sa sahig.

Hi! Nagkukunwari ka din ba?

Si Kuya di na makakilos.Totoo ba din yung kanya? O kunwari lang?

At hinagis sa paanan ko yung Golf bat…

“Kill them all.” Bigla akong nagkamalay ng marinig ko yun! As in yung bumangon ako bigla na marealize ko na may pasok ngayon at bawal malate! At pinigilan ang binti ng lalaking demonyo, bago pa man ito makapaglakad palayo sa amin.

“Aba naman! Tigil!” Eh meron ako ngayon.

Kala ko mapapakalma ko ang lahat kung mag kunwari akong nahimatay.

Jusko, Kill them all?!

Nasa laro ba kami ng Counter Strike! Go Pokemon?  Zombie apocalypse?! Mobile Legends?!

Nagsilapitan sakin ang mga bodyguard ng demonyo at bago pa ako damputin nila. Itinaas niya ang kamay niya. Hudyat na tumigil sila.

Humarap siya sa akin. At saka ako tumayo.

Duguan na yung damit ko, para akong yucks. Pero hindi eh. Kailangan makatikim ang lalaking to. Bago pa man niya ako matitigan, ang kamay ko na kanina pang naka yukom ang sumalubong sa mukha niya. 

“Yan, nababagay yan saiyo. Sadista ka. Grabe ka!” Kikilos na sana yung mga tauhan niya. Pero muli niyang itinaas ang kamay niya. “Papatay ka dahil napahiya ka kanina. Para kang bata. Nakikita mo yang mga ginawa mo! Parang di ka tao! Demonyo ka!” Nakatitig lang siya sakin habang hinihimas yung pisngi niya.

“Ganyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo. Sadista ba din sila?! Sa tingin mo ba masaya silang makita kang ganyan! Asaan tatay mo! Asaan Nanay mo-------.” At naramdaman ko sa pisngi ang sampal na sapat na para magising ako sa panaginip na ito. Pero hindi.

Whoa! Nasampal ako?!

Lalong kumulo yung dugo ko sa inis! Bakit di man lang ako nagising?!

@DeathWish

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

The Devilish Billionaire [Tagalog]   Chapter 200 Inner Peace

((( Zhia POV’s )))Nanamlay talaga ako, di ko alam kung saan na katamaran kinukuha ng katawan ko ang bad. So bad na aurang to.Siguro dahil sa walang tigil kong sout ng high heels. Aww! Masakit din balakang ko.

The Devilish Billionaire [Tagalog]   Chapter 199 You!

(Zhia POV's ) “Wag kang ano, nag rorolling ako, para in case na may umatake dito marunong ako mag roll. Sahig lang makakapagligtas sayo sa bratat-tat ng baril. Nakita ko sa Probinsiyano. Kaya nga di namamatay si Coco. Tagal na din noon.” Patay malisya kong sabi kay Sean na alam ko mukha na naman akong bata sa harapan niya. Namalayan ko na lang yung sapatos niya nasa harapan na ng mukha ko.At halos napabangon ako ng kung anong may kumagat sa akin. Si Tang..

The Devilish Billionaire [Tagalog]   Chapter 198 Bored

((( Zhia POV’s )))Naging mabango yung pangalan ni Sean dahil sa makatao niyang ginawa lalo na sa tribo ng mg Ita. Maayos na nakabalik silang lahat at pinatayuan ng mga bahay ni Sean. Patuloy yung tulong na inaabot ni Sean sa mga nasalanta ng bagyo.

The Devilish Billionaire [Tagalog]   Chapter 197 “Then let me check.”

( Zhia POV's ) “How's your fever?” Nang maabutan na niya ako.Tameme si Rhen. Ahaha. Sige kompetition laban natin Miss Rhen. Ipag hihiganti ko si Luis!Hmph! Saka ko na lang planuhin kong kanino ko paiibigin si Sean. Di siya bagay sayo. Baka abusuhin mo lang ang pera niya. Nakakahi

The Devilish Billionaire [Tagalog]   Chapter 196 Bleeding

( Zhia POV's ) Naki upo ako sa tabi ng isang batang Ita. May hawak na siyang laruang Superman at Batman. Superman ako. Gwapo na ang lakas pa. Parang Sean my labs. Hehe. Nakipaglaro ako sa kanila ng,“Miss Zhia!” Nagulat ako kasi kala mo si Miss Minchin tumawag sa akin. Si Rhen. Na

The Devilish Billionaire [Tagalog]   Chapter 195 They are both lucky to each other.

((( Butler Nazi POV’s )))Simula ng dumating si Miss Zhia dito, halos di na nawala ang mga bagong pangyayari na di ko aakalain na magagawa niya para magbago ng tuluyan ang binatang nakilala ko noon. Nagtuturo pa ako bilang professor sa ibang bansa. Nang mag retaired ako, kinuha niya ako bilang Butler sa pamamahay niya.

The Devilish Billionaire [Tagalog]   Chapter 112 Did You Ask Me?

( Zhia's POV ) Napahiga nga ako ulit. Ngunit isang bow lang sakin ni Cecile at

The Devilish Billionaire [Tagalog]   Chapter 111 Oh cry myself,

((( Zhia POV’s )))

The Devilish Billionaire [Tagalog]   Chapter 110 “I decline.

((( Sean POV’s )))

The Devilish Billionaire [Tagalog]   Chapter 109 I don't know what menstruation feels?

( Zhia's POV ) Hangang sa nakabalik nga kami ng silid. Binigyan ako ng hot compress ni

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy