Download the book for free
Chapter 4
Author: M. Wilde“K-KUYA-“
“Shh…” Itinaas ni Max ang kanang kamay nito at maingat na hinaplos ang kanyang pisngi. “Hindi kita pipilitin. Kung hindi mo gusto, hindi ko gagawin. Ngayon, tatanungin kita, Sahara…gusto mo bang halikan kita?”
Oo, noon pa niya gustong malaman kung ano ang pakiramdam ng halikan, lalo na kung paano ang halikan ni Max. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na niyang pinangarap iyon at paulit-ulit na pinapantasya, lalo na matapos niyang masaksihan ang hindi dapat doon sa kuwarto ni Michaela. Oo, gusto niyang halikan siay nito pero hindi iyon tama. “Pero kuya-“
“Max na lang kapag tayong dalawa, okay?” marahan nitong sabi. “So, gusto mo o ayaw mo?”
Ipinikit niya ang kanyang mga mata bilang tugon - dahil sa kahihiyan, at dahil parang ayaw na niyang malaman kung ano ang susunod na mangyayari. Naramdaman na lamang niya ang paghawak ni Max sa magkabilang pisngi at ang marahang paglapat ng mga labi nito sa labi niya.
Dumoble ang init sa buong kusina nang halikan siya ni Max. Napakarahan niyon na lalo lang nagpasabik sa kanya. Unang dumampi ang labi nito sa kanang sulok ng kanyang bibig, at pagkatapos ay sa kaliwa, bago pa nito tuluyang angkinin ang buo niyang labi. It was her first kiss and she could say that it was all worth it. Max’s lips were soft and wet and warm, and when they touched hers, it made her dizzy, and her knees, unsteady. He’s moving his lips over hers ever so slowly, making her crave for more.
“Wow,” sa wakas ay sabi ni Max nang matapos ang maiksi at marahang halik na iyon. She could tell that he enjoyed it. Bahagya pa nitong dinampian ng hinlalaki nito ang kanyang mga labi bago ito tuluyang lumayo nang kaunti. “First time?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang halik na iyon.
Tumango siya, ngumiti at tumungo.
“Ang suwerte ko pala.”
Niyakap siya ni Max pagkatapos. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin noon pero basta niyakap rin niya ito. She felt like it was the natural thing to do. At hinintay niya na muli siyang halikan nito pero hindi iyon nangyari.
“’Yung Bicol Express natin, baka nasusunog na.”
Natawa siya at dahil doon ay nabawasan ang kaba na nararamdaman niya. Itinuloy niya ang ginagawang paghuhugas ng pinggan at habang ginagawa niya iyon ay hindi niya maiwasang tapunan ng tingin si Max. Abala ito sa pag-aasikaso ng niluluto na para bang wala lang samantalang siya ay nangangatog pa rin ang mga tuhod dahil sa nangyari. Ano kaya ang iniisip nito sa mga oras na iyon?
Ngayong nahalikan na siya nito, ano na ang susunod? Ano nga ba ang ibig sabihin noon? May relasyon na ba sila? Imposible dahil nobyo ito ni Michaela. Pero bakit siya nito hinalikan?
At ang mas mahalagang tanong, bakit niya ito hinayaang halikan siya? Gusto niya itong tanungin pero nahihiya siya dahil baka isipin nito ay masyado niyang ginagawang isang napakalaking bagay ang isang simpleng halik. Pero malaking bagay naman talaga iyon, hindi ba? Ang alam niya, ang halik ay pinagsasaluhan lamang ng dalawang taong nagmamahalan.
Nagmamahalan na ba silang dalawa? Pero wala naman itong sinasabing mahal siya nito, kahit pa ramdam niyang may pagtingin ito sa kanya. Ah, hindi niya akalaing napakaraming tanong at problema pala ang kaakibat ng isang simpleng halik…
Kung nalaman lang sana niya iyon nang mas maaga, iba siguro ang sitwasyon niya ngayon. Pero nangyari na, ano pa nga ba ang mangyayari sa mga drama niya sa buhay?
“Sahara!”
Kahit pa nagulat ay hindi siya lumingon. Mas binilisan pa niya ang paglalakad hanggang sa makatawid siya ng kalsada pero sumunod pa rin sa kanya si Max hanggang doon sa waiting shed.
“Naiwan mo sa mesa itong folder mo,” humihingal nitong sabi sabay abot sa kanya ng folder. “Oh, wala man lang bang ‘thank you’?” panunukso nito.
“Thank you,” pilit naman niyang sagot nang hindi tumitingin sa kausap.
“Wala man lang ba’ng ‘hi’ o ‘hello’ o ‘kumusta na?’”
Napakaganda ng ngiti nito nang tingnan niya. Kumunot ang noo niya at itinuon ang mga mata sa kalsada. Hindi dapat siya nito kinakausap, at hindi dapat siya nito sinundan doon.
“Hindi mo ba ako na-miss?”
Kung sila lamang dalawa ang tao sa waiting shed na iyon ay nakatikim na ito ng mag-asawang sampal pero marami sila at halos magsiksikan na kaya wala siyang magawa kundi ang hindi na lang ito pansinin.
“Galit ka ba sa akin?” taka nitong tanong na nakuha pang lumapit sa kanya. “Hanggang ngayon ba, galit ka pa rin sa akin?”
“May dahilan ba para magalit ako?” balik niyang tanong.
“Wala nga, kaya nga nagtataka ako kung bakit parang galit ka.”
Ah, hindi pa rin talaga ito nagbabago. Insensitive at gago pa rin.
“O, hihintayin ka namin ni Michaela sa hapunan ha. Espesyal ang ulam, Bicol Express. Hay, ang tagal ko nang hindi natitikman ang putahe’ng ‘yon, sobrang miss na miss ko na.”
Gusto niyang pangilabutan sa narinig mula rito dahil alam niyang hindi lamang ang Bicol Express ang tinutukoy ni Max na matagal na nitong hindi natitikman. That simple sentence meant nothing for most people but since it came from Max’s perverted mouth, it is nothing but sexual connotation.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 21
KINAKABAHANG pumasok si Sahara sa klase ni Del Mundo nang araw na iyon. Naroon na si Baste, at halos kasunod lamang siya ni Del Mundo. Mabilis siyang naupo sa tabi ng kasintahan.“Ano’ng nangyari sa iyo? Bakit ka late?” nag-alalang tanong ni Baste pagkatapos niyang maupo at kunin ang libro sa bag. “Mukhang mainit ang ulo ni Del Mundo ngayon. Baka magpa-quiz ‘yan. Nakapag-aral ka ba?”Umiling siya. “Late na ‘ko nakauwi. Madaling-araw na natapos ‘yung go-see nung in-apply-an kong modeling agency,” bulong niya. Nang tapunan niya ng tingin si Del Mundo, nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanilang lahat.Dumako sa direksiyon niya ang mga mata nito at bigla siyang kinabahan. She knew that kind of stare from him. He’s either angry or disappointed and with what she told him, she’s certain that he’s both. Kailangan na nilang tigilan ang pagkikita dahil kung hindi, pare
Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 20
“BASTE? Ano’ng ginagawa mo rito?” Umiikot na ang paningin ni Sahara nang makita si Baste sa harap niya. Hindi nga siya sigurado kung si Baste iyon dahil hirap siyang aninagin ito dahil na rin sa madilim na paligid ng bar. Umayos siya ng upo doon sa bar stool para mas makita nang malinaw ang binata. “Tinawagan ako nu’ng Karen, ‘yung kaibigan mo. Puntahan raw kita rito,” medyo malakas nitong sabi. Halos hindi sila magkarinigan dahil sa lakas ng tugtog. “Ano bang nangyari, bakit ka naglasing?”Umiling-iling siya nang nakangiti. “Hindi ako lasing…”“Ano’ng hindi, tingnan mo nga ang sarili mo, ni hindi ka na makaupo nang maayos.”Tinabihan siya ni Baste at inalalayang makatayo. Oo, aaminin niyang marami-rami siyang nainom nang gabing iyon at totoong hindi na yata niya kayang maglakad mag-isa. Pero malinaw na malinaw ang utak niya at alam niyang pin
Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 19
“PAGKATAPOS ng graduation, ano’ng plano mo?” bulong sa kanya ni Baste. Magkatabi silang nakaupo sa harap ng klase, parehong may hawak na libro. “H-hindi ko pa sigurado…maghahanap siguro ng trabaho?” tugon niya, nang pabulong rin. Hawak ni Sahara ang makapal na libro at itinayo niya iyon doon sa desk, na ginaya ni Baste. “Ikaw?”“Ganoon rin.” Hinawakan ni Baste ang isa niyang kamay at pinisil-pisil iyon. “Kung puwede lang na pareho tayo ng kumpanya na pasukan, mas maganda sana. Para parati pa rin tayong magkasama.”Inihilig ni Sahara ang ulo sa balikat ni Baste at tsaka ipinagpatuloy ang pagbabasa. Sa mga ganoong pagkakataon lamang siya nakakaramdam ng katahimikan ng utak ng katahimikan ng loob. Sa tuwing kasama niya si Baste, parang biglang nawawala ang lahat ng alalahanin niya sa buhay at parang kayang-kaya niyang lampasan ang kahit na anong pagsubok na darating pa. &ldq
Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 18
TAKOT man, itinuloy pa rin ni Sahara ang paglipat sa unit ni Karen. Sinundo siya nito ng itim nitong sasakyan umaga ng Sabado. At nakahinga siya nang maluwag nang sa wakas ay malayo na siya sa kasumpa-sumpang bahay na iyon ni Michaela. “Sino ‘yong lalaki na kanina pa tingin nang tingin sa ‘yo doon?” tanong ni Karen nang sa wakas ay nakarating na sila sa unit nito sa ika-apat na palapag ng condominium.“B-boyfriend ng pinsan ko.” Iyon na lang ang itinugon niya dahil hindi niya kayang sabihin kay Karen ang totoo. Hindi pa sa ngayon. “In fairness, cute ha. At ang lalaki ng muscles!” may himig na panunukso nitong sabi. “I’m sure alam mo ‘yan!”Napailing na lang si Sahara. She knew Max more than those muscles. “Boyfriend ‘yon ng pinsan ko,” pagdidiin niya dahil alam niya ang ibig sabihin ng mga tingin ng kaibigan. “Sus
Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 17
“TOTOO ba? Sabi ni Michaela, aalis ka na raw?”Umaga noon at paalis na sana si Sahara ng bahay pero nagulat siya nang sa pagbukas niya ng pinto ng kanyang kuwarto ay naroon si Max sa labas na naghihintay sa kanya. Nilampasan niya ito at nagtuluy-tuloy siya pababa ng hagdan. “Bakit ka aalis? Para makaiwas sa akin?”Ayaw magpaapekto ni Sahara sa ganoong klaseng ngiti at ganoong klaseng titig ni Max. Sa halip na pumunta sa kusina para sana kumuha ng isang bote ng tubig ay tumuloy na siya sa sala pero bago pa man niya mahawakan ang doorknob ay naroon na agad sa harap niya si Max. “Paggising ko sa umaga, nakaalis ka na. Pagdating mo sa gabi, tulog na ‘ko. Sinasadya mo bang hindi tayo magkita?”“Obvious naman, diba?” Kung noon ay napapaikot siya nito, iba na ngayon. Halatang nagulat si Max pero natawa ito pagkatapos. “Uy, ang taray ng baby ko.”
Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 16
MAX kissed her again and this time, she gave in. She didn’t want to but she couldn’t do anything about it, as if she was bewitched by his kisses. Hinayaan na niyang maglakbay ang mga kamay nito sa kanyang dibdib, tiyan, baywang at sa lahat na. Ni hindi na niya namalayan na natanggal na pala ni Max ang pagkakabuhol ng bathrobe niya. “Ginagawa ba ‘to sa iyo ng boyfriend mo?” tanong ni Max habang pinipisil ang isa niyang dibdib. “Nahalikan ka na ba niya rito?” Napasinghap siya nang angkinin iyon ng bibig nito. “Ano, Sahara? Napapaligaya ka ba niya ng ganito?”“H-Hindi…hindi ko siya b-boyfriend…” tugon niya sa pagitan ng malalalim na paghinga. Sandaling iniwan ni Max ang kanyang mga dibdib at tiningnan siya sa mga mata. He planted wet kisses on her cheeks, lips and neck. Nagulat siya nang bigla nitong buhatin ang magkabila niyan
Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 12
AGAD na hinubad ni Del Mundo ang T-shirt niya. Tinulungan na rin niya itong hubarin ang suot nitong polo dahil sa tingin niya ay aabutin sila ng umaga sa pagtanggal pa lamang nito ng mga butones niyon. And then he kissed her lips again while making their way to the b
Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 11
“SAHARA!”Napapikit si Sahara. She wanted to just turn around and run away but it was all too late. Tumayo si Del Mundo at ito pa mismo ang lumapit sa kanya. “You are late,” sabi nito, pero nakangiti. Isang ngiti na madalang pa sa eklip
Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 10
“LONG time no see, sissy.”Isang halik sa pisngi ang itinugon ni Karen sa kanya at agad itong na um-order ng isang baso ng brandy. Tumabi ito sa kanya doon sa bar at pinanood ang babae’ng noon ay kumakanta sa entablado. She was wearing her typical party o
Sahara's Dirty Little Secrets Chapter 9
KALAGITNAAN na ng pangalawang klase nila sa umagang iyon pero wala pa ring Baste na nakaupo sa tabi ni Sahara. Hindi ito ang tipo na basta-basta na lang a-absent, lalo na nang hindi nagsasabi sa kanya. She tried texting and calling him that morning pero wala. Bahagya
