Download the book for free
CHAPTER 1: New Student
Author: Gin-yelPersephone
I am Persephone, a 3rd year high school (stage 3) at Underworld. Isa ako sa mga napiling makapasok sa paaralang ito.
In Greek mythology, si Persephone ay Queen of Underworld, and yes, I am the Queen of Underworld.
Walang sinuman ang nagbalak na kausapin ako.
Walang sinuman ang nagkamaling humarang sa dinaraanan ko.
Walang sinuman ang nakaisip na hawakan o sanggiin man lang
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
PERSEPHONE: The Queen of Underworld CHAPTER 14: Andrei's Promise
Kasabay nang paglapat ng mga labi ko sa labi ni Persephone ay ang pag-flashbak ng mga alaala ko sa mga nangyari sa nakaraan.…~FLASHBACK~Hindi ko alam kung nasaang parte ako ng gubat. Basta ang malinaw lang sa akin ay kailangan kong makalayo. Madilim ang buong paligid at tanging liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko sa aking dinaraanan. Nanghihina na ang aking mga binti sa haba ng aking nilakbay. Napahawak ako sa aking t’yan nang kumalam ito. Ininda ko na lamang ang gutom na aking nararamdaman ganoon na rin ang panghihina ng aking mga binti.Sa edad kong walong taon ay nasaksihan ko kung paanong inubos ang lahi namin. Tahimik at masaya kaming naninirahan sa kagubatan kung saan malayo sa kabihasnan. Bigla na lang may mga nilalang na sumugod at walang habas na pinagpapatay ang buong angkan namin.Ilang linggo na ang nakalipas subalit sariwa pa rin sa isip ko ang mga pangyayaring ‘yon.
PERSEPHONE: The Queen of Underworld CHAPTER 13: Awaken
Patuloy ang pag-agos ng dugo sa sugat na aking natamo dahil sa panang tumama sa akin. Ganoon na rin ang dugo sa aking bibig. Nagpalipat-lipat naman ang tingin nila sa amin ni Lulu na nakatayo sa hindi kalayuan sa pwesto namin. Dahan-dahan namang naglakad papunta sa harap ko si Andrei. Pansin ko ang panginginig ng kaniyang buong katawan habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi n’ya malaman kung saan n’ya ba ako dapat na hawakan. Kitang-kita ko sa mga mata n’ya ang hindi maipaliwanag na takot. Nanginginig n’yang itinaas ang kaniyang kamay at unti-unting inilapit sa aking mukha. Naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang mainit na palad sa aking pisngi. Nangungusap ang kaniyang mga mata at walang kahit na anong salita ang gustong kumawala sa kaniyang nanginginig na mga labi. Naramdaman ko ang unti-unting panlalamig ng aking buong katawan. Nagiging doble na rin ang aking paningin. Inilapit ni Andrei ang mukha n’ya sa mukha ko kaya mas lalo
PERSEPHONE: The Queen of Underworld CHAPTER 12: The Game
Pumikit ako. Wala na akong pakialam sa mga mangyayari. Naramdaman ko naman na humigpit ang yakap sa akin ni Andrei. Sa mga oras na ‘to ay tanggap na namin ni Andrei ang aming katapusan. Hinihintay na lang namin ang aming pagbagsak sa mga matutulis na bakal. Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin kami bumabagsak. "Are you guys okay?!" Boses 'yon ni Axel. Iminulat ko na ang aking mga mata at napansin kong nakalutang kami ni Andrei sa ere. Bumitaw na si Andrei sa pagkakayakap n'ya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Unti-unti naman kaming tumataas. Nang makarating na kami sa taas ay agad na natumba si Sariyah. Inalalayan naman s'ya ni Axel. Mabilis kaming lumapit sa kanila ni Andrei. Napansin ko naman na dumudugo ang ilong ni Sariyah. "Are you okay?" Tanong ko sa kaniya. "O-Okay lang ako. Nanghihina talaga ako kapag ginagamit ko ang power ko."
PERSEPHONE: The Queen of Underworld CHAPTER 11: Lulu
Sa pagkakaalam ko si Lulu ay nasa top 4. Hindi ko akalain na may kagaspangan pala ang ugali n'ya. Malayong-malayo kasi sa kaniyang itsura. Tsk. "Hindi ito ang tamang oras para sa ganiyang bagay.” Sabi ni Paris. “Kailangan nating gumawa ng plano kung paano tayo makakalabas dito ng buhay.” Sabi naman ni Gunner. “Nagpapatawa ba kayo?” Sarkastikong sabi ni Lulu. “Kaya kong lumabas mag-isa sa lugar na ito nang hindi humihingi ng tulong sa inyo.” Pagmamayabang na sabi n’ya. Natahimik sila dahil sa isang malakas na tunog. Mabilis akong niyakap ni Andrei at gumulong kami sa sahig. Dumapa na rin silang lahat para iwasan ang nagliliparang mga malalaking bilog sa ere. Napupuno ang bilog ng maraming tusok-tusok na kapag tinamaan ka
PERSEPHONE: The Queen of Underworld CHAPTER 10: Dinner Party
Chapter 10: Dinner Party“I want to congratulate the ten of you lalo na sina Axel at Andrei na nagpamalas ng kanilang natatanging galing kahit na bago pa lamang silang mga estudyante ng Underworld. Congratulations!” Nakatingin lang kami sa kaniya. “Halata sa inyong mga mukha ang kaba at takot. Huwag kayong matakot sa akin... hindi naman ako nangangain.”“Sino ba ang nagsabing natatakot kami sa’yo?” I smirked. Diretso akong nakatingin sa kaniya.“You have a point.” Nag-iba ang tono ng boses n’ya dahil sa sinabi ko. Bakit ba hindi n’ya na lang ipakita ang kaniyang mukha sa amin? Tsk! “Okay!” Tumayo s’ya sa kaniyang pagkakaupo. “Huwag kayong mahiyang kainin ang lahat ng pagkaing nakahain sa lamesa... don’t worry walang lason ang mga ‘yan.” Tumalikod s’ya at nagt
PERSEPHONE: The Queen of Underworld CHAPTER 9: Friendship
Tumigil kami sa tapat ng isang tree house. Hawak n’ya pa rin ang kamay ko. Mayroon pa lang ganito rito sa Underworld. Ang ganda! Umakyat kami habang hawak n’ya pa rin ang kamay ko. Nang makaakyat kami ay saka n'ya lang binitawan ang kamay ko.Napangiti ako nang makita ko ang magandang tanawin mula rito sa taas ng puno. May lake dito. Wow! Ngayon lang ako nakakita ng ganito.“Ang ganda” Nakangiting sabi ko.“Ang ganda” Napatingin naman ako kay Andrei na seryosong nakatitig lang sa akin. “Ang ganda talaga” He smiled.Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Narinig ko naman s’yang tumawa ng bahagya dahil siguro sa ikinilos ko.“Paano mo nalaman ‘tong lugar na ‘to?” Tanong ko without looking at him.“Huh?” Lumingon ako sa kaniya. Nakahawak s’ya sa batok n’ya.
PERSEPHONE: The Queen of Underworld CHAPTER 8: Persephone vs. Cyprus
Umakyat ako sa hagdan. Sinalubong naman ako ni Greg at nilagyan ako nang tali sa braso. Pagkatapos n’ya akong lagyan ay pumasok na ako sa loob ng ring kung saan nakatayo at naghihintay si Cyprus. Nagbabaga ang mga mata n’yang nakatingin sa akin.“Let the fight begins!”
PERSEPHONE: The Queen of Underworld CHAPTER 7: The Competition
Unti-unting dumidilim ang paligid dahil sa pader na lumilitaw sa buong quadrangle hanggang sa tuluyan itong nabalot. Kahit nakakaramdam na ng takot ang bawat isa ay nanatili pa rin silang kalmado at tahimik. Sobrang dilim na ng buong paligid. Naramdaman kong gumalaw ang bawat u
PERSEPHONE: The Queen of Underworld CHAPTER 6: Andrei
Naging kulay orange ang lahat ng ilaw sa buong Underworld. Lumabas ang lahat para salubungin ang bago na namang estudyante. Nanatili lamang akong nakaupo sa loob ng aming classroom. Mayamaya rin ay bumalik na sila. Umupo na ang lahat sa kani-kanilang pwesto. Isang lalaki ang nakatayo sa harapan,
PERSEPHONE: The Queen of Underworld CHAPTER 5: Beat the Queen
Huminto sa harapan ko si Drexilyn. Ang talim ng mga mata n’ya habang nakatitig sa akin. Halata ang galit sa expression ng mukha n’ya. Hindi naman na ito bago sa akin. Lahat naman ng mga estudyante dito sa U ay galit sa akin. Isang dahilan lang ang alam ko.
