로딩 중
홈/ 전체 /Tears of Pain/Chapter 3

Chapter 3

작가: HopeIsSerenity
"게시일: " 2020-09-09 18:58:03

Tirik na tirik ang araw. Ang mga mamamayan ng El Cumano ay nagkaka-siyahan sa munting salu-salo sa kanilang mga tahanan. Maingay at masigla ang buong probinsiya maliban sa makulimlim na tahanan ni Eleonor. Sa kabila ng mainit na panahon, naroon siya sa sulok ng silid, yakap ang mga tuhod habang nakatalukbong ng kumot ang kalahati ng katawan. Nanginginig ang kaniyang mga balikat at labi dahil sa labis na ginaw. Mainit ang kaniyang paghinga't kusang pumipikit ang mga mata dahil sa masaman'g nararamdaman.

Ilang saglit pa'y pumasok ang kaniyang ama sa loob ng silid nang walang pag-alinlangan.

"Anong oras na, nakahiga ka pa rin!? Aba, kumilos ka!" Hinampas ng mabigat na kamay nito ang hita ng dalaga kaya lalo itong napapikit sa sakit.

"Ano ba'ng ginagawa mo diyan!?" Marahas nitong tinanggal ang kumot na bumabalot sa kaniya.

"P-Pa...masama po ang pakiramdam ko." Nanginginig na sambit ng dalaga. Tinitigan lang siya ng kaniyang ama at nilisan ang kaniyang silid. Napapikit nang mariin si Eleonor na lalong sumama ang pakiramdam. Wala na naman'g tutulong sa kaniya

"Mag-asikaso ka diyan dahil darating si sekyu." Utos nito na hindi man lang tinatapunan ng tingin ang anak.

Bigla namang sumagi sa isip niya ang kaniyang nag-iisang kuya na huminto sa pag-aaral upang maging security guard. Humiwalay ito ng tahanan upang mapa-lapit sa kaniyang trabaho. Ayaw na rin kasi nito'ng umasa sa kanilang mga magulang at nais na lamang na makaraos sa paraan'g pinag-sisikapan.

Gustuhin man niyan'g sumama sa kaniyang kuya Romualdo ay wala siyang magawa dahil kailangan niya muna'ng tapusin ang pag-aaral kahit tutol ang ama.

Ang kaniyang ina naman ay nangibang bansa dahil sa kahirapan. Napa-ismid siya'ng bigla dahil sa mga naiisip. Kung alam lang ng lahat, hindi na nito kaya'ng magtiis kay Emilito kaya naisip niya'ng lumayo na lang. Ang dahilan ng kaniyang ina'y napagod lang ito...natakot..nag-sawa, kaya iniwan siya'ng mag-isa.

Hindi niya tuloy maiwasan ang maghinanakit dito. Buong buhay niya, hindi man lang siya pinili. Wala siyang magawa kun'di ang magtiis sa kalupitan ng sariling ama. Kaya determinado siyang magtapos ng pag-aaral upang maka-alis na sa puder nito.

Naisipan na niya'ng tumayo at sundin ang utos ni Emilito. Sa isip niya'y walang mangyayari kung aalagan niya ang kaniyang sakit.

"Nga pala, pag-tatapusin ko ng kolehiyo ang kapatid mo. At ikaw..." Pinasadahan nito ng tingin ang dalaga nang tuluyan na itong maka-labas ng silid.

"Mag-aasawa ka lang naman." Hindi mapigilan ni Eleonor ang magalit dahil sa huling sinambit ng ama. Naiinis siya sa bulok na pananaw nito sa kababaihan. Dahil dito'y lalong namayani ang kaniyang kagustuhan na magtapos ng pag-aaral.

"Tandaan mo, Eleonor. Kayong mga babae, pang-bahay at pang-kama lang."

"Pa...maling-mali 'yang iniisip niyo. Kaya nga po ako nag-aaral, e. Magtatapos po ako. Maghintay lang kayo." Malumanay ngunit may diin'g sambit nito. Kahit hindi maganda ang pakiramdam ay pinilit niya'ng maging matapang upang harapin ang ama.

Mapanuyang natawa si Emilito na lalong dumagdag sa kaniyang inis. Nakaupo ito sa matigas na upuan sa kanilang sala habang nakataas ang isang paa sa maliit na upuan sa harap. Nakatitig ito kay Eleonor habang nag-wawalis ng sahig.

"Ikaw? Magtatapos?" Hindi maka-paniwalang tanong nito na tila isang katawa-tawa ang narinig. Hindi na lamang ito binigyan'g pansin ang sinambit ng ama. Bagkus ay nagpatuloy na lang sa paglilinis. Ngunit habang kumikilos siya'y unti-unting nagsasara ang kaniyang mga mata. Umiikot ang kaniyang paningin kaya kinailangan niyang humawak sa dingding upang hindi mawalan ng balanse. Sobrang sakit ng kaniyang ulo na tila pinipiga ito. Hanggang sa unti-unti nang nag-dilim ang kaniyang paningin. Huli niyang naramdaman ang bahagyang pag-angat ng kaniyang katawan.

Mula sa pagkaka-higa'y naramdaman niya ang mainit na mga palad na dumadampi sa kaniyang mga kamay. Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nasilayan ang kaniyang kuya Romualdo.

"Kuya!" Masayang bati nito. Agad na napawi ang init ng temperatura sa kaniyang katawan at nais na lamang niya ay ang hagkan ito nang napaka-higpit.

"Humiga ka muna, Eleonor." Inalalayan nito ang kaniyang mga braso upang maihiga. Sinunod naman niya ito kahit wala na ang sakit na kaniyang naramdaman kanina.

"Ano ba kasi'ng ginagawa mo sa bahay at nagkasakit ka?" Agad na nawala ang ngiti sa kaniyang labi at nalukot ang kaniyang mukha. Ang simpleng tanong nito'y nagbigay ng kilabot sa kaniya. Gustong-gusto niya'ng magsumbong ngunit kilalang-kilala niya ang kayang gawin ng kanilang ama. Ibinaba na lamang niya ang kaniyang paningin sa sahig.

Narito siya sa loob ng kaniyang silid habang ang kuya Romualdo niya'y nakaupo sa silya'ng gawa sa kawayan. Nakaharap ito sa kaniya habang hindi nawawala ang mga ngiti sa kaniyang labi. Suot nito ang kaniyang uniporme bilang sekyu at napaka-linis ng kaniyang mukha. Ang gaan sa pakiramdam na makitang muli ang kaniyang kuya.

"Napagod lang sa gawaing-bahay, kuya." Tinakpan niya ng isang malawak na ngiti ang lungkot na unti-unting lumulukob sa kaniya.

"Oh, bakit ka umiiyak?" Masuyo nitong tanong. Hindi man lang niya namalayan na tumutulo na pala ang kaniyang traydor na mga luha.

"Masaya lang ako. Ang tagal kita'ng hindi nakita kuya e." Pagsisinungaling niya at agad na pinahid ang luhang dumaan sa kaniyang mga pisngi. Oo nga't masaya siya, ngunit ang kabuohan nito'y dahil sa sakit na dinudulot sa kaniya ng kaniyang ama. Ang sikip sa dibdib dahil gustong-gusto na niya'ng magsalita ngunit hindi niya magawa.

"Oo nga pala. Nasabi na ba sa'yo ni papa na ako raw ang pagtataposin niya ng kolehiyo?" Sinagot naman niya ito ng isang tango. Agad na nalukot ang mukha nito at malungkot siyang tinitigan.

"Pasensiya na, Eleonor. Alam kong dapat ikaw 'yung priority ni papa dahil ikaw naman ang nag-aaral sa'ting dalawa." Nag-kibit balikat na lamang ang dalaga.

"Paborito ka niya e." Kahit anong gawin niyang pagpapanggap na hindi siya naaapektuhan ay hindi pa rin kayang tumakas ng lungkot sa kaniyang mga mata. Ngunit kailangan niyang ipamukha na ayos lang. Ayos lang siya. Kahit kailan naman ay hindi siya naging paborito, sa kaunting panahon lang naman niya naramdaman ang mahalin. Kaya dapat, ayos lang. Dapat sanay na siya dahil kahit papa'no'y ipinaramdam din sa kaniya ang katiting na pagmamahal-kahit hindi niya sigurado kung totoo nga ba o dahil lang sa napipilitan sila.

"Kuya, may scholarship na ino-offer 'yung isa sa mga sikat na university sa maynila. Tamang-tama dahil ga-graduate na 'ko ng senior high. Gusto kong kunin 'tong opportunity, kuya. Gusto ko'ng mag-tapos ng pag-aaral. Gusto kong patunayan na kaya ko." Gulat na napatingin sa kaniya si Romualdo at hindi matanggal sa mga mata nito ang pagka-mangha.

Napansin ito ni Eleonor na lalong nagpa-ngiti sa kaniya.

"Sa labing walong taon ko rito, palagi akong nanlilimos na sana piliin din ako, sana suportahan din ako. Pero walang mangyayari kung patuloy lang ako'ng ganito.. Kuya, pagod na 'ko. Pagod na pagod na 'kong makiusap na sana ako naman. Gusto ko nama'ng kumilos para sa sarili ko."

다음 내용을 궁금하신가요?
이어 보기
이전 챕터
다음 챕터

에 작품 공유하기

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

최신 챕터

Tears of Pain   Chapter 17

Agad na nilinis ng mga nurse ang iniwang kalat at bubog ni Matilda. Hindi naman ito nakalampas kay Dok. Agustin kaya nagtungo siya sa silid na kinaroroonan ni Matilda at Eleonor."Sorry po Dok, sa kung ano'ng nangyaring gulo. Pangako, hindi na po mauulit." Paumanhin ni Eleonor sa ngalan ni Matilda. Nilingon naman ni Dok. Agustin ang pwesto ni Matilda na ngayon ay hindi na makatingin nang diretso sa kanila.Ngayon ay silang tatlo na lamang ang naiwan sa tahimik na silid. Lumapit si Drey kay Matilda at ininspeksyon ang mga mata nito. Ngunit sa pagtitig niya rito'y agad siyang napa-hinto. Tila may isang emosyon ang mabilis na tumama sa kaniya na hindi niya mawari."Hey... 'Diba nag-usap na tayo? If there's anything that's bothering you, know that I'm always here. I'm your friend, right? Ako na muna si Drey. Kalimutan mo muna ang pagiging Dok. Agustin ko. Okey?" Marah

Tears of Pain   Chapter 16

Pangalawang araw na simula noong sabihan ni Dok. Agustin sila Matilda at Eleonor na manatili muna ng tatlong araw sa ospital. At matapos ang tagpo kagabi ay bumalik si Matilda sa kaniyang silid. Mugto ang mga mata ngunit magaan ang paghinga.Bumalik sa normal ang pag-aaral ni Eleonor kahit nasa loob parin ng ospital kasama si Matilda. Hindi naman niya ito tinitingnan bilang isang malaking hadlang. Sa katunayan nga ay gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing malapit kay Matilda. Mabuti nalang at hindi na nito inulit pa'ng kunin ang sariling buhay.Habang naglalakad palabas ng maliit na kantina ay napukaw ng atens'yon ni Eleonor ang isang pamilyar na lalaki. Ilang lakad lamang ang distansiya nilang dalawa na naging dahilan upang maalala ni Eleonor ang minsang nakabunggo niya sa mall. Ang lalake'ng may magandang mga mata na halatang isang banyaga, matangos na ilong at may magandang katawan. Ang lalake'ng

Tears of Pain   Chapter 15

Sumapit na ang gabi ngunit narito pa rin sa ospital ang dalawa. Mahigpit na pinayuhan ng Doktor si Matilda na sa ikatlong araw pa siya maaaring makalabas, kaya naman nagtitiis na lang si Matilda sa puro puti na kaniyang nakikita. Pakiramdam niya'y hindi siya bagay sa ganitong lugar at mas lalo na sa ganitong kulay. Natawa nang mapait si Matilda. "Hindi naman ako malinis e." Nilingon niya ang pwesto ni Eleonor at tulad ng mga nakaraang araw ay natutulog na naman itong nakaupo. Ang ulo niya'y nakayuko at ang kaniyang mapupungay na mga mata ay mas lalo lamang naka-dagdag sa galit ni Matilda sa kaniyang sarili. Ilang beses na siyang sinabihan ni Matilda na pwede naman siyang humiga upang maging komportable ang kaniyang pagtulog. Ngunit ayaw pa rin nitong makinig. Mas gusto raw kasi nito'ng malapit kay Matilda."Pasensiya na, Eleonor....nadadamay ka pa." Hinagod ng mga kamay nito

Tears of Pain   Chapter 14

Nakabulagta sa sahig ang lupaypay na katawan ni Matilda at ang mata'y nakapikit na tila natutulog lamang nang mahimbing. Ngunit iba ang pakiramdam ni Eleonor. Kaya humahangos niyang tinungo ang 1st floor upang humingi ng tulong sa Landlady dahil wala naman siyang emergency hotline sa kaniyang maliit na selpon. At nang mapuntahan ang nakabulagta'ng dalaga ay agad na tumawag ng ambulansiya ang landlady. Habang isinasakay sa stretcher si Matilda ay hindi naman ma-awat si Eleonor sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin at tila siya'y biglang binagsakan ng langit at lupa. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at nanginginig ang labi sa labis na nerbiyos ngunit pilit niya itong nilalabanan. Para kay Matilda. Agad na sumunod si Eleonor sa loob ng ambulansiya at habang mabilis ito'ng umaandar ay katumbas din ng mabilis na pag-tahip ng kaniyang dib

Tears of Pain   Chapter 13

Isa lamang si Eleonor sa mga mag-aaral na masiglang nakikilahok sa mga aktibidad sa kanilang paaralan. Ngunit iisa lamang ang tumatak sa bawat isa. "Teresa Montenegro. I'm 19 years old..." Isa sa mga kaklase ni Eleonor ang nag-boluntaryo upang sumagot sa tanong ng kanilang guro tungkol sa kanilang relasyon sa kanilang pamilya."I have a complete family." Huminto ito saglit at ngumiti nang malawak bago nagpatuloy. "Mahal na mahal nila 'ko. At ang swerte-swerte ko kasi sila ang mga naging magulang ko. I'm actually doing this for them. Excited ako'ng bumabangon para makapasok sa school, I love the way they hug and kiss me bago ako umalis. Gusto'ng gusto kong nakikita 'yung ngiti nila sa tuwing may iu-uwi akong achievements. I really want to make them proud." Nagpalak-pakan ang mga estudyante, at ang lahat a

Tears of Pain   Chapter 12

Ito na ang pinaka-hihintay ng dalawang dalaga. Sa wakas ay makakarating na rin sila sa paaralan na kanilang papasukan. Suot ni Eleonor ang magandang bestida na binili ni Matilda para sa kaniya kaya mas lalo siyang natutuwa. Hanggang sa sumakay muli sila sa isang jeepney na ang ruta ay hindi naman kalayuan mula sa kanilang apartment. At nang pag-baba nila mula sa sinasakyan ay hindi na napigilan ng dalawa ang ma-lula. Malaki ang labas ng paaralan na may bilog na logo sa gitna ng gate. May estatwa rin na makikita mula sa labas na kanilang kinatatayuan na kinakawayan naman ng katamtamang sinag ng araw. Lalo lamang gumanda ang paaralan sa kanilang paningin."Grabe, Matilda! Ang laki pala ng school na 'to!" Mangha'ng saad ni Eleonor habang binabagtas ng kaniyang paningin ang itaas ng paaralan. "Oo, Eleonor. Wala

Tears of Pain   Chapter 11

Pagkatapos ng tagpong 'yon ay ipinagpatuloy ni Eleonor ang kaniyang paglalakad. Sa isang gilid na kung saan ay maraming tao ang nagku-kumpulan ay napansin niya ang kaunting kababaihan na naka-suot ng pormal na panamamit at may takong na hindi kataasan. Pagod na ang ekspresiyon sa kanila

Tears of Pain   Chapter 10

Pagkagising sa umaga ay nag-asikaso na agad si Eleonor at Matilda. At sa unang pagkakataon ay gumising ang dalawang dalaga na magaan ang pakiramdam, walang bigat na nakapasan sa kanilang mga puso at ang lahat ng bagay na madadapuan ng kanilang mga mata'y tila napaka-ganda. Ganito nga si

Tears of Pain   Chapter 9

Hindi pa man luma-lalim ang tulog ni Matilda'y isang hagulhol ang kaniyang narinig, kaya iminulat niya agad ang kaniyang namumungay na mga mata at agad na tumayo upang tingnan si Eleonor. Nakita niya'ng pawisan ang buong mukha nito at hindi matigil sa pag-tahip ang kaniyang dibdib.

Tears of Pain   Chapter 8

Natatanaw na ni Eleonor mula sa bintana ng bus ang naglalakihang mga gusali na nagpa-mangha sa kaniya. "Matilda, ang ganda rito!" Maka-ilang beses na niyang sinambit ang mga salitang ito na nagpapa-ngiti naman kay Matilda habang nakatanaw sa bintana. Hawak niya nang mahig

더보기
작품 다운로드
GoodNovel

앱에서 작품을 무료로 다운로드하세요

다운로드
원하는 항목을 검색하세요.
보관함
검색하기
로맨스가상역사도시마피아시스템판타지LGBTQ+아놀드MM Romancegenre22- 韩语genre26-한국어 번역genre27-.请勿使用한국어 번역genre28-한국어 번역
단편 소설
하늘미스터리 추리현대 도시세계 종말 생존액션 영화SF 영화로맨스 영화피비린내 나는 폭력로맨스학원물서스펜스/스릴러상상력물환생현실 감정물늑대인간희망꿈행평화우정똑똑한행복한폭력적인부드러운강력한红安피비린내 나는 대학살살인역사적 전쟁판타지 모험과학 소설기차역
만들기작가 혜택공모전
핫 장르
로맨스가상역사도시마피아시스템판타지
연락처
회사 소개도움말 및 문의비즈니스
자료
앱 다운로드작가 혜택콘텐츠 정작품키워드인기 검색어작품 이뷰팬픽션FAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
커뮤니티
Facebook Group
팔로우하기
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
이용약관|개인정보