Wird geladen
Startseite/ ALLE /Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)/CHAPTER 01
Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)

CHAPTER 01

Dare Writes
"Veröffentlichungsdatum: " 28.07.2020 09:13:44

Napabalikwas ng bangon si Kamille nang marinig nya ang boses ng kanyang Yaya Hilda. Alas-otso na pala at late na naman sya sa iskwela.

Mabilis syang bumangon at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa sampayan. Magulo pa ang kwarto nya dahil hindi pa nya ito nagagawang harapin para ayusin.

21 na sya at graduating na sa kursong Tourism Management. Ito talaga ang pangarap nya noon pa at ngayon ay halos abot-kamay na nya ito.

"Naku ikaw na bata ka, para saan pa ang alarm clock mo sa kwarto? Kung hindi pa kita ginising malamang na hanggang ngayon ay gumagawa ka pa ng mapa," sermon sa kanya ni Yaya Hilda.

Napakamot sya sa buhok at daling bumaba para kumain muna ng almusal.

"Yaya naman wag mo na po akong sermunan, halika kumain na lang tayo," nakangiting sabi nya sa kanilang katulong.

15 years na itong nagtatrabaho sa kanila at halos ito na ang nagpalaki sa kanya. Ito kasi ang palagi nyang kasama dahil madalas na wala naman sa Pilipinas ang mga magulang nya. Abala ito sa pagpapatakbo ng kompanyang iniwan ng lolo nya.

"Tapos na ako. Hala, dalian mong kumain at late ka naman sa iskwela," paalala nito sa kanya

Tumango-tango na lang sya sa matandang katulong, sanay na sya sa mga sermon nito minsan dahil parang nanay na rin ang turing nya dito. Nginitian nya na lang ito habang kagat kagat ang sandwich sa bibig nya.

Nagmadali na syang kumain at nagdiretso na sa banyo upang maligo, binilisan na lang din nya ang paggayak upang hindi na makapagsayang pa ng mga natitirang oras. Kahit na nga ba nag-aayos na lang sya ng mga dapat ayusin para sa nalalapit nyang graduation ay hindi dapat sya nagpapapetiks-petiks lang.

"Ya alis na ako!" paalam nya at patakbong lumabas ng pintuan.

Sinundan lang sya ng tingin ng matanda, muntikan pa syang matapilok sa pagmamadali. Medyo mataas kasi ang takong ng sapatos nya.

"Ay sus maryosep kang bata ka!"

Dinig pa nya ang huling sinabi ng matanda, napangisi sya.

Natutuwa talaga sya sa Yaya nya, sa kabila ng pagiging busy ng mga magulang nya sa trabaho ay ito naman ang pumupunan ng mga pagkukulang para lang hindi nya maramdaman na mag isa sya.

Paglabas nya ng pintuan ay naabutan nya ang driver nila na may kinakausap sa garden, hindi ito pamilyar sa kanya. Nakatagilid ito at sa tantya nya ay bagong mukha, kailan lang kasi ay pumanaw ang hardinero nilang si Mang Isko. Siguro ay ito ang bagong hardinero nila.

Lumapit sya upang tawagin ang driver dahil kailangan na nyang maihatid sa iskwela,

Nag uusap ang mga ito at tila naabala sa pagdating nya.

"Ma'am Kamille, andyan ka na pala. Pasensya na at kinakausap ko lang itong bagong hardinero nyo. Ibinilin kasi sya sa akin ng Daddy mo," sabi nung driver.

Tiningnan nya ang lalaking kausap nito, matangkad ito at moreno. Hindi nya alam pero kusang napako ang tingin nya sa lalaki,

Ni hindi man lang sya nito tinapunan kahit isang tingin, hindi man lang ba sya babatiin nito?

Kakaiba yata ito sa lahat. Sa lugar nila ay sya lagi ang pinagpapansinan ng mga lalaki, pero itong lalaking nasa harap nya ngayon ay kabaligtaran naman niyon. Ramdam na ramdam nya ang pagkailang nito sa kanya.

"Franco, si Ma'am Kamille, nag-iisang anak nila Sir Ricky at Madam Verna," pakilala nung driver nila.

Noon lang ito tumingin sa kanya, sya naman ay inaaninag ng mabuti ang mukha nito, gwapo at matangos ang ilong, parang may lahi itong mexicano.

Bahagya lang itong yumuko matapos tanggalin ang malapad na sumbrerong suot-suot nito.

"Hello Franco. Nice to meet you. Pagbutihin mo ang trabaho mo dito ha, sana ay makasundo kita." Nginitian nya ito pero wala man lang itong kaimik-imik, napapasong iniwasan sya nito ng tingin.

Anong problema ng lalaking ito?

"Tara na Ma'am ihahatid ko na kayo," pukaw sa kanya ni Art.

Kinuha na nito ang gamit nya at naglakad na ito papuntang sasakyan, sya naman ay nawiwirdohan sa bagong hardinero nila. Gwapo pa naman sana ito. At infairness kahit na moreno ang balat nito eh parang ang bango bango tingnan. Kaya lang ay parang may tililing yata. Hindi man lang makipag eye to eye contact. May lahi yatang aswang.

Natawa sya sa sarili pero mabilis din nyang pinawi 'yon. Kung ano-ano ang sinasabi ng utak nya. Umaarangkada na naman ang pagkahibang nya. Pero naguguluhan din sya sa sarili kung bakit tila apektado sya sa ikinilos nito. Siguro ay dahil hindi lang sya sanay. Nakaramdam kasi sya ng pagkapahiya sa sarili. 

Sa huling pagkakataon ay tinapunan nya ulit ng tingin ang lalaki bago tumalikod. Hindi nya mabasa ang emosyong nakalarawan sa mukha nito. Sumunod na sya sa driver nila upang ihatid sya sa iskwela.

Habang nasa sasakyan ay hindi pa rin maalis sa isipan nya ang bagong Hardinero nila. May bahagi ng pagkatao nya ang naiinis dahil hindi sya sanay aktuhan ng ganoon, lalo na ng lalaki.

"Kuya Art. Ganun ba talaga yun?" inis na tanong nya sa driver.

"Ha? Ano po yun Ma'am?" hindi yata sya naintindihan nito.

"Yung bagong Hardinero. Ang weird nya ha?" napairap sya sa inis.

Tumawa lang yung driver nila.

"Naku Ma'am pasensya ka na kung hindi ka sanay sa ganoon. Pero sadyang tahimik lang talaga yun si Franco," paliwanag nito.

"Saan ba sya nakuha ni Daddy? Matagal mo na syang kilala?" parang bigla naman syang naging interesado.

"Apo sya ni Mang Isko, at oo matagal ko na syang kilala, kaya lang ay laging nasa bayan dahil doon nagmemekanino," anito.

Ah kaya naman pala. Hindi naman pala ito iba sa dating hardinero nila. Napatango-tango na lang sya, pero nagngingitngit pa rin ang kalooban nya dahil medyo nadismaya sya kanina.

Tiningnan nya ang sarili sa salamin. Feel nya tuloy ang pangit nya dahil sa inakto ng Franco na 'yun pero hindi yata sya papayag na aktuhan lamang ng ganoon ng isang lalaki, hindi sya sanay at hindi nya matatanggap.

Napataas ang isang kilay nya, at kapagkuwan ay bumuntong hininga,

Ano kaya kung akitin nya ang lalaking yon?

Sinisigurado nyang hindi sya nito matatanggihan kapag pinairal nya ang kapilyahan.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nya dahil sa mga planong bigla na lang pumasok sa utak nya.

"Tingnan lang natin kung hindi makuha ng alindog ko ang atensyon mo Franco,"  bulong nya sa sarili.

Möchten Sie wissen, wie es weitergeht?
Weiterlesen
Vorheriges Kapitel
Nächstes Kapitel

Buch teilen mit

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Aktuellstes Kapitel

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 63

FINAL CHAPTER-Naka simpleng bestida lamang si Kamille na kulay puti at may manggas iyon. Papunta na sila sa Munisipyo ni Franco. Ang mga magulang nya ay nakasunod na rin sa kanila. Masayang-masaya sya dahil ngayong araw ay magiging ganap na silang mag-asawa ni Franco. Dadalhin na nya ang apeliyido nito at magiging may bahay na sya nito."Mahal are you okay?" untag sa kanya ni Franco at hinawakan nito ang kamay nya habang nagmamaneho ito. Nasa likod nila si Mathew at suot na nito

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 62

Dalawang linggo matapos alukin ng kasal ni Franco si Kamille ay nagdesisyon si Kamille na gawin na lamang simple ang kasal. Gusto nya ng civil wedding lang. Ayaw nya ng bongga, ang mahalaga para sa kanya ay kasama nya ang mga taong mahal nya sa buhay. Tumututol nga sa kanya si Franco dahil gusto nito na sa simbahan at dapat daw ay bongga iyon pero pinilit nya pa din ang gusto nya. Ayaw nyang gumastos pa ito ng malaki kahit na alam nyang balewala lang iyon kay Franco, ang importante para sa kanya ay maikasal sila. Bukas na ang kasal nila at tanging pamilya lang nya at pamilya ni Franco ang sinabihan nila.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 61

Alas-otso na ng gabi nang makauwi si Franco galing sa Maynila. Tahimik na ang mansyon at mukhang nagpapahinga na ang mag-ina nya sa itaas. Kaagad syang pumanhik sa hagdanan upang tunguin ang silid nila ni Kamille. Naabutan nya itong nakahiga habang nagbabasa ng libro. Si Mathew ay tulog na sa tabi nito."Mahal nandyan ka na pala. Bakit ginabi ka?" ani Kamille sa kanya nang pumasok sya sa silid.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 60

Kinabukasan ay maagang tinungo ni Paula ang Hacienda Monreal, talagang wala syang balak na sumuko para makuha ang mga gusto nya. Dadalhin nya ngayon si Amirah sa ama nito. Alam nyang maaawa si Franco sa bata kaya si Amirah ang magiging alas nya.Habang naglalakad sya ay agad nyang nakita ang mga tauhan sa Hacienda, nagkukumpulan ang mga ito sa bahay kubo at natanaw din nya si Kamille doon. Nakikipagtawanan ito sa mga tauhan, mukhang masayang-masaya ito. Napairap sya sa hangin.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 59

Nagtitingin si Kamille ng mga damit ni Mathew habang si Franco naman ay hawak-hawak ang kamay ng anak nila. Paminsan-minsan ay nagtatanong sya kay Franco kung bagay ba kay Mathew ang mga damit na napipili nya. Sumasang-ayon naman ito sa kanya. Nandito na sila sa Mall at nabilhan na din nila si Mathew ng sapatos kanina, kaya sa bilihan naman ng damit ang tinungo nila ngayon. Si Franco ang namili ng mga sapatos ni Mathew at tatlong pares ang napamili nila para dito.

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 58

Kinabukasan ay naalimpungatan si Paula dahil sa mga katok na narinig nya mula labas. Tumingin sya sa orasan na nasa dingding. Alas-singko pa lang ng umaga. Sino naman kaya ang damuhong ito na nang-iistorbo sa kasarapan ng tulog nya? Napailing na bumangon sya mula sa pagkakahiga at tinungo ang pintuan. Binuksan nya iyon at tumambad sa kanya si Franco.Ang nakakunot nyang noo kanina ay agad na napawi ng masilayan nya

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 45

Ibinagsak ni Kamille ang katawan sa kama dahil sa pagod, alas nuwebe na ng gabi at kauuwi lamang nya. Napatingin sya sa cellphone at nakitang marami na palang message doon. Meron

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 44

Nakatulala lamang si Kamille sa kisame ng kwarto at iniisip ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Franco. Hindi lang yon, marami pa. Bukod sa mga nalaman nya tungkol sa kawala

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 43

Gustuhin man ni Franco na wag umalis sa tabi ng natutulog na si Kamille ay hindi pwede dahil may kailangan syang asikasuhin. Sinulyapan nya si Kamille sa gilid nya at bahagya pan

Sweet Seduction (TAGALOG-RATED SPG)   CHAPTER 42

Kahihinto lamang ng ulan at tila sumabay ang pagbuhos nito sa damdamin nila kanina ni Franco. Nasa loob na sila ngayon ng bahay at kasalukuyan nyang ginagamot ang kamay ng binata

Weitere Kapitel
Buch herunterladen
GoodNovel

Buch kostenlos herunterladen

Download
Suchen
Bibliothek
Stöbern
RomantikAlternativgeschichteUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+
Kurzgeschichten
LiebeskummerGeheimnisModerne StadtApokalypse-Überleb1enshort-Science-FictionLiebesroman0
ErstellenVorteile für Autor:innenWettbewerb
Beliebte Genres
RomantikAlternativgeschichteUrbanWerwolfMafiaSystem
Kontaktieren uns
Über unsHilfe & VorschlägeGeschäft
Ressourcen
Apps herunterladenVorteile für Autor:innenInhaltsrichtlinieTop-SuchanfragenFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Folge uns
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Nutzungsbedingungen|Datenschutz