Download the book for free
Chapter 5 Her Misfortune
Author: Death Wish((( Janine POV’ s )))
Nakahiligan ko nang dumaan sa lumang kapilya galing sa trabaho ko bilang Cashier sa isang fast food chain.
Ginagawa ko yun para magdasal. Bisitahin si Sister Ema at ang paglagay ko ng bulaklak sa isang flolera.
Bago ako dumiretso sa kapilya dinadaanan ko muna yung isang matanda na nagbebenta ng ilang bulaklak.
“Kauwi mo lang Iha?” bati nito sa akin ng makita akong lumalapit.
“Opo. Pabili po ako ng tatlong tangkay ng puting rosas.”
“Sige pili ka.” Kumuha ako ng tatlo. Binayaran at nagpaalam.
Papasok na sana ako ng kapilya ng mapansin ko ang isang sasakyan na parang ngayon lang naligaw sa lugar namin.
Bumukas yung bintana. Isang lalaking nakasandal ang ulo sa manibela ang nakita ko. Problemado yata?
Naalala ko tuloy iyong nangyari sa akin at nangyayari pa ngayon sa akin. Napadpad ako sa harapan ng kapilyang ito.
Umiiyak ako dahil parang wala na akong maaninag na pag-asa sa buhay ko. Maulan noon. Mismo sa may sidewalk ako naupo na parang baliw kaharap ang simbahan. Ang dami kong problema at sa awa ni God nabibilang ko pa.
Paralizado ang aking ama.
Tatlo kaming magkakapatid, ay apat na pala.
Si Ate Nadine, anak ng stepmom ko. Oo may stepmom ako. Siya yung pinakamatanda sa amin na may anak na isa si Lilibeth. Iniwan ng asawa at humawak sa saya ng ina niya para mabuhay, which is kargo pa ng aking ama noong di pa parilizado.
Si Kuya Dexter tunay kong kapatid sa ama at ina. Kaya lang isang tambay at dinig ko sa sabi-sabi isang Rugby Gang.
Si Amy ang anak ni tatay kay Stepmother. Ayon pinag-aaral, iba naman ang inaatupag. Barkada at kung umuwi malalim na ang gabi.
Si Tatay lang ang nagtatrabaho non bilang porman sa isang construction agency.
Nag-aaral pa nga ako eh. Kaya nga lang nang maparalitiko. Nanlumo ako ng husto. Kailangan ko tumigil sa pag-aaral.
Kaya heto ako ngayon basang -basa sa ulan. Di ko alam kung anong kinabukasan ang naghihintay sa pamilya namin.
Hangang sa di ko na maramdaman yung patak ng ulan.
Nang inangat ko ang aking paningin, isang madre na nakangiti at pinapayungan ako.
“Iha. Hindi makakatulong ang ginagawa mo. Magkakasakit ka niyan. Kung may problema ka, halika sa loob nang mapag-usapan natin yan.”
Yun si Sister Ema. Napakapositibo niyang Madre at malaki ang naitulong ng paalala niya sa akin lalo na kung bakit hangang ngayon nakakayanan ko pa ang mga palalang problema sa loob ng aking pamilya.
At ngayon. Napangiti ako. Oras ko na rin siguro magpalakas ng loob ng iba para ipagpatuloy niya ang kanyang buhay. Unti-unti akong lumapit nang bigla ako madulas.
“Aray!” Aww! Sakit sa puwit.
@DeathWish
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Taming the Dangerous CEO [Tagalog] Chapter 200 Can't breath at all
( Julius ) Anong nangyayari sa kanya?"Napaka-emosyonal ni Janine ngayon. Lalo na kung malalaman pa niya ang nangyayari sa'yo ngayon. Tara na." Si Dr. Eriez.Bago ako sumakay.
Taming the Dangerous CEO [Tagalog] Chapter 199 Can't Understand
( Julius ) Dinaratnan na naman si Janine ng emosyon niya. Hangang sa hinayaan ko na lang siya umiyak sa balikat ko. Hangang sa tumahan siya. Hindi na ako nagtanong pa.
Taming the Dangerous CEO [Tagalog] Chapter 198 The Real Trouble
(Janine POV's ) "…" Magsasalita sana ako ng subuan ako ni Julius."Mahal na mahal kita at wala ng papalit sa'yo."Oh sh*t. Andyan na yung langgam."Kaya wag na wag kang magseselos."
Taming the Dangerous CEO [Tagalog] Chapter 197 Jealous?
( Janine POV's ) Nahiga nga siya."Julius!" Lumapit na ako. Kinuha ko yung sang unan."Kaw pa talaga ang may ganang dramahan ako ng ganyan! Habang yung mga pangako mo. Asaan! Wala!"Habang sinasabi ko yun pinaghahampas ko ang likod niya.
Taming the Dangerous CEO [Tagalog] Chapter 196 He is Not a Robot!
( Julius ) Nakulong ako ng limang araw sa salang di ko naman ginawa.Ngunit agad naman ako nakalaya dahil may nakuhang ebidensya ang mga tauhan ko. Ang bombang ginamit.Mabuti at di nawasak ang metal
Taming the Dangerous CEO [Tagalog] Chapter 195 What is the Problem?
(Janine POV ) Maya -maya lang dumating na si Julius. Pagmumukha niya parang nalugi ng makita ko.Hindi siya umimik.Nilapitan niya ako. Hinalikan lang sa noo.At niyakap ng mabilisan. Tanging narinig ko lang."Pahinga muna ako."
Taming the Dangerous CEO [Tagalog] Chapter 181 The Baby
( Juluis POV )
Taming the Dangerous CEO [Tagalog] Chapter 180 Revenge
( Juluis POV ) Pak.
Taming the Dangerous CEO [Tagalog] Chapter 179 Oh, Com'on Daniel
( Juluis POV ) "Bababa ako." Bago ako sumunod. Tinapunan ko muna ng titig si Janine.
