loading
Home/ All /Shameless Hours (Tagalog)/PAHINA 7

PAHINA 7

Author: Miss Vainj
"publish date: " 2020-07-27 21:43:16

Pahina 7

'Pasukan'

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan at ito na naman, nagsisimula na naman ang pasukan. Parang may iba e, kasi noon naman kapag pasukan na naiinis ako dahil para kasing ang bilis lang ng pahinga namin bilang mag-aaral.

Ngayon naman, napagtanto kong hindi na pala ako isang freshmen dahil ngayon isa na akong ganap na sophomore. Yeheey. Ewan ko bakit ang hype ko ngayon, basta ang na sa isip ko lang ngayon ay...Eeh. Natatawa ako na ewan sa naiisip.

"Psst." Napalingon kaagad ako nang may sumitsit. Pero laking gulat ko nang si Greg ang nahagip ng mga mata ko.

"G-Greg?" Tangi kong nasambit at nautal pa. Grabe ka talaga Greg. Pangalan mo pa nga lang nang-aano na.

"Ang aga natin ngayon ah." He smirked at me.

"Yeah, nakasanayan lang, e ikaw nga rin e. Ang aga mo," Malumanay akong nakangiti.

Sa may bandang kanan namin may kumpol ng mga babaeng nagdadaldalan. Feeling ko parang nagstretch ang tenga ko sa mga naririnig na tsismisan. Second year na ako, pati ba naman ngayon? Haaay.

"'Di ba si Greg 'yan?" Turo gamit ng kanyang nguso ng anang babae.

"Oo nga ano, Hala. 'Di ba si-" Kahit na malayo-layo kami ay malinaw kong naririnig ang kanilang daldalan pero 'di ko lang sila pinansin.

"I know right. Ano nga ba ang ini-expect natin sa mga malalandi? Like mother like daughter nga 'di ba?" At tumawa ang babae na parang isang  matandang mangkukulam.

"Grabe naman. Kinareer na talaga nila 'yan ha. 'Di pa nakontento sa mayor, ngayon pati ang anak pinapatos rin." Nagyuko ako dahil sa mga naririnig na patutsada.

Bakit ba ganyan sila, 'di ko sila maintindihan.  Bawal na ba talaga akong makipag-usap sa mga tao? At kada may kausap ako. Issue agad? Lalo na 'pag lalaki.

"Oh? Bakit ka biglang nalungkot? Are you okay?" Sabay hawak niya sa baba ko at iniangat nito bahagya ang mukha ko.

"Ah- Ha? Ha. W-wala. Okay lang ako. Don't mind me. O s'ya sige. Mauna na ako. Bye." Nagmamadali akong dumeretso at naglakad papalayo sa kanya. Ayokong malapit siya sa akin. Dahil ang dudumi ng mga utak ng mga tao sa akin.

"Hi Ssssss-Sassa." Patunog ahas naman ang paraan ng pagtawag nila sa pangalan ko nang makarating na ako rito sa pasilyo papunta sa room ko.

"'Di ko alam, nag-anyong hayop ka na pala. Pinanindigan mo na ba pagiging ahas mo?" Walang gana kong panunukso. Nakayuko parin akong nakikipag-usap sa kanila.

"Aba't bastos ka ah. Hoy, h'wag kang duwag. I-angat mo ang ulo mo!" She screamed na halos mahiwalay ang tenga ko sa ulo ko.

"Excuse me, May klase pa kasi ako. Wala pa akong balak sayangin ang oras ko sa mga walang kwentang taong...katulad mo, I mean niyo." Walang ganang sambit ko sa kanila.

Oo sa kanila. Dahil sila ang nagdadaldalan kanina. 'Di ako bobo para 'di maintindihan ang mga pinagsasabi nila.

"Girls. Ang bastos ng mouth niya. Ano fighting na ba us?" Napa-ismid ako nang marinig ko ang nakakabwiset na boses ng maliparot. Malanding haliparot. Kung makaconyo akala nila magandang pakinggan. Hagisan ko pa sila ng English dictionary e.

"Tsk. Mga sayang sa oras." At lumakad na ako ng walang balik-lingon. Kapag talaga ako ginago nila. Lalaban na talaga ako ngayon.

"Ikaw ang malandi. Haliparot kagaya ng nanay niya. Tse! Nakadidiri! 'Di nakontento sa ama. At pati anak pinapatos." Sobrang lakas ng kanyang boses na halos lahat ng mga estudyanteng dumadaan ay napapatigil at nakikiusyoso na. Tsk. Ito na nga ang iniiwasan kong mangyari e.

May lalaking lumapit at pamilyar ang boses kaya napalingon ako nang bahagya.

"Anong kaguluhan ang nangyayari rito girls?" Si Greg. Iniisip ko na talagang savior ko si Greg e.

"Not that serious matter Greggy. Sige, bye for now." At dali-dali naman silang lumakad palayo sa amin. At ang kaninang nakiusyoso ay nagsialisan na rin.

"Ganoon lang iyon? Kadarating ko nga lang e." At napangiti siya.

"Are you okay? Bakit ba ganoon na lang ang trato nila sa 'yo?" Tanong ni Greg sa akin.

"I don't know, nahiya siguro sa...pagmumukha nilang mukhang unggoy na abnoy." Dugtong kong pabulong.

"What did you say?" May pagkalito naman sa mukha niyang nagtatanong.

"Ang sabi ko baka nahiya." Maikli ko namang sagot.

"No, not that. Iyong binubulong mong karugtong sa sinasabi mo," Nagkamot naman ako ng batok.

"Ahh. Iyon ba? Ano ka ba. Wala iyon." Sabay tampal ko sa kanyang braso. \

"Ang sabi ko, nahiya siguro sila sa iyo kaya nagmamadaling lumakad palayo." At kasabay noon ang pagbitiw ko ng napakasweet na ngiti.

May mga nagbubulungan na naman sa paligid.

"Ang landi talaga ng babaeng iyan."

"May pa hampas-hampas pa. How dare her."

"At mukhang masaya si Fafa Greggy na kasama si malandi."

"Baka ginayuma. I am sure. Inakit."

Mukhang narinig rin yata ni Greg ang mga bulungan kaya inalok niya akong samahan sa room ko.

"Talaga bang 'di ka na magpapapilit?" Malumanay na tanong niya.

"Kaya ko naman e, baka kasi may issues na naman." Pagpapakita ko ng pagtutol sa kanya.

"Gusto ko lang kasi sanang makasabay ka kahit sa room mo lang. Doon lang din naman ang punta ko. Alam mo na. Doon naman talaga ang daanan para sa kabilang building." Anito sa akin.

"Gustohin ko man, pero may mga mata oh. Ang dadami." Turo ko sa kapaligiran.

"Baka may tsismis na naman. Sana nga totoo, pero 'di naman talaga." Pagpapaliwanag ko.

"Hay naku Ellen. 'Wag mo na silang intindihin. Mga inggit lang sila sa iyo, 'yan kasi dahil maganda ka. Tapos nilalapitan ka ng pinakagwapong nilalang dito sa Hermuez National High School." Pareho naman kaming nagsitawanang dalawa.

Kaya umo'o na lang din ako sa kanya. Alam ko namang wala akong magagawa, ang akin lang naman sana ay ayaw ko siyang madamay sa mga sabi-sabi tungkol sa akin at sa nanay ko.

Walang kibuan kaming naglalakad kanina sa field. Iniiwasan naming dalawa ang bawat madadaanan. Iniiwasan rin naming maging center of attention.

Finally ay na sa room na ako. Nagpaalamanan lang kami. At umalis na siya.

Nang akala kong tapos na ang awayan. Pwes. May round two pala sa classroom.

"Oh well, ang malas naman yata natin ngayong taon. May classmate tayong malandi." Pagmumura ng babaeng nakasagotan ko kanina sa labas.

Bigla siyang kinalabit ng alipores niya.

"Anong malas girl? E swerte nga e. Nandito si Greggy kanina. Hinatid si Ateng. At parang closed sila." Bumaling sa akin ang babae.

Pinukol ng leader siguro nila ang kanyang alipores.

"Bobita ka talaga. Anong swerte ka riyan? E kahit wala ang babaeng iyan makikita naman natin si Greggy a." Pagmamayabang niya sa sarili.

"E 'di naman kayo closed 'di ba? Paano mo siya mapapalapit sa iyo? Assumera te." Maarte ring sagot ng alioores niya.

Nag-away silang dalawa at ang isa'y kalmado lang.

"Hoy. Can you both stop? Andyan na si Mrs. Desada." Sigaw ng isang alipores niya.

"How to be malandi Sassa?" Pahabol niyang tanong.

Sinagot ko naman ng pabalang.

"Excuse me, maybe I am the one who will ask you regarding to be a malandi 'di ba? Kasi you always applied that personality to others." I smirked.

"What did you say? Me? Malandi? Why did you say so?" Maarte niyang banat.

"Ako ba tinatanong mo? Well, kung ikaw maraming rumors patungkol sa akin. Ako rin mayro’n patungkol sa 'yo. Sa pagiging malandi mo. Ang pinagkaiba nga lang e, ang sa 'kin rumors lang...e sa 'yo. Totohanan, at oops! H'wag ka ng humirit pa. Nandiyan na si ma'am." Malambing kong sabi na may bahid ng panunukso.

Don’t me. Kasi marunong din akong lumaban. Tsk.

Want to know what happens next?
Continue Reading
Previous Chapter
Next Chapter

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 62

Pahina 62 Tulala lang ako habang inaalalayan ako ni tita pauwi ng bahay, sumama sa amin si Doc. Kai rito sa labas ng hospital. “Sigurado po ba kayo na hindi ko na kayo ihahatid. Break time ko naman po ngayon.” Patuloy pa ring alok sa amin ni Kai. Pero pilit pa rin na tinatanggihan ito ni tita

Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 61

Pahina 61 Napamulat na lang ako nang makarinig ako nang mga yabag ng paa na parang nasa loob ako ng kuweba, idagdag pa ang malamig na hangin na nanggaling sa aircon nitong silid. Teka? Bakit ako nandito? Kaninong silid ba ito? &n

Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 60

Pahina 60 Dalawang araw lang ang lumipas nang nagdesisyon na kami ni Greg na bumalik sa siyudad. Kasi siya ay may gagawin pang importanteng trabaho, ako naman naghahanap na rin ng mapapasokan. Wala akong ideya kung saan ako magsisimulang mag-apply. Nag-offer sa akin si Greg na sa kompanya na lang nila ako magtatrabaho, pero hindi ko tinanggap, baka kasi ano pa ang masabi ng mommy niya sa akin. Baka gawan na naman ako

Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 59

Pahina 59 Maganda ang gising ko ngayong umaga, lalo na nasa tabi ko ang lalaking naging rason kung bakit ako masaya. “Good morning,” matamis kong bati kay G

Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 58

Pahina 58 Nag-iimpake kami ngayon ng mga pinamili naming mga susuotin at dadalhin sa biyahe naming mamaya ni Greg, madaling araw pa pero maaga kaming nagising ni Greg. Ilang araw lang ang lumipas simula noong kaarawan niya ay nagplano siyang magbakasyon kaming dalawa, malayo rito sa Manila. May napanood kasi kaming palabas kagabi na naisip naming puntahan, maganda ang lugar, sobrang puti ng buhangin sa isla na iyon.

Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 57

Pahina 57 Hindi pa rin nakabalik si Ivez sa apartment, pero nandito pa rin naman ang kanyang mga gamit. Maybe, hindi na siguro muna iyon magpapakita dahil sa maaari kong gawin sa kanya. Wala talaga siyang takas sa akin kapag nakita ko siya rito o saan mang lugar, talagang ipapakaladkad ko siya sa mga pulis papuntang presinto at mabubulok siya sa kulungan!

Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 40

Pahina 40Tumunog ang telepono ni Greg na nakapatong ngayon sa harapan ng kanyang sasakyan.

Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 39

Pahina 39Sa kalagitnaan ng pang-aalo sa akin ni Greg ay may naririnig naman kaming mga yabag ng p

Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 38

Kabanata 38Ilang oras na byahe namin ni Greg papunta rito sa kinakatakutan ko noong balikan na lugar, k

Shameless Hours (Tagalog)   PAHINA 37

Pahina 37"Hindi pwedeng tutunganga lang ako rito sa kwarto, kailangan kong makausap si Greg, tungkol sa

More Chapters
Download the Book
GoodNovel

Download the book for free

Download
Search what you want
Library
Browse
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+ArnoldMM Romancegenre22- Englishgenre26- EnglishEnglishgenre27-Englishgenre28-英语
Short Stories
SkyMystery and suspenseModern urbanDoomsday survivalAction movieScience fiction movieRomantic movieGory violenceRomanceCampusMystery/ThrillerImaginationRebirthEmotional RealismWerewolfhopedreamhappinessPeaceFriendshipSmartHappyViolentGentlePowerfulGory massacreMurderHistorical warFantasy adventureScience fictionTrain station
CreateWriter BenefitContest
Hot Genres
RomanceHistoryUrbanWerwolfMafiaSystem
Contact Us
About UsHelp & SuggestionBussiness
Resources
Download AppsWriter BenefitContent policyKeywordsHot SearchesBook ReviewFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Follow Us
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Term of use|Privacy