Chargement en cours
Accueil/ All /Prinsesa Aleyah/Mga Tauhan sa Kaharian ng Vireo
Prinsesa Aleyah

Mga Tauhan sa Kaharian ng Vireo

Auteur: Pao_Consyyy
"Date de publication: " 2020-09-06 00:47:02

Haring Vireo – Siya ang namatay na hari ng Kaharian ng Vireo kung saan hango mismo sa kaniyang

pangalan ang katawagan sa kaharian. Siya ang tinaguriang pinakamagiting sa lahat ng mga hari subalit siya ay napaslang sa isang digmaan ng isang nilalang na inakala niyang kaibigan. Simula nang siya ay mawala,

ang kaniyang reyna ang namuno sa kaharian bagamat marami pa rin ang nangungulila sa kaniyang mahusay na pamumuno.

Reyna Verina – Siya ang butihing reyna ni Haring Vireo na siyang namumuno ngayon sa kaharian. Isa rin

siyang mapagmahal na ina sa kaniyang apat na maharlikang anak subalit walang dudang ang kaniyang tungkulin ang pinakamatimbang para sa kaniya. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.

Prinsipe Zeus – Siya ang kaisa-isang prinsipe at panganay sa apat na magkakapatid. Isa siyang malupit na

pinuno at mahusay na mandirigma. Matapang siya at mainitin ang kaniyang ulo. Hindi rin niya kasundo ang kaniyang pangalawang kapatid na si Prinsesa Alora. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng lupa.

Prinsesa Alora – Siya ang pangalawang anak ni Reyna Verina. Siya ang pinakasikat sa kanilang magkakapatid dahil sa kaniyang taglay na kahusayan sa maraming aspeto lalo na sa pakikipaglaban, ngunit

hindi kagaya ng iba niyang kapatid ay hindi maganda ang kaniyang taglay na ugali. Hindi siya marunong maawa at gusto niyang siya ang palaging umaangat. Gayun pa man ay marami pa rin ang umiidolo sa kaniya.

Kaya niyang kontrolin ang elemento ng pulang apoy.

Prinsesa Manorah – Siya ang pangatlo sa magkakapatid at ang pinaka may mabuting puso sa lahat. Mabait siya, matulungin, masiyahin, masunurin at mahinhin. Mayroon din siyang panlabas na kagandahang

hinahangaan ng lahat. Malayong-malayo siya sa katangian ng kaniyang mga kapatid. Malawak ang kaniyang pang-unawa. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.

Prinsesa Aleyah – Siya naman ang bunso sa magkakapatid pero siya ang pinakamaganda, pinakapalaban at pinakamatapang. Sa kabila ng kaniyang kahusayan ay marami ang naiinis sa kaniya dahil sa kakaiba

niyang estilo sa pamumuno at pakikipaglaban. Madalas din siyang masangkot sa mga kaguluhang nangyayari

sa labas at loob ng kaharian. Kaya naman, hindi niya kasundo ang lahat ng kaniyang mga kapatid.

Pinamumunuan niya ang hukbo na doble ang dami sa mga kawal ng buong Kaharian ng Vireo. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng asul na apoy.

Duke Flavio – Siya ang nakababatang kapatid ng namatay na si Haring Vireo. Siya ang nagsisilbing pinuno

ng lahat ng mga kawal at mandirigma sa kaharian. Siya ang nagbibigay ng utos at misyon sa mga kawal ng

palasyo. Tuwing may digmaan ay pinangungunahan niya ang batalyon ng mga mandirigma. Ngunit kilala siya bilang isang malupit at sakim na duke. Siya ang isa sa mga magdadala ng kaguluhan sa Kaharian ng Vireo. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng pulang apoy.

Althea – Siya ang kaisa-isang anak ni Duke Flavio. Isa siyang mahusay na tagapagsanay ng mga

mandirigma na ang mismong reyna ang nagtalaga dahil sa pambihira niyang istilo sa pakikipaglaban at husay

sa pagtuturo. Kaya niyang alamin ang kahusayan at kahinaan ng isang nilalang sa isang tingin lang.

Matapang siya at mayroong paninindigan. Palagi niyang pinapanigan kung ano ang tama kaya naman hindi

niya kasundo ang kaniyang amang duke dahil marami itong kasamaang ginagawa. Kaya niyang kontrolin ang

elemento ng hangin.

Aztec & Arum – Sila ang matipunong magkapatid na mandirigma ng kaharian. Bakal na may simbolo ng

kanilang kaharian ang kanilang kasuotan bilang tanda ng pagkakaroon ng mataas na ranggo bilang mga mandirigma. Madalas silang kasama ni Duke Flavio sa mga delikadong misyon at ganoon din ni Prinsipe Zeus. Walang kapantay ang kanilang puwersa kapag magkasama. Kaya nilang kontrolin ang elemento ng hangin.

Tamara  & Olrick – Silang dalawa ang pinakamahusay sa daan-daang tauhan ni Prinsesa Aleyah. Bukod sa

pakikipaglaban ay mahusay din silang mag-espiya. Si Olrick ay kasintahan ng anak ni Duke Flavio na si

Althea. Mula siya sa mababang uri ng angkan subalit katumbas ng isang maharlika ang kaniyang kahusayan at katapatan sa tungkulin. Kayang kontrolin ni Olrick ang elemento ng lupa. Si Tamara naman ay kayang kontrolin ang elemento

ng tubig.

Centina – Siya naman ang nakababatang kapatid ni Reyna Verina. Isa siya sa mga traydor sa kaharian.

Naiinggit siya sa reyna dahil nais niyang siya ang mamuno sa buong kaharian. Bagamat traydor ay kasundo

niya pa rin ang ikalawang anak ng reyna na si Prinsesa Alora. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng lupa.

Talina – Siya ang amasonang kanang kamay ni Duke Flavio. Bagamat tauhan siya ng duke ay hindi naman niya kasundo ang anak nitong si Althea. Madalas siyang mag-umpisa ng kaguluhan sa loob ng kaharian. Isa siyang amasonang magaling makipaglaban bagamat wala siyang kapangyarihan. Ipinagpalit niya  ang karangalan ng mga kalahi niyang amasona para lamang umangat at makilala.

Luna – Siya ang kanang kamay at tagapayo ng mahal na reyna. Kabilang siya sa mga konsehong

tagapaghatol. Siya rin ang nagsisilbing pangalawang ina ng apat na anak ni Reyna Verina. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng hangin.

Lancelot – Siya ang mahusay na mensahero at espiya ng kaharian. Kabilang din siya sa konsehong

tagapaghatol. Nagsimula siya sa mababang estado bago niya natamasa ang karangyaang mayroon siya. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.

Carlile – Siya ang pinuno ng konseho. Bukod sa reyna, isa siya sa mga nangunguna sa mga pagpupulong sa

kaharian. Tapat siya sa tungkulin at may paninindigan. Matalik siyang kaibigan ni Haring Vireo nung ito ay nabubuhay pa. Sa ngayon ay siya ang itinuturing na ama ng bunsong prinsesa na si Prinsesa Aleyah at

tanging mga payo niya lang ang pinakikinggan nito. Isa siya sa mga pinakamahalagang haligi ng Palasyo ng Vireo. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng tubig.

Shanaya – Kabilang din siya sa mga konseho. Malupit siya at kinatatakutan. Hindi lang siya tagapaghatol

kundi siya rin ang nagbibigay ng karampatang kaparusahan sa mga lumalabag sa batas ng Vireo. Hindi siya marunong maawa. Kaya niyang kontrolin ang elemento ng pulang apoy. 

Ilan lamang sila sa mga tauhan na magbibigay ng buhay sa kwento. Bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang mga papel na gagampanan tungo sa ikababagsak o ikaaangat ng Vireo.

Vous voulez savoir la suite ?
Continuer la lecture
Chapitre précédent
Chapitre suivant

Share the book to

  • Facebook
  • Twitter
  • Whatsapp
  • Reddit
  • Copy Link

Latest chapter

Prinsesa Aleyah   Kabanata XXXII: PAGHAHANDA

Ngayong araw ay ang huling sandali ng paghahanda sapagkat bukas ay magaganap na ang isang kaabang-abang na pagdiriwang. Ang kanang-kamay ng reyna na si Luna at ang kapatid ng reyna na si Centina ang naatasan sa pag-oorganisa ng nasabing pagdiriwang. “Tingnan mo nga naman, tayo pang dalawa ang pinagsama ng kapatid kong reyna. Hindi siguro niya batid na hindi tayo magkasundo.” bulalas ni Centina.

Prinsesa Aleyah   Kabanata XXXI: GANTI

Kinabukasan, pumasok sa isip ni Prinsesa Manorah na kailangan niyang pasalamatan ang mandirigmang tinutukoy ni Prinsesa Aleyah.Naisip niya na kung hindi si Althea ay wala nang ibang gagawa noon kundi ang mandirigang si Aztec na noon pa man ay alam na niyang may pagtingin sa kaniya.Lalapitan niya sana ito subalit bigla niyang nakitang parating ang kapatid niyang si Prinsesa Alora kaya minabuti niya munang umiwas.

Prinsesa Aleyah   Kabanata XXX: RESULTA NG PAGLILITIS

Lumabas na ang lahat sa silid-hukuman at tanging ang reyna at ang apat na konseho na lang ang natitira."Malinaw na mismo kay Prinsesa Alora ang ginawa niyang pag-amin. Walang duda na siya ang dapat parusahan." wika ni Carlile na sinalungat naman ni Shanaya."Pero mali ang ginawa ni Prinsesa Aleyah na nag-imbento siya ng kuwento upang ma

Prinsesa Aleyah   Kabanata XXIX: ANG PAGLILITIS

Kinabukasan ay magaganap na ang paglilitis. Si Prinsesa Manorah ay nasa kaniyang silid at inihahanda ang kaniyang mga sasabihin. Kampante naman siya na kahit malapit si Prinsesa Alora sa mga konseho ay siya pa rin ang papanigan ng mga ito at ng kaniyang ina.Maya-maya ay may kumatok sa kaniyang silid na agad naman niyang pinagbuksan."Althea, ikaw pala."

Prinsesa Aleyah   Kabanata XXVIII: PANANAKOP

Ang Emperyo ng Zaparya naman ay nababalot ng katahimikan hindi dahil isa itong mapayapang kaharian, kundi dahil ang palasyong ito ay nababalot ng kadiliman.Hindi literal na madilim ang kapaligiran nito kundi dahil sa pinaninirahan ito ng masasamang nilalang.Sa ngayon ay may nilulutong masamang plano ang mga taga-Zaparya. Gamit ang isang mahiwagang tubig at ang mahika ng mangkukulam na si Adelina ay nakikita nila ang mga pangyayari sa loob ng kaharian ng Vireo.

Prinsesa Aleyah   Kabanata XXVII: SI SHERIFF AT ANG PANGKAT NI LAZARO

Pagkagaling sa presinto ay agad nagmaneho si Sheriff Luigi patungo sa isang abandonadong gusali upang tagpuin ang pangkat ni Lazaro. Bago nagmaneho ay sinigurado niyang walang sinuman ang nakasunod sa kaniya.Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na siya at agad pumasok. Sumalubong sa kaniya si Lazaro at ang mga tauhan nito.“Para kayong mga daga na tago nang tago pagkatapos gumawa ng krimen!”

Prinsesa Aleyah   Kabanata XXVI: SULIRANIN NG MGA AMASONA

Kinaumagahan ay muling nagtungo sa bilangguan si Prinsesa Alora at agad niyang napansin na mabilis na naghilom ang sugat ng batang si Bruno.

Prinsesa Aleyah   Kabanata XXV: ANG KABUTIHAN NI PRINSESA MANORAH

Habang sa kaharian naman, kinagabihan ay hindi makatulog si Prinsesa Manorah kaya naisipan niya munang puntahan ang batang magnanakaw na nakakulong.

Prinsesa Aleyah   Kabanata XXIV: ANG MGA AMASONA

Samantala, sa paglalakad ng hukbo nina Duke Flavio at Prinsipe Zeus ay may nakadaupang-palad sila. Lingid sa kanilang kaalaman na nakarating na pala sila sa teritoryo ng mga

Prinsesa Aleyah   Kabanata XXIII : ANG KALUPITAN NI PRINSESA ALORA

Samantala, sa kaharian ng Vireo ay nagulat ang lahat sa pagpasok ni Aztec dala ang isang balita.

Plus de chapitres
Télécharger le livre
GoodNovel

Téléchargez gratuitement le livre sur l'APP

Télécharger
Rechercher
Bibliothèque
Feuilleter
Romance法语HistoireUrbanLoup-garouMafiaSystèmeFantaisieLGBTQ+arnoldMM Romancegenre22- 法语genre26-FrançaisFrançaisgenre27-请勿使用FrançaisFrançaisgenre28-FrançaisFrançais
Histoire Courte
CielMystère et suspenseVille moderneSurvie à la fin du mondeFilm d'actionFilm de science-fictionFilm romantiqueViolence sanglanteRomanceCampusMystèreImaginationRenaissanceAmour réalisteLoup-garouespoirrêvebonheurPaixAmitiéIntelligentHeureuxViolentDouxPuissant红安Massacre sanglantMeurtreGuerre historiqueAventure fantastiqueScience-fictionGare
CréerAvantage écrivainConcours
Genres populaires
Romance法语HistoireUrbanLoup-garouMafiaSystème
Contactez-nous
à propos de nousHelp & SuggestionCoopération
Resources
Télécharger AppsAvantage écrivainPolitique de contenuKeywordsRecherches populairesLes critiques de livresFanFictionFAQFAQ-IDFAQ-FILFAQ-THFAQ-JAFAQ-ARFAQ-ESFAQ-KOFAQ-DEFAQ-FRFAQ-PTGoodNovel vs Competitors
Communauté
Facebook Group
Suivez-nous
GoodNovel
Copyright ©‌ 2026 GoodNovel
Mode d'emploi|Politique de confidentialité