Download the book for free
Chapter 9
Author: pain2000Ang saya ko ngayon dahil nakauwi na si papa. Pero nakakapagtaka lang. Bakit biglaan ata ang pag-uwi ni papa. Ang alam ko kasi, tuwing December lang sila umuuwi. Pero ang mahalag nandito na si papa. Makakasama na namin siya ulit. Kaya binilisan ko na ang pagpapalit ng damit upang matulungan ko pa si mama na e-prepare yung paboritong ulam ni papa na chorizong pancit.
"Bret, tawagan mo nga ang kapatid mo. Bakit hindi pa siya nakakauwi hanggang ngayon. Baka dumating na yung papa mo at wala pa siya. Baka magalit 'yun." Utos ni mama habang inaayos ko ang lamesa.
"Sige na." Dugtong pa niya.
Kaya hindi ko na lang tinapus ang ginagawa ko at bumalik ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko. Saan ba kasi yung kapatid ko at hindi pa siya nakakauwi.
*Dialing
Out of coverage area raw. Hah? Bat di ko siya makontak.
Ang pumasok agad sa isip ko ay kung baka napahamak na yung kapatid ko. Kalat pa naman ang balitang may ng re-rape sa kabaling barangay. Baka na pano na 'yun. Kailangan kong sabihin kay mama 'to. Pero baka mas mag-alala pa si mama. Echat ko lang muna mga kaibigan niya, baka may alam sila."Good evening. Jazelby, matanong ko lang kung magkasama ba kayo ngayon ni Letecia?"
*Delivered/send
*Typing...
"Ay! Opo ate. Magkasama po kami ngayon. Hindi siya nakapagpaalam na pupunta kami ngayon sa mall para bumili ng mga materials para sa project namin dahil na low bat siya." Reply ni Jazelby.
"Ahhh... okay. Pauwi na ba kayo? Sabihin mo sa kaniya na uuwi si papa ngayon." Reply ko.
"Okay po." Mabilis nitong sagot sa akin.
Pagkatapus, bumalik agad ako sa kusina para ipaalam kay mama na nasa mall pa si Letecia. Baka nag-alala na 'yun dahil natagalan ako.
"Bakit ang tagal mo atang tawagan yang kapatid mo! Saan na raw siya?" Wika ni mama habang nililipat ang pancit sa malaking lagayan.
"Kasi po... nasa mall pa raw sila. May binili lang na materials para sa project raw nila." Sagot ko kay mama habang nilalagay ko ang mga plato sa lamesa.
"Bakit hindi siya nagpaalam sa atin bago siya pumunta ng mall! Yang batang 'yan." Medyo galit na sabi ni mama.
"Sige na. Maghanda ka na para sabay pagdumating na yung kapatid at papa mo, okay na." Dugtong pa ni mama.
Kaya binilisan ko na ang paghahanda para matapus na ako agad. Bumalik sa akin ang katanongan kung bakit nga biglaan ang pag-uwi nila papa. Kaya tinanong ko si mama tungkol dito.
"Ma!" Pagtawag ko kay mama na ngayo'y nakaupo sa upuan, sa dulo ng mesa.
"Bakit?" Tanong niya tapos tumingin sa akin.
"A-ahhmmm... Bakit biglaan yata ang pag-uwi nila papa ngayon? Diba sa December pa uwi nila!"
Hindi naman sa hindi ako masaya na uuwi si papa. Nakakapagtaka lang kasi.
*Tokkk...
*Tokkk...
May biglang kumatok ng dalawang beses sa pintuan.
"Tingnan mo nga. Baka papa mo na 'yun." Utos ni mama.
"Sige po ma."
Mabilis kong tinungo ang pintuan dahil excited na akong makita ulit si papa. Miss na miss ko na kasi siya. Bawat segundo ng pagbukas ko ng pinto. Katumbas nito ang saya na aking nararamdaman. Makikita ko na si papa, ng tuluyan ko ng nabuksan ang pinto.
Naging blangko ang lahat ng paligid. Walang ingay na naririnig, walang ibang iniisip, at walang ibang makita. Kundi ang tanging buong katawan ni papa na ngayo'y nasa harap ko na. Agad kong niyakap si papa ng napakahigpit at unti-unti na ring tumutulo ang aking mga luha mula mata hanggang sa panga ko. Pumapatak sa bandang likuran ni papa.
"Kamusta ka na, nak?" Tanong ni papa sabay pag-awat ng yakapan namin.
"Okay na okay pa. Ikaw pa? Parang tumaba ka 'ata, eh." Sagot ko kay papa ng napakasaya.
"Hahaha... ikaw talagang bata ka." At tinitigan ako ni papa.
"Halika ka nga rito." Wika niya at binuksan niya ang kaniyang mga braso na nakahandang yayakapin ko siya.
Ramdam ko ang saya at pananabik na nararamdaman ni papa ngayon dahil sa lakas ng pagtibok ng puso niya.
"Hon?" Sobrang pananabik ang umukit sa mukha ni mama ng makita si papa.
"Hon?" Gayun din si papa.
Tumakbo si mama papunta kay papa at nagyakapan sila agad ng napakahigpit. Umiiyak na si papa. Nakikita ko ang bawat paglabas ng luha niya sa kaniyang mga mata. Nakaharap kasi si papa sa akin ngayon habang yakap-yakap si mama.
"I miss you so much, hon." Malambing na pagkakasabi ni papa. Sabay halik sa forehead ni mama.
Kitang-kita ko ang labis na pagka-miss ni papa kay mama. Ang paghalik niya na may malalim ba kahulugan. Lahat ng pagod at pangungulila niya sa amin ay napalitan ng saya at labis na pagmamahal.
"I miss you so much din hon. Kami ng mga bata, miss na miss ka namin." Sagot ni mama na sobrang basa ng mukha dahil sa mga luha niya.
Ng makita kong basang-basa si mama dahil sa mga luha niya. Agad akong tumungo sa kwarto nila mama at papa para kumuha ng panyo, pangpunas sa mukha nilang dalawa. Biglang tumunog ang phone ko.
May nag chat. Alam kong sa messenger 'yun dahil sa ringtone pa lang. Kaya agad kong tiningnan kung sino ito.
"Ate, pasundo naman dito sa highway. Wala na kasing sasakyan papasok sa barangay natin." Chat ng kapatid ko.
"Okay, sige. Hintayin mo ako diyan." Reply ko.
Ito talaga yung pinaka ayaw ko sa lahat. Okay na okay na sana ako dito bahay. Tapus, gagambalain ka pa. Wala akong choice kundi ang sunduin yung kapatid ko. Hindi naman puwedeng si papa ang susundo. Eh, galing pa siya sa byahe. Syempre pagod pa 'yun. Si mama naman, hindi marunong magdrive. Ako na lang talaga.
Kaya lumabas na agad ako ng kwarto at bumalik sa sala para iabot nila mama at papa ang panyong dala ko."Ma, pa. Susunduin ko lang si Letecia. Nasa highway daw siya, naghihintay. Wala na raw kasing sasakyan na maghahatid sa kaniya papasok dito sa atin." Pagpapaalam ko kay mama at papa sabay abot ng panyo sa kanila.
"Okay, sige. Mag-ingat kayo hah!" Wika ni papa.
"Bilisan niyo at kakain na tayo pagdating niyo. Pero hinay-hinay lang sa pagdridrive!" Paalala ni mama.
Ito si mama, hindi ko maintindihan minsan. Ang labo kausap. Bilisan daw namin pero maghinay-hinay sa pagdridrive. Siguro, gusto niya kaming magmadali pero mag-iingat. Nagamit na tulog ang critical thinking ko.
Kinuha ko muna ang susi ng motor namin sa ibabaw ng refrigerator. Pagkatapos, pinaandar ang motor at umalis agad. Nandito na ako ngayon sa highway at nakikita ko na ang kapatid ko sa malayo.
Kilalang-kilala ko ang tayo at uniform na suot nito. Parang kanina pa 'to naghihintay ng sasakyan na maghahatid sa kaniya. Pero wala nga talaga."Hoy, halika na." Pasigaw kong tawag sa kaniya na nakasimangot ang mukha niya.
"Eh, nakakainis eh. Kanina pa ako dito pero walang gustong humatid sa akin. Gutom na ako." Padabog siyang sumakay.
"May surprise kami ni mama sayo!"
"Ano naman 'yun?" Galit niyang tanong. Hindi pa siya nakaka-move on sa nangyari.
"Surprise nga diba?" Maldita kong sagot.
Akala niya hah. Haha.Hindi na kami nag- usap hanggang sa umabot kami ng bahay. Nauna na siyang bumaba at dumiretsong pumasok sa bahay. Hindi pa ako nakapasok sa loob ng bahay ay biglang sumigaw nang napakalakas si Letecia.
"Papa!"
Natawa na lang ako sa narinig ko. Papa's girl kasi yang kapatid ko. Spoiled kay papa. Kaya ganiyan na lang ka grabe ang reaction ng kapatid ko. Pumasok na ako sa loob para makakain na kami. Gutom na rin kasi ako. Sa bango ng ulam na luto ni mama, gugutomin ka talaga. Sabay kaming kumain ng hapunan. Puro kuwento at subo ng pagkain ang ginawa namin. Nakakamiss talaga ang ganitong eksena namin sa hapagkainan. Miss talaga namin si Papa.
Share the book to
Facebook
Twitter
Whatsapp
Reddit
Copy Link
Latest chapter
One Fifty (Tagalog) Chapter 45
Sumunod ako sa abroad kung saan nakatira si Tito Carlos. Dahil nga sa nangyari sa amin ni Cyrus. Kailangan kong mag move on. Kahit mahirap, kailangan kong maging matatag. Nagbabasakali rin ako na sa pagpunta ko sa ibang bansa kung saan mas malayo sa lugar na parati kong maiisip ang mga memories naming magkasama ay mas madali ko siyang makakalimutan. At para madala ko rin ang aking pamilya pag naging successful ako sa pagtatrabaho dito.Mag o-one-year na ako dito sa Canada. Hindi ko na gaano naiisip si Cyrus. Nung sinabi niyang, sana hindi mawala ang communication namin. Binura ko lahat ng puwede magconnect sa amin. I chose not to hear anything from him. Para sa ikakabuti ng lahat.I've been dat
One Fifty (Tagalog) Chapter 44
A day before the Party sa bahay nila Cyrus. Noong una niya akong dinala sa bahay nila para ipakilala sa parents niya."Tita? Sigurado po ba kayo sa desisyon niyo?" Tanong ni Calvin."Oo. I know na magiging mahirap para sa anak ko. Pero ito ang makakabuti kung hindi natin susuwayin ang kagustuhan ng husband ko. He done too much for us."A month before nagkakilala si Bretta at si Cyrus."Hon.""Ano yun hon?""I have something to tell you very important."Lumapit ang mommy ni Cyrus sa husband niya kung saan nakaupo sa kama nila.
One Fifty (Tagalog) Chapter 43
"I'm so sorry ma. Ang sakit-sakit lang kasi talaga.," habang umiiyak ako. Naramdaman kong nababasa na ang left shoulder ko. Umiiyak rin ba si mama? Mas sumikip tuloy ang dibdib ko. I grabbed her back shirt hugging her so tightly. "Ate," biglang dumating si Letecia.Lumingon ako para tingnan siya. Kitang-kita ko rin sa mukha niya ang lungkot, nakikiramdam dahil kapatid niya ako."Bakit anak?" Tanong ni mama."May gustong kumausap kay ate. Si Kuya Cyrus po. Nandito na po siya. Naghihintay sa baba." Sagot naman niya habang nakatayo lang sa gilid ng pinto.Tumingin ako sa mga mata ni mama. Umiiyak rin nga siya. Hinihintay ko ang magiging response niya sa sinabi ni Letecia. Kung baba b
One Fifty (Tagalog) Chapter 42
"I'm so sorry about this Bret. I can't do anything para salbahin ang relasyon niyo ni Cyrus. Wala akong magagawa kundi sundin rin ang gusto ni Tita. I owe her a lot, even my life. Utang ko sa kaniya lahat-lahat ng meron ako ngayon. Nung namatay si mama. Si Tita na ang bumuhay sa akin simula nung napangasawa ni Tita yung amo namin ni Cyrus. We have nothing without Tito. Dahil sa kaniya nagkaroon kami ng chance upang mamuhay bilang isang marangal na lalaki at tao. Kaya ang matutulong ko lang sa inyo ngayon ay ang paghiwalayin kayong dalawa. Pag nag-usap na kayo ni Cyrus. Siya na mismo ang sasagot at magsasabi sayo lahat-lahat ng mga bagay, at katanongan diyan sa isip mo. I am really sorry talaga Bret. Goodbye Bret."At umalis na siya.Wala akong maisagot sa sinabi ni Calvin. Ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak ng umiyak. I am not prepared. Bigla-bigla na lang kasi itong nangyari. Hindi ko 'to nakit
One Fifty (Tagalog) Chapter 41
"Timothy! Wake up!""What is happening to him?""He's just dreaming," a voice coming from nowhere. I tried to find those voices. Until I felt something hurtful sa mukha ko. At unti-unti kong dinilat ang aking mga mata, sabay hawak sa pisngi ko."Ouch, that hurts!""What happened to you? You're dreaming like being possessed by something," as mommy describe me nung naniginip ako."It was nothing. I'm just tired." I answered.
One Fifty (Tagalog) Chapter 40
Makita ko si Calvin papasok sa loob ng Jollibee. What is he doing here? Bakit pinapasok siya ng guard, eh hinarang nila ako kanina. So, I check my watch and found out na it's eight a.m. na pala. Kaya bumaba muna ako ng car at bumalik sa loob to order some foods to eat. Since nag coffee lang naman ako kanina.Diretso lang akong pumasok sa loob without giving some looks sa guard. Hindi naman niya ako pinigilan. Open na nga sila dahil may mga employee na silang nakapwesto na. Pero pinagtataka ko, bakit wala dito sa loob si Calvin. I just saw him entering here kanina, hah. Pano yun nawala? Baka nasa comfort room. So, nag order na lang muna ako ng burger and fries with drink. Hihintayin ko na lang siya dito sa table na sentro lang sa comfort room. Makikita ko siya dito agad paglabas niya.
One Fifty (Tagalog) Chapter 35
"Okay, I'll leave you here alone. Then, lumabas ka na lang if tapus ka na. Para makita namin, hah.""Okay po."
One Fifty (Tagalog) Chapter 34
Bretta’s P.O.V."Okay na kayo?" Sabi ko paglabas nila ng sasakyan.
One Fifty (Tagalog) Chapter 33
"Bro! Bakit ngayon ka lang?" Bulyaw ni Calvin sa akin paglabas ko ng sasakyan."Pasenya na, bro! Kanina ka pa ba?"
One Fifty (Tagalog) Chapter 32
Cyrus’s P.O.V."Timothy! Are you okay?" Wika ni mommy. Sinalubong ako niya pagpsok ko ng bahay.
