loading
Home/ All /Shh, I'm Sleeping (Filipino)/Chapter Nine

Chapter Nine

Author: Doctor_Art
"publish date: " 2020-08-01 21:46:58

"Baby Eleuthera, nakauwi kana," nakangiting salubong ng mama ni Eleuthera, halata ang pagiging energetic nito. 

"Yes, mama. Pasensya na po't medyo natagalan ako." Nagmano siya sa ina. "Si papa po?"

"Nandito ako, baby." Nilahad nito ang kamay na tinanggap ni Eleuthera para magmano. "May surprise kami sayo." They both grinned to each other, it lead Eleuthera confusion.

"Hindi ko kaarawan ngayon, mama at papa. Matagal pa birthday niyo at wedding anniversarry. Hindi naman uso sa pamilya natin ang surprise, hindi kasi tayo makapaglihim sa isa't isa," napahinto si Eleuthera sa pagsasalita, marami na siyang itinatago sa pamilya niya. Hindi siya tumupad sa pangakong walang lihiman.

'I'm guilty, I'm sorry ma at pa.I want to protect you from my dangerous world. I haven't a choice but to keep a secrets from you.'

 " I'm curious na po, anong surprise 'yon? "

"Ako," a charismatic voice suddenly entered their conversion.

"No way." Hindi makapaniwalang ngumiti ng malapad si Eleuthera. Inakbayan ng papa niya ang mama niya, hindi maalis ang masaya nitong mga ngiti. Sa kabilang gilid ay nakabusangot lang si Zayn Eros, iniisip kung sino ba ang lalaking tinutukoy na surpresa ng mga magulang ni Eleuthera.

"Yes way, milady. Ayaw mo ba akong makita? Aww, hindi niya ako namiss," nagtatampong sumimangot ito, naalis din naman dahil patakbong tumalon si Eleuthera sa lalaki at sinabit ang mga kamay sa leeg nito sabay halik sa pisnge. 

Mas humaba ang nguso ni Zayn Eros, gwapo nga ang lalaki pero mas bata siya dito kaya mas may igagwapo pa siya.

"I miss 'ya." Her childish character come out again, she is truly thankful now he is back, bahagya niyang nakalimutan ang lungkot niya. "Kuya, kuya ko!" Her old brother hugs her while laughing. The most influential and overprotected Eldred Augustine, he is 29 years old and a certified Lieutenant Colonel.

"Ma at pa, group hug na. Matagal akong nawala kaya I deserve a long hug." As he request, inatake sila ni Eleuthera ng mga bisig. 

Napapahiyang napakamot sa batok si Zayn Eros, akala niya ay kung ano na ito ni Eleuthera. Masama talagang magjudge sa una.

"Kuya, I need to talk to you." 

Humarap ang nakakatandang kapatid ni Eleuthera sa kanya, seryoso ang mukha nito na halatang na alam na ang pakay ng kanyang kapatid. Makatapos umupo ni Eleuthera ay nakiramdam si Zayn Eros sa paligid niya, sinama siya ni Eleuthera na pumasok sa silid ng kapatid nito. 

"Bakit hindi ka maupo, lalaki?" 

Halos mapatalon si Zayn Eros sa gulat sa pagkausap sa kanya ng nakakantandang kapatid ni Eleuthera na hindi niya pa alam ang pangalan. Ibig sabihin lang ay nakikita siya nito. Nababahalang umupo siya sa katabing espasyo nang inupuan ni Eleuthera.

"Gusto ko marinig ang paliwanag mula sayo, bunso. Hindi magandang makita na may ibang lalaki sa loob ng pamamahay natin, napansin kong may kakaiba sa kanya. Sobrang kakaiba para hindi siya mapansin nila papa."

Matalas ang bawat binibigay nitong tingin kay Zayn Eros, nakakamatay at nagsusumigaw na wala siyang tiwala sa lalaki. He has the same eyes with Eleuthera, the eyes of Augustine

"Kuya, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sayo ang lahat. Hindi ako ang makakasagot sa mga katanungan mo. Basta kasalanan ko kung bakit siya nandito kaya hayaan mo siyang mamalagi sa bahay natin, pansamantala lang naman ang lahat kuya, maibabalik ko rin siya. He is Zayn Eros, and I swear even I just know his name, he is a good person so please don't make it hard for him to stay with us for a while."

"His presence irks me, bunso. Paano mo nasabing mabuti siyang tao 'e mukhang kakagatin ka niya anumang oras?" 

Naiinsulto man ay nanahimik na lang si Zayn Eros, naiintindihan niya ang kapatid ni Eleuthera sa pagiging strikto nito at pihikan sa pagbibigay ng tiwala sa ibang tao na nakapaligid sa kapatid niya dahil ganoon din siya kung sakaling may kapatid siya na babae. Kaya lang kung magusap ang mga ito ay parang wala siya sa paligid. Saka kakagatin niya si Eleuthera? He is not a dog to do that not until- he shoved away his thoughts, this isn't the right things to think about that one, and he isn't going to apply it with anyone especially with her. He might died in a second kung magkamali siya.

"Zayn Eros, doon ka muna sa living room. Maguusap lang kaming magkapatid."

Hindi labag sa loob na tumango si Zayn Eros at lumabas sa silid na 'yon. Nang masigurado ni Eleuthera na wala nang makakarinig at makakakita sa kanila ay nagtungo siya sa harap ng cabinet ng kuya niya at tinulak ito, nang makitang nahihirapan ay tinulungan siya ng kapatid na alam na ang nangyayari. Nasa harapan na nila ngayon ang pader, hindi nagdalawang isip si Eleuthera na itulak ang isang parte nito. Napangisi ang nakakatandang kapatid nang bumakas na ang secret door na nagkokonekta sa kwarto ni Eleuthera. Walang paliguy-ligoy na pumasok ang dalawa. Hindi natatapos sa pagpasok sa kwarto ni Eleuthera ang lahat, ngayon ay tinapat niya ang kanyang hinlalaki sa pader na may dim light, aakalain ng iba na pangkaraniwang lamang ito pero ang totoo ay sa pagdikit ng hinlalaki dito ay natutukoy na nito ang finger prints ng mga Augustine na siyang magiging susi para mabuksan ang hagdan na hahatid sa underground, gaya nang inaasahan ay bumakas ang isang parte ng sahig at lumantad ang hagdan pababa.

Nang makababa na ang magkapatid ay sinara agad ni Eleuthera ang lagusan katulad nang ginawa niya sa pintong nagdudugtong sa kanilang mga kwarto. Nakatulala ang kapatid niya nang lingunin niya ito, ang buong atensyon nito ay nasa babaeng nasa harap nila. Sa babaeng kamukhang kamukha ni Eleuthera, bawat detalye ay perpektong katulad niya. 

"You really owe me an explanation, bunso."

Nakaupong napapaisip si Zayn Eros, at minu-minutong napapatingin sa wall clock. Nagtataka na siya dahil ilang oras nang hindi lumalabas si Eleuthera o ang kuya nito sa kwarto. Gusto na niya pasukin o kumatok sa pinto, pinigilan lang niya ang sarili. Napakamot siya sa kanyang batok at nilibang na lang ang sarili sa pamamagitan nang pagbabalik tanaw sa nakaraan niya, katulad ng kung ano ang ginagawa niya noong kabataan niya sa taong 2020 kung saan nandito siya ngayon. 

"Damn," pagmumura niya nang maalala kung ano ang kalagayan niya dati. "Bakit ngayon ko lang naalala, nasa hospital ako ngayong buwan ng 2020." Hindi na niya pinigilan ang sarili at nagmamadaling kumatok siya sa kwarto ni Eldred. Sakto ang pagkatok niya dahil nasa harap na ng pinto ang magkapatid, nagkatinginan muna ito bago binuksan ang pinto.

"May problema ba?" 

"Era, we need to talk. I have something to tell you, maybe it can help me to go ba—"

Pinutol ni Eldred ang sasabihin niya, "Pumasok ka, may sasabihin din kami sayo."

Nagaalangan man ay pumasok si Zayn Eros sa kwarto ni Eldred, doon ay bumungad sa kaniya ang dalawang Eleuthera. Nakilala agad niya ang tunay na Eleuthera dahil sa suot na damit nito. 

"May kakambal ka?"

Umiling si Eleuthera at sinenyasan ang kamukha nito para magsalita.

Walang emosyon na bumaling kay Zayn Eros ang babaeng kamukha ni Eleuthera. 

"My greetings, Mr. Zayn Eros. I'm Android XIII from year 2025." She bowed her head.

"Damned hell."

Nakahiga sa kanyang kama, nababalutan ng kulay-rosas na kumot ang katawan. Hindi mapakali ang ulo, pabaling-baling sa iba't ibang direksyon habang mariin na nakapikit ang mga talukap ng mga mata. 

"H-hindi ko na kaya, tama na!" 

Napabalikwas si Eleuthera ng bangon. 

"You are saying that this Android XIII was the one who saved me and accidently brought me here?"

"That was what she told me. I lied to you because I really don't know how to explain this thing. I was shocked. At sinong hindi? Nagising ako sa kama ko na may katabi na akong isang estrangherong lalaki tapos sa harap ko ang isang kamukha ko na nakatitig sa akin, ni hindi kumurap ang mga mata niya. Ang creepy kaya. "

"Ano pa, ano pa ang hindi mo sinasabi sa akin, Eleuthera?" puno ng hinanakit na tanong ni Zayn Eros. 

May bahagi kay Zayn Eros na nabigo, nabigo siya ng sarili. Pagkatapos nang masaksihan niya kung paano itulak ni Eleuthera ang mga matalik na kaibigan ay inintindi niya ito, naawa siya para sa babae, pero ngayon tama ba ang nararamdaman niya?  Ngayon niya na napatunayan na hindi niya pa ito ganoon kakilala. 

Mapait na ngumiti si Eleuthera. Ang totoo ay kanina pa siya durog, pagod na ang mga paa niya sa paroo't parito, malapit nang bumigay. Pagod na ang isip niya sa kakahanap ng solusyon, sa pagagawa ng plano na hindi niya alam saan siya dadalhin, sasabog na. Pagod na ang labi niya sa pagpapaliwanag,  pagod na siyang ipagtanggol ang sarili. Pagod na ang mga mata niya sa kakatutok sa computer, sa paghahanap ng mga artikulo na makakatulong sa sarili at kay Zayn Eros. Dumagdag pa ang puso niya, sa kakapigil umiyak, sumigaw, at magwala, ilabas ang hinaing  ay kumikirot ito. Sumisikip, halos malalim na ang pagbuntong-hininga para mas dumaloy ang hangin. Walang katapusan, kailan ba siya makakaalis? Nahihirapan siya sa sakit na gawa niya rin naman. Gusto na niyang yumakap sa mga unan, balutin ang sarili ng kumot, at magpalamon sa dilim baka sakaling makabalik siya. Magising sa pagkakahimbin ang hiling niya. Buti pa ang buwan ilang beses nang dumaan sa pagkabilog at magbago ito ng hugis habang siya naiwan sa walang kasiguraduhan.

"I want to remind you, Zayn Eros. You are in our territory, watch your tongue or I cut it off for you," pagbanta ni Eldred. "Sleep now, Eleuthera. You had a long day, you deserve to lay down. I'll take care of this young ass."

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Shh, I'm Sleeping (Filipino)   Chapter Twenty-seven

To his wonder, his captain brought a bouquet of pink roses, and a scented candle. May date ba ang kapitan? Dapat ba ay hindi na siya sumama at baka maging third wheel siya? What kind of date anyway? Ang babae ang bumibili ng bulaklak at kandila na may aroma? What makes more creepier to him, the captain looked like an inlove teenager when she smiles from ear to ear nang makuha nito ang mga binili."May date po ba kayong dalawa?" Nagkatingin silang dalawa at sabay na natawa sa naging turan ng saleslady. "Hindi po ako ang ka-date niya." Nagkibit-balikat si Zayn Eros."Ayy...eh, sino ang ka-date mo iha?" baling nito kay Eleuthera."Nakalimutan mo na po ako ulit?" Mas natawa ang dalaga."Teka..." Mabuting pinagmasdan ng ale si Eleuthera. "Oh! Ikaw pala 'yan E...le...yu!"Eleyu? tanong ni Zayn Eros sa sarili. Na

Shh, I'm Sleeping (Filipino)   Chapter Twenty-six

Habang pinanood ni Eleuthera ang mga kasamahan niya sa bahay na masayang nakikipag-usap kay Zayn Eros ay hindi niya mapigilan na mapa-irap.Nasa kampo na dapat siya sa mga oras na ito at nagpa-punishment sa mga pasaway pero dahil sa isang order na may halong personal request sa kanya ng heneral ay narito siya at magpapaka-babysitter sa isang mas matanda at matangkad pa sa kanya.Akala ba ni Eleuthera ay sinanay na ang lalaki ng lolo nito? Pagka-uwi nila galing sa States ay noon palang nagsabi ang Lieutenant Colonel na apo ito ng heneral na ikina-gulat nilang lahat. Kasama pa nga sumalubong sa kanila ang heneral. Halos mamutla ang Alpha Team dahil naiuwi nila ang apo nito na may sugat. Sa kabutihan naman na palad ay malayo sa bituka ang mga tama nito. Palibhasa ay ang iba ay mga totoy pa ang sumagod dito. Hindi nila agad nasaklolo si Zayn Eros dahil kahit sila ay nakipagbarilan at hindi nila inasahan na ang nakatalaga na protek

Shh, I'm Sleeping (Filipino)   Chapter Twenty-five

Amusement splashed in Eleuthera's eyes as she watches the target's movement, awakening from a deep sleep, he's inside of her family's guest room. Kanina pa ni Eleuthera pinagmamasdan ang lalaki, hinihintay ang paggising nito sa ikatlong araw mula nang nasalba niya at ng kasamahan. Sa kabutihang palad ay wala itong natamong malubhang sugat na magpapakritikal sa kalagayan, naisip ni Eleuthera na may posibilidad na may dugo ang lalaki ng isang masamang damo, mahirap mamatay o sadyang hindi pa talaga nito oras. Ika nga, pag oras mo na ay oras mo na, tumakbo man ay hahantong pa rin sa kamatayan. She didn't mean to prey but this is so cool. It seems like she is seeing a Hollywood movie through CCTV Camera. “Damn it, where the hell am I?” unang lumabas sa bibig ng lalaki nang magising ito.Napa-ayos ng upo si Eleuthera, hindi maalis ang mapaglarong ngiti.Talagang nalilibang siya sa 'di maipaliwanag

Shh, I'm Sleeping (Filipino)   Chapter Twenty-four

"I'll leave you this again."Tuwing umaalis sila sa misyon ay iniiwan nila ang dog tag, sumasabak sila sa misyon nang walang pagkakikilalan, mananatiling sekreto at misteryo kung sino sila para sa ikakabuti ng kanilang organisasyon. Sinuot ng kapatid ang kwentas niya sa sariling leeg nito. "Be safe, Bunso. Guide your team well, Captain Eleuthera Augustine. Make us proud again." Napatindig ang magkapatid, seryosong sumaludo ang Kapitan."Affirmative, Lieutenant Colonel. Power of Unity.""San Francisco, California, USA. Its good to be back, right Cap?" Binunggo siya ng First Lieutenant sa kanyang balikat na ikinangiwi ng kapitan."Its good to be back if only we aren't here for the mission." Captain Eleuthera stopped Scout's expanding imagination. "Tsk. You must be thankful we

Shh, I'm Sleeping (Filipino)   Chapter Twenty-three

"Alam mo na ba Eleuthera kung saan tumatakbo ang buhay?" A lady in high low lace up halloween gothic cocktail dress suddenly showed up before her eyes.Lumitaw ito sa gitna ng kawalan niya sa sarili matapos masaksihan ang isang kaganapan. Hindi na siya makapag-isip nang maayos kaya ay wala siyang naisagot at hindi rin naman niya naintindihan ang sinabi nito. Dumaan lang ang mga salita nito sa kanan niyang tenga palabas sa kaliwa. Pinagmasdan ng babae ang kalagayan ni Eleuthera. Nakaluhod sa lupa at ang dumi at basa na ang mukha. Lumapit ang babae at lumuhod din sa harap ni Eleuthera. Inabot at hinawakan nito ang pisnge niya nang magaan at marahan. "Hindi mo ba naaalala ang katulad nitong pangyayari?" Parang pumasok si Eleuthera sa isang spell, kusa siyang nadala ng babae, hindi man makapagsalita ay para siyang na hipnosis sa mga mata nito nang kusang gumalaw ang ulo niya at u

Shh, I'm Sleeping (Filipino)   Chapter Twenty-two

Nang makalayo na ang bangka na sinasakayan ni Darren at ng kuya niya ay walang pasabing hinila siya ni Janus papaalis sa kinalalagyan niya na walang lakas naman siyang sumunod. Ngunit ang panghihina niya ay nabura nang matanaw niya sa hindi kalayuan ang pagdating ng mga kasamahan niyang sundalo na tumutulong na sa mga tao sa paglikas. Sa kabilang banda naman ay naabot ng mata niya ang kinikilala niyang empress at ang lihim nitong fiancee na nakaposas. "Nahuli na sila," hindi makapaniwalang bulong ni Janus. Kahit siya ay nagtataka sa kabilis na paghuli sa mga ito. Hindi sila ni Janus maglalaan ng ilang taon na pag-e-espisya sa loob ng organisasyon kung gaanon lang kadali makuha ang mga kiliti nito. Imbes na matuwa ay may tinik na bumara sa lalamunan nilang dalawa."Paano niyo sila nahuli?" walang prenong tanong ni Janus sa mga sundalong nakapalibot sa mga ito. Sumaludo ang mga sundalo bago naglakas

Shh, I'm Sleeping (Filipino)   Chapter Nineteen

"Wake up, Eleuthera. Wake up."She can hear her Kuya Ellsworth's voice waking up her, she can hear him clearly. Katulad nito ay gusto na rin niyang magising, bumangon sa kama, maghanda para sa mga ipapagawa ng Kuya Eldred niya, pagkatapos ay sumakay sa nakaabang na army chopper s

Shh, I'm Sleeping (Filipino)   Chapter Eighteen

Eleuthera was standing on the edge of the cliff where have a soft spot for crystal clear sea. Ang nakatirintas na buhok ay bahagyang nililipad kaya ito ay nagulo sa pagkakabuhol. Yinayakap siya ng simoy ng hangin na nagdudulot nang kaginhawaan at kalamigan sa katawan. Ang mga kamay ay nakasilid s

Shh, I'm Sleeping (Filipino)   Chapter Seventeen

"I…" "Are you getting a kick out of this extravaganza?" the mysterious guy asked the indispensable lady in high low lace up halloween gothic coctail dress. "Eleuthera made me happy, " she hawed, "nay,

Shh, I'm Sleeping (Filipino)   Chapter Sixteen

Tumigil si Eleuthera sa pagkurot sa sarili nang natatawang matauhan. "Kalokohan mo, Eleuthera. Even you slap your face with your full force ay hindi ka pa rin magigising. Gising kana bakit magigising ka pa? Lokohan ng sarili?" Pinalo niya ang kanang hita. "Wala ka sa fantasy world! Imagination mo

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy