Download the book for free
Prologue
Author: PyongieshiiPunong puno ng mga maharlika ang buong hall sa Seradia Castle. Lahat sila ay sabik nang makita ang pagdating ng bagong bisita ng kastilyo.
Samantalang ang hari at reyna ay prenteng nakaupo sa trono pero gaya ng mga bisita nila na nasa loob ng hall ay nasasabik rin sila sa pagdating ang inaabangang bida ng kanilang pagtitipon-tipon.
Dahan dahang bumukas ang pintuan kaya natahimik ang lahat. May ibang tumigil muna saglit sa pagkain at pag-inom ng mga mamahaling alak.
Halos lahat ay namangha nang makita nila ang isang maganda at misteryosang babae na iniluwa ng malaking pintuan. May mga suot itong magagandang palamuti kaya naging mabigat at makapangyarihan ang impresyon nito sa mga bisita. Pero sa kabila 'non ay nabighani naman sila ng maamong mukha nito. May kasama rin itong mga dalawang babae na nakayuko.
Nag-umpisa nang tumugtog ang mga musikero kaya nag-umpisa na rin maglakad ang babae sa gitna papunta sa kinaroroonan ng trono ng hari. Ang dulo ng puting bestida nito ay sumasadsad sa carpet ang maluwag at mahabang manggas naman nito ay pumapagaspas na parang mga pakpak.
Puting bestida na kasalukuyang suot niya ay sumisimbolismo ng pagiging puro, busilak at malinis na hangarin. Minsan rin ay sinisimbolismo nito ang pagiging mahinhin at maamo ng isang babae.
Pero sinisimbolo din nito ang isang nyebe, malamig pero kaakit akit. Kabigha bighani ngunit nakakapinsala.
Kaagad na tumayo ang hari nang makalapit na ang babae sa trono niya. Tumabi naman sa gilid ang mga royal maids na kasama ng babae.
Buong galang yumuko ang babaeng nakasuot ng puting bestida sa hari. Sinserong ngumiti naman sa kanya ang hari bilang tugon. Tumigil naman sa pagtugtog ang mga musikero nang dumating na ang tagapaglingkod ng kastilyo na may bitbit na maliit na unan at nakapatong dito ang kumikinang na korona.
Marahas na hinugot naman ng hari ang kanyang espada. Dahan dahang lumuhod ang babae. Ipinatong naman ng hari ang kanyang espada sa kanang balikat, kaliwa at sa huli naman ay sa ulo ng babae. Pagkatapos ay ibinalik na niya sa kanyang lalagyan ang kanyang espada atsaka kinuha naman ang korona.
Maingat na pinatong iyon ng hari sa kanyang ulo at pagkatapos ay dahan dahan nang tumayo ang babae. Nagpalakpakan naman ang mga bisita nang humarap sa kanila ang babae na may tipid na ngiti sa kanyang labi.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
Rose Red (Filipino) Memories Fall
23Kasalukuyang nasa labas kami ng kastilyo nina Damien, ako at ni Ginoong Edward. Nakasandal lang ako sa isang puno habang nakaupo samantalang si Ginoong Edward ay tinuturuan siya ng tamang paggamit ng wand sa pakikipaglaban.
Rose Red (Filipino) Whispers at Dawn
22Gaya nga ng unang sinabi ni Damien sa akin kanina, ang magiging kwarto ko ay malapit rin sa kwarto niya bilang tagapaglingkod niya.Nang unang beses akong makatapak sa kwarto ay hindi ako kaagad makapaniwala sa nakita ko. Alam kong para sa mga katulad ni Damien, ordinaryo lang ang kwartong ito para sa kanila. Pero para sa akin, hindi. Ito ang pinakaunang beses na magkakaroon ako ng sariling kwarto at kahit pa na mas simple ito kaysa sa mga kwarto ng mga maharlikang naninirahan rito. Ito pa rin ang pinakamagarang kwarto na matutulugan ko.At dito? Dito na rin nga pala ako gabi gabi nang matutulog mula ngayon.Hindi ako makapaniwala, parang akong nananaginip nang gising!Kaya lang nang tuluyan nang lumalim na ang gabi, ang pag-aakala kong magiging sobrang mahim
Rose Red (Filipino) Sealed Promise
21"Ang tanong lang ay kung papayag ka ba sa magiging kondisyon natin...""Ano? Papayag ka ba?"Muli kong inalala ang pag-uusap namin ni Damien sa infirmary ng eskwelahan na siyang dahilan kung paano ako naging tagapaglingkod ng kastilyo."Anong kondisyon ba iyon?" naiintrigang tanong ko kay Damien."Para magkaroon ka ng matutuluyan, kailangan mong maging tagapaglingkod ko, Red," sabi nito sa akin dahilan para ikakunot-noo ko senyales na hindi ako sang-ayon sa sinasabi niya."Ano?" iritadong singhal ko."Kapag naging tagapaglingkod kita, wala ka nang magiging problema sa matitirhan mo o sa pagkain mo," sabi niya sa akin. "Sweswelduhan ka pa ng
Rose Red (Filipino) The New Servant
20Itinaas muli ni Damien ang wand niya atsaka niya tinutok iyon sa mga paa ko at pagkatapos 'nun ay malaya ko na ring naikikilos ang mga paa ko."Ngayon," ani niya. "Ano ngayon sa dalawang teorya ko ang susuportahan mo?" tanong niya sa akin."Ulitin mo nga ang huling sinabi mo," 'di makapaniwalang sabi ko. "A-Ang mama ko?""Teorya ko lang iyon," sabi ko. "Hindi pa ako sigurado. Tingin mo, kung mama mo nga iyon bakit naman siya papatay ng tao?" takang sabi niya. "Ikaw ang anak, ano sa tingin mo?""Malabo na ang memorya ko tungkol sa kanya," sabi ko. "Hindi ko naman siya nakasama ng matagal.""Nakakalungkot naman," komento niya pero hindi ko alam kung bakit medyo nainsulto ako sa tinuran niya. "Pero gaya rin ng unang sinabi ko
Rose Red (Filipino) A confusing mistake
19"Tumayo ka dyan, binibini," may diin na utos sa akin ni King Lash ngunit hindi pa rin ako gumalaw.
Rose Red (Filipino) Kneeled for time
18Naging tahimik ang buong paligid na kinaroroonan ko. Tanging ang malakas na pag-agos ng tubig sa ilog ang nag-iisang nangingibabaw sa pandinig ko.Tahimik akong nakaupo. Nakatingin sa kawalan. Tulala. Kanina lang ay apat kaming nandirito pero ngayon ay nag-iisa na lang ako. Ang ingay ng tubig sa likod ko na lang ang tanging naging karamay ko.Pabalik balik sa isipan ko ang eksena kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ngayon si Vayne sa tabi ko. Hindi man lang ako nagtagumpay sa pag-awat kay Rolan dahil hawak ako sa leeg ni Snow White.Si Snow White, talagang nagbago na talaga siya. Dati ay pinoprotektahan niya ako kay Ciela pero ngayon ay hindi na siya nagdadalawang isip na saktan ako.Pero wala akong karapatang husgahan siya sa ikinikilos niya nga
Rose Red (Filipino) Kill or be killed
14Kulay itim ang buong kulay ng katawan nila. Ang tindig nila ay parang isang tao pero bahagyang nakakuba sila dahil sa mahahabang braso nila. Anim o pitong talampakan ang tangkad nila at ang mga ulo nila ay isa nang bu
Rose Red (Filipino) Escape or stay
13Nasa kamay ko na ang susi para makalabas sa lugar na ito. Ang problema nga lang ay namamanhid pa rin ang kanang hita ko kaya hindi pa ako makakatayo at makakalakad ng maayos.Kaila
Rose Red (Filipino) Wanted
12Kaagad kong kinuwento kay Vayne ang tungkol sa natanggap kong sulat. Katulad ko ay naguluhan rin siya at nagulat rin sa mga sinabi sa akin ni Damien."Sabi ko naman sayo eh," ani n
Rose Red (Filipino) Secret of Shapeshifter
11Isa o dalawang oras na yata ang lumipas o di kaya tatlong oras na rin yata pagkatapos akong umalis sa silid na iyon. Nanatili lang akong nasa hapag kainan at tumutungga ng alak na para bang isang ordi
