Download the book for free
CHAPTER SIX: PAST
Author: modernmariaaa[Five years ago]
SAVI'S POV
I groaned as I opened my eyes. Hangover as it is. Lihim ako napamura at napangiwi nang maramdaman ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko nang gumalaw ako. Bumaling ako sa kanan at isang mukha ng anghel na mahimbing na natutulog ang sumalubong sa akin. Wala sa sariling napangiti ako pero agad ding napalunok nang bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi.
What the fuck, Savannah? You are sore down there yet you still managed to fantasize him.
Umiling ako at dahan-dahang umalis sa kama. I went inside the bathroom. Tiniis ko ang hapdi sa pagitan ko habang naliligo. Pagkatapos ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Hindi ko iyon nagawa kagabi dahil sa pagkasabik. Haha. Napadako ang mga mata ko sa orasan na nakasabit malapit sa may pintuan. Alas-kwatro y media pa lang ng madaling araw. Ibig sabihin, mahigit tatlong oras lang ang tulog ko. The f?
Naagaw ang atensyon ko nang marinig ang ringtone ng selpon ko. Agad ko iyong kinuha sa ibabaw ng mesa na nasa gilid lang ng kama at sinagot ang tawag.
“Hello, Savi? Where the hell are you?! We need to go. Cali is so grumpy.” Bungad ni Em sa kabilang linya.
Hindi na ako nakapagsalita at mabilis na kumilos. Napatigil lang ako nang akmang pipihitin ang door knob para lumabas. I looked back and unconsciously walk towards the bed. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha.
Napangiti ako. “'Til then, my innocent baby.” I whispered over his ears and kissed his lips one last time before leaving him, inside that room, peacefully sleeping.
“At saan ka naman nanggaling na maharot ka?” Irap ni Em bago naupo sa tabi ko sa loob ng eroplanong maghahatid sa amin pabalik sa London.
Tumawa ako. “Tumikim ng masarap at fresh na ulam.” Then I winked at her.
“What? Hindi ka manlang nag-share?” Hampas niya sa braso ko.
“And why would I? He is all mine.” Ngising aso ko na ikina-simangot niya. “Anyways, what happened to her?” Pagbabago ko ng usapan patungkol kay Cali. She is sitting at the back with headphone on her ears.
“I don't know. But I have a hint that she saw something last night kaya nagkaganyan. Alam ko namang suplada siya, but right now, she is so very grumpy like she is about to punch anyone.” Pagkwento niya na ikinatango ko. Tumahimik na kami pareho dahil baka naririnig pala niya kami at bigla na lang kaming sapakin.
I closed my eyes as I dream of those memories of us together that night with a smile on my face.
Napabalikwas ako ng bangon at dali-daling tumakbo papunta sa banyo nang maramdaman kong parang bumabaliktad ang sikmura ko. I threw up on the toilet. Pawisan akong napakapit sa sink at napatulala habang nakatitig sa salamin. Alas-tres pa lang ng madaling araw at ganito agad ang gumising sa'kin.
Could it be?
Hindi malabo. I'm two weeks delayed from my cycle.
Isang buwan at mahigit na ang nakalipas pagkatapos noong misyon namin sa Pilipinas. At ang isang buwang iyon ay bakasyon ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang pumasok sa isa ko pang trabaho. I'm a regular employee sa isang Magazine Company. Iyon ang dahilan kung bakit talaga ako nandirito sa London. I was transferred here. Being an agent was just my sideline job. At hindi iyon alam ng family ko.
I sighed and wash up. Lumabas ako ng banyo at nagtungo sa kusina. Medyo kumalam ang tiyan ko. Looks like there is really a little angel inside. Lihim akong nangiti roon. Thinking of me being pregnant, even without yet testing, makes me overwhelmed. Hindi ko alam kung bakit.
Pero naalala ko ang pamilya ko. Kung sakali man, matatanggap kaya nila? And my work, what will I do now? I shook my head to get rid of my thoughts for a while. Bahala na. I will just think about it kapag nakapag-take na ako ng pregnancy test.
Ayon nga ang ginawa ko pagkasapit ng alas-sais ng umaga. Bumili ako ng tatlong PT sa drug store at agad iyong sinubukan. At nanginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa tatlong bagay na iyon. Umawang ang mga labi ko. Napakurap-kurap, baka-sakaling nananaginip lang ako. Pero nang wala pa ring magbago ay napasinghap na ako.
“Oh my God!”
Bawat PT ay pare-parehas lang ang ipinapakita. Two red lines. Positive.
Is this for real?
Napaluha ako sa di maipaliwanag na tuwa at kaba. Wala sa sariling napahawak ako sa tiyan ko at hinimas-himas iyon. Iba pa rin pala talaga kapag alam mong sigurado na at may ebidensya.
They must know about this. Especially, my decision to quit. Kaya kinabukasan ay pinatawag ko sina Em at Cali sa mismong opisina ng Boss namin. Sa kanilang dalawa ko muna sana ni Em sasabihin kaya lang ay naisipan kong isama na rin si Boss para isahang announce na lang.
“So, bakit mo kami pinatawag, Savi?” Pagbasag ni Em sa katahimikan na bumabalot sa loob ng opisina ni Boss. Nakaupo kaming parehas sa sofa pero magkaharapan ng pwesto. Habang nakasandal sa glass wall ng opisina ni Boss si Calista at tahimik lang na nagmamasid. Samantalang nakaupo si Boss sa swivel chair nito habang iniikot-ikot iyon nang marahan.
I looked at them, one by one. Pero nagtagal iyon kay Boss. Napahugot ako ng maraming hininga at marahas na pinakawalan iyon. “I'm quitting.” Lakas-loob kong sambit.
“Why?” Ayon na naman ang malamig na boses ni Boss. Nagsusumigaw ng awtoridad.
Napayuko ako. “I'm pregnant. I'm sorry.”
Saglit na naghari ang katahimikan like they are still absorbing what I just declared. I fidgeted my fingers while waiting for their reactions. Ilang minuto akong naghintay. May narinig akong parang nalaglag na kung ano kaya napatingala ako.
“Fuck. How many weeks?” Singhap ni Boss kalaunan nang mapagtanto ang sinabi ko.
Umiling ako. “I don't know. I still haven't visit an ob-gyne. Kahapon lang ako nag-take ng pregnancy test.”
“Omygad! Ninang ako!” Tili ni Em, halatang natuwa sa sinabi ko.
“It's good you told us ahead of time. I'm about to assign you somewhere. But wait, how did that happen?” Tanong ni Boss habang nakakunot ang noo. I blinked at him. Is he serious about that?
I was ready to tell him when Cali spanked his head. “Don't you had a subject about Biology, David?” Masungit na turan niya. Kung hindi ko lang talaga sila kilala, mapagkakamalan ko silang magkasintahan. But they are not, though. They are like cat and dog that always tease each other. But our Boss, David, is really protective and sweet when it comes to her.
“Of course I knew that. I was just curious because I know she has no boyfriend nor husband. What's wrong with you?” He hissed at her, dinedepensahan ang sarili.
Umingos si Cali. “Are you a stalker? How are you sure she has no boyfriend at all? And you do realize that sex happens not only between couples?”
“Oh, that happened to her then?” Boss innocently shook his head like he realized something. I chuckled mentally at his reaction. Cute. “But why are you mad at me?” Simangot nito bigla kay Cali.
Cali just rolled her eyes at him like he is somewhat a slowpoke before looking at me. “What's your plan, then? Uuwi ka ba ng Pilipinas?”
Tumango ako. “I want to tell this to my family.”
“Then I will accompany you. Since I have nothing to do here anymore.” Saad ni Em.
Humarap ako sa kanya at napangiti. “Thank you. Pinag-isipan ko talaga kung paano sasabihin sa inyo 'to without judging me.”
“Ano ka ba, Savi? We are bestfriends here. Kahit mag-asaran at magpikunan tayo, when it comes to this kind of thing, we have no right to judge each other. What we can only do is to support. And that's a blessing. You should be thankful for that.” I don't know if it's a pregnancy thing being sensitive or what Em just said was really heart-melting that made me shed tears. Agad kong pinalis iyon.
“Can I ask who?”
I looked back at Cali who's waiting for my answer. Tipid akong akong ngumiti, nahihiya, tsaka umiling. “I only memorized his innocent face that night.”
And I thank them for not judging me. For supporting me still. It's really good to have bestfriends like them. And I prayed to God na sana ganoon din kalawak sa kanila ang pang-unawa ng pamilya ko. But unluckily, not.
“Buntis ka? Sinong ama? Mayaman ba? Kailan pa 'yan?” Sunod-sunod na tanong ni Mama nang aminin ko sa kanila. Padalawang araw ko na ito rito sa Pilipinas at doon sa bahay ni Em ako nagpalipas ng isang araw habang kumukuha ng lakas ng loob na umamin sa pamilya ko.
Umiling ako. I heard them gasp in disbelief.
“Ano?! Hindi mo kilala?! Nagpabuntis ka sa taong hindi mo kilala?! Nahihibang ka ba? Hindi ka namin pinalaking disgrasyada!” Sigaw ni Papa at dumapo ang malaki niyang palad sa pisngi ko.
I was stunned at the moment. Hindi ko inaasahang magagawa niya akong pagbuhatan ng kamay. Pero agad ko iyong hinawakan. Alam kong namumula iyon. “I'm sorry po, Ma, Pa. Hindi ko sinasadyang mabuntis. Gagawin ko po ang lahat mapatawad niyo lang ako.” Nagawa ko pang yumuko para humingi ng tawad. Hindi ko sinasadyang mabubuntis ako, pero oo, sinadya kong may mangyari sa amin ng lalaking iyon.
“Ipalaglag mo ang bata. Isang kahihiyan iyan sa pamilya natin.”
Napatigalgal ako sa sinabing iyon ni Mama. Umawang ang mga labi ko at di makapaniwalang tumingin sa kanya. “A-Ano po? Gusto niyong p-patayin ko ang batang dinadala ko?” Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang mag-iwas siya ng tingin. Ilang beses akong lumunok bago tumingala, nagpipigil ng luha.
“Kilala ang Papa mo sa negosyo. At isang kahihiyan sa pangalan niya kapag nalaman ng mga ka-negosyo niya na may anak siyang nagpabuntis lang sa kung sinong lalaki.” Paliwanag niya na parang iyon na ang sagot sa lahat ng katanungan ko.
Doon na napatulo ang mga luha ko. Paano nila nasasabi ang mga ganito?
“Iyong sasabihin na lang po ba ng iba ang iisipin ninyo at hindi ang kapakanan ko at ng batang dinadala ko? Ma, Pa, apo niyo po ito. Bakit ganyan kayo magsalita?” May pagmamakaawa sa boses ko.
“So, ano? Gusto mo kaming idamay sa kahihiyang dala mo? For goddamn sake, Savannah, gumawa ka naman ng tama para sa pamilyang 'to.” Sabad ni ate na kanina pa nagmamasid. Magkahalong galit at panghuhusga ang ipinupukol sa akin.
“At ang ipalaglag ang bata ang tamang gawin para sa inyo? Ganoon ba?” Maanghang kong tanong sa kanila, pilit ipinapaintindi ang lahat.
“Kung hindi mo kaya, lumayas ka sa bahay na ito. Wala kaming anak na bayaran. At hinding-hindi namin matatanggap ang bastardong 'yan, buhayin mo man o hindi.” Walang pusong turan ni Papa.
“Wala ka talagang magandang dulot sa pamilyang ito.” The hatred in my sister's voice was visible.
I tapped my chest, slightly massaging it where my heart is located. Hindi ko kinakaya ang mga binibitawan nilang mga salita. Parang hindi ko na sila kilala.
“All my life, simula pagkabata ko, sinunod ko lahat ng gusto niyo. Lahat ng sinabi niyo, ginawa ko. Nag-aral ako nang mabuti. Nagtapos nang my medalya. 'Yong kursong gusto niyo na kuhanin ko noong college, sinunod ko. Kahit hindi iyon ang gusto ko.”
Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Hinayaan ko lang tumulo, hindi dahil gustong kong kaawaan nila ako, kundi dahil hindi ko na magawang pahiran iyon. My hands were shaking in madness.
“Ginawa ko ang lahat para maging proud kayo sa'kin. I have been the good daughter you want me to be. At nang dahil lang dito, mawawala lahat ng mga sinakripisyo ko para sa inyo? Why do you have to be so cruel? Pagtanggap niyo lang ang hinihingi ko, kahit hindi niyo ako suportahan dahil kaya kong buhayin itong anak ko nang mag-isa. Pagtanggap niyo lang, iyon lang, pero hindi niyo pa magawang ibigay. Ipinagkakait niyo pa, dahil pangalan niyo lang ang mahalaga sa inyo.” Pinilit kong humakbang paalis kahit nanghihina ang mga tuhod ko.
“Hindi ako nagsisising nabuntis ako. Alam niyo kung anong pinagsisisihan ko sa lahat? Iyon ay ang katotohanang... kayo pa ang naging pamilya ko.” I said, full of pain and hatred, before abandoning them.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
One Innocent Night (TagLish) CHAPTER TWENTY-THREE: I LOVE YOU
SAVI’S POVMaaga akong gumising. Naupo ako sa kama at tinakpan ko ang hubad kong katawan gamit ang puting kumot. Bumaba ang tingin ko sa lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko. Alas-tres pa lang ng madaling araw kaya tulog-tulog pa siya ngayon. Maingat kong hinimas-himas ang buhok niya para hindi siya magising. Mami-miss ko ang inosenteng lalaking 'to na bumihag sa mailap kong puso. Pinakatitigan ko ang mukha niya at kinabisado lahat ng parte nito. I caressed his nose, down to his reddish cheeks, using my right thumb. And last, to his soft lips. Parang may nag-uudyok sa‘kin na halikan siya kaya ginawa ko. Dumukwang ako palapit sa kanya at pinaglapat ang aming mga labi. Hindi ako gumalaw dahil baka magising siya. Isang minutong magkalapat ang aming mga labi. Mariin akong napapikit at hinayaang tumulo ang isang butil ng luha sa aking mata. At kasabay nang pagmulat ng mga mata ko ay ang unti-unting paglayo ko sa kanya.
One Innocent Night (TagLish) CHAPTER TWENTY-TWO: LAST
SAVI'S POVI opened my eyes and an unfamiliar ceiling immediately welcomed my sight. Kumunot ang noo ko at mabilis na sinuri ang kabuuan ng kwarto. The room looks and smells so manly. Kulay itim at asul ang motif ng silid na nagbibigay ng kalmadong ambiance. Organisado ang lahat ng mga gamit na sa unang tingin palang ay masasabi mo na agad na mamahalin ang mga ito. Sobrang linis ng paligid na tipong alikabok ay mahihiyang tumambay manlang rito.Kanino naman kaya 'to? And why the hell I am even here?Umawang ang mga labi ko nang dumako ang mga mata ko sa taong mahimbing na natutulog sa kabilang side ng kama kung nasaan ako nakaupo.What the hell? Paano nangyari 'to? Bakit siya nandito? Ano bang nangyari? Sinilip ko ang kabuuan ko at napansing wala namang nagbago o nawala sa suot ko pati na rin yung sa kanya na suot namin kaning
One Innocent Night (TagLish) CHAPTER TWENTY-ONE: BREAKING
SAVI’S POV“Anak, doon ka muna ulit kina Lolo mo, ha? May gagawin lang si Mommy.” Pagkausap ko kay Aiken habang kumakain siya ng spaghetti. Again.Agad namang nagliwanag ang mukha ng anak ko. “Talaga po, Mommy? Yes!” Masaya niyang saad.Mahigit isang buwan na kami rito at masasabi kong sa loob noon ay mabilis na nakapag-adjust ang anak ko sa kapaligiran dito. Lalo na sa mga taong nakakasama nito. Marunong na rin siyang mag-Filipino pero may bahid pa rin ng konting accent. Hindi naman maiiwasan iyon lalo pa't nasanay siya sa London.Pero nakakatuwa na sobrang close agad niya sa parents ni Aiden. Ayaw na ngang humiwalay, e. Tsaka palaging may bitbit siyang mga laruan at damit sa tuwing sinusundo ko siya kina Mommy (Iyon daw ang itawag ko sa kanila) o kaya naman kapag hinahatid nila pauwi si Aiken. Mukhang spoiled na agad sa kanila ang anak ko. Siguro kasi unang apo nila kay Aide
One Innocent Night (TagLish) CHAPTER TWENTY: CHASE
"Run fast, hide far away, baby. 'Coz no matter what, I'll chase you on my own way."SAVI'S POVThree days. Three fucking days already have passed and still, no sign of him. Hindi ko alam kung nasaan siya. Every time na pumupunta ako sa office niya, palaging 'he already left. I'm sorry, ma'am' ang sagot ng sekretarya niya sa'kin. Even in his penthouse, wala siya. I don't know where I could find him, but one thing is I'm sure of, he's with Blanca. Mali man na mag-isip ako ng kung ano-ano pero di ko maiwasan. Hindi ko nararamdaman ang presensiya ng hipon na 'yon at kahit ang kanyang anino ay di ko manlang nakikita pa. And that's what I concluded. Tatlong araw na ang lumipas mula nang malaman niya na may anak ako. I've been calling and texting him na magkita kami para makausap ko siya ng maayos, but no response from him. I want to explain my side to him. I want to explain everything... na mali ang
One Innocent Night (TagLish) CHAPTER NINETEEN: HOPE
SAVI’S POVInilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng opisina niya. The atmosphere is so dark and boring. There are shelves of books around. Then isang shelf naman na puno ng mga mamahaling alak. I shook my head.Pagkarating namin kanina ni Aiden dito sa mansion nila, as in pagpasok pa lang namin ng main door, si Mrs. Laurel agad ang sumalubong sa‘min... sa‘kin. She hugged me na ikinagulat ko and what's more shocking was that, she feels sorry because of what his husband said to me. And asked me if I'm okay or so. Maybe because Aiden already told her what has happened to me. Nginitian ko na lang siya and told her it's fine. Parehas lang talaga sila ni Aiden kung mag-alala. Now I know kung kanino nagmana si Aiden. Huminto ang mga mata ko sa babaeng prenteng nakaupo sa mahabang sofa. She's smirking and glaring at me at the same time. I just raised my brows at her. Hindi ko
One Innocent Night (TagLish) CHAPTER EIGHTEEN: NOT
BLUE'S POV “Thank you.” Sabi ko sa nurse sa front desk after kong magbayad ng bills. Binayaran ko na kasi iyong bill ni Savi rito sa Vasquez Hospital. The Doctor said she's okay naman daw at mukhang pagod at stress lang daw ang baby ko kaya nawalan ng malay kahapon. Stress siguro siya dahil sa nangyari kahapon sa mansion and isama pa na tumakbo siya paalis. Grabe iyong pakiramdam ko kahapon nang matumba siya sa mga bisig ko. I felt my world suddenly stopped for the meantime. Sobrang kaba ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. My breathe isn't on its normal state. Then nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho papunta sa hospital. Buti nalang at kahit papaano ay nakarating kami nang maayos because I can't risk her life. Dito na nga ako na
One Innocent Night (TagLish) CHAPTER SEVENTEEN: LAURELS
BLUE’S POVNapapantastikuhang napapamasid ako kay Savi habang nakaupo siya sa couch. Sarap na sarap siya sa pagkain ng tinapay na pandesal habang sinasawsaw sa malamig na gatas. Hindi ako maka-pagpokus sa ginagawa ko kasi maya't maya ko siyang tinitingnan.
One Innocent Night (TagLish) CHAPTER SIXTEEN: MOOD
BLUE’S POV“Let's call it a day. Meeting adjourned. Thank you everyone.” Tumayo na ako at nauna nang umalis sa conference room. We just had a meeting together with the Board of Directors and talked about the monthly sales of ABL Enterprise. Tumagal din iyon
One Innocent Night (TagLish) CHAPTER FIFTEEN: WAKE-UP
SAVI'S POV"Good morning, Ms. Cortez." Bati sa'kin ni Catrice nang makapasok ako sa loob ng Sahara Club. She is serving some customers malapit sa entrance kaya naman siya agad ang bumungad sa'kin. I mentally rolled my eyes. "Kailan ka pa naging w
One Innocent Night (TagLish) CHAPTER NINE: COUSIN
SAVI'S POV Kinunutan ko ng noo si Blue. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kanya o ano dahil sa mga ikinikilos niya. Kalalabas ko lang galing sa kwarto niya. Nagpalit kasi ako ng damit na pinabili pa niya sa pinsan niyang babae na ilang minuto nang nakaalis.
