Download the book for free
Chapter 6
Author: writeinsilenceeKaramihan sa mga kaklase namin ay nasa paligid niya at ang nasa side ko lang ay mga may alam ng tunay na nangyari.
“Kung wala kang pinapakalat, bakit umabot tayo sa ganito?” pinapanatili kong kalmado ang sarili ko.
Dahil ang pag-iiskandalo, ugali lang ng mga taong walang pinag-aralan.
Kayang baliktarin ng iskandalo ang lahat ng tunay na nangyari, pero hindi nila kayang baliktarin ang konsensya sa ginawa nila.
Kung may konsensya pa sila.
“DAHIL SAYO! KUNG HINDI MO AKO SINISIRAAN, HINDI TAYO AABOT SA GANITO!” pagwawala niya.
Natawa ako sa sinabi niya, ngayon ako naman ang may kasalanan sa ginawa niyang gulo.
Nakakatawa, malakas manira, malakas pang mangbaliktad. Pro na pro!
“Ikaw nag-umpisa nito. Wala akong ginagawa sa inyo, pero kayo wala kayong ginawa kundi ang maglabas ng kung ano-anong issue tungkol sa’kin. Sabay ngayon mag papavictim ka sa sarili mong gulo? Wow! Pro na pro!” sarcasm kong sabi.
Gusto kong pumalakpak para damang-dama niya, baka makita lang nila ang kamay kong nanginginig. Hindi sa takot, kundi sa galit.
“Ano ba kasing problema mo?! Bat ka lumayo?” nakataas na kilay ni Rose.
“Pati paglayo ko, issue sa inyo?” seryoso kong tanong.
Issue sa kanila ‘yon, dahil wala na silang masisiraan at mapagtatawanan.
“Maayos naman kasi tayo, pero bat ganito ginagawa? Pinapalabas mo lang ang sarili mong kulay!” tama siya.
Pinalabas nila ang tunay kong kulay.
“Ako nga ba ang naglabas ng sariling kulay, o kayo ang naglabas ng sarili niyong kulay? Ano nga ulit ‘yon Rushielle?” sabay baling ko kay Rushielle na nanahimik sa gilid.
“Sinisiraan nila ako sa inyo?”
Hindi na ako magtataka kung may maniniwala sa mga kwento ni Bea. Mayaman ‘yan, may mahuhuthot sila kay Bea at sakin wala.
Kung sabagay, kahit saan kung angat ka sa buhay maraming linta na lalapit sayo.
Handa ka nilang kampihan sa lahat ng bagay, kahit mali kung meron silang mahuhuthot sa tao ipaglalaban nila. Ganoon ang reyalidad ng buhay.
Hindi na umiimik si Rushielle, napayuko nalang siya at nag-iwas ng tingin sakin.
At hindi lahat ng tinuturing mong kaibigan ay kaya kang ipaglaban.
“Tignan mo? Walang naniniwala sa’yo dito, Monica. Masyado ka kasing pabida dito sa klase kaya kung ako sa’yo umalis ka na ng school na ‘to. salot ka! Kaya dapat ka lang siraan!” sigaw ni Bea.
Natawa ako sa huli niyang sinabi. Sa hinaba-haba ng away, lumabas din ang totoo sa mismong bibig niya.
“Pabida, pabibo. Kasi ano? Palarecite, palareport, o baka nalalamangan kita? Ganon lang ‘yon, katulad ng sabi ko. Hindi ko na problema ‘yon, problema niyo na sa ugali yun. Hindi ko na kasalanan kung ganyan tingin niyo, dahil kung masaya kayo at tunay na kaibigan dapat masaya kayo sa achievement na nakukuha ko.” Mahaba kong sabi bago sila tinignan ng seryoso,
“Hindi mo mababaliktad ang lahat dahil sa pag-iyak o pag-iiskandalo mo sa harap ng maraming tao. Dahil ang tunay na edukada, simple, kalmado, at maayos magsalita. Mas mukha ka pang defensive, at sa huli sa mismong bibig mo rin ng galing na sinisiraan mo ‘ko.” Natatawa kong sabi bago inayos ang upuan ko na medyo na gulo.
“Parang hindi kayo magkaibigan at walang pinagsamahan! Ang sama ng ugali mo. Monica!” sigaw ni Mae na ngayon ay inaalok na si Bea.
Sa pagkakaalam ko, isa rin siya sa nakikinabang kay Bea.
“Hindi kaibigan na maituturing ang mga ‘kaibigan’ na ipahihiya ka sa harap ng klase, pagtatawanan ka sa likuran. At mas lalong hindi ‘tunay na kaibigan’ kung sinisiraan ka lang rin patalikod.” Makahulugan kong sabi bago sila inirapan.
Akmang magsasalita pa si Kath ng isang malakas na kalabog ang kumuha ng atensyon namin lahat.
Yung babae sa banyo.
“Tama na ‘yan, paparating na si Sir.” Walang emosyon niyang sabi bago tumingin sa’kin ganon pa rin ang ekpresyon niya.
Wala pa rin makikita na kahit ano katulad ng una ko siyang nakita.
“Ayos lang ‘yan monica” alo ni Beri sa’kin.
Nanginginig ang buong katawan ko, sa galit, sa inis, at sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na kaya ko sumagot ng ganon, na kaya ko ipagtanggol ang sarili ko sa pamamagitan ng galit ko.
Masyado akong nagpakontrol, dapat hindi ko sila pinatulan. Dapat hindi na dahil sa ginawa ko mas lalong lalaki ang gulo.
NATAPOS ang klase na lutang ang isip ko. Nakafocus lang ang atensyon ko sa nararamdaman ko at sa posibleng mangyari sa ginawa kong pagpatol.
Halos hindi ko na maintindihan ang buong discussion ni Sir. Sa tuwing kinakausap ako nila Beri ay pinipilit kong ngumiti, pero sino nga ba niloko ko sa mga ngiti ko. Ngiting PEKE.
“Ingat!” paalam ko kay Jhasper bago lumabas na sa jeep.
Kumaway ako at hinayaan na makalayo ang sinasakyan niya bago nag-umpisa maglakad.
Naiiyak ako. Naiiyak ako sa ginawa ko sa mga kaibigan ko, dapat kahit gano’n hindi ko sila sinagot-sagot dahil kaibigan ko pa rin sila.
Nakayuko lang ako, pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. Sana umulan para walang pasok bukas.
Hindi ko sila kayang makita, hindi ko kaya makita ang panghuhusgang mga mata nila.
Wala naman maniniwala sa’kin, sino ba naman ako? Wala nga silang mapala kahit sagot sa’kin sabay maniniwala pa sila? Mas ayos ng alam ko ang katotohanan kesa ipagpilitan na maniwala sila sa’kin.
Nasa kanila na ‘yon, kung magiging bulag o magiging bingi sila sa nangyayari. Ayos lang ako.
Kahit paano may naniniwala pa rin naman sa’kin kahit hindi ko sila talagang kaclose.
Pumasok ako sa bahay ng makarating ako. Himala, wala ang mga chismosa sa labas ng bahay. Walang nakaabang o ano.
Gusto ko ng masasandalan. Si mama.
Kay mama ko sasabihin dahil siya lang ang pwede kong pagsabihan.
Nagmadali akong pumasok sa bahay, tahimik pa rin katulad ng dati sa tuwing wala si Papa.
“Ma” nag-umpisa ng magtuluan ang mga luha ko.
Ngayon lang sila tumulo, ngayon lang sila tuluyan na lumabas at nagpakita.
Ang sakit ng dibdib ko, ang sakit ng puso ko. Sobrang sakit, hindi ko na maintindihan.
“Ma, ang sakit na” pauna kong sabi bago siya niyakap pero hindi ko inaasahan ang ginawa niya.
Malakas niya akong tinulak papalayo sa kanya, may galit ang mga mata niya at ang itusra.
Napabitaw ako sa ginawa niya.
“Ma” tawag ko sa kanya.
“Ano iniwan ka nang nobyo mo, sabay mag-iiyak ka sakin? Tigilan mo ako sa kadramahan mo Monica! Mag-aral ka sa kwarto mo at wag puro landi ang asikasuhin mo”
Natigilan ako sa sinabi ni Mama, ganon ba ang tingin niya sa’kin? Isang malandi? Bat hindi niya muna akong pakinggan?
Ang bigat na ng dibdib ko. Mula sa pag-aaway nila ni papa, sa disappointment sakin ni mama, at sa nangyayari samin ng mga kaibigan ko.
Hindi ko na alam kung ano ang kailangan isipin. Di ko na kaya ang nararamdaman ko.
Umakyat ako sa kwarto ko, binagsak ko ang sarili ko sa higaan at doon nilabas ang sakit na nararamdaman ko.
Bakit walang gusto makinig sa’kin? Kahit makinig lang sa problema ko, bakit pati si mama ayaw sa’kin?
Bakit ayaw ako ng lahat?
Ginagawa ko naman ang kailangan kong gawin, ginagawa ko lahat para magustuhan at maging proud sila sakin kahit hindi ako masaya.
Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko?
Ang papa hindi kami kayang piliin ni mama, madalas niya pa akong saktan kapag nag-aaway sila. Si mama naman isa lang akong malaking disappointment para sa kanya. Ang mga kaibigan ko ayaw din sa’kin at sinisiraan lang ako.
Nababaliw na ako, parang hindi ako mahalaga sa lahat ng bagay. Ayaw ko na.
Tumayo ako sa kinahihigaan ko, hindi na ako nag-abala na punasan ang luha ko.
Hinubad ko ang uniform ko at doon lumabas ang mga hiwa na ginawa ko kagabi sa katawan.
Kinuha ko sa bag ang blaide na binili ko kaninang umaga. Hindi ko akalain na ganito kaaga ko magagamit ‘to.
Tinapat ko ang tulis ng blaide sa pulsuhan ko, bago madiin akong napapikit.
Wala naman iiyak pagwala na ako. Wala naman may gusto sa’kin.
Di ako mahal ni papa. Si mama naman disappointed sakin, at ang mga kaibigan ko galit sa’kin.
Ayaw ako ng lahat. Ayaw nila sa’kin kahit anong gawin ko.
Diniin ko ang hiwa sa pulsuhan ko, kita ko ang dugo na dumadaloy sa kamay.
Tama na, hindi ko na kaya.
Unti-unti akong nanghina, kasabay ng pagbitaw ko ng blaide na hawak ko ay ang pagbagsak ng katawan ko.
Paalam.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
PSYCHOTHERAPIST (TAGALOG) EPILOGUE
PYSC EPILOGUE“Opo mama, mag ingat ka po dyan,” nakangiti na paalam ko kay mama bago binaba ang tawag.
PSYCHOTHERAPIST (TAGALOG) Chapter 25
PYSCHO25Kaharap ang lahat nang dean, kasama ang president nang school ay tahimik akong naka-upo. Habang si mama naman ay kinakamusta ako. Si greza na katabi ko, pati na rin ang ate niya na si Doctora. Hindi ko akalain na magkapatid silang dalawa. Kaya pala medyo pamilyar ang mukha ni Dra nang una ko siyang Makita.
PSYCHOTHERAPIST (TAGALOG) Chapter 24
PYSC24Masaya at ngiting-ngiti akong pumasok sa loob ng school namin at hindi pinapansin ang mga iilan na tumitingin sa’kin. Kailangan kong masanay na palaging may nakatingin sa’kin, remember pag nasa akin ang atensyon ay galit na galit ang isang impokrita na si Bea with friends.“Bat absent ka kahapon?” agad akong napahawak sa dibdib ko bago nilingon ang nag salita. Si Greza.“Bakit ka ba nang gugulat?” nakataas ang kilay ko na tanong sa kanya. Napapansin ko na sa tuwing dumarating siya o nakikita ako ay madalas niya akong ginugulat. Alam niya naman na ang bilis kong kabahan sa mga gano’n na bagay, pero paulit-ulit niya pa rin ginagawa sa’kin. Ayaw ko naman umabot sa point na bigla ko nalang siyang masapak, o kaya naman ay bigla nalang masampal.Kaibigan ang turing ko sa kanya, hindi dahil may alam ako tungkol sa kanya kundi dahil she’s sincere sa mga lumalabas sa bibig niya.&ldqu
PSYCHOTHERAPIST (TAGALOG) Chapter 23
PYSCH23 Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon. Inaya ako nila tita't mama na umalis at pumunta sa kung saan ngayon.
PSYCHOTHERAPIST (TAGALOG) Chapter 22
PSYCH22Lumabas ako nang classroom na masama ang tingin sa’kin nang lahat. Paanong hindi’t niniwala sila kay Bea. Sa mga paawa effect na biglang mag lalabas nang pera.
PSYCHOTHERAPIST (TAGALOG) Chapter 21
PSYC21“Alam mo ikaw bumalik ka lang dito nag kanda-gulo-gulo nanaman! Wala kang ibang ginawa dito kundi ang manggulo. Bakit hindi ka nalang umalis dito nang matahimik na ang lahat?!” hesterikal na sigaw ni Mae sa loob nang room.
PSYCHOTHERAPIST (TAGALOG) Chapter 12
Buong-buo kong sabi, habang ang daliri ko ay malakas na dumadaloy ang dugo. Hindi ko sila papatawarin sa ginawa nila sa'kin, ginawa nila akong bato.Ginawa nila akong masama, pwes ngayon. Tignan nila."Hindi sa gano'n ang gusto k
PSYCHOTHERAPIST (TAGALOG) Chapter 11
Chapter 11"Anong ginagawa mo rito?" aniko ko.Hindi ko siya kilala, dalawang beses lang kaming nagkita. 'yon ay ang sa banyo ng umiiyak ako sa ginawa ng mga kaibigan ko, at ng araw na sinagot ko ang lahat ng pag-aakusa na tinata
PSYCHOTHERAPIST (TAGALOG) Chapter 10
"Depression is a mood disorder that causes a persistent feeling of sadness and loss of interest. Also called a major depressive disorder or clinical depression, it affects how you feel, think, and behave and can lead to a variety of emotional ang physical problems. Nang tinanong
