GoodNovel

Buch kostenlos herunterladen

Download
Suchen
Bibliothek
Stöbern
RomantikAlternativgeschichteUrbanWerwolfMafiaSystemFantasyLGBTQ+
Kurzgeschichten
LiebeskummerGeheimnisModerne StadtApokalypse-Überleb1enshort-Science-FictionLiebesroman0
ErstellenVorteile für Autor:innenWettbewerb
Startseite / ALLE / SLEEPING BEAUTY (Tagalog)
Zuletzt aktualisiert : 03.10.2020
SLEEPING BEAUTY (Tagalog)

SLEEPING BEAUTY (Tagalog)

Filipino
·
18+
·
Abgeschlossen
Von:  Mican

33

Kapitel
8
Bewertungen

364

Aufrufe
Zusammenfassung
Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangahasan nila, nagising nila ito at napakawalan nila ang sumpa na lumulukob sa dalagang naandoon. Sa pag-gising ng dalaga sunod-sunod na kababalaghan ang nangyari sa bakasyon nilang iyon at sinisisi ng dalagang si Cassandra, na natagpuan nila sa ilalim ng basement, ang mga kababalaghang iyon sa mangkukulam na nagkulong sa kaniya sa sumpang pagtulog sa mahabang panahon. Paano nila matatakasan ang kababalaghang kalakip ng dalagang nagising nila? At sino nga kaya ang mangkukulam na gumugulo sa kanila at pati buhay nila, ay nasa bingit na ng kamatayan? Makakatakas pa nga ba sila kapahamakang iyon? O kamatayan din nila ang kahihinatnan ng kapangahasan nila? Dark Fantasy CollectionSLEEPING BEAUTY@KamijoMican
Buch teilen mit

Kapitel 1

PROLOGUE

"Sabi rito sa librong may Latin na salita ay para raw magising siya ay kailangan daw alayan ang magandang babaeng 'yan ng dugo ng isang birhen na lalake." Napatingin siya sa sinabi ni Camilla, matapos basahin ang lumang libro, "ipainom ito at kasabay ay banggitin ang salitang-

"Gumising ang natutulog na diwa. Bumangon ang nakahimlay na katawan at ibalik ang nakatulog na pagkabuhay," nakangisi  si Camilla, pero siya ay nakadama ng kilabot. "Ang weird talaga, ha. Parang sa pelikula lang ito, ah? Horror movies," tumawa pa ito. Pero walang natawa sa sinabi nito lahat ay seryoso pa rin.

"Sino ang birhen na lalaki diyan? Umamin na," nakangising sabi ni Colt.

Walang nagsalita pero ngising-ngisi pa rin si Colt at tumingin pa ito isa-isa sa mga kaibigan niyang lalaki.

"Tigilan na natin ito. Siguro ang dapat ay dalhin natin sa Ospital ang babaeng 'yan. Paano kung na-coma lang talaga siya?" tutol niya sa mga ito.

"Angela, ano ba! Wag kang kj!" sita sa kanya ni Viena.

"Oo nga. Hindi ba kayo na-we-werduhan diyan sa itsura ng libro? At itong babae? Bakit buhay pa siya kahit matagal na siyang nandito sa pinakailalim ng bahay niyo, Dross? Paano kung may masamang mangyari kapag ginawa natin iyan?" sabat na rin ni Joni.

"Subukan lang natin. Kapag hindi naman umepekto ay tigilan na natin ito," sabi naman ni Andross.

"Markus, pahingi ng dugo mo. Sa ating lahat, 'di ba ikaw ang virgin pa?" nakangising sabi ni Colt.

Napatingin lahat kay Markus at natatawa naman ang iba.

"Sa gwapo mong iyan ay virgin ka pa rin?" natatawang tanong ni Camilla kay Markus.

"Sana sinabi mo ng mabinyagan kita," natatawang dagdag rin ni Viena."

"Thank you na lang Viena, pero ayoko kasing makipag-sex for pleasure. Dahil for me, sex is for love, not only for pleasure," seryosong tugon ni Markus.

"Oo na. Ikaw na! Pahingi na ng dugo mo nang matapos na ito," sabat ni Colt.

" 'Markus!" pigil ni Joni. Nagkatitigan ang dalawa.

"Pwede ba Joni, 'wag  kang kj! Parehas lang kayo nitong best-friend mo eh, mga Kj!" inis ng sabi ni Colt at inabot kay Markus ang kutsilyo.

" 'Wag Markus! Natatakot ako sa pwedeng mangyari kapag ginawa natin ito!" pigil pa rin ni Joni. Natigilan si Markus at hindi na inabot ang kutsilyo.

"Ang o-OA niyo!" inis na namang sabi ni Colt.

"Aray!" sigaw ni Markus. Dahil sinugatan na siya ni Colt sa braso at nang nagdugo na ito ay kaagad sinahod ni Colt ng baso ang dugo nito.

"Are you crazy, Colt? Bakit ginawa mo 'yon?

"Ang OA niyo kasi, eh! Nilapitan nito ang magandang babae na nakahiga sa lumang kama at walang malay.

"Please wake up, Miss," sabi pa ni Colt at ibinuhos ang lahat ng dugo sa bibig ng magandang babae.

"C-Colt!" bulalas ni Angela. Lahat sila ay nag-antay sa susunod na mangyayari pero limang minuto na ang lumipas ay wala pa ring nangyayari.

"Hay naku! Sabi ko na, eh!" bulalas ni Colt. "Walang silbi naman pala ang librong 'yan, Camilla! Nilapitan niya si Camilla at kinuha ang libro saka ito tinapon. 

"Nababaliw ka ba na Colt!" sigaw ni Camilla. " 'Wag ka ngang magwala, Colt! Hindi mo pa kasi sinasabi ang magic word!" sita at paalala ni Camilla.

"Magic word? Anong-

"Gumising ang natutulog na diwa. Bumangon ang nakahimlay na katawan at ibalik ang nakatulog na pagkabuhay," sigaw ni Camilla, na itinaas pa ang dalawang-kamay, "boom!" dagdag ni Camilla at natawa pa na parang biro lang ang lahat.

Nagulat na lang ang lahat at napatili ang mga silang kababaihan, nang biglang humangin ng malakas. Sa sobrang lakas nito ay nalaglag ang lahat ng mga kagamitan na nandoon at nabasag din ang bombilya ng ilaw kaya nawalan ng liwanag ang buong kwarto na kinaroroonan nila.

"Saan galing ang hangin na 'yon? Wala naman kahit anong panggagalingan n'on?" narinig niyang tanong ni Viena. Kahit siya nag-iisip kung saan nga ba galing ang hangin na iyon. Saradong-sarado ang kwarto na ito at ito ang pinaka-ilalim ng basement ng rest-house nila Andross.

Bumukas ang ilaw at nagkatinginan silang lahat.

Ang babae!

Nawawala na siya sa kama na kinahihigaan niya!

"Umalis na tayo rito. Natatakot na ako!" sabi ni Viena. Magsisialisan na sana sila.

"Sino kayo?" Napalingon sila sa tinig na iyon ng isang babae. Napakalambing ng boses nito at napakaganda sa pandinig.

"N-nabuhay ka?" gulat na tanong ni Colt.

Ngumiti ang napakagandang babae sa kanila at lumapit ito unti-unti sa kanila. "Oo. Di'ba ito ang nais mo, ang mabuhay ako? At heto na ako sa harap niyo. Buhay na buhay." Ngumiti na naman ito.

Napakaamo ng mukha ng babae, subalit nangilabot siya sa ngiti nito. Hindi maganda ang pakiramdam niya at may kakaiba talaga sa babaeng ito. 


A/N

Hope you will like it and repa support this story too :)

KamijoMican

Erweitern
Nächstes Kapitel
Download

Aktuellstes Kapitel

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Epilogue

    MADILIM at wala siyang makita kahit ano sa paligid niya. Iyon ang sumalubong sa kanya sa pagmulat niya ng kanyang mga mata.Tumayo siya sa pagkakahiga at nang may malamig siyang natapakan ay nagulat pa siya at muling dinama ito. Nang makasigurado na matibay ang tinatapakan niya saka na siya tumayo. Subalit nanghihina ang mga tuhod niya kaya napaupo siya sa malamig na tinatapakan. Kinapa-kapa niya ang paligid at naghahanap ng makakapitan, nang may mahawakan siya, kaagad niyang hinawakan iyon at ito ang ginamit niya upang makatayo.

    Zuletzt aktualisiert : 2020-10-03
  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 31

    ANDROSS POV"HINDI KO NA kaya, Dross, bitawan mo na ako," nanghihina ng sabi ni Angela kay Andross. Lalong umagos ang mga luha ni Andross sa mga mata niya. Buhat-buhat niya si Angela at nakikita niyang malapit na itong bumigay."Ililigtas kita ha, 'wag kang bibitaw," sabi niya kay Angela. Naglakad na siya paakyat sa hagdan palabas ng basement.

    Zuletzt aktualisiert : 2020-10-03
  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 30

    JONI POV"SI ANDROSS? nasaan siya?" tanong ni Joni sa matanda nang maalala niya na kasama pala niya si Andross palakbay sa lugar na iyon subalit sa pagmulat ng mga mata niya ay wala na ito at mag-isa na lang siya. "Ang kaibigan mo na dalaga ang nais niyang matagpuan kaya marahil nandoon siya kung nasaan naroon ang dalaga," tugon sa kanya ng matanda.

    Zuletzt aktualisiert : 2020-10-03
  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 29

    ANGELA POV"ANONG GINAGAWA ko rito?" gilalas na tanong ni Angela kay Joni. Napalinga siya ng tingin at nandoon rin si Andross, matalim na nakatitig sa kanya. "Dross, t-tulungan mo ako. Si Joni, kino-kontrol na naman siya ng masamang kapangyarihan niya." Hindi siya pinansin ni Andross kaya pinilit niyang tumayo pero hindi siya makabangon sa kinahihigaan niya. Wala namang nakagapos sa kamay at paa niya subalit hindi pa rin siya makatayo. "Ano bang ginawa mo sa akin, Joni! Bakit hindi ako makaalis dito!" sigaw na niya kay Joni.

    Zuletzt aktualisiert : 2020-10-01
  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 28

    JONI POV

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 27

    ANDROSS POV

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 26

    MARKUS POV

  • SLEEPING BEAUTY (Tagalog)   Chapter 25

    JONI POV

Weitere Kapitel

Rezensionen

no comment
Noch kein Kommentar

Kapitel

Lesen

Download

Das könnte dir gefallen

Sugar Daddy (Filipino)
The Ace And the Four Kings
THE GOALS (FILIPINO)
Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)
Heartless (Gangster Series #2)
THE GLASS QUEEN (TAGALOG-Completed)
Sugar Daddy (Filipino)

Sugar Daddy (Filipino)

Ronan

Ang gusto lang naman ni Ashton ay makatagpo ng isang lalaking mamahalin siya ng buo at totoo, isang lalaking tatanggapin siya kahit na ilang beses na siyang magkamali, isang lalaking mamahalin siya sa kabila ng lahat nang nangyari sa kanya. He looks everywhere for that man, but to no avail. Kadalasan sa mga lalaking nakilala niya ay katawan niya lang ang gusto, they used him for their pleasure and dump him after. Until he met Zie, the man he doesn't know but his heart beats like they've known each other for a lifetime. Akala niya ito na ang lalaking magmamahal sa kanya, but just like any other man he met, Zie broke his heart and auctioned his soul.

download Sugar Daddy (Filipino)Buch in der App herunterladen

An die Leser

Malinaw na natatandaan ni Jiang Sese kung gaano kawalang-interes ang hitsura ng kanyang ama nang sabihin nito sa kanya: "Pagkaalis mo, huwag mong banggitin na ikaw ay mula sa pamilya Jiang, baka gumawa ka ng katangahan." Mas malupit pa ang fiance niya, pinupuna siya ng may masamang tingin sa mukha. "Jiang Sese, paano mo magagawa ang isang bagay na kasuklam-suklam?" Ang mga alaalang ito ay pumukaw sa isang mahina na si Jiang Sese.2  FEI

Beliebte Genres
RomantikAlternativgeschichteUrbanWerwolfMafiaSystem
Kontaktieren uns
Über unsHilfe & VorschlägeGeschäft
Ressourcen
Apps herunterladenVorteile für Autor:innenInhaltsrichtlinieTop-SuchanfragenFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Community
Facebook Group
Folge uns
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Nutzungsbedingungen|Datenschutz