Download the book for free
CHAPTER 3
Author: PayneAzaleaMaaga siyang gumising gaya ng nakasanayan niya. Ngunit pag mula ng mata niya ay bumungad sa kaniya ang malinis at maayos na kwarto.
Hindi niya alam ang mararamdaman niya, hindi panaginip ang lahat.Totoo ang nangyari kagabi na pinaubaya na talaga siya ng ama niya.
Gusto niyang magalit rito pero hindi niya kaya. Mahal niya ang pamilya niya at handa siyang gawin ang lahat masiguro lang niyang ligtas ang mga ito.
Kagabi, naalala niya kung paano siya ipamigay ng ama. Alam niyang hindi iyon kagustuhan ng ama. Pero agad siyang nagtanong sa kaniyang isipan. Kung paano siya natiis ng kaniyang ama. Kung paano nito nasikmura na ipamigay siya ng ganon-ganon lang. Hindi niya rin pwedeng sisisihin ang lalaki dahil malaki ang utang ng ama nito dito. Kahit siguro ay ibenta nila ang mga lupain at pag-aari nila ay hindi iyon sasapat para mabayaran ito sa sobrang laki ng pagkaka-utang ng kaniyang ama. Saan nga ba napunta ang lahat ng perang inutang nito? At hindi man lang nila namalayan na nagka-pera ang ama nila ng ganong kalaking halaga?
Maya-maya lang ay may kumatok sa pinto. Kaya mabilis siyang umupo at hinintay ang pagbukas non.
"Ma'am Brie, kumain na po kayo."
May dala itong tray habang puno ng mga pagkain.
"A-ako na po manang."sabi niya at agad na inalalayan ang maid.
Hindi niya batid na ganito pala pagsilbihan ang mayayaman dito. Dinadala pa mismo sa kwarto. Lumabas na ito matapos ilapag ang pagkain sa mesa.
Bigla niyang naalala ang mga kapatid niya. Kung kumain na ba ito. Kung pumasok ba ito sa school.
Nalungkot na lamang siya ng maalala na hindi na siya maaring pumasok sa school. Magbabago na ang buhay niya sa lalaking ito. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari. Natatakot siya dahil baka kung anong gawin nito sa kaniya. Hindi niya magawang lunukin ng maayos ang pagkain dahil hindi niya ito pinaghirapan. At alam niya kung saan ito nanggaling.
Matapos niyang maubos ang nasa plato, may kumatok na naman sa pinto kaya agad siyang napatingin don.
Nakita niya ang lalaki na naka formal habang nakatingin sa kaniya.
'Hindi ba siya nagbibihis ng pang bahay?'
Tanong niya sa isip. Kasi sa twing makikita niya ito, lahi na lamang itong naka formal na animo'y palaging nag dedefense.
Lumapit ito sa kaniya at seryosong tumigin dito.
"Change your clothe. Were going outside," sabi nito at inilapag ang isang supot bago lumabas.
Tinignan naman niya anglaman ng supot na iyon. Isang dress na black,hindi niya alam kung isusuot niya iyon dahil hindi naman siya sanay mag ganito.
Nag-ayos na siya ng sarili bago isuot ang dami na iyon.Kasyang-kasya lang sa kaniya ang sukat nito. Maganda man, pero hindi siya komportable mag ganito lalo na't wala naman siyang ganitong mga damit. Madalas ay simpleng tshirt at pantalon na maong lamang ang pang alis niya.
Pero mas lalo siyang nagtaka ng may makitang box sa loob ng supot. Binuksan niya ito at nakita ang black na sandal. Flat doll shoes lang nan ito kaya okay lang sa kaniya. Pero hindi pa rinsiya kumbinsido kung bakit ganito ang suot niya.
Nagtatanong pa rin siya kung saan sila pupunta ng lalaki.
Nang maayos niya ang sarili, lumabas na siya at bumaba ng hagdan. Nakita niyang busy sa pakikipag usap sa phone ang lalaki.
Hanggang ngayon, hindi niya alam ang pangalan nito.At ang itatawag niya dito. May galit pa rin sa loob niya. Dahil dito, hindi niya na magagawa ang mga pangarap niya. Hindi na siya makakapag aral at magiging Flight attendant.
"Let's go."
Nagulat siya ng bigla na lamang itong naglakad palabas ng mansion. Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito. Nakatanga siya sa labas ng kotse habang seryoso siyang tinignan ng lalaki.
"What are you waiting?" seryosong tanong nito.
Parang wala siya sa sariling pumasok sa kotse. Never pa siyang nakasakay sa ganito, maski ang taxi hindi pa.
Tahimik lang siyang tumingin sa bintana ng kotse habang seryosong nag d-drive Ng lalaki.Ni isa walang nagtangkang magsalita.Parehas silang tahimik. Ngunit hindi niya kaya ang katahimikan na ito kaya nagsalita siya.
"Saan tayo pupunta?"
Hindi siya sinagot ng lalaki kaya naman mas lalong uminit ang dugo dito. Pero maya-naya lang, nagulat siya ng huminto ang kotse. Bumaba ang lalaki kaya bumaba na rin siya. Sinundan niya iyo. Sa pinto pa lang nakita niya ang nakasulat.
"Munisipyo"
Bigla niyang naalala ang sinabi ng lalaki.Na bukas na bukas daw ay paghahandaan ang kasal nila.
May ilang documents lamang silang pinil-up -han bago sila lumabas.Ikakasal na nga siya At hindi na siya pwedeng tumanggi pa.
"Next week is our wedding," sabi nito na ikinagulat niya.
"A-ano?!" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tinignan siya ng lalaki.
"I told you last night.Were prepare our wedding," sabi nito at nagpatuloy na sa pag drive.
Hindi niya akalain sa ganong iglap ay magpapakasal siya. Hindi niya rin expected ang lahat. Hindi pa siya handa sa ganito. Wala pa siyang alam tungkol sa pag aasawa.
Bagsak ang balikat niyang umuwi ng mansion. Gustuhin niya mang puntahan ang mga kapatid ay hindi niya maari, dahil hindi niya rin alam kung papayagan ba siya nito.
Inilibot niya ang sarili sa buong mansion. Hinatid lang siya ng lalaki matapos ay umalis din ito kaagad.
Sobrang laki ng bahay nito. Na animoy isang palasyo. Mula ngayon ay diti na siya titira kaya naman sasanayin niya na ang sarili niya.
Huminga siya ng malalim bago nagtungo sa likod.Bumungad sa kaniya ang malawak na garden at pool.
Masaya siya pero deep inside, sobrang lungkot dahil wala ang mga kapatid.
"Ma'am Brie, binilin ni sir na kumain na daw po kayo," sabi ng isang maid habang nakatungin sa kaniya.
Tumango naman siya bago muling sumulyap sa garden.
Nakarating siya sa kusina. Nakita niya naman na kompleto ang gamit nito. Ito ang pangarap niyang kusina kung sakaling yumaman man siya. At ngayon magagamit niya na ang napag aralan niya noon sa pagluluto.
Nakita niya naman na naghahain ang mga maid kaya tumulong na siya subalit pinigilan siya ng mga ito.
"Manang, parehas lang tayo dito. Huwag niyo na ko i-po," sabi niya habang nakangiti.
"Pero Ma'am bilin ni sir--"
"Okay lang po yon. Isa pa wala naman akong ginagawa dito eh," sabi niya pa. Hindi naman na siya pinigilan ng mga ito. Naghanda siya ng limang plato sa lamesa na ikinagulat naman ng mga maid.
"Kain na po tayo," sabi nito habang masayang umupo.
"P-po?" nagtatakang tanong nila kay Brie habang nakatigin.
"Huwag na po kayong mahiya. Sabayan niyo po ako kumain. Hindi masaya kumain mag-isa."sabi niya.
"Pero Ma'am, pasensya na po bawal po talaga."
"Manang akong bahala okay? Hindi pa kayo kumakain eh," sabi niya at ngumiti.
Sapilitin niyang pinaupo ang apat a maid.Hindi nila lubos akalain na makakasabay sila kay Brie. Dahil mahigpit itong ipinagbabawal ng lalaki sa mansion. Kaya naman hindi nila alam kung kakain ba sila o hindi.
"Amen! Kain na po," sabi niya at sumandok ng pagkain sa lamesa.
Sumandok na rin ang mga ito. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng dumating ang lalaki.
Seryoso itong tumingin sa mga katulong. Agad naman silang napatayo at namutla. Kita sa mga mata nila ang takot dito. Hindi ito nagsalita at tumingin lang sa kanila.
"S-sir s-sorry po--"
Pero bigla itong tumingin bago dumukot sa coat nito at inilabas ang sampung libong piso. Na ikinagulat naman ni Brie.
"You may go," sabi nito.
"S-sir, S-sorry po talaga--"
"One..." Pagbilang nito.
Wala silang nagawa kundi ang umalis.
Agad namang nagtaka si Brie ng seryosong tumingin sa kaniya ang lalaki.
"What do you think you're doing?" seryosong tanong niya.
"Nakain ako. Ano bang masama? Hindi pa sila tapos kumain--"
"I don't care."
Nabaling ang atensyon niya ng lumabas ang mga maid na may dalang mga bag at nakabihis na ito.
"Manang, saan po kayo pupunta?"tanong niya.
Nakita niya ang mga kawawang maid na tumingin sa kaniya bago bagsak ang balikat na lumabas.
Agad naman siyang tumingin sa lalaki na seryosong nakatingin sa mga ito.
"Ako ang may kasalanan. Ako ang nagpumilit na kumain sila," sabi nito sa kaniya
"So what?" pilosopong sagot nito sa kaniya.
"Huwag mo silang paalisin. Ako na lang.Ako ang may kasalanan," sabi nito.
Hindi ito sumagot at tumingin lang sa kaniya.
"P-please. Kawawa naman sila--"
"They disobey the rules."
"Eh ako nga nagpumilit eh, kaya wag mo na silang paalisin P-please?"
Huminga ito ng malalim bago kinuha ang phone at may tinawagan.
Maya-maya lang ay bumalik ang mga maid. Dumiretso naman sila sa maid's quarter. Hindi rin nagtagal ang lalaki at umalis ulit ito.
Ilang oras ang lumipas. Nilibang niya ang sarili sa pagtingin ng mga gamit dito sa kwarto. Ni isang litrato ay wala. Hindi niya alam kung bakit pero parang sobrang laki ng pinagdaanan ng lalaki. Hindi niya batid kung anong nangyari sa magulang nito kaya siya lang ang magisa dito.
Hindi pa siya tapos mag usisa, ng may kumatok sa pinto. Agad naman siyang natigil at napatingin dito.
"Madam, pinagbibihis na kayo ni Captain Claveria," sabi ng isang lalaki na naka formal.
Ngayon lang niya ito nakita dito sa mansion. Kaya nagtataka naman siya kung sino naman ito.
"HAHAHA by the way, I'm Meshua Calvin. Bestfriend of Captain Claveria," masayang pakilala nito.
Hindi niya akalain na may kaibigan ito. Mabuti na lang at may nagtatagal sa ugali niyang tahimik at suplado.
"Kaibigan?"
Ngumiti ito kaya lumabas lalo ang kwagpuhan nitong taglay.Dahilan para mapatulala siya.
"Yap. Nagtataka ka hindi ba? HHAHAHA Pero mabait si Captain," nakangiti niyang sabi.
Nagtaka naman siya. Bakit Captain ang tawag nito dito? Mas lalong gumulo ang isip niya dahil sa inasta ng lalaki.
"Captain?"
Nagtatakang ulit niya sa utak. Inabot niya ang supot na dala nito bago ito tuluyang umalis.
Bakit ba panay alis sila?Kakaiba talaga siya.
Wala siyang nagawa, tanghali pa lang naman kaya naman dali-dali siyang naligo.
Isinuot niya ang ibinigay ng lalaki kanina. Siguro simula ngayon ay sasanayin niya nang mag suot ng dress. Dahil isang fitted dress na naman ang isusuot niya.
Wala naman siyang ibang mapipili dahil wala siyang damit dito.Konti pa lang at puro pang bahay.
Lumabas siya at sa hagdan pa lang nakita niya na ang lalaki na may kausap yung kaibigan nito na pumasok dito kanina.
Napunta ang atensyon ng mga ito sa kaniya.Hindi niya alam ang irereak niya sa mga ito. Nakatitig ito na tila ba binubusisi ang bawat sulok ng mukha nito.
"Wag niyo nga kong titigan, nakakailang eh!" sabi niya at animoy nahihiya itong tumalikod.
"Ang ganda mo Madame," napatingin naman ng nagtataka si Brie sa kaibigan nito.
"Malabo na ang mata mo Meshua," sabi niya at tumawa.
"Pati nga si Captain napatulala oh," sabi nito at bumaling ng tingin sa lalaki.
"Hay nako, imposible yang sinasabi mo. Halika na nga, saan ba tayo pupunta?" sabi nito subalit pinigilan siya ng lalaki na akmang lalakad siya.
"He's right. You look great. Mukha ka ng tao," sabi nito at naunang umalis.
Hindi niya alam ang irereact niya sa inasal nito. Kung matutuwa ba siya dahil sumang-ayon ito na maganda siya o magagalit ba siya dahil parang ininsulto siya sa pagiging mahirap.
Pero sa huli, nangibabaw ang saya niya. May point naman ito, dahil mukha talagang basura ang suot niya at hindi pa mabango.
Sumakay siya sa kotse. Humiwalay naman si Meshua sa kanila kaya silang dalawa lang ang nakasakay dito.
Ilang minuto lang ay huminto sila sa isang mall.Nagulat naman siya ng bumaba ito kaya bumaba na rin siya.
"Anong gagawin natin dito?" tanong niya. Hindi siya pinansin ng lalaki at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Suplado! Hmp!" sabi niya at naglakad na.
Sinundan niya ang lalaki, umakyat sila sa second floor. niya ring nakasunod ang ilang body guard ng mga ito.
"Kakaiba talaga maybpa body guard pa!"
sabi niya sa isip habang sinusundan ang lalaki. Nagulat siya ng huminto sila sa isang botique store.
"Sir Claveria!" nakangiting sabi ng sales lady.
Hindi siya nito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Buy all you want," sabi nito habang prenteng nakaupo sa sofa.
"A-ano?" ulit niya subalit hindi siya nito sinagot pa.
Pumili siya ng mga damit.Ang gaganda ng mga ito halos lahat gusto niyang bilhin. Pero tumaas ang balahibo niya ng makita ang price nito na nakadikit sa hanger.
"3,399.00"
Yan ang nakasulat sa hanger kaya naman napaatras siya sa simpleng dress lang.
Kung sa ukay-ukay sana ay marami na itong mabibili.Sobra-sobra na. Kaya naman hindi siya makapili ng maayos dahil nahihiya siya sa sobrang mahal ng mga ito.
"A-ahh, Pwede bang sa ibang store na lang?" sabi niya sa lalaki.
Seryoso itong tumingin sa kaniya.
"Ehh A-ang mahal eh--"
"Buy all you want," sagot lang nito.
Hindi na siya nagpumilit pa dahil alam niyang di siya mananalo dito.
Kinuha niya ang simple tshirt na nagkakahalaga ng '800.00' ito ang pinakamura dito kaya kinuha niya.
"Ito po," sabi niya sa saleslady.
Akmang paalis na ang ito subalit magsalita ang lalaki dahilan para tumigil ito sa paglalakad.
"How much this three lines?"
Nagulat naman sila ng ituro ng lalaki ang tatlong helera ng mga damit at dress kasama na ang mga pang ibaba.
"P-po?" tanong ng saleslady.
Seryoso lang niyang itong tinitigan. Kaya umiwas ang babae.
"O-opo sir," sabi nito at hinila ang tatlong hilerang damit at shorts.
"T-teka! Anong ginagawa mo? Sobrang dami naman non!" sabi niya.
"Were here to buy your clothes. I don't want to be tired because of this one clothe only," sabi nito.
"Pero sobrang dami non! Sobra-sobra na yon," sabi niya.
Pinigilan niya ang saleslady. No choice siya kaya mabilis siyang pumili ng damit kahit na mahal. Kesa naman bilhin nito ang tatlong hilerang damit na iyon. Mabilis naman itong dinala sa counter.
"54,599.00 Sir"
Hindi siya makaalis sa kinatatayuan niya ng marinig ang total price ng binili nila. Inabot naman nito ang
isang card. Tahimik silang lumabas ng botique Sumunod naman sila sa shoes store.
Hindi niya kayang makita ang mga price ng nga sapatos dito at sandals. Kaya naman pikit niyang ibinigay ang mga napili niya. Pinili ang pinakamurang nga sapatos at sandals.
Tatlong rubber shoes at limang sandals.Yung iba ay ang sales lady ang nag suggest pumayag naman ang lalaki kaya okay lang.
"24,399.00 Sir."
Halos lumuwa naman ang mga mata niya ng marinig at makita ang resibo.
Gulat siyang tumingin sa lalaki na seryosong nakatingin sa labas.
Akala niya ay uuwi na sila pero nagulat siyang huminto ito sa National book store. Kaya naman mas lalo siyang nagtaka.
"Anong gagawin natin dito?" naguguluhang tanong niya.
"Do you want to study right?"
Hindi niya lubos akalain na sasabihin iyon ng lalaki. Sobrang saya niya ngunit hindi nito pinahalata ang sayang nadarama niya.
Nakabili na siya ng mga pangangailangan niya. October pa lang naman magsesecond semester pa lang sila kaya magagamit pa niya ang mga ito since tipid na tipid siya sa papel dahil wala siyang pang bili nito.
Pero mas lalo siyang nagulat ng may hawak na dalawang basket ang mga bdy guard niya na puno ng mga school supply.
"Give it to your younger sisters,"sabi niya at lumabas na.
Natulala na lamang siya habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Hindi niya akalain na magagawa nito ang bagay na yon. Sobrang saya niya. Hindi niya rin naisip na may kabaitan itong taglay sa katawan.
Sumunod silang pumunta sa isang restaurant. Pinaunan na nito ang mga guard kaya sila nalang dalawa ang natira. After nilang kumain, may natabi siyang pera kaya bumili siya ng extrang pagkain para sa mga guard. babayaran niya ito subalit pinigilan siya ng lalaki.
"Kawawa naman sila kuya sa labas, Hindi pa sila kumakain," sabi nito.
Tinignan siya nito, akala niya ay magagalit ang lalaki subalit inabit nito ang card niya. Pinigilan niya ito.
"Wag na ako na ang bibili sa kanila. Ma'am how much?" tanong nito.
"4,345.00 Po ma'am," sabi ng waitress.
Pero pagtingin niya sa wallter niya ay Yung pera lamang niyang 3,000 ang nadala niya. Napansin ito ng lalaki kaya naman inabot nito ang card.
Wala siyang nagawa kundi ang lumabas na lang. Mabilis silang nakarating sa mansion. Paakyat na sila ng magsalita siya.
"A-ah, Maraming salamat," sabi niya.
Huminto lang ang lalaki bago ito umakyat.
Nagtataka siya kung bakit sa ibang kwarto ito natutulog. Magka-iba sila ng kwarto. Pumasok siya dala ang mga pinamili nila. Tinignan niya ang lahat ng resibo at pinag add niya lahat ng iyon.
Halos Lagpas isang daang libong piso. Bukod pa ang pagkain na mga binili nila na sobrang mahal din.
Agad siyang nagtaka kung ano ba talaga ito. Kung anong trabaho nito. At kung sino ito. Sinubukan niyang tanungin ang mga katulong nila kanina subalit maski sila, hindi nila alam ang pangalan nito.
Mas lalo siyang nagkaroon ng interest na malaman kung sino ito. Kung anong trabaho nito at bakit ganon na lamang ito gumastos.
Isa lang ang taong alam niyang makakasagot sa kaniya. Ang bestfriend nito na si Meshua.
Kailangan niyang makausap ito ng masinsinan. Pero paano? Kung hindi siya makalabas ng walang bodyguard? O mag isa lang?
Pero hindi siya susuko hangga't hindi niya nalalaman ang totoong pangalan nito.
Sa ngayon, iisipin niya muna ang pag aaral niya. Habang di pa sila kinakasal.
Bigla siyang nakaramadam ng kung ano. Muli niyang naalala ang kasal nila ng lalaki. At sa susunod na linggo na iyon. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Kung anong mangyayari pagkatapos ng ito.
May kaba sa dibdib niya. Hindi niya alam kung paano iyon malalabanan. Alam niyang maganda na ang kalagayan niya sa lalaki. Pero sino nga ba ito? Bakit parang napakahirap nito abutin? Base sa mga nasa paligid niya, para bang hindi ito ordinaryong mayaman lang. Hindi siya patutulugin ng isip niya kung mananahimik lamang siya. Gusto niya malaman ang lahat bago sila ikasal. Paano kung galing pala iyon sa masama? Ang mga pera na ipinambili nito ay galing sa illegal na paraan? Natatakot tuloy siya sa maaring mangyari kung malaman niya ang totoo.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 25 (Last Chapter)
LANCHE's POV "I want to be selfish. I want you to be back. I want you to be mine again. I hate seing you like this. P-pero kung talagang..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumikip ang dibdib ko. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. "K-kung talagang nahihirapan ka na, t-tatanggapin ko. " naiyak na sabi ko habang hawak ang kamay niyang maputla. "Mahal na mahal kita Elle. Mahal na mahal kita!" Nakita ko naman na unti-unti siyang lumuha. Mabilis ko iyong pinunasan. "I was June and you were my Johnny CashNever one without the other, we made a pa
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 24
Pagabi na subalit hindi magawang matulog ni Lanche. Hindi siya makatulog dahil baka sumpungin na naman si Brie. Nasa labas siya nagpapahangin habang may hawak na sigarilyo. "Captain!" napalingon siya ng tawagin siya ni Meshua kasama nito ang kaibigan ni Brie na si Chillet. "Kanina ka pa ba dito captain?" tanong sa kaniya nito. Hindi siya sumagot, nanatili lamang siyang nakatanaw sa malayo. Nasa loob naman ang tatay ni Brie kaya mag magbabantay sa kaniya. Kagagaling lamang niya sa bahay ng mga kapatid nito dahil dinalaw nila si Brie Ilang minuto lang ay nagpasiya na silang pumasok sa loob. Bumungad sa kanila ang bagong gising na si Brie. Kita niya mga mata nito na nahihirapan ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Brie habang nakatingin it
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 23
Lumipas pa ang maraming araw. Marahan niyang inalalayan si Brie na makaupo sa wheelchair. Gusto nito makalanghap ng hangin mula sa garden. Kaya naman ay pinayagan siya ng doctor para ilabas sa garden. Nakarating naman sila doon. Wala gaanong tao at karamihan rin ay pasyente. Huminto sila sa ilalim ng puno. Maganda ang panahon kaya naman maaliwalas ang kalangitan. "Kaya magpagaling ka na para maigala kita " nakangiting sabi ni Lanche. Hindi alam ni Brie kung ano ang irereact niya sa sinabi nito. Dahil batid niya ang katotohanan. Batid niya na ilang sandali na lang siya magtatagal dito. Ayaw niyang paasahin ito na may himala na gagaling pa siya.Ngumiti na lamang siya. Naawa siya sa lalaki. Ayaw niyang dumating ang araw na maiiwan niya ito. Bumalik na sila sa kwarto. Ilang araw na niyang napa
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 22
Weeks passed... Habang tumatagal, palala ng palala ang kaniyang karamdaman. Pinili pa rin niyang itago kay Lanche ang tungkol dito. Kaya walang kaalam-alam ang lalaki tungkol sa kaniyang sakit. Nakaupo siya habang nakatanaw sa bintana ng kwarto. Hindi niya namalayan na unti-unting pumapatak ang mga luha niya galing sa kaniyang mata. Marahan niya itong pinunasan. Matagal na niyang pinaghandaan ang bagay na ito. Kaya naman masaya siya ng malaman mula kay Lauren na malapit na silang ikasal. Masakit man, pero mas pinili niyang suportahan at maging masaya na lamang para sa kanila. "Anak, kumain ka muna." aya sa kaniya ng kaniyang ama. Hindi niya ito sinagot bagkus ay patuloy niya pa ring pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata.
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 21
Muli siyang binalot ng lungkot ng bumalik siya sa apartment. Hawak niya pa rin ang folder na puti habang may luhang natulo sa pisngi niya galing sa mga mata niya. "Mesothelioma" Napapikit na lamang siya ng mabasa niya ito. Naka-third opinion na siya sa iba't-ibang mga doctor. Subalit iisa lang ang mga resulta nila. Muling sumakit ang kaniyang dibdib. Sobrang sakit niyon na para bang mamamatay na siya sa sobrang sakit. Nahihirapan na din siyang huiminga kaya kinuha niya ang pain reliever na mesa. Hindi pa rin nawala ang sakit sa dibdib niya at patuloy pa rin itong sumasakit pa. Napahawak na lamang siya habang namimilipit sa sakit. May luhang tumulo sa mga mata niya. "A-ahhh! P-please..." hawak-hawak niya parin ang kaniyang dibdib habang hinahaplos-haplos iyon para mawala ang pananakit. Tumagal ang pananakit ng dibdib niya ng ilang minuto bago ito nawala. Nakahinga na rin siya ng maluwag ng humup
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 20
Tahimik na nakadungaw sa bintana ng apartment niya si Brie. Habang nilalasap ang simoy ng hangin. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang nangyari. Tinatanaw niya ang mga building sa kalayuan habang naisisinagan ito ng palubog na araw. Mabuti na ang ganito. Ang tuluyang siyang kalimutan ng lalaki. Ilang araw na ang lumipas mula ng makausap niya si Lauren. At inaamin niya na hanggang ngayon ay sobrang sakit ng lahat. Sapilitin niyang binitawan ang unang lalaking minahal niya dahil kailangan. Muli siyang nakaramdam ng sakit at paghirap huminga. Madalas na rin siyang sumpungin ng pagpapalpitate niya. Bahagya siyang humiga sa kama niya habang hawak-hawak ang parte ng dibdib niya. Hindi pa rin humuhupa ang sakit ng dibdih niya.Para bang ilang beses ito tinutusok-tusok. "A-ahh!"
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 19
"Brie? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Lauren sa kaniya. Pinuntahan siya ni Brie sa condominium nito. Gaya ng ineexpect niya, mugto ang mata ni Lauren. "L-lauren
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 18
Weeks passed. Tahimik na naglalakad sa gilid ng daan si Brie. Naalala niya yung unang pagkikita nila ni Lanche. Muntik pa siyang sagasaan nito. Mabigat ang mga paghinga niya haban
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 17
Ilang araw ang lumipas at umiwas na si Brie kay Vinz dahil sa nangyari.May hinala siya na ay tinatago sa kaniya si Vinz kaya mas lalo siyang naging alerto. Hindi parin tumigil si Lanche
test one dongT AWAY (TAGALOG) CHAPTER 16
Ngayon ang uwi ni Lanche galing sa America. Ilang buwan din ang lumipas bago siya bumalik sa Pinas. "Good morning sir," nakayukong sabi ng mga maid. Dumiretso na lamang sila. Dumiretso siya sa kwarto ni Brie. Ang sabi ni Meshua, may magan
